CHAPTER AOY-6

Chapter 6
Ngayon pala ang dating ng mga magulang ni Nathan.
Nakasilip lang si Chelsea sa bintana kung saan ay kita ang garahehan nila. Nang makalabas na ang magulang ni Nathan sa loob ng sasakyan ay hinintay nito ang pag baba ni Nathan sa sasakyan. Nakangiti ito at naka tago sa kurtina para hindi siya mahuling nakatingin.
Kaso walang lumalabas na Nathan hangang makapasok na ang magulang nito sa loob bahay nila.
Bakit ba ako interesado na makita ito. Hindi na nga ito nag pupunta sa bahay namin na halos limang beses na. Laging may dahilan.
Habang pababa siya ay narinig niyang nag uusap ang mga magulang nilang dalawa.
"Where's Nathan?" Pag tatanong ng daddy ko sa mommy nito. "I'm really sorry Fred. May group project daw sila noong kaklase niyang si Thea e. kaya hindi na sumama dito pero sabi ko naman na sumunod nalang" Pag papaliwanag nito sa magulang ko.
Parang sumakit nanaman ang puso niya ng marinig na mag kasama nanaman ang dalawa saka anong group project eh wala naman sinabi ang professor niya. At lahat naman ng prof nila ay walang binibigay na projects. Mag kasama nanaman ang dalawa at mas pinili nito na kasama si Thea kaysa pumunta sa bahay nila.
"Hi Chelsea. Good morning hija" nakatingalang wika ni Tita Natalie sa kanya habang kumaway. Papasok na sana siya ulit sa kwarto niya kaso nga'y tinawag siya kaya ayon tuluyan siyang napababa ng hagdan.
Ngumiti ako sa mommy nitong ubod ng lambing sa akin. Parang sila mommy at daddy lang din "Hello Tita, good morning po" sabay halik sa pisngi.
Nang ilang sandali ay pumasok ulit siya sa kwarto at nag paalam lang na maliligo muna siya at kakain sila sa may garden kasama ang pamilya nito.
Pag baba niya ay nakita niyang nag iisa si manang betchay sa kusina kaya pinuntahan niya ito at talikuran itong niyakap.
"Ay hija, may problema ba ang baby namin?" Nag hahalo ito ng juice sa pitchel.
"Wala po manang" tumingin ito sa kanya at humarap. "Nako para namang hindi kita kilala Elise alam ko na malungkot ka" tinuro nito ang mata niya "tignan mo yang mata mo oh, halatang malungkot" huminga ito ng malalim at hinawakan ang muka "Elise anak. Hindi mo matatago sakin yan, kaya please mag sabi ka"
Huminga siya ng malalim at umupo.
"Manang kase ano. Nalulungkot po ako na hindi na po pumupunta si Nathan sa bahay saka po manang bakit po hindi rin niya maalala na naging mag best friend kami noon, simula po kase noong umuwi siya dito galing Italy ay parang ibang tao napo ako sa kanya"
Hinawakan nito ang braso niya "Anak seven years old palang kayo non. Malay mo nakalimutan talaga dahil sa haba ng taon na hindi kayo nag kikita, saka baka may problema lang yung tao kaya hindi siya masyadong pumupunta dito." Ngumiti si Chelsea Kay manang betchay at iyon ang sagot sa mga sinabi nito.
"Ano pa ang problema ng alaga ko?" Pag haharot sa akin ni manang.
"Problem ko po, gusto ko po ng Graham at chocolate cake with strawberries and blueberries po" nakangiting wika niya.
Ang sweet na mukang pinasada niya kay manang. Habang nag gagawa ito ng gusto niya at tumutulong ay naisip niya muli ang sabi nito sa kanya.
May point naman si manang betchay sa sinabi nito ( Anak seven years old palang kayo non. Malay mo nakalimutan talaga dahil sa haba ng taon na hindi kayo nag kikita, saka baka may problema lang yung tao kaya hindi siya masyadong pumupunta dito ) sa bagay sa haba ng panahon may makikilala talaga na iba at bata pa kaming dalawa, seven years old at ngayon twenty one na kami at nasa edad na at marami ng pag babago.
Ang dami gumugulo sa isip ko na hindi ko alam kung bakit nalang ganito. Hindi rin naman ako dapat nag papaka apekto sa mga ganitong klaseng sitwasyon, Lalo na kung tungkol lamang sa lalake ang pag uusapan.
"Oh anak pumunta ka muna sa mommy at daddy mo, tatawagin nalang kita kapag okay na ito" wika sa kanya ni manang betchay.
Pag papunta niya sa garden ay abala ang mga ito sa pag kwekwentuhan at halos naka prepared na pala ang lahat ng kakainin nila at siya nalang ang hinihintay.
"Chelsea gusto mo anak ng chicken curry?" Biglang tanong sa akin ng mommy ni Nathan, kaya tumango ako. "Favorite yan ni Chelsea at hindi nawawala yan sa hapag" natatawang wika ng daddy niya.
"Namiss ko kaseng lagyan si Nathan sa plate niya ng mga ganito kase big boy na daw siya. kaya ikaw nalang"
"Nako tita nakakahiya naman po" kukunin na sana niya ang sandok para siya nalang ang mag sandok ng gusto niya kaso pinahinto siya niyo at ang mommy at daddy naman niya ay masayang nakatingin sa kanya.
"Kung may babaeng anak lang sana ako." Tumingin ito sa kanya "Hayaan mo dadating rin yung panahon na magiging anak rin kita" tumungiy ito sa mommy at daddy nila "At kayo Balae ko"
Ngumiti siya pero hindi niya talaga alam kung anong sinasabi nito sa kanya at hindi maintindihan "Tita what is balae po?" Tumawa ang daddy ni Nathan at ito ang nag paliwanag sa kanya.
"A term for what the parents of a couple call each other. daughter-in-law the wife of our son. You are her mother-in-law or me your father-in-law."
Tumingin naman siya sa daddy niya "Hindi ko pa papaasawahin ang anak ko kaya mag tigil kayo" tumawa naman ang mommy niya.
Nakangiti lang ako sa kanila pero hindi ko alam kung anong pinupunto nila sa akin. Ilang sandali ay Hinawakan ng mommy ni Nathan ang kamay ko.
"Gusto kita para sa anak ko hija."
Hindi siya makasagot sa sinabi nito at laging mga tugon niya ay mga ngiti.
Habang kumakain ay iba ang pakiramdam niya parang napakasaya niya ngayon at laging tumatatak sa isip niya ang sinabi nito kanina. ( Gusto kita para sa anak ko hija)
Talaga ba gusto din nila ako para sa anak nila. Pero. Biglang nalukot ang muka nito.
Hindi naman ako gusto ng anak nila.
Ilang sandili lamang ay pamarito si manang.
"Sir Fred nandito po sila Nathan"

Komento sa Aklat (65)

  • avatar
    PerequinAnthony

    u2393

    11/11/2024

      0
  • avatar
    Alliyah Mischa

    oky

    28/08/2024

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    makumbaba

    17/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata