Halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Hindi ko na alam kung paano babalik sa dating ako.
Yung tipong masayahing tao at lahat ng problema ay parang magaan lang dalhin, walang galit sa puso at puno ng pag papatawad. Kaso hindi ko Alam paano.
Ngayong nag pakalayo-layo ako gusto ko ng kalimutan ang lahat at makapag umpisa ngunit hindi pala ganoon kadali ang lahat. Hindi pala na kung ano ang nasa isipan mo ay magagawa mo kaagad. Halos isang mag iisang buwan palang ako dito ngunit heto parin ako.
Baon na Baon.
Nag pupunta narin ako sa mga resto bar para makipag saya kaso pag-uwi ayon nanaman. Lungkot nanaman ang inaabot, may roon ako nakilalang mga Pilipino dito na simple lang din.
"Elise!" Sabay yakap sa akin ng isang babae na Pinay din.
"Hello Angel! Nice to meeting you again" awra niyang papalapit dito.
Hindi naman niya hilig ang ganitong sistema, sadyang sigurong hinahanap lang niya yung club ni Calix sa pilipinas na lagi niyang ginagalaan.. wala rin naman siyang magawa sa loob ng bahay niya dahil mag isa lang siya. Kaya eto siya ngayon nag papakasaya kahit sandali lang.
Kahit sa totoo lang hindi rin maganda ang pakiramdam niya sadyang pinipilit lang niya.
"Elise are you okay? Stop drinking" mabait na wika ng kasama niya.
"No. No. Kaya ko pa" tatayo na sana si Chelsea ng bigla itong nag buwal at nawalan ng malay.
Nang magising ako nasa hospital na ako, hindi ko narin maalala ang lahat ng nangyari. Sinabihan lang ako ng doctor at ng nag dala sakin dito sa hospital matapos ng lahat ng nangyari.
Ngayon papaalis na sila at si Angel at nag pahatid na siya sa bahay niya para makapag pahinga. Habang nasa sasakyan siya ay tulad na hinihiling ni Chelsea dumaan sila sa Isa cake shop. Bumaba siya at naiwan sa loob ang kasama niya,
Paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang mga sinabi ng doctor na tumingin sa kanya lalo hindi siya nakapaniwala sa mga sinsabi nito. Gusto niyang maging masaya ngunit may parteng ikinalulungkot niya at mahirap gawin lalo na mag isa.
Pag pasok ni Chelsea sa kotse, inabot nito sa kasama ang isang box ng cake para iuwi nito sa bahay nito. Pag papasalamat rin na hindi siya nito pinabayaan. Nag salita ang kasama niya at nag pasalamat ngunit hindi na siya kumibo at tipid nalang na ngumiti dito.
Wala rin naman siyang masabi, lalo na sa mga mamersonal nitong mga tanong. At ayaw narin niyang pag-usapan pa. Para sa ikakagaan ng pakiramdam niya. Ngayon mas pipiliin na niyang nasa mabuti siyang lagay para walang ma- apektuhan.
Habang kumakain ng binili nito.. tahimik na nakatingin si Chelsea sa binatana. Nag sisi siya sa lahat ng ginawa niya, Lalo na hindi niya alam ang lahat. "Bakit hindi ko naramdaman?" "Bakit hindi ko agad nalaman?" Ilang katanungan sa isip niya. Masyado siyang nag padala sa galit at hindi na namamalayan ang nangyayari sa sarili niyang pangangatawan.
Nang makauwi sa bahay niya ay tumawag si Calix sa kanya at nag tanong tungkol sa kanya kung kamusta siya dito sa America. Ngunit kagaya ng pag babalat kayo ay wari na ayos lang siya. Hindi na niya sinabi o kwinento ang mga nangyari sa kanya ngayong araw.
"Kamusta na Chelsea? Kumain ka na ba?" Tanong nito habang nasa kabilang linya. "Mag hire kana nag kasama mo diyan, mag isa ka lang. Nakakalungkot pag ganyan"
Ngumiti ng tipid siya si Chelsea "Okay lang ako dito Calix. Hindi naman din ako palagi nasa bahay, nag wowork din kaya hindi naman naiinip saka, sarili ko lang naman inaalagaan ko ayos na ako nalang"
Kahit hindi siya nakakaramdam ng gustom ay kumain parin siya sa harap ng loptop habang kavideo call si Calix. Buti nalang may laman ang refrigerator niya at may gulay na kanina niyang niluto. Ininit nalang niya ang ulam dahil kanina lang naman ito.
Pag pasok sa kwarto, ay pumaroon siya sa may kama niya habang nakaupo at naka sanding sa headboard. Hinaplos niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya habang ang isa ay nasa tiyan niya. Ang batang dala niya ang iniisip niya, ang mga sinsabi ng doctor sa kanya. Lalo kung hindi niya iingatan ay puwedeng mawala sa kanya.
Chelsea knew that everything that happened was her fault. She literally lost everything — Pero ayaw naman niyang pati ang isang bagay na mahalaga sa kanya ay mawala. She needs to wake up — may responsibility na siyang dapat pag tuunan at Isang tabi lahat ng masamang nagawa at makakasakit sa kanya.
Nalulong siya sa pag iinom, sa kalungkutan pero heto parin yung baby at lumalaban. Mag iisang buwan na siyang buntis. Hindi niya akalain na kasabay ng lahat ng ginagawa niya ay may bata pala sa sinapupunan niya. Masyado kasi siyang nakatutok sa galit at hindi na namalayan na hindi na siya dinatnan ng buwanang dalaw.
Hawak parin niya ang tiyan. "Ang tanga ni mommy, baby. . Sorry hindi ko alam, sorry hindi ko sinasadya pero wag ka ma-sad ha kasi ngayon. Aalagaan na kita, proprotektahan nakita at gagawin ko ang lahat ng bagay para lumakas ka, thank you sa pag kapit mo kay mommy, hindi ko akalain na dadating ka sa buhay ko. Hindi ko akalain na mangyayari to."
"Pero wag kang mag alala pag dating ng panahon makikita at makakasama mo din yung daddy mo pero sa ngayon, tayo muna ha. Akin ka muna, ako muna yung mommy at daddy mo. Kapit ka lang mahal ko, kumapit ka lang. Mahal na mahal ka ni mommy"
Itinago ni Chelsea ang lahat hanggang sa dumating ang panahon na hindi niya inaakala. . . .
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
u2393
11/11/2024
0oky
28/08/2024
0makumbaba
17/06/2024
0Tingnan Lahat