Homepage/My Other Half Is Made For You/
CHAPTER F S N-60
Nasa reception na sila at tapos na ang ceremony hindi narin sila nag vows sa harap ng minister at simpleng ceremony lang. Nang pumasok sila sa reception at umupo sa harap ay marami siyang nasa isipan.
Anong feeling ni Lucia na umattend sa wedding ng ex-boyfriend niya at isa pang bridesmaid ko. Sumakit ba ang puso niya sa lahat ng ginawa ko. Kaso huwag siyang mag alala dahil may maganda akong balita sa lahat. At sa kanya. Pero bago ang lahat noon ay may paligoy-ligoy pa kase ang speaker nila.
"First of all. Let's give them a round of applause the newlyweds! Mr. And Mrs Eleonore!" Wika ni France na sa siyang isa sa speaker. "Let's give friendship and family a chance to give messages to the two of them" Ani naman ni Rose na kapareha ni France sa pag sasalita.
Nauna si Thea mag salita.
"Congratulations Mr and Mrs Eleonore. . .madami na kayong pinag daanan at pag dadaan pa ngunit lagi niyong tanda god's always have a plan para maging strong pa lalo ang relationship niyo. Nandito lang kami para sa inyong dalawa, handa makinig, tumulong at palaging samahan kayo sa lahat ng bagay sa hirap man at lungkot also for Chelsea. Ang pinaka mabait kong kaibagan" tumingin ito kay Nathan kaya ngumiti si Chelsea "Please protect my best friend, huwag mo siyang hahayaang masaktan. Nathan pinag kakatiwala namin siya sayo ng buong puso" mensahe ni Thae sa aming dalawa na nakikita at napag mamasdan ko naman na masaya si Nathan ngunit hindi ko magawa maging masaya.
Sumunod naman ay si Win.
"Congratulations to the newlyweds. . . Have a happy family and more blessings to come" tumingin ito sa akin "Hi Chelsea your dreams come true and I'm so happy for you, marami tayong pinagdaan. . . I am your shoulder to cry. When we were in college, you admire nathan since we were kids and that continued when you saw each other again. . .but we have many struggles in life. . .and i hate nathan because he hurts you. I'm sorry nathan but I don't want you for her. . . Before. because of what you do and my friend doesn't deserve that but I can't do anything. but accept because she loves you. My only request is that you love her wholeheartedly and without any girls out there"
Sa mga sinasabi ng dalawang matalik na kaibagan para durugo ang puso ko dahil alam nila ang pinagdaanan ko simula palang at hindi alam ng mga ito ang lahat dahil ayoko silang madamay. Ayoko silang makialam dahil tama na ang lahat at nahihiya narin ako. Napakasakit parin talaga pala akala ko ngayong araw na ito'y lalakas ako ngunit mas pinahirapan at pinasikip lang ang dibdib ko sa sobrang lungkot na nadarama ko tuwing naririnig ko ang mensahe.
Habang nakaupo ako dito katabi si Nathan at nag kakasiyahan wala na akong pakialam sa iba at nakatuon lang ang aking pansin sa mga salitang binitawan ng dalawang kaibagan ko. Ngayon naman ay mag sasalita ang magulang ni Nathan na sobrang suwerte ko sapagkat ganon nila akong mainit na tinanggap para sa pamilya nila. Kaso ang problema ay ang anak nilang niloko ako ng paulit-ulit.
Marami akong salitang natutunan simula ng nasaktan ako ng sobra. Marami akong nabibitawan na salita na hindi ko lubos na masasagi sa isip ko dahil hindi ako ganitong klaseng tao ngunit dahil sa galit nagiging masama akong tao. Na hindi ko na makilala ang dating ako. Pag nga naman talaga nag palamon ka sa galit lalo ka nitong paiinitin at masunog ang totoo ikaw at lumabas ang maitim mong ugali na hindi mo aakalain.
"Hi Anak at Chelsea" tumingin ang mommy ni Nathan sa akin na sobrang amo ng muka "Thank you for everything Chelsea, napa bless ko dahil ikaw ang magiging manugang ko, ikaw at kayo ng magiging apo ko ang bubuo sa pamilya naming tatlo, salamat nak sa pag mamahal na ibinigay mo sa amin ng daddy ni Nathan na magiging daddy mo na din at pati sa anak ko. Huwag ka sanang mag sasawa" ani'to "mag sasawa" iyang linya nayan ay nag marka sa sinabi ng mommy niya. Dahil sa totoo lang sawang-sawa nako, paano ko ipag lalaban ang anak niyo kung hindi siya makuntento sa iisang tao?
Gusto ko sanang umatras sa plano ko ngunit punong-puno nako. Gusto ng umatras dahil sa mga taong naniniwala sa aming dalawa pero hindi lang ako ang niloloko ni Nathan ngunit lahat ng taong nakapalibot sa aming dalawa. Sa mga mensaheng binitawan ng magulang niya, kaibigan namin at magulang ko ay hindi niya deserve yon.
Dahil mali ang pag kakakilala nila sa kay nathan.
Sa harap ng ibang tao perpekto ang relasyon namin ngunit hindi nila alam marami kaming hindi pag kakaunawaan noon at pangalawang pag kakataon akala niya siguro wala akong alam sa lahat ng panloloko niya at pinag patuloy niya yon hanggang akala niya ay tanga ako. . .Tanga ako dahil akala niya naisahan na niya ako, tanga ako kase tinanggap ko siya ngunit oo tinanggap ko siya ng buong ako ulit ngunit sinira niya. Sinira niya yung pangarap ko para sa aming dalawa.
"Ngayon naman ay bigyan natin ng pag kakataon na mag mensahe si Ms.LUCIA GWEN WHON" pananalita ni France na tumingin sa kanya kaya peke siyang ngumiti. At hinayaan niya itong mag salita.
"Congratulations Mr and Mrs Eleonore" Nakangiti ito kaya na tila mo'y napaka inosente at hindi nagiging kabit "Thank you for inviting me here. Ang tangi ko lang masasabi na maging matatag kayong dalawa sa lahat ng problema na dumating" Tumingin ito kay Nathan "Alagaan mo si Chelsea, Nathan at maging masayang pamilya" nanggigil ako talaga ako sa mga sinasabi ni Lucia, gusto ko siyang kalbuhin dahil sa mga tuwiran niya na akala mo'y walang sinisirang relasyon.
Natapos ang pananalita nito at ngayon naman ay si Nathan na tumayo sa tabi ko.
"Hi to everyone, Salamat sa pag sama sa amin sa pinaka mahalagang araw sa buhay namin—" ngunit hindi ito pinatapos ni Chelsea at inagaw ang mike. Ngumiti ito kay Nathan at sinabing siya muna. Ayaw niyang marinig ang sinungaling na pananalita nito kaya dapat siya ang mauna. Ayaw na niya ng matamis na pananalita na lalamon sa utak ng karamihan.
Ngumiti siya sa mga guess, huminga siya ng malalim.
"Hello everyone, gusto lang ulit sabihin ang sinabi ni Nathan" tumingin ito kay Nathan na nakatingin sa kanya at hindi siya ngumiti pabalik at tumingin muli sa karamihan. "God is always have new plan to us. Naniniwala ako don. . . Yung dreams ko natupad na ngayon" pinakita niya ang singsing kaya ngumiti ang lahat "I learned a lot of things in life. . Natuto ako sa mga bagay na hindi ko alam, sa mga bagay na hindi ko akalain na mangyayari sa akin. Because my couple parents did not doing bad things, they never cheat to each other. Parang fairy tale yung love story nila and at the end of there relationship will be a happy ending. Kase mahal na mahal na mahal nila ang isa't Isa" tumingin ito sa magulang niya.
"Alam natin na walang relasyon na perpekto pero iyon ang nakikita ko sa magulang ko. That's my dreams pag pumasok ako sa relationship." Tumingin si Chelsea sa screen na pinakikita ang mga pictures nilang dalawa ni Nathan "let us watch this video" Pero bago makita ang video ay bumaba siya at tinapatan niya si Lucai kung saan ito naka-upo.
Namatay ang ilaw at bumungad ang sex video ni Nathan at Lucai sa gilid naman non ay ang mga litrato. Nakatingin at pinanonood niya ang video ngunit parang nag tatangis ang luha at galit niya. Inabot naman kanina ni France ang papel kung saan tinulungan siyang makababa at makalapit kay Lucai.
Narinig niya ang gulat ng mga guest at muling nabuhay ang ilaw at nawala sa projector ang vid pero nakatapat siya kay Lucia.
Itinaas niya muli ang kamay kung nasaan ang palasingsingan, tumingin siya sa gilid niya kung nasaan si Lucai at kita niya ang kaba nito. Hinugot niya ang singsing at muling tumingin kay Lucia na hinawakan ang braso, nag lakad papunta sa taas ng stage kasama ito.
Rinig na rinig niya ang wika nito sa kanya. "Anong ginawa mo?" Tanong nito ngunit hindi niya pinansin, kita din sa mga ng lahat na naguguluhan at nag bubulungan, kita rin siya sa mga mata ni Nathan ang takot.
"Relax everyone" wika niya.
"Let's introduce my husband mistress!" Tumingin siya dito at aalis na sana sa tabi niya ngunit hinawakan niya ang braso nito "Saan ka pupunta? Ipapakilala kita sa kanila" narinig niya si Nathan na nag salita "Huwag mo sirain yung kasal natin" mahina nitong wika kaya ngumiti siya.
"Wala akong sinisira gusto ko lang na malaman nila ang totoo" mahinahon na wika ni Chelsea na tila mo'y normal lang ang lahat. Tumingin siya sa lahat may hawak itong papel "Opsss. Hindi ka pa kabit" pinunit nito ang papel "This is fake marriages, fake minister, fake ceremony, fake document" diin nito "All here's are fake! Wala totoo" tumingin ito kay Nathan "Katulad ng pag mamahal na ibigay mo sakin"
Tumingin siya sa mommy at daddy niya, sa magulang ni Nathan "Hindi tayo mag tatapos sa happy ending, wala tayo sa fairy tale, sorry pero hindi ko na kaya at sawang-sawa nako, thank you sa message niyo pero balewala na iyon dahil sa panloloko na ginagawa nila" tinuro niya ulit ang board kung saan nakita ang video na muling bumukas. "Cheater will always a cheater and a lie is always a lie" hinila niya ang buhok ni Lucia na pinapigilan na siya ni Nathan at ng ibang nasa stage kaya pinag bantaan niya ang mga ito para hindi makialam sa gagawin niya at naiwan silang tatlo sa harap.
"Etong babaeng ito ay ex-girl friend ni Nathan" tumingin ito kay Lucia at binatawan saka sinampal mag kabilaan. "Wala akong laban sa pag mamahalan niyo noon ngunit hindi rasson iyon para lokohin niyo ko patago." Tumingin ito kay Nathan at dinuro-duro "Tinanggap kita ng paulit-ulit na akala mo siguro habang buhay nakong mag papakatanga sayo" tumawa si Chelsea at tinignan ang dalawa, wala siyang pakialam sa maraming tao dahil isa ito sa plano niya. "Sorry kase natuhan nako, sorry kase ang tanga at bulag ay natuhan na at hinding-hindi na kailan man magiging tanga" tumingin siya sa nakakarami.
"Gusto kong ipaalam sa inyo ang dalawang ito na man loloko, dalawang taong pinag laruan ang Isang Francheska Eliesa Marie Watson na kilalang-kilala niyo na kaya kayo na ang humusga kung patutuluyin niyo pa sila sa negosyo nito baka kase lokohin din kayo" hinila niya ang buhok ni Lucia at kinalakad "Napag alaman ko na pilit niyang pinapabagsak ang VW Company dahil isa siya sa kamupetesya namin, Tama ba?" sabay wag-wag ng ulo nito.
"Lahat nalang gusto mo agawin, lahat nalang gusto mo, bakit? Anong dahilan mo. Inggit ka ba dahil maganda ang products na nailalabas namin at epektado, try mo yung products namin ipahid mo sa maitim mong budhi baka pumiti. Saka pangalawa try mong baguhin ang ugali at kung sino ka baka gustuhin karin ng magulang ni Nathan" saka ito itulak at napaupo. Iniwan niya ito at muling bumalik pataas.
"To my fake husband salamat sa panloloko, tinanggap kita ng buo pero winawasak mo ko ng paulit-ulit" tumingin siya sa mommy nito. "Tita sorry pero lahat ng nakikita at nakikita niyo ay hindi totoo. Walang kasal na nahanap katulad ng pag mamahal ng anak niyo na halos walang katotohanan kase niloloko niya pala ako ng patago. Ngunit natuto na ako. All of this is not real!"
"Puwede na kayong kumain pag katapos puwede na kayong umuwi"
Umalis na siya at nag drive mag isa habang naka suot ang wedding gown.
Nakasunod sa kanya kanina si Nathan palabas sa venue ng kasal ngunit hirang iyon ni France kaya naka alis siya. Kanina biglang umurong ang mga luha sa mata niya at galit ang mas tumimbang habang pinahihiya niya ang dalawa.
Nakaganti na siya.
Ngunit parang hanggang ngayon ay talo parin siya. Akala niya walang sakit, akala niya panalo siya ngunit parang nabigo siya dahil bakit ngayon ay naiiyak siya.
Bakit ngayon nanghihina siya na kanina na tila mo'y ang tapang -tapang ngunit ngayon ay tumiklop siya.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (65)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
u2393
11/11/2024
0oky
28/08/2024
0makumbaba
17/06/2024
0Tingnan Lahat