Homepage/My Other Half Is Made For You/
CHAPTER AOY- 1
Chapter 1
"Chelsea!" Hiyaw ni Winzy habang naka bisekleta. Napag isipan niyang mag jogging nalang, nagising siya ng bandang alas-tres ng umaga at hindi na madapuan ng antok at hind na makatulog.
Huminto siya sandali at tinanggal ang airpod dahil parang may tumatawag sa kanya at buti nalang hindi ganoon kalakas ang tugtog na pinapakinggan niya at narinig niya ang hiyaw ng kaibigan, kunot' noo niya itong tinignan sa malayo na ang bilis ng pag pepedal kaya natawa siya dahil huminto itong nagkakandahingal at bagsak ang pawis.
"May humahabol ba sayo?" Nagtatakang tugon niya dito na kinuha pa yung towel niya at pinunas sa pawis nito. "Wala. Pero may sasabihin ako sayo" huminga ito ng malalim saka tumingin sa paligid. Malapad ang ngiti nito sa'kin na parang may magandang sasabihin "Nakita ko si Nathan, umiwi na pala sila dito sa pilipinas. . . Ayaw na siguro sa Italy."
Naglakad siya papalayo at ikinubli ang ngiting hindi niya kayang ipakita sa kaibigan niya ngayon, a part of her life, she loves Nathan since elem days pero— hanggang lihim nalang. "Wag mong sabihin na gusto mo parin siya?" Tumingin ito sa kanya ng nakakaloko at ngumise . "So gusto mo nga?"
"Ano ka ba Win! Hindi ko na siya gusto. . . saka ikaw mag prepare kana kase bukas na simula ng class natin, pakabait kana. Para hindi ka laman ng guidance. Okay." Pag iwas nito sa kabigan, nag patuloy lang siya sa pag lalakad at hindi na niya ito sinulyapan ng tingin pero alam niyang sinusundan lang siya neto.
"Wag kang mag sinungaling sa'kin Chelsea, tignan mo yang mata mo, ramdam kong masaya ka! Bakit hindi ka nalang umamin? Wala namang masama dun."
Natingin si Chelsea na parang nag tatanong ang mga mata. Sinunggo siya ni Win.
"Na gusto mo siya!"
"Please. Wag na natin siyang pag-usapan. Hindi ako interesado."
"Okay." Aniya nito.
Malapit na siya sa bahay nila pero hindi parin niya maalis sa isipan si Nathan na nandirito na raw sa pilipinas. Iniisip niya kung ano na bang itsura nito or kilala ba siya nito. Akala ko ba chelsea hindi ka interesado? Bakit hindi mo siya ialis sa isipan mo. Bulong niya sa kaniyang sarili.
Napalingon siya sa may garahe dahil may ibang sasakyan ang naka park at mukang may bisita ang mga ito ngayong umaga, pag pasok niya ay nginitian siya ni manang betchay na isa sa mga kasambahay nila.
"Good morning manang." Nakangiting pagbati niya dito at nag mano pa.
"Good Morning Elies. Kaawaan ka ng diyos. . . Nandon yung parents mo sa dining room, may dumating na mga bisita." tumango lang siya at lumingon ulit kay manang betchay. "Salamat po."
Si manang betchay ang pinaka pinagkakatiwalaan nila dito sa bahay , sobrang lola's girl niya kahit hindi naman niya ito kadugo pero tinuturing parin nilang isang pamilya.
Walang masabi si manang ay kun'di "Salamat" Wala na siyang pamilya at tumandang dalaga nalang pero hindi parin siya nag-iisa dahil tinuring siyang pamilya ng mga Watson lalo nasa alaga niyang si Chelsea na sobrang mabait na bata at napaka lapit nito sa kanya.
Pag pasok niya ay naabutan niya itong nasa hapag kainan. Na masayang nag kwekwentuhan ang magulang niya at ang mga bisita nito. Kasama ang dalawang kasing edad ng magulang niya, lumapad ang mga ngiti nito sa kanya at nginitian rin niya ang mga iyon pabalik lumapit siya sa mga ito at nag mano, bilang pag bibigay galang. "Good morning anak." tumayo ang daddy niya at hinalikan siya sa tuktok at pinaupo siya sa tabi netong upuan.
"Mag Hi ka sa Tita Natalie at Tito Elton mo, nandito yung anak nila , pumunta lang sa comport room." ani ng mommy niya. "Good Morning tita Natalie at tito Elton, Ako po si Francheska Eliesa Marie Watson but can you call me Chelsea, ang haba po kasi ng name ko." Masayang bati niya sa mga ito.
"No problem. Weit mo lang yung anak ko Chelsea balak ko kasing dito na siya mag aral. . . Nandito na kasi yung work namin ng tito Elton mo—— Oh nandito na pala siya." Lumingon siya sa lalaking papalapit sa kanya pero hindi naman niya napansin ang muka nito , pag upo ng lalaki ay nag salita naman si mommy neto.
Ngayon lang niya nakita ang mga ito , ngayon lang din niya nakilala.
"Eto si Ethan, Chelsea—my only child." Inangat niya ang tingin niya dito at nabitawan niya ang tinidor , at parang nag islomo ang lahat dahil sa sobrang gulat. "Hi Chelsea. I'm Nathan Eleonore." Tugon nito habang ang isang kamay ay paabot sa kanya, agad naman siyang nagising sa ulirat at nakipag shake hands pa dito.
Ngumiti siya. "I'm Chelsea Watson." Nagkipag shake hands nga sa'kin pero hindi man lang siya neto binalikan ng ngite at dumako ang tingin sa parents nilang dalawa. "Mag kasing edad lang pala si Ethan saka si Chelsea" Tumingin ang parents ni Ethan sa kanya. "Nung elem siya dito sa manila siya nag aral pero trinansfer ko siya sa Italy nung grade five."
"Hindi ba kayo naging mag kaklase ni Chelsea nung elementary days niyo?" Dagdag nito.
Tumingin ito sa kanya, bukod sa singkit ito mukang laging galit or badtrip ang muka at hindi man lang talaga siya ngitian "Hindi ko matandaan mommy."
Hindi ko parin talaga lubos maiisip na mag kakaibigan ang parents naming dalawa pero bakit ngayon ko lang sila nakilala. Nabaling ang tingin niya sa lalaking nasa harapan niya. Napaka suplado ng mga mata nito at parang laging galit sa buhay, matangkad na medyo payat tapos singkit. Siguro dahil kay tito Elton na may lahing koreano at nakuha rin nito.
Madarami naman akong hinahangan na ibang tao pero nawawala rin naman pero sa taong ito, hindi ko alam kung bakit? Bakit hanggang ngayon gusto ko parin siya. Hindi ko naman sinasadya na gustuhin siya pero mukang hindi naman pareho yung nararamdaman naming dalawa.
Anong mukang Chelsea. Hindi naman talaga.
Nag paalam siya sa mga ito na aakyat lang muna siya sa room, pag tayo niya sa hapag kainan ay tumingin muna siya kay nathan at ngumiti.
Kinuha niya yung phone niya para tiwagan si Winzy, nag riring naman ang phone nito at agad sinagot. Para siya lutang at biglang natahimik sa isang tabi dahil hindi parin talaga siya makapaniwala, kanina topic lang nilang dalawa ni Winzy ang ultimate crush niya, tapos pag uwi niya, nandito. My goshhhh.
"Yes?"
"Kita tayo sa may park, gusto, sama mo nadin si Thea, ikaw na ang tumawag sa kanya. Bonding tayong tatlo."
Ayaw niyang manatili lang sa bahay na ganito ang kasama niya—wala nalang problem sa mga ito pero grabe yung kabog ng dibdib niya kapag nakikita niya si Nathan. Mas lalo siyang na-iinlove.
Tumawa ito sa kabilang linya kaya nag tataka siya, ano nanaman bang hinithit netong kaibigan niyang daig pa ang baliw sa kanto. "What?"
"Namimiss mo nanaman kami ni thea! Sige. Treat mo ko dahil mas mayaman ka sakin. Hayaan mo si thea" wika nito at lumalagakpak nanaman ang tawa, napakasakit sa tenga.
"Oo na. Mag shoshower lang ako. Bye."
Pag katapos niyang maligo ay agad siyang nag bihis at nag paalam sa mga ito na aalis siya, pumunta siya sa may gawing garden dahil nandon pala ang mga ito.
Nakasuot siya ng yellow, cusual sundress at nakabagsak ang maganda at kulot na buhok nito. Hindi niya pinansin si Nathan na naka upo sa may sala at tuloy-tuloy lang siya sa pag lalakad, aware siyang nandoon ito.
"Hi mommy daddy , mag papaalam lang sana po ako, punta lang kaming park ni Winzy at dadalhin ko yung isang car." Nakanguso pa siya at niyakap ang daddy niya para pumayag ito. "Please daddy."
"Kiss muna." Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at kiniss niya ito sa noo at pisngi , ganun din ang mommy niya.
"Sobrang Daddy's girl naman yan" ani ng daddy ni nathan na binibiro siya. Niyakap naman niya ang daddy niya dahil pumayag ito at ganon din ang mommy niya, hindi naman siya Daddy's girl talaga at wala siya favorite sa dalawa kun'di parehas.
Napangko ang tingin ni Nathan kay Chelsea na dinaan lang siya at pumunta sa gawi kung saan nag uusap ang parents nila.
Buti nalang naka shade pa siya at hindi makikita ni chelsea na pinapalibutan niya ito ng tingin. Maganda ito but "she's not my type" tugon niya sa sarili. Naiirita siya sa sinabi kanina ng mommy at Daddy niya na gusto raw nito si Chelsea para sa kanya pero alam naman nitong may karelasyon siya at kilala ng mga ito.
Sobrang naiilang talaga ako sa titig neto kanina at parang nakakita ng multo or nakaka insulto.
Naiirita siya sa babaeng ito pero the way she act with her parents nakakatuwang tignan sobrang sweet. Pero hindi siya kagaya ni chelsea, hindi siya marunong mag act ng ganito sa parents niya.
Bukod sa nahihiya na siya ay hindi na siya baby para mag palambing pa sa mga ito. Ang lagi niya kasama sa lahat ng oras ay gadget at barkada. Wala siyang oras sa pamilya niya. Yan ang totoo. At kung hindi naman ay ang girlfriend niya.
Tinignan niya yung wallpaper niya kung saan kasama niya yung girlfriend niya na tiga Italy. Nag break sila at ngayon hindi parin talaga niya ito nakakausap ng maayos dahil ayaw ng bumalik nang parents niya sa Italy pero siya , gusto niya, gusto niyang ayusin ang relasyon nila ni Lucia.
Gusto niya i-save yung relationship nila dahil sayang yung three years na pinagdaanan nila kung masasayang lang dahil sa ganitong walang kwentang bagay. Hindi na siya bata para sunod ng sunod sa gusto ng parents niya pero hindi naman siya puwedeng makipagtalo sa mga ito dahil higit sa lahat magulang niya ito at malaki ang respeto niya dito.
Ayokong pumili sa dalawang taong mahal ko. Kung pwede namang silang dalawa. Di ba? Pero ang hirap.
Pero wala siyang magawa.
Hindi alam ni nathan na nag che-cheat sa kanya si lucia noong panahong baldado siya dahil sa isang aksidenteng kagagawan rin nito. Alam ng magulang ni nathan ang nangyari dahil hindi sila pumayag na hindi paibestigahan ang puno't dulo kung bakit nahihirapan ang anak nila noong panahon na yaon.
Sa pangalawang pag kakataon, pinatawad nila ito kahit alam nila ang totoo ay pinag walang bahala nalang at hindi na sinabi kay nathan ang lahat ng nalalaman nila tungkol sa babaeng minamahal nito ng sobra. Pero ng dahil sa nakita ng mommy ni nathan na nakikipag-flirt ito sa ibang lalake knowing she's committed at wala ata ito sa tamang pag-iisip para ipasok sa kokote nito na may taong siyang linoloko. Ng paulit-ulit.
Bilang isang magulang, wala kang hihilingin kun'di ay sumaya ito sa piling ng mga taong minamahal nila. Na kahit wala sila sa tabi nito, alam nilang may taong proprotekta dito— at proprotekhan ang bawat Isa.
Kaya mas pinili nilang dito nalang sila sa pilipinas manirahan at ilayo sa babaeng Mahal nito. Hindi naman nila gustong saktan at sakalin si Nathan at kung gusto netong kumawala sa bisig nila, gagawin nila.
At hahayaang siya ang humanap ng rasson kung bakit nila ginawa ang mga ito sa kanya.
———————
Isang oras na siyang nag hihintay sa dalawa pero wala pa ang mga ito, nagugutom na talaga siya. Ilang oras lang ang nakakalipas pero grabe, iba talaga ang hibla ng bituka niya , laging gutom. Ang saya kayang kumain ng kumain lalo na kapag wala kang magawa o di kaya ay kapag nag aaral. She loves eating chocolate dahil nakaka tanggal raw ito ng stress.
At ngayon lantak siya ng lantak dahil wala pa talaga ang mga ito, sanay naman siya sa ganitong sistema na siya ang nauuna at ang dalawa'y laging nahuhuli, kung mabagal ang pagong , mas makupad ang mga ito. Buti nalang nakakatanggal ng stress yung chocolate kaya hindi naman nakakainip basta may kinakain. Pero hindi talaga siya tumataba.
Nag patugtog rin siya para malibang sa loob ng sasakyan at biglang bumukas ang pinto sa likuran at sabay upo ng dalawa kaya pinatay niya ang tugtog, tumingin siya sa likodan. "Finally nag si dating rin kayong dalawa. Napakatagal niyo." Aniya sa dalawa na akala mo'y pagod.
"Ba't ganyan kayo katamlay?"
Tumingin ito ng masama sa kanya at ngumise pa. "Kasi naman si thea, nasiraan pa ng sasakyan tapos si kuya umalis dala naman yung sasakyan ko at ang ending. . . Nag lakad kaming dalawa." Tumawa siya tapos binato naman siya ng unang namaliit na nakalagay sa backseat "Exercise yun mga sis."
"Gaga" inalis ng dalawa yung mga sandals nila at itinas pa ito, tinakpan niya yung ulong niya. "Nakita mo yan chelsea? Napaka sakit nung paltos ko sa paa, sana nag rubber shoes nalang talaga ako." Wika ni Winzy. Umirap pa ang dalawa.
"So kasalanan ko——Ganon?" Bingyan niya ito ng alcohol kaya kunot noo siyang tinignan ng dalawa at kinuha naman nito. "Anong gagawin ko dito?" Tugon ni Thea. "Inumin mo. Sige. Lagyan niyo yung sugat niyo nayan para hindi na sumakit." Seryosong tugon niya at ibinato naman sa kanya ito. "Napakagaga mo chelsea!"
"Ano kaya niyo bang maglakad? Hindi ko kayo kayang buhatin lalo kana Winzy , tumataba kana Kasi!"
"Etong si Chelsea, pasmado yung bibig pag ako ng diet! Who you ka sakin."
"Balyena." Natatawang saad ni thea na katabi nito kaya napatawa siya. "Isa ka pa!" Masamang tingin ni Winzy dito.
Naglakad lakad silang tatlo sa park, na pansin ni Winzy na sobrang tahimik ni chelsea habang silang dalawa ay nag tatawanan. Napagawi ang tingin niya dito na subo-subo ang ice cream pero nakita niyang nakadikit lang ito sa bibig at nakatulala habang nag lalakad.
"Ano ba yang iniisip mo? Ang lalim." sambi't niya pero hindi siya narinig ng kaibigan kaya sinagi niya yung ice cream neto at kumalat sa bandang ilong. Tumingin sa kanya ito pero hindi naman ata nagalit at maamo parin ang muka nito "Winzy naman." Mahinahong wika nito sa kanya.
Sa kanilang tatlong mag kakaibigan si Chelsea lang talaga ang pinaka mahihin sa kanilang tatlo at higit sa lahat, Maunawain sa lahat ng bagay.
"Ikaw naman kase. Kanina pa kita kinakausap hindi ka man lang sumasagot. . . Ano ba yang iniisip mo?" Umupo sila sa isang gilid habang pinagmamasdan ang mga naglalakad, nag hihintay ang dalawa sa sasabihin nito na kanina pa dapat niya sasabihin kaso wala siyang chance mag salita dahil todo ang paghaharutan ng dalawa.
"Kase ganito nga." Kinamot niya yung ulo niya saka ngumiti sa dalawa, lumabas din yung dalawang dimple nito at naniningkit ang mga mata. "Si Chelsea kinikilig. Panigurado yan Win!" Hinampas ni thea ang braso ni Win na umamba naman ito susuntukin. "Manahimik ka pastilyas."
"Di ba nakita mo si Nathan kanina?" Tanong niya kay Win na agad namang tumango sa kanilang dalawan ni thea. Gusto rin ni thea si Nathan simula noon pa at halata ang pangkinang ng mga mata nito pero hindi niya na pinansin. "Kase kanina. . . Nakausap ko sila Tita Natalie at Tito Elton about kay Ethan. . . Dito na pala siya mga-aaral."
"Legit ba? Talaga!" Malapad na ngiti ni thea sa kanya pero biglang nawala. "Ow Sorry. Continue.."
"Yes dito siya mag-aaral— Mag best friend pala yung parents ko tapos yung parents niya" nalungkot ang muka nito at tumingin sa mga nag lalarong mga bata na nagduduyan. "Hindi naman pala niya ako matandaan"
"Sure ka ba jan? Like. Hindi niya matandaan na naging friend kayo dati?" Wika ni Win. "Hindi ka talaga matatandaan ni nathan. Chelsea ilang taon na yung nakakalipas, baka nga hindi ka na kilala nang tao." Sinagi ni Win si thea na hindi na muling nag salita.
Mahirap kunin ang loob ni nathan at sobrang hirap na hirap siya, literal na sobrang ilap at pili lang ang kakaibiganin at mukang ayaw nito sa kanya.
"You're Right Thea. Baka nga."
Pero iba yung sayang nadarama ko sa mga araw na kakasama ko siya, sa mga araw na nakikita ko siya, sa mga araw na hindi ko inaasahang mangyayari. Na kahit hindi man ako pinapansin nito atlis nadarama ko yung prinsensiya niya sa bawat oras na makakasama ko siya.
Sa mga araw na lumipas na nakakabonding ko yung pamilya niya sobrang sayang isipin na sana ito narin yung pamilyang makakasama ko habang buhay. Na eto narin sa yung lalaking para sa'kin.
Malay mo naman hindi siya manhid kagaya ng iba.
Kaso mali.
Eto yung araw na hindi ko kayang kalimutan, na makita ulit yung taong naging gusto ko noong bata pa ako.
Simula ng hindi ko na makita si Nathan. Never ko talagang inisip na darating uli siya dito—sa buhay ko. Na akala ko nga na wala na akong gusto dahil matagal naman n'yon at nakalipas na ang ilang taon.
Pero.
"Ikaw parin pala."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (65)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
u2393
11/11/2024
0oky
28/08/2024
0makumbaba
17/06/2024
0Tingnan Lahat