Homepage/My Other Half Is Made For You/
CHAPTER GOY-23
Chapter 23
"See you Ma'am Chelsea" ani ni Rose na kalihim nito.
Binigyan niya ito ng masayang ngiti bago sumakay sa loob ng sasakyan niya, sabay sila ng kalihim niyang umuwi at alas-singko palang ay pina-leave niya na ang mga empleyado niya, Maaga siyang umuwi ngayon galing sa trabaho para paghandaan ang kanilang anibersayo.
Masayang-masaya siya na dumating sa buhay niya si Nathan na pinapangarap lang niya noon ay sa wakas ay nasakanya na, hindi niya masabing pag mamay-ari niya na ito sapagkat nobyo palang naman niya. Sa tatlong-taon na pag sasama nila at pag kakaroon ng relasyon.
Ay hindi naging madali. Wala naman kaseng relasyon na puro lang saya at kaginhawahan, kaya alam naman niya na darating din sa punto na mag kakaron sila ng problema ngunit hindi niya iyon ginawang reason para sumuko at sukaan ito.
Habang nakasakay ako sa loob ng sasakyan nag iisip na ako ng pwede kong gawin para i- surprise ang boyfriend ko. Hindi ko ine- expect na three years na kami, and I'm so blessed to the man I love. I know he is the first and last man, sana ganoon rin siya sa akin. Halos kanina pa ako patingin-tingin sa relo ko, noong nasa meeting ako ay biglang tumawag sa akin si Nathan.
"Babe aalis ako ngayon, may party kase na attendan ko" Sabi ni Nathan sa kanya kanina. Kaya bigla siyang natuwa dahil mahaba ang oras niya para makapag-ayos at maging maganda ang surprise niya dito. Gusto sana niya rin sumama kaso nga ayaw naman nito kaya mas okay na kung itutuloy niya ang plano niya.
"Okay, anong oras ka uuwi?" Tanong niya dito. Matagal ito sumagot. "Babe?" Tawag niya muli, nasa meeting siya tapos ang bagal pa nito sumagot sa kanya kaya kahit gusto pa niya ito makausap ay pinatay na niya, nakakahiya sa mga kasamahan niya.
Nag katinginan kami kanina ni Rose ng matapos ang ang meeting ay pinasunod ko na ito sa opisina ko. "Yes Ma'am Chelsea" tanong sa kanya ni Rose. Hinire
niya ito biglang secretary niya noong panahon na nasa loob pa ito ng bahay ampunan. Ito ang pinaka matanda na na kasing edad niyang walang pamilya, hindi rin sila noon gaano mag ka-close kaya hindi niya ito pansin noon.
Nang makatapos ito ay saka siya nag offer na maging kalihim nito at qualified naman. "Rose ano ang maganda gift sa sir Nathan mo na tipong magugustuhan niya?" Pag tatanong ko dito. Umupo ito sa kanang bahagi ng lamesa ko kung saan may upuan doon.
"Ma'am I don't have exact answer." Tumingala ito. "I think ma'am yung gustong-gusto niya na wala pa siya. Wala po ba kayong napapansin na gusto niya na wala pa siya hanggang ngayon?" Napatango-tango nalang ako sa sinabi sa akin ni Rose. At may naisip na akong ireregalo, sana magustuhan nito.
Pag dating ko sa bahay ay naabutan ko pa ito at nakabihis na, buti nalang nasa kotse pa ang mga gamit niya at hindi makikita nito. Niyakap ko ito papatalikod habang nag sasalamin ito. "Anong oras ka uuwi babe, sorry pinatay ko yung cellphone kase nakakahiya sa mga kameeting ko, ako lang kase hinihintay e" Pag papaliwanag ko dito na abala sa pag-aayos.
Humarap ito sa akin pag katapos ay niyakap at hinalikan ang noo ko. "Uuwi rin ako kaagad" sabay halik sa labi niya. "Anong gusto mong food?" Tanong ko sa kanya at tumingala ito at nag isip "Yung favorite ko sana." Tumango siya at niyakap ito ng mahigpit.
Pag sarado nito ng pinto ay mapalad na ngumiti si Chelsea, grabe ang karismang ginagawa sa kanya ni Nathan, halos araw-araw ay na-iinlove siya dito. Araw-araw sinasabi ko sa sarili ko napipiliin ko ito, madaming nag bago sa aming dalawa, maraming ugaling hindi na alam kung paano maibabalik, wala narin akong masabihan minsan ng problema tungkol sa aming dalawa kapag may ugaling hindi maganda.
Napatingin siya sa isang frame kung saan bata pa siya at na college pa. Kasama niya si Win at Thea na ngayon ay nasa ibang bansa na at nag tratrabaho. Wala ring gaanong komunikasyon kaya kahit nahihirapan siya ay wala siyang masabihan, minsan lang siya mag sabi sa magulang niya.
Pilit kong iniitindi ang lahat at masarap sa pakiramdam na may nag papakumbaba sa relasyon pero ang mahirap ay parating iisa lang. Masaya siya kay Nathan, na alam niyang minamahal siya nito ng buong-buo at parati niyang pinanghahawakan ang mga sinabin nito noong araw na sinagot niya ito.
Love is powerful. Eka nga ng iba at ang sabi pa. Love is Light, that enlightens those who give and receive it. Love is gravity, because it makes some people feel attracted to others. Love is power, because it multiplies the best we have, and allows humanity not to be extinguished in their blind selfishness. Love unfolds and reveals.
At naniniwala ako diyan.
Nag hihintay ako sa pag-uwi niya galing sa isang party kasama ang mga dati naming mga kabarkada kaso mga kalalakihan lang daw ang pwedeng sumama dahil wala naman daw doon ang misis o nobya ng mga kasama niya kaya hindi na ako nag pumilit na sumama sa kanya. It's been twelve midnight at wala pang dumadating na Nathan at ang sabi nito ay uuwi naman daw ito ng maaga dahil ang akala niya naalala nito ang anniversary nila bilang mag kasintahan.
So may dinner sila. Dapat, kaso mukang magiging breakfast dahil duh! Maguumaga na wala pa ito at kahit tawag o text wala siya na rerecieve sa boyfriend niya they have been in a relationship for a year and they thought of living together in the same house, after all. They are in the right frame of mind that they already know right and wrong so their parents both agreed. Kaya lalo siyang naging masaya.
Nung una.
Wala silang prinoproblema physically and financially dahil parehas naman silang lumaki sa marangyang pamilya at kahit anong gustuhin nila. Mabibili nila. But communication.
Is not.
Wala naman siyang pinagsisihan sa lahat ng desisyong binitawan niya dahil ginusto rin naman nilang dalawa ni Nathan ang lahat ng planong ito kaso habang tumatagal maraming pagbabago, mag tatatlong taon na sila pero habang tumatagal lalong lumalamig ang lahat. Nakahiga siya ngayon at hawak niya yung cellphone kanina pa niya tinititigan dahil nag aabang siya ng tawag at reply nito sa mga text niya kaso, ilang oras na wala parin talaga.
Na-isipan niyang tumawag. Nag Riring naman pero mukang hindi nito naririnig ang tawag niya, hindi rin siya dinadapuan ng antok kahit pakiramdam niya ay pagod na pagod ang buong katawang lupa niya ngayong araw, tumayo siya at binuksan ang pinto kung saan ang tapat ay ang maliit na kusina at katabi ay sala. Inaayos niya ang buong silid, may kandila pa sa gitna ng lamesa at mga palamuting kulay pula, mga bulaklak at puso pa.
Sobrang nag effort siya sa mga decorations, dahil isang besses lang ito sa buong taon, kaya ginawa niya ang lahat kahit galing siyang trabaho, nag letter cut siya at gumawa ng simpleng sulat kamay na mensahe para dito at dalawang saknong na tula dahil hilig niyang mag sulat lalo nasa mga tulang katha lang niya. Nag luto rin siya ng sinigang na baboy at adobo saka nag bake ng chocolate cake na favorite nilang dalawa.
Bumaba siya ng hagdan at pumuntang kusina at umupo tinignan niya yung buong paligid, yung effort niya na ginawa niya buong mag hapon, na umasa siyang makakasama niya ito sa ganitong ispesyal na selebrasyon kaso lahat na wala, lahat na sayang, tumulo ang mga luhang kanina ay puro kaligayahan habang ginagawa ang mga ito. Dumako yung tingin niya sa maliit na box kung saan bukod sa sulat kamay ay may reagalo siyang alam niyang gustong-gusto nito.
Bumalik siya sa kanilang kwarto at doon umiyak ng umiyak, sa sakit na pinaramdam nanaman nito sa kanya ngayon, hindi lang naman ito dahil paulit -ulit nalang hindi lang talaga siya masanay.
Nakatingin lang siya sa relong patuloy ang pag ikot hanggang sa unti-unti nalang itong nakatulog.
Pag gising niya ay kinapa niya ang kama kung katabi ba niya ito kaso kahit sa pag gising niya wala ito sa tabi niya, ginala ang kanyang mata para tignan ang paligid at nakita niya si Nathan na galing sa comport room at naka topless habang ang pang ibaba ay nakatuwalya lang. Tumabi ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"Sorry babe. Naparami akong inom kagabi kaya hindi ako nakauwi ng maaga." Bunitaw agad ito sa pag kakayap sa kanya at bumaling sa closet at kumuha ng isusuot. "Kumain kana?" Tanong niya dito at papungas pungas pa. Hindi ito tumingin sa kanya pero nag salita. "Oo" maikling tugon nito hanggang pumasok ulit sa C.R
Ramdam niya ang panlalamig nito sa kanya pero hinahayaan lang niya dahil baka sa susunod na araw ay hindi na ganito o pagod lang, o baka kailangan lang ng space, pero ansakit lang isipin na hindi manlang siguro nito na appreciate ang ginawa niya kagabi, suot na nito yung relong niregalo niya kagabi na nasa box pero wala siyang narinig na kahit anong thank you man lang o bati sa anniversary nila, inisip nalang nito na baka nakalimutan lang din.
Bukod sa sorry wala na. Pag labas nito ay hinalikan siya sa noo at sa labi saka tuloy-tuloy na umalis at mukang nag mamadali pa.
Nasasaktan ako ng sobra. pero bakit? Halos araw-araw nalang ganito ang senaryong meron kaming dalawa, hindi kami sabay na kumakain o nakakapag usap man lang as in wala. Walang maayos na komunikasyon.
Sa tuwing nag kakasamaan kami ng loob ay wala rin ata itong pakealam sa nararamdaman niya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ganito ang relasyong meron kami, bukod sa nakakapagod, feeling ko ako na ang susuko.
I'm not perfect but I try my best to being a good partner with him, I take all the risk because I know it's worth it, he's my life , my happiness, my everything.
I love him so bad!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (65)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
u2393
11/11/2024
0oky
28/08/2024
0makumbaba
17/06/2024
0Tingnan Lahat