CHAPTER 20 "Si Nathan manliligaw ko" nakangiwing wika ko sa kanya na nakatulala pa sa akin. "Seryoso?" Wika sa kanya ni Win kaya tumango-tango siya at kumamot ng ulo. "Si Nathan ang nag bigay ng tulips sa akin then binigyan rin niya ako ng favorite kong—" Pero hindi siya nito pinatapos. "Chelsea di ba nag usap na tayo about diyan." Wala itong emosyon at naguguluhan pa sa sinasabi niya "Sabi mo sa akin ayaw mo na siyang makita, ayaw mo na siyang makasama then ayaw mo narin siyang makausap pero paano kayo naging okay?" Hindi pa niya pala nasasabi dito ang nangyari ka gabi. Hindi pa niya nasasabing nag usap silang dalawa. Nagulat rin siya at alam niyang maguguluhan ang kaibigan niya, dapat kase sana ay kanina niya ito sasabihin kaya pinapunta niya dito si Win para makapag bonding pero hindi naman niya, inaasahang napakabilis ang gagawin ni Nathan. "Chelsea ano niloloko mo ba ang sarili mo? Ano Sabi niya sayo? Baka naman pinag lalaruan karin niya dahil alam na niya sigurong gusto mo rin siya o ginagawa ka lang niyang panakip butas dahil sa nakaraan niyang girlfriend" May punto naman si ang kaibagan niya sa sinasabi nito. Pinag masdan lang ni Win si Chelsea. Gusto lang niya na hindi masaktan ang kaibagan, ayaw niya na itong nakikitang umiiyak dahil sa mga sinasabi ni Nathan na hindi naman deserve ng kaibagan niya na ipag muka na never niyang mamahalin si Chelsea pero ngayon. Liligawan niya? Para ano. Saktan at paiyakin muli? Hindi naman sa nangingialam siya sa dalawang tao. "Mahal ka ba niya? Gusto mo rin ba na ligawan ka Niya?" Umiling ito kay Win. "Hindi ko alam kung gusto ko ba na ituloy ito. Hindi ko rin naman inaasahang mangyayari ito sa aming dalawa ni Nathan kasi never akong nag expect na mamahalin rin niya ako pabalik. Kagabi ang saya-saya ko dahil nga siya mismo ang gumawa ng paraan para maging maayos kami, yung tipong unti-unti naring nababasan ang nararamdaman ko sa kanya pero bumalik -balik pa siya sa buhay ko. Nang sinabi niya sa akin na mahal niya rin ako na ngayon lang niya nakita sa sarili niya ang totoo" "Anong totoo?" Tumayo si Chelsea sa kinauupuan. " Totoong nararamdaman niya talaga na hindi lang niya matanggap sa sarili niya dahil ang akala niya si Lucia parin. Sabi niya sa akin kailan niyang mag move forward sa lahat ng nangyari sa buhay niya at isa ako sa taong gusto niyang—" "Gamitin" Umiling siya. "Naniniwala ka ba sa kanya?" Tanong sa kanya ni Win na sinusundan siya ng tingin habang palakad-lakad. Pumadyak siya at tumingala. "Yung puso ko.. Oo sige. Aanmin ko na gusto pero may point sa isip ko na Mali. Na hindi dapat na ipag patuloy niya yung ginagawa niyang panliligaw sa akin" "Ayoko naman dumating sa punto na bumalik sa buhay niya si Lucia tapos ako eto. Hulog na hulog na sa kanya. Natatakot ako Win hindi ko alam 'yong isasagot ko sa kanya" "Kung pwede siyang manligaw? O hindi." Pamimili ni Win sa kanya. "Yes." Tumayo si Win sa kinauupuan at hinawakan si Chelsea sa kamay. "Saan tayo pupunta?" Tanong niya dito. "Basta" **** "Mom. Payagan niyo na akong pumuntang Italy. . . Please" Pag mamakaawa ni Nathan sa magulang. Pag katapos nilang umuwi ng bahay ay mainit ang ulo ng binata dahil sa ginawa ng mommy at daddy niya. "Mom please. Ibigay mo na sa akin yung freedom na sinasabi niyo. Nagawa ko naman ang gusto niyo no dad. Gagawin ko naman lahat, gusto ko lang na may personal na pag uusap kami ni Lucia bago ako mag settled down sa babaeng hindi ko naman mahal. Ginawa ko na. Please. Please. Please." Lumapit sa kanya ang mommy niya at sinampal ang muka ni Nathan. "Anong sinabi mo? Nag usap tayo noong nakaraan na ayusin mo yung relationship niyo ni Chelsea, na sinabi ko sayo na makipag-ayos ka natutunan mo yang puso mo na mahalin ang tao kase mahal karin. Tapos ang ginawa mo sinabi mo sa amin na liligawan mo siya" ngumiti ito. "So expect that you love her. Tapos sasabihin mo sa akin na mag sesettled down ka sa babaeng hindi mo mahal? My god" sabay tapik nito sa sarili noo. "Naririnig mo bayang sinasabi mo anak? Bakit ka nag bigay ng motibo tapos hindi mo naman pala gusto. Hindi lang siya ang nasasaktan mo ngayon. Pati kami ng daddy mo." Napa upo nalang si Nathan sa sofa at hawak ang ulo. "Mommy sinabi mo sa akin na hawak ko na ang desisyon ko kapag minahal ko si Chelsea kaya ayon lang ang ginawa ko at ang bagay na tingin ko." Niyakap niya ang bewang ng mommy niya. "Mommy hindi naman ako nag bigay ng motibo lang e. Sabi mo nga matutunan ko naman mahalin si Chelsea kaya sinabi ko na sa kanya na mahal ko siya, kase alam ko naman na dadating rin yon na mamahalin ko yung tao. Mommy sorry pero desperado na ako na puntahan si Lucia sa Italy." "Mommy gusto lang siya makita, kahit isang beses mayakap at makasama ulit. Tapos pag katapos noon, Si Chelsea naman. Gagawin ko na yung gusto mo, payagan mo lang ako na makita ulit si Lucia." "Ethan noong nasaktan mo si Chelsea sa sinabi mo sa kanya. Walang kaalam-alam ang Tito Fred at Tita Carol mo sa ginawa mo sa anak nila at kung paano ka bumitaw ng salita na mamasakit kay Chelsea. Wag mo naman siyang pag laruan. Wag mo naman siyang gamitin para makuha mo ang gusto mo anak. Hindi ko naman sinabi sa iyo ang bagay na ito na ikaw lang ang mismong nag desisyon." Umupo ang mommy niya sa tabi niya "Anak sige papayagan kita na pumuntang Italy pero ipangako mo sa akin na tutumarin mo at gagawin mo yung mga binitawan mong salita kay Chelsea. Ayokong magalit sa iyo ng tuluyan ang pamilya Watson. Mahal ka ni chelsa kaya wag mo naman siyang durugin at saktan"
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
u2393
11/11/2024
0oky
28/08/2024
0makumbaba
17/06/2024
0Tingnan Lahat