Chapter 19 Eto na ang pinakamasayang araw ko pero naisip ko rin na tama ba itong ginagawa ni Nathan sa kanya. Hindi naman niya ito inaasahang mangyari at kung tatanungin man siya, mas gugustuhin nalang niyang maging mag kaibigan sila at hindi sa ganitong klaseng paraan. Kuntento na siya na malipit at okay na sila. "Nathan hindi mo kailangan gawin ang bagay na ito. Baka masyado kalang nag papadala sa desisyon mo ngayon. Kailangan mo munang isipin yang gumagawa mo" Hindi naman sa ayaw ko sa tao o nag papahabol ako pero hindi naman ito ang paraan para makabawi ito sa mga atrasong ginawa niya sa akin. Ang mahalaga naman ay ayos silang dalawa. Ang mahalaga naman ay wala ng galit o inis sa kanilang mga puso. Hinawakan niya si nathan para itayo sa pag kakaluhod nito. "Nathan alam ko naman na hindi madali sa iyo lahat ng ito. At kung pinilit kalang ni Tita. Ako na ang bahala, hindi kita hahayaang mahalin ako." Daretsong wika ng dalaga. Biglang kumirot ang puso ko sa mga tuwina ko. Pero kailangan niyang tanggapin na isa lang itong laro. Hindi ito literal. "Hindi kita niloloko, hindi ako pinilit ni mommy na gawin ang bagay na ito, sarili ko itong desisyon, sarili ko ang nag tulak sa akin para gawin ito. Kase mahal kita." "Nathan" mahinahong wika niya para tumigil ka ito kakasabi sa kanya na mahal daw siya nito. Bakit hindi siya makuntento o makapaniwala sa mga sinasabi nito. Bakit kailangan niyang mag dalawang isip. Nang matapos na ang pag uusap nila ay nag sabi ito sa kanya na sa ayaw at gusto niya ay liligawan siya nito. Umalis narin ang magulang nito at kasabay si Nathan. Nag iwan rin ito ng pag kain sa lamesa na binili pala kanina. Naiwan siya sa may lamesa sa labas. Napakainit rin ng panahon at tanghaliaang tapat na rin, nakatingin lang siya sa mga halaman habang nakasandig ang ulo sa may pader at nilalaro ang kamay. Matagal na nakatulala lang ang dalaga, hindi nito napansin na sinilip siya ng mga magulang nito na nasa sala. Ilang sandali lamang ay siya namang pag dating ng kaibigan niyang si Win sa kanila. Nasa sala ang mga magulang ni Chelsea at nasa labas naman si manang betchay. Nag mano si Win sa matanda at tinanong kung nasaan ang kaibagan niyang si Chelsea, nag text rin siya dito na nandito siya sa labas pero hindi naman siya ni rereplyan ng kaibigan. Nakita ni win na nag uusap ang magulang nito kaya lumapit ito at nag mano "Tita nasan po si Chelsea" ngumiti ito sa kanya "Nandon siya sa may garden" maikling wika nito sa kanya. Pag kakita ni Win sa kaibagan ay nakatingin ito sa isang bouquet na flower kaya agad itong malawak na nag bigay ng ngiti sa kaibagan habang papalapit siya. "Aba sino namang estranghero ang pumunta sa bahay ng aming Reyna Francheska at may dala pa itong pabiritong bulaklak ng aming Reyna" nagulat ito kay Win ng mag salita. "Nandiyan ka na pala" tugon nito kay win na inirapan naman si Chelsea at bumuntong hininga. "May problema ba?" Unang tanong ni Win kay Chelsea na parang nag taka pa ito sa tanong niya. Umupo ito sa tabi ni win at ipinaharap ang upuan. "Chelsea kilalang-kilala kita. Doon pala sa hindi mo ako napansing nandito ako, alam ko ng may malalim ka nanamang iniisip" saka niya ito hinalikan sa pisngi ng maharot. "I'm your best friend Chelsea. Mula ulo hanggang paa, tingin palang at kilos alam na alam ko na kung okay ka, masaya ka o may problema ka" Pero bigla itong bumaling sa tulips na nasa lamesa. "Speaking of your flowers, kanino yan galing" takang wika ni win sa kanya. "Bakit naman hindi ko naabutan ang iyong prince charming" saka ito hinawi ang buhok niya "Ang haba ng hair" saka hinawalan nitonlbabg buhok niya. Wala siya sa mood dahil sa nag iisip siya tungkol kay Nathan. Kahit nalaman na niya ang lahat ng sinabi nito sa kanya ay parang nakalutang parin siya. "Ipakilala mo naman sa akin kung sino ang nag bigay sayo nayan, Sana hindi siya katulad ng Nathan na yan, alam mo ba noong last week may nagalit sa kanyang lalaki" tinignan niya si Win " Kase ganto yan hinalikan kasi ni Nathan yung babae dahil dare daw no'ng mga kaibagan ni girl pero ang kaso lang nahuli nong boyfriend edi nasapak siya" "Bakit hindi ko alam? May ginawa ba si nathan na Mali?" Pag aalala ng dalaga. "Hindi mo alam kase nga sabi mo sa akin na wala ka ng pakialam sa tao. So bakit ko pa itutuloy di ba? Kung hindi ka naman enteresado" Oo nga pala maraming kwento sa kanya si win pero lagi niya itong pinipigilan na mag kwento pwera nalang kung buhay nito pero kung tungkol nga sa iba at lalo na kay Nathan ay wag nalang. "May ginawa ba siyang Mali noong araw na iyon" huminga ito at inayos ang pag kakaupo. "Oo kase nilandi niya rin yung girl kaso ang nakaka inis nga lang noong mahuli ito ng boy e sinabi ni girl na binabastos daw ito." Pero tumawa naman si Win "Hindi naman sa ano pero deserve niya iyon, hindi ko parin makalimutan ang ginawa niya sayo" "Kalimutan na natin iyon" wika niya. "Anong kakalimutan. Pinag muka niya sayo na hindi ka niya dapat mahalin, na pinag muka niya sayo iyon. Napaka ganda mo para saktan ay nako sana yung manliligaw mo hindi katulad ni Nathan, kung ako lang ang tatanungin mo tungkol sa nararamdaman mo para kay Nathan, please tigilan mo na siguro mas bagay kayo niyang may dala na yan." "Ayoko na nakikita kang nasasaktan, kahit si Thea ayokong nasasaktan rin yun. Mahal ko kayo" Napa isip tuloy siya sa sinabi nito. Paano nalang kung malaman nito na si Nathan rin ang may dala ng tulips na ito at ito rin ang prince charming na tinutukoy nito sa kanya. Parang pinag pawisan nalang siya habang nakitingin sa kaibigan. Alam niyang hindi ito maniniwala na sa kanya. Kaya na isip niyang lokohin at pag tripan muna ito. "Eh mahal ko si Nathan e" biglang nasura ang muka ni win. "Alam mo sa manliligaw mo nalang ibigay yang pag mamahal mo. Alam ko na mas seryoso at deserve mo pa iyon. Tigilan mo nayang nararamdaman mo kay nathan, hayaan mo siyang maging tanga sa pag mamahal at wag kang mag pakatanga sa taong hindi ka naman mahal." "Si Nathan yung manliligaw ko"
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
u2393
11/11/2024
0oky
28/08/2024
0makumbaba
17/06/2024
0Tingnan Lahat