CHAPTER 12 POV'S CHELSEA "Sino ka ba? Anong reason para ipag palit ka ni mommy kay Lucia? Anong rasson para mas piliin niya ikaw. Sino ka ba talaga sa buhay ko? Anong katangahan para turuaan ako ng mommy ko para pumili ng mamahalin?" Nasa sasakyan na sila at siya ang nag dridrive. Nakatingin siya sa tulog nitong muka at minsan ay sinusulyap-sulyap siya dito. Naalala niya ang wika sa kanya ng mommy nito na gagawa raw ito ng paraan para makapag lapit silang dalawa sa isa't isa at eto pala ang sinasabi nito kanina palang. Napaisip siya sa mga kataga nitong binitawan sa kanya. (Mahal na mahal ko si Lucia at kahit sinong babae walang makakapantay don. Hindi ko siya ipag papalit sa iba dahil siya lang ang gusto ko) (Siya lang ang babaeng gusto kong makasama hanbang buhay, siya lang ang babaeng gusto kong iharap sa harap ng altar. Siya lang yung babaeng gusto kong maging ina ng magiging anak ko. Siya lang yung babaeng mamahalin ko habang nabubuhay ako dito sa mundo) (Siya lang ang babaeng mamahalin at kahit sino at sino pa ang ibigay nila sakin. Hinding-hindi ko gugustuhin. Kahit iisa nalang ang babae sa mundo at wala si Lucia. Mas mabuti pang tumandang binata kesa mapunta pa sa iba) Dinudurog ang puso niya sa tuwing naalala niya ang mga sinabi nito sa kanya. Siya pala ang tinutukoy nito, siya pala ang rasson kung bakit ganito ito ngayon dahil pinilit siguro ng mommy nito ang bahay na hindi naman talaga gusto ni Nathan. Hindi naman niya alam na ganito ang mangyayari, at alam namang si Win at Thea lang ang nakakaalam na gusto niya si nathan at lalo pa ngayon na alam niyang wala siyang pag -asang mahalin siya nito pabalik dahil kahit man may gawin siya ay hindi parin siya mamahalin nito katulad ng pag mamahal na gusto niya. Hindi rin niya alam kung bakit nagawa iyon ng magulang ni Nathan ngunit alam niyang may rasson ang lahat ng bagay. Wala siyang alam sa lahat kaya hindi rasson para sa kanya magalit ang lalaking ito. Yung tipong hindi ka na nga maalala, hindi ka na nga kilala ay nakaramdam ka pa ng hindi magandang salita galing sa taong minamahal mo ng sobra. Napangiti nalang siya at napatingin dito. Hindi kita pilitin mahalin ako pabalik, hindi ko ipipilit ang mga bagay na alam kung hindi mo gusto at gagawa ako ng paraan para hindi ka na pilitin ng mommy mo sa akin. Hindi ko gugustuhin na makuha ko ang mga bagay na hindi naman para sa akin. Huminto ang sasakyan niya sa isang tabi hinaplos ang muka. Huwag kang mag alala, kase hindi ko ipipilit yung sarili ko sayo. Hindi bagay sa gwapo mong muka ang masaktan. At kahit ako nalang ang babae sa mundo at ikaw nalang ang lalaki sa mundong ito. Hindi rin kita pipiliin at pipilitin na maging akin kase talo ako e. Mahal nga kita tapos iba naman pala yung mahal mo. Iba naman pala yung taong nasa puso mo. Kaya okay lang. Huwag ka naulit mag pakalasing, huwag ka narin sanang magalit sa akin. Nasasaktan rin naman ako e. Saka tao lang ako may damdamin. Hinawakan ng dalaga ang kamay nito, sinulit niya narin ang pag kakataon na tulog dahil minsan niya lang ito makasama, minsan niya lang ito makita sa malapit, minsan niya lang ito matitigan. Kinausap parin niya ito kahit tulog. Sino ako? Mag papakita ako sayo kahit tulog na tulog ka ( huminga siya ng malalim) Ayos na yung tulog ka kase pag gising ka hindi mo rin naman ako pakikinggan saka isa pa. Wala namang rasson para sabihin ko pa sa iyo. Sino ba naman ako. Nakahawak siya sa kamay nito. Alam mo ba sabi ni mommy ang tawag mo raw sa akin noong Three years old ay "rain" Sabi ko nga bakit ganoon ang tawag mo sakin kase sa haba ng pangalan ko wala ka manlang napili sa Francheska Eliesa Marie. Tapos ang layo-layo pa di ba. Actually hindi kita masisi kung hindi mo talaga matandaan kase grabe twenty-one na tayo ngayon. Mag baby's pa tayo no'ng mag kasama tayo kaya possible nga na makalimutan mo yun. Kase kahit nga ako nakalimutan ko narin. Kwinekwento lang talaga sa akin ng mommy ko. You so protective daw sabi ni mom hanggang sa age of seven, halos napaka mature mo daw kapag kasama ako. Umiiyak ka pa raw noong pupunta na kayo ng Italy e then sabi ng mommy lagi mo daw ako hinahanap, lagi nga daw ang sabi mo uuwi ka na ng Philippines para maka bond mo na ako at hindi puro video call. At the of Twelve bigla nalang nag laho yung communication natin kaya ayon hindi narin alam nila mommy kung paano kayo kakausapin. Siguro iyon yung panahon na nameet mo na si Lucia no? Siguro doon mo na ako nakalimutan hanggang sa ayon wala ka ng maalala sa mga memories natin in the past. Nasa kwarto ko lahat ng picture natin noong bata. Nandon lahat ng memories na iniwan mo sakin kase kahit naman na anong gawin ko, Isa lang akong problema sayo dahil sa pinagtutulakan ka nila sakin pero hayaan hindi ko hahayaan na maging akin ka. Atlis may memories naman tayo na makikita ko ang difference lang hindi mo alam. Saka past na 'yon, gumawa ka ng paraan para mag kita ulit kayo ni Lucia. Kapag kailangan mo ng tulong. Nandito lang ako pero ( napaisip siya) mas mabuti ng lumayo kasya maramdaman mo na pinipilit ko ang sarili ko sayo. Akala ko kaagaw ko lang ang lahat ng babae sa mundong ito pag dating sa iyo. Yun pala may isang taong naka- ukit na diyan sa puso mo at hindi na pwedeng burahin maski ako. Mas masakit palang yung isa lang ang kaagaw. Kase kahit marami kaming may gusto sayo hindi na pwede kase hindi ka naman pala mag papaagaw. Pero bakit sa damiraming lalaki sa mundo ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang yung taong minahal ko. "I protect you may Rain-na- Francheska Eliesa Marie" Sana marinig ko ulit yan sayo hindi lang sa memory at kwento ng mommy at mommy mo.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
u2393
11/11/2024
0oky
28/08/2024
0makumbaba
17/06/2024
0Tingnan Lahat