Chapter 11 "Ikaw yung problema ko" wika sa kanya ni Nathan sa akin. Napatulala si Chelsea sa wika sa kanya nng binata. Hindi ito makapag salita at nakatingin lang ang dalaga. Palupaypay kung mag salita ito sa kanya at dinuduro-duro pa siya. "Sino ka ba sa buhay ko?" Nakatinging saad sa kanya ni Nathan. "Nathan ano ba ang sinasabi mo diyan? Hindi kita maintindihan" iyon nalang ang nasabi niya hinawakan ko siya sa may braso kaso tinanggal niya iyon. Ano bang problema niya sa akin, may nagawa ba ako sa kanya na hindi nito nagustuhan? Pinag masdan ko lang ito sa gagawin. Tumingin ako sa oras ng cellphone ko at tumatawag na ang mommy ko na agad ko namang ni replyan na mamaya pa ako uuwi dahil may gagawin lang ako. Nag sinungaling pa ako na kasama ko si Win pero ang totoo ay kasama ko ang lalaking lulong sa alak. Naka pang iskwela pa ito na suot. Sumalampak ito sa sahig na agad niyang hinawakan ang braso nito at itatayo sana ngunit pinigilan siya nito at inalis ang kamay niya "Hayaan mo nga ako" wika nito habang nakatingin sa malayo. Ramdam niyang malakas na ang tama ng alak sa katawan nito dahil ang alak na ang kumokontrol dito at hindi na kaya. "Tumayo ka nga diyan. Madumi diyan" aakayin ko sana siya sa upuan na bakal ngunit mas pinili nito na sumalampak. Nakita niya rin ang sasakyan nitong nakaparada ngunit naisip niya hindi pwede itong mag maneho dahil lasing na at baka ma-aksidente pa. Napukaw ang tingin niya sa sasakyan na tinawag nito ng malakas ang pangalan niya. "Chelsea!" Nagulat ang dalaga. Hindi na niya alam ang gagawin hindi naman niya pwede itong iwan ng ganito. "Weit tatawagan ko si Tita Natalie para masundo ka na dito. Hindi kita papayagan na mag drive ba ka ma-aksidente ka pa." Habang nag tatype ang dalaga ng number ay tamayo ang binata saka kinuha ang cellphone nito. "Akin na 'yang cellphone ko Nathan" Pag kuha ni Nathan sa cellphone ni Chelsea. Nang kukunin na sana ni Chelsea ang cellphone sa kamay nito ay iniwasan naman ng binata at nilagay sa bulsa. Napa buntong hininga nalang ang dalaga. Ano ba ang gagawin ko dito palingap-lingap ako sa pag iisip kung paano masusulusyunan ang problemang ito. "Akina 'yang cellphone ko" Pag papakumbaba ng boses ko dito na hindi naman umaapekto. Hindi rin ako pinapansin at nakapikit na ang mata. "Akina ang cellphone ko parang awa mo na Nathan. Tatawagan ko sila tita para masabi ko na sunduin ka na dito" umiling ito sa akin at tumingin "Kaya kong umuwi mag isa" kulit nitong wika sa kanya. Nauubos na ang pasensya niya pero dapat hindi siya mag pa-apekto dito at gumawa ng paaran. "Nathan bawal kang mag drive kase lasing na lasing ka. Baka ma-aksidente ka" tumingin eto sa kanya. Pero hindi nakatuon ang pansin niya sa muka nitong ubod ng gwapo. Ngayon lang niya ito napag masdan sa malapitan. "Umupo ka nga dito" iritang wika ni Nathan sa kanya pero matigas siya kaya hindi siya umupo. "Sabi ko umupo ka dito. Mag uusap tayo" Hilo na ang pag sasalita nito pero hindi parin siya sumusunod sa sinasabi at inuutos nito sa kanya. "Bakit ba kase dumating ka pa sa buhay ko" mahinang wika ni Nathan na hindi maintindihan ni Chelsea. "Ano?" Pag tatanong ni Chelsea sa binata. Tumayo ito sa kinauupuan at tinitigan siya "Sabi ko bakit ka pa dumating sa buhay ko." Tapos tumawa at muling sumalampak. Umupo naman si Chelsea sa tabi nito at marahas na bumuntong hininga. Hindi nag sasalita si Chelsea at hinayaan niya nalang ito. Ayaw naman niyang patulan ang sinasabi nito lalo na't sa ganitong kalagayan. "Mahal na mahal ko si Lucia at kahit sinong babae walang makakapantay don. Hindi ko siya ipag papalit sa iba dahil siya lang ang gusto ko" Paduro-duro pa ito sa sarili sa bandang dibdib kung nasaan ang puso. "Siya lang ang babaeng gusto kong makasama hanbang buhay, siya lang ang babaeng gusto kong iharap sa harap ng altar. Siya lang yung babaeng gusto kong maging ina ng magiging anak ko. Siya lang yung babaeng mamahalin ko habang nabubuhay ako dito sa mundo." Tumingin ito sa dalaga. "Naiintindihan mo ba ako?" Hindi na siya nag salita at tumango nalang. Nag patuloy ito sa pag sasalita. "Hindi ko maintindihan ang mommy at daddy ko. Sana kung alam ko lang na pag lalayuin kaming dalawa ay hindi na ako sumama sa kanila." Tumawa ito sa tumingala. "Edi sana kasama ko siya ngayon, nag aaral kaming dalawa at nag tutulungan sana kami. Kamusta na kaya siya?" Tumuloy ang luha nito. "Sana ako parin. Sana hindi siya nakahanap ng iba o di kaya nagalit sa pag alis ko ng walang paalam sa kanya. Siya lang ang babaeng mamahalin at kahit sino at sino pa ang ibigay nila sakin. Hinding-hindi ko gugustuhin. Kahit iisa nalang ang babae sa mundo at wala si Lucia. Mas mabuti pang tumandang binata kesa mapunta pa sa iba" Tumingin sa kanya si Nathan. "Ikaw. Nasubukan mo na bang mag mahal? Nasubukan mo na ba na mag mahal tapos ipag tabuyan sa iba kahit hindi naman iyon yung gusto mo?" Umiling lang siya. "Bakit ba kase dumating ka pa sa buhay ko" hindi niya ito maintindihan sa mga sinasabi nito sa kanya. Paanong siya ang problema. Ano bang ginawa niya para mag kaganito ito sa kanya. Hindi naman nito alam ang tunay niyang nararamdaman para sabihin nito sa kanya. "Ano bang alam mo sa akin?" "Mag kakilala na ba tayo noon?" Kinatukan nito ang sariling ulo "kase hindi kita maalala, hindi ko alam kung sino ka sa buhay namin ng pamilya ko" hindi siya nag sasalita dahil hindi niya alam ang sasabihin sa kaharap niya ngayon. "Sino ka ba? Anong reason para ipag palit ka ni mommy kay Lucia? Anong rasson para mas piliin niya ikaw. Sino ka ba talaga sa buhay ko? Anong katangahan para turuaan ako ng mommy ko para pumili ng mamahalin?"
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
u2393
11/11/2024
0oky
28/08/2024
0makumbaba
17/06/2024
0Tingnan Lahat