Chapter 99

TULAD ng inaasahan, hindi nagustuhan ng miyembro ng Collins Group of Companies ang nalaman.
Hindi biro ang halaga ang nabawas sa pondo ng kumpanya ang nagastos sa pagpapatayo ng Collins Center 2 at Human Resource Development. Tapos kailangan pa nila bayaran ang may-ari ng lupa dahil sa damages.
Bagong gawa lang ang Collins Center at Human Resource Development. Kaya naman masama ang loob ni Draven na ipagiba ang mga ito, pero wala siyang choice. Malaking halaga ang binayad niya kay Mr. Bustante, upang 'wag lang ito magsampa ng kaso sa korte.
Sa tulong ni Red at ng kanyang ama, ibinalik nila ang pera na kinuha sa pondo ng Collins Group of Companies na pinagawa sa bagong company building. Inupahan nila ang lupa ng apat na buwan dahil kailangan nilang ilipat ang ibang materyales sa ibang location area.
Sobrang stressed si Draven nitong mga nakaraang araw. Galit na galit pa rin kasi ang kanyang ama. Iniisip lamang nito ang magandang reputasyon ng Collins Group kaya tinulungan siya nito. Nawalan na ito ng tiwala sa kanya na kaya niyang mamahala ng isang kompanya kung ngayon pa lang ay pumalpak na siya.
"Bakit hanggang ngayon, pinaparusahan mo pa rin ako, sweetheart?" Gabi na, pero naroon pa rin siya sa sementeryo kung saan naroon ang puntod ng namayapang asawa. "Pinagsisihan ko na ang nagawa kong pagkakamali sa 'yo. Kahit paulit-ulit akong humingi ng tawad, hindi mo ito maririnig. Nabigo ako. Ang gusto ko lang naman ay maipagmalaki ng aking ama. At upang patunayan sa kanya na may magagawa akong tama, pakakasalan ko si Eunice. Dahil dala-dala niya ang aming magiging anak. Mahal na mahal kita, nagkamali man ako ng paraan na ipakita 'yon sa 'yo, pero totoong minahal kita."
Tinungga ni Draven ang ikalimang bote ng beer. Naroon siya sa sementeryo upang makasama ang asawa bago niya pakasalan si Eunice. Kahit labag sa kanyang kalooban ay napilitan siyang sundin ang kagustuhan ng ama.
Nang makalabas kasi sa hospital ang ama ni Eunice at nalaman na buntis ito at siya ang ama, sinadya ni Mr. Delgado ang kanyang ama at kinausap na kailangan niyang panagutan ang anak nito upang huwag mabilad sa kahihiyan.
"I'm sorry, sweetheart… and once again, I failed."
Nang maubos ni Draven ang ika-anim na bote ng beer, nagpasya na siyang umuwi.
KANINA pa hindi mapakali si Eunice. Sinusubukan niyang tawagan sa cell phone nito si Draven pero operator ang sumasagot sa kanya.
“Sh*t! Nasaan ka ba, Draven?” Tumingin sa wall clock si Eunice. Alas-otso na ng gabi pero hindi pa nakakauwi ang lalaki. Ang sabi kasi nito sa kanya kanina, uuwi ito ng probinsya sa araw na iyon.
Inis na lumabas ng silid si Eunice. Saktong pumasok naman ng bahay si Draven.
“My God! Kanina pa ako nag-aalala sa ‘yo. Tinatawagan kita pero mukhang naka-off ang cellphone mo.”
Hindi pinansin ni Draven ang babae. Nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang makarating sa sala.
“Manang Fe!”
Humahangos na lumapit naman ang matandang babae kay Draven. “Ano po ‘yon, sir?”
“Gusto kong uminom ng kape. Maari bang ipagtimpla n’yo ako ng kape?”
“Sige po, sir.” Mabilis na tumalima ang matanda.
“I’m talking to you, Draven!” Hindi maiwasan mainis ni Eunice nang ‘di ito pansinin ng lalaki. “Where have you been? At bakit amoy alak ka?”
Umupo sa sofa si Draven at isinandal ang likod ng ulo.
“Answer me!”
“Fine,” mahinahong sagot ni Draven. “Galing ako sa sementeryo.”
“What?”
“Narinig mo ako ‘di ba? Sabi ko, galing ako sa sementeryo.”
“Dinalaw mo na naman ang ex-wife mo? Draven, matagal na siyang patay! Bakit ba kailangan mo pa siyang puntahan sa sementeryo, e, hindi naman niya maa-appreciate ang effort mo sa pagdalaw sa kanya.”
Hindi sumagot si Draven.
“Mas higit kitang kailangan. Kami ng magiging anak mo. Next month ay ikakasal na tayo. Kailangan mong tanggapin oras na maikasal tayo, ibang pahina na ng buhay mo ang bubuksan mo.”
“Ano ba ang masama kung dalawin ko ang asawa ko?”
“Walang masama, Draven. Pero ikakasal na tayo. Hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin ako makipagkompetensya sa namayapa mong asawa. Narito ako, buhay na buhay at mabibigyan ka na ng anak. Pero ang puso mo, naroon pa rin sa asawa mo. Pinilit kong unawain ka dahil mahal kita."
“I’m sorry,” salitang namutawi sa mga labi ni Draven. Nabahala rin ito nang makita ang umbok sa tiyan ni Eunice. Pitong buwan na itong buntis, dalawang buwan na lang ay masisilayan na niya ang kanilang magiging anak. “Nagpaalam lang ako sa puntod ng asawa ko. Sinabi ko sa kanyang next month ay ikakasal na ako sa ibang babae.”
“Hindi ako basta ibang babae, Draven.” Nainsulto si Eunice. “Una mo akong minahal bago mo pa makilala ang ‘yong asawa. At kahit kinasal na kayong dalawa, patuloy pa rin tayong nagkikita.”
“Hindi mo na kailangan ipaalala sa ‘kin.”
“Narito na po ang kape n’yo, sir.”
Sabay na napatingin kay Manang Fe ang dalawa. Inis na umalis ng sala si Eunice.
“Maraming salamat, manang.”
“Walang anuman, sir.” Nagpaalam na si Manang Fe na babalik sa kusina.
Mula sa kusina ay tumuloy naman si Manang Fe sa hardin. Doon ay tinawagan nito sa cellphone si Lindsey.
“Manang, napatawag ka?” tanong ni Lindsey sa kabilang linya.
“Nais ko lang ipaalam sa ‘yo na sa susunod na buwan ay ikakasal na sina Draven at Eunice.”
“Totoo ba ang sinasabi mo, manang?”
“Oo. Napagkasunduan ng mga magulang nila na ipakasal na sa susunod na buwan upang ‘wag mabilad sa kahihiyan ang pamilya Delgado.”
“Alam ko kung bakit, dahil buntis si Eunice.”
“Hindi siya totoong buntis.”
“Ano?” Halatang nagulat sa nalaman si Lindsey. “Nakita mismo ng mga mata ko, manang… malaki na ang tiyan ni Eunice.”
Tumingin muna sa buong paligid si Manang Fe. “Nagpapanggap lang siyang buntis. Nakita ni Memay ang ginagamit nitong pekeng tiyan. Hindi ko alam kung ano ang tawag doon.”
“Artificial baby tummy, ‘yon ba ang tinutukoy mo, manang?”
“Oo, ‘yon nga! Wala ka bang gagawin para pigilan ang magiging kasal nilang dalawa?”
“Hindi ko pa alam, manang. Alam mo ba kung saan sila ikakasal?”
“Ikakasal sila sa simbahan. Ang nag-iisang simbahan sa Allen. Minamadali na nga ang magiging kasal nila. Kailangan maikasal sila bago pa raw manganak si Ma’am Eunice. Ngunit ang inaalala ko ay si Sir Draven, hanggang ngayon ay hindi niya alam na niloloko lang pala siya ng babae.”
“Mararamdaman na rin ni Draven ang pakiramdam ng niloloko! Marapat lamang sa kanya iyon. Manang, ibababa ko na ang telepono. Maraming salamat sa impormasyon.”
“Sige at ako’y babalik na rin sa loob ng bahay.”
“Bye, manang!”
“Bye!”
Nang matapos makausap ni Manang Fe sa kabilang linya si Lindsey, muli itong bumalik sa kusina. Sumilip ito sa sala, naroon pa rin si Draven at tila nakatulog na sa sofa.

Komento sa Aklat (94)

  • avatar
    Angel Sumanday Salac

    nice

    13/08

      0
  • avatar
    Idzmar Bisong

    pwede pa hingi nang dayamonds

    19/10

      0
  • avatar
    originnethgen

    Very nice story, galing mo author.

    07/09/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata