HINDI pa sana titigil sa pag-awit si Lindsey kung hindi siya inawak ni Ernest. Hinawakan nito ang kanyang kamay. Parang may kung anong init na dulot iyon. Napatingin siya sa mukha nito. Para itong napaso na biglang binitiwan ang kanyang kamay. “I-it’s getting late. Why don’t you go upstairs and back to sleep?” Marahang tumango si Lindsey, saka nagmamadaling pumanhik sa hagdan. Nasa kalagitnaan siya ng hagdan nang lingunin ito. Nakatingin sa kawalan si Ernest, mukhang malalim ang iniisip. She sighed. KINABUKASAN ay tinupad nila ang pangako kay Snow. Lihim na nasisiyahan si Lindsey habang manaka-nakang nililingon ang mag-ama na abalang gumagawa ng castle sa tabing-dagat. Bagaman abala siya sa paghahanda ng pagkain nila sa mesa na gawa sa kawayan sa ilalim ng isang open-air cottage. Nang muli siyang bumaling ng tingin para pagmasdan ang mag-ama, namula siya nang mapansing matamang nakatingin sa kanya si Ernest. Nitong mga nagdaang-araw, may napapansin siyang kakaiba sa lalaki. Malimit niya itong mahuling tila malalim ang iniisip at kung pagmasdan ang mukha niya tila may nababasa siyang lungkot sa mga mata nito. Pabigla tuloy niyang binawi ang tingin habang nararamdaman ang pag-iinit ng kanyang pisngi. Napabilis tuloy ang pagpaypay niya sa iniihaw na isdang bangus sa harap ng grill. “Don’t you want to take a dip?” Napaigtad siya sa gulat nang marinig ang tinig ni Ernest. Kaswal na nilingon niya ito mula sa ginagawa. Lalo na siyang naasiwa nang mapansing tila pinagmamasdan siya nito sa suot niyang two-piece swimsuit. “Mamaya na lang siguro,” tugon niyang muling niyuko ang inihaw na isda. Patuloy siya sa pagpaypay. “Malapit nang maluto ang isda, maya-maya lang ay kakain na tayo.” “Daddy! Mommy!” Sabay silang napalingon nang marinig ang pagtawag ni Snow. Napansin nilang nagtatampisaw na ito sa bahagi ng buhanginan na manaka-nakang inaabot ng tubig. “Hey, stop right there, little girl,” sigaw ni Ernest. Pagkatapos ay kinuha nito ang isang float mula sa cottage. Pero bago ito tuluyang magtungo sa tabing-dagat, sandali itong tumigil sa harap niya. “Can you join us?” tanong nito. “Susunod na lang ako,” aniya rito nang mailipat niya na sa bandehado ang inihaw na isda. Ngunit sabay silang napasigaw sa gulat. Hindi nila napansin ang paglapit sa kanila ni Snow. “Snow?” sabay nilang sambit sa pangalan nito. Tawang-tawa naman ang bata. Bitbit nito ang maliit na timba na pinaglagyan ng tubig-dagat na binuhos sa kanila. “Snow....” aniya at ibinaba sa mesa ang hawak na bandehado. Nang tumakbo ang bata palayo sa kanila ay hinabol niya ito. Para siyang batang paslit na nakipaghabulan dito. Ilang sandali pa ay nasa tubig-dagat na silang tatlo. Kung pagmamasdan sila, larawan sila ng isang masayang pamilya. Pagkatapos maglunoy sa dagat ay umahon na sila para kumain. Kung minsan ay hinihimay siya ng inihaw na isda ni Ernest. Siya naman ay sinusubuan ng pagkain si Snow. Bakas sa magandang mukha ng bata ang tuwa dahil magkakasama silang tatlo. Dalawang araw sila namalagi sa beach resort. Ngayon ay pabalik na sila sa Manila. Nakatulog sa kandungan niya si Snow. Maging siya ay umidlip din ngunit nagising nang makatanggap ng tawag mula sa France. Tinanong nito ang Forever’s Beauty Cosmetics, kung ano ang balita sa pakikipag-partnership ng mga ito sa kompanya nila. “The Delgado Group of Companies is facing a terrible situation. Fortunately, we didn’t continue our deal with their company.” Halata niya sa boses ng kausap sa kabilang linya ang pagkadismaya. “If by chance we accepted their business proposal, we seem to have put our company name to shame. We don’t need the help of their company to sell our products because our company can make money even without their help. In case they deal with you again, be honest with them that we are no longer interested in partnering with them.” “Yes, Mr. Siangco,” iyon lamang ang naisagot niya. Kahit naman hindi iyon iutos sa kanya ng big boss, hindi pa rin niya tatanggapin ang pakikipag-deal ng Delgado’s Group of Companies sa kanilang kompanya. Parte ng paghihiganti niya ang ipahiya si Eunice Delgado dahil alam niyang maapektuhan ang mother company nito oras na malaman ang pakikipag-apid nito sa lalaking may asawa. Hindi niya hahayaang maging masaya ang dalawang taong nagkasala sa kanya. Hahanap at hahanap siya ng butas na magagamit niya laban sa mga ito. Nang matapos niyang makausap ang kanyang boss ay sinubukan niyang ipikit ang mga mata. Hindi niya na napansin ang tingin ni Ernest sa pamamagitan ng front mirror ng sasakyan. NAGTUTULAKAN sina Manang Fe at Memay kung sino ang maghahatid ng vitamins ni Eunice. "Ikaw na ang magdala niyan sa kuwarto niya at may gagawin pa ako." "Manang, baka sungitan na naman ako ng bruhildang 'yon," kumakamot sa ulo na sabi ni Memay. Ilang beses na kasi itong tinarayan ni Eunice kapag hindi gusto ang pagkaing inihahanda rito. "Mabait lang siya kapag narito si Sir Draven." "Hayaan na natin at normal lang iyon sa buntis," paliwanag ni Manang Fe. Wala na ngang nagawa si Memay kundi ang sundin ang utos ni Manang Fe. Lumabas ito ng komedor na bitbit ang tray kung saan nakalagay ang almusal ni Eunice at mga vitamins." "Ma'am…" Kumatok sa pinto si Memay. Walang tugon. Nang pihitin nito ang door knob, bumukas iyon. Nakita nitong nakahiga pa sa kama ang babae at himbing pa rin na natutulog. Pumasok ng kuwarto si Memay akmang ipapatong na nito sa bedside table ang dalang tray nang matigilan. Nanlalaki ang mga mata nito nang makitang impis ang tiyan ng babae. Nasaan ang baby? bulong sa sarili ni Memay. Nagtataka ito dahil wala na ang umbok sa tiyan ni Eunice. Narinig nitong umungol ang babae at tumagilid ng higa. Maingat na humakbang palabas ng kuwartong iyon si Memay dala ang tray. Nanginginig ang buong katawan nito sa natuklasan. Hindi totoong buntis ang babaeng dinala ng amo nila sa bahay nito. Nagpapanggap lamang itong buntis. Halos takbuhin ni Memay ang hagdan pababa. Agad na hinanap nito si Manang Fe.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice
13/08
0pwede pa hingi nang dayamonds
19/10
0Very nice story, galing mo author.
07/09/2025
0Tingnan Lahat