Chapter 44

HULING lamay na ng ama ni Lindsey kaya naman dumagsa ang mga nakiramay. Lahat ng mga tauhan ng rancho ay lumuha. Nalulungkot ang mga ito sa pagkawala ng mabuting amo.
Labis pa rin nasasaktan si Lindsey sa pagkamatay ng kanyang ama. Kahit araw-araw na umiiyak siya ay hindi pa rin maubos-ubos ang kanyang mga luha. Hindi pa rin siya makapaniwala na nakahimlay sa loob ng kabaong ang ama.
"Papa, I'm sorry..." umiiyak na niyakap niya ang kabaong ng ama. Iyon na ang huling gabi na makikita at makakasama n'ya ang ama.
"Lindsey, tama na..." lumuluhang hinagod ni Divine ang likod ng kaibigan.
Yumakap si Lindsey sa kaibigan. "Ang hirap tanggapin na iniwan na ako ni Papa. Mag-isa na lang ako, Divine."
"That's not true," ikinulong ni Divine ang mukha niya sa mga kamay nito. "You are not alone. Marami kaming nagmamahal sa 'yo."
Patuloy sa pag-iyak si Lindsey hanggang sa manghina ito at nawalan ng ulirat. Naging maagap naman si Divine. Mahigpit na niyakap nito ang baywang ng kaibigan.
"Lindsey, wake up!" nababahalang sabi ni Divine. Nakita nito si Draven na kausap ang ilan sa mga tauhan ng rancho. "Draven!"
Narinig ni Draven na may tumawag sa kanya. Lumingin siya sa likuran at nakita niya ang kaibigan ni Lindsey, yakap-yakap nito ang dalaga. Nagpaalam siya sa mga kausap.
"Anong nangyari sa kanya?" tukoy ng lalaki kay Lindsey.
"She fainted."
Kinuha ni Draven ang walang malay na si Lindsey sa mga bisig ng kaibigan nito. Pinangko niya ang dalaga at dinala sa sala. Nakita naman ni Manang Fe ang nangyari, kaya naman agad nitong tinawag ang anak ni Tita Elena na isang doktor. Nang masuri ng doktor si Lindsey, pinayuhan nito si Draven na dalhin sa silid nito ang dalaga. Upang makapagpahinga ng mabuti.
MAINGAT na inilatag ni Draven sa ibabaw ng kama si Lindsey. Pinagsawa niya ang mga mata na titigan ang kabuuan ng dalaga.
Labis siyang nahabag para kay Lindsey, ilang araw na itong walang sapat na tulog, kung kumain man ay tatlo o limang subo lang. Humimpis na ang maganda nitong mukha. At halatang nangayayat ito.
"Lindsey," sabi ni Draven na marahang umupo sa gilid ng kamang kinahihigaan ng dalaga. Hindi napupuknat ang pagka-titig niya sa magandang mukha nito.
Nanulay sa labi niya ang isang ngiti.
"Kahit sa iyong pagtulog ay napakaganda mo," sabi pa niyang medyo malakas. "Sayang lamang at pareho tayong may ibang mahal. Pero tutuparin ko ang aking pangako kay Tito Leonardo, pakakasalan kita. Alam ko sa sarili kong hindi ka mahirap mahalin. Dahil nang una pa lang kitang nakita, may sumibol nang kakaiba sa aking dibdib. May nararamdaman na akong kakaiba sa 'yo, ngunit hindi pa ako sigurado kung pag-ibig ba ito."
Maingat na hinagod ng kanyang kamay ang mahabang buhok nito, na nakalugay sa unan.
Hinalikan niya sa noo ang babae. Maingat na maingat. Paano'y ayaw niyang maabala ito sa pagtulog. Ganun din, mabisto nitong hinalikan niya. Baka kasi mag-react ito. Magalit at masampal pa siya ng wala sa oras.
Nakarinig ng katok sa pinto si Draven. Dali-dali siyang tumayo at tinungo ang pinto. Si Manang Fe ang napagbuksan niya.
"Sir, nariyan na ang iyong ama't kapatid."
Tumango-tango siya.
"Manang Fe, bantayan n'yo si Lindsey. Kami na lang ang bahalang mag-estima sa mga taong nakiramay-" naputol ang sasabihin sana ni Draven nang may biglang nagsalita mula sa likuran ng matanda.
"Draven, ako na lang ang magbabantay sa kaibigan ko," wika ni Divine. "Kakailanganin kasi si Manang Fe sa baba. Dumating ang pamilya ni Tito Nicolas ang kababata at best friend ni Tito Leonardo. Gusto nga nilang makita si Lindsey, sinabi kong nagpapahinga pa siya."
"Ganun ba," anang binata. "Sige, maiwan ka na muna namin, Divine. Ikaw na muna ang bahala kay Lindsey. Depressed na depressed siya ngayon kaya hindi pwede maiwan mag-isa sa kanyang silid."
"Ako na ang bahala sa kaibigan ko," nakangiting tugon ni Divine. Pumasok na ito sa silid ni Lindsey.
PAGBABA ni Draven sa sala ay agad niyang nakita ang ama na may kausap na isang lalaki. Halos hindi nalalayo ang edad ng dalawa.
"Dad," tawag pansin niya sa kanyang ama. Lumingon naman ito sa kanya.
"Speaking of my son, here he is."
Lumapit siya sa ama at ngumiti naman sa lalaking kausap nito.
"My eldest son, Draven Collins."
Pinakilala siya ng ama sa kausap nito. Ngayon niya ito nakita.
"Nice to meet you, Draven," nakangiting sabi ng lalaki. "Tawagin mo akong Tito Nicolas."
"You are Tito Leonardo's childhood best friend, am I right?"
Tumango si Nicolas.
Tumingin si Draven sa ama.
"Magkakilala kayo?" tanong niya sa ama.
"Nang nag-aaral pa kami ng kolehiyo. Iisang university lang kami," tugon ng kanyang ama. "Nabanggit ko sa kanya ang nalalapit n'yong kasal ni Lindsey. Isa siya sa mga magiging ninong n'yo sa kasal."
"Dad, 'hindi pa dapat natin pinag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyan. Lalo na't nagluluksa pa si Lindsey sa pagkamatay ni Tito Leonardo."
"I know, hijo. Binanggit ko lang kay Nicolas. Bago namatay si Leonardo, napag-usapan na namin kung kailan idadaos ang kasal n'yo ni Lindsey."
Magsasalita pa sana siya nang maagaw ang pansin niya sa isa pang lalaki na lumapit sa kinaroroonan nila. At kasama nito sina Zach at Eunice.
"Nicolas!"
"Rodrigo!"
Nagdaop-palad ang dalawang lalaki at nagkamustahan.
"Conrad, isa rin si Rodrigo sa malalapit na kaibigan ni Leonardo."
Ipinakilala naman ni Rodrigo Madrid ang nag-iisa nitong anak na si Zach.
"At ito naman si Eunice, asawa ng aking anak."
Napatingin si Draven sa mukha ng kanyang ama. Walang kangiti-ngiti sa mukha nito nang makitang nakipagkamay siya sa babae. At alam niya ang dahilan.
For Draven, it was an awkward moment when Eunice was introduced to him by her father in law. Napansin din niyang balisa ang babae, na agad binawi ang kamay matapos nilang mag-shake hands.
Ang asawa nitong si Zach ay nakipag daop-palad din sa kanya. Halatang wala pa itong alam tungkol sa naging relasyon nila noon ng asawa nito. Marahil ay hindi nabanggit ni Eunice sa asawa nito na siya ang ex-boyfriend nito ng mga panahon na pareho pa silang nasa Australia.
Wala naman gaanung pinag-usapan. Pulos tungkol lang kay Tito Leonardo. Nagpaalam na rin sa kanila si Rodrigo Madrid, nagpaabot na lamang ng pakikiramay kay Lindsey.

Komento sa Aklat (94)

  • avatar
    Angel Sumanday Salac

    nice

    13/08

      0
  • avatar
    Idzmar Bisong

    pwede pa hingi nang dayamonds

    19/10

      0
  • avatar
    originnethgen

    Very nice story, galing mo author.

    07/09/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata