Chapter 41

"Marry Draven."
Ang malakas na pagbagsak ng dala niyang maleta ang sumagot sa sinabing iyon ng kanyang ama. She composed herself. Pinulot niya ang nahulog na maleta.
"Pa, I'm tired. Kararating ko lang. I want to rest."
Galing si Lindsey sa Cebu. Um-attend sila ni Divine sa church wedding ng kaibigan nilang si Lara. Isang linggo silang namalagi roon. Iyon ang unang beses na nakarating sila sa Cebu kaya naman sinulit nila ang pamamasyal ni Divine.
"I'm not requesting you to marry him. It's an order."
Bigla ang pagkirot ng sentido niya dahil sa narinig. Excited pa naman siyang umuwi ng rancho, only to find out that her father had planned her 'funeral' ahead of her. Biglang lumitaw sa kanyang isip ang nakangising mukha ni Draven. Hindi porket hindi na niya ito tinatarayan, ibig sabihin papayag na siyang maging asawa ito.
Wala silang relasyon, hindi nila gusto ang isa't-isa at lalo namang walang pag-ibig na namamagitan sa kanilang dalawa. Napahawak siya sa kanyang kumikirot na ulo.
"Pa, isang linggo lang ako nawala. Ano ba ang nangyari, bakit bigla-bigla mo na lang sasabihin na pakasalan ko si Draven?" ayaw pa rin pumasok sa utak niya ang nais ng kanyang ama.
"Conrad and I have talked about it. Wala ka naman nobyo at kilala naman natin na mabuting tao si Draven. Nakapangako na ako sa kanyang ama at hindi ko iyon pwedeng bawiin. Pakakasalan mo si Draven dahil iyon ang nakatakda."
"That's absurd. Tayo ay nasa ikadalawampu't isang siglo na, for pete's sake!" Binuhat niya ang maleta. "And one more thing, I don't like him at hindi ko siya mahal."
"Anak, matututunan mo rin mahalin si Draven," naging malamyos na ang tinig ng kanyang ama. Napansin niya rin na taas-baba ang dibdib nito na tila ba habol ang paghinga. "May problema silang kinakaharap ngayon at kailangan nila ng tulong."
"Kung kailangan nila ng tulong, hindi sagot ang pagpapakasal naming dalawa ni Draven," masama ang loob na sagot niya.
"Hindi ko kasi pwedeng sabihin sa 'yo ang problemang kinakaharap nila dahil alam kong hindi mo rin mauunawaan. Ngayon lang ako humiling sa 'yo, anak. Alam mo kung gaano kahalaga sa 'kin ang rancho. Ayoko itong mawala sa atin at sa susunod pa natin henerasyon."
Napatitig siya sa mukha ng ama. Napagtanto niyang may laman ang huling sinabi nito. "Ano'ng kinalaman ng pagpapakasal ko kay Draven at ng rancho?"
"Hindi lingid sa kaalaman mo na malaking halaga ng pera ang hiniram ko sa pamilya Collins. Six million pesos iyon at wala pa akong sapat na pera para mabayaran ang utang ko."
Biglang nagkaroon siya ng ideya kung bakit nais ng kanyang ama na pakasalan niya si Draven.
"Ako?" masama ang loob na itinuro niya ang sarili. "Ako ang nais mong maging kabayaran sa pagkakautang natin sa pamilya Collins?"
Hindi sumagot ang kanyang ama. Malungkot na nagyuko ito ng ulo.
Ikinurap ni Lindsey ang mga mata upang pigilan ang luhang nagbabadya sa sulok ng kanyang mga mata.
"Hindi mo kayang mawala sa 'yo ang rancho," huminga siya nang malalim bago muling nagsalita, "pero kaya mong mawala ako sa 'yo. Gano'n ba 'yon, Papa?"
"Lindsey, hindi naman sa gano'n anak. Kapag si Draven ang naging asawa mo, hindi ako mag-aalala sa 'yo kapag ako'y nawala na. Dahil alam kong hindi ka niya pababayaan. I just want a secure life for you. Hindi ka maghihirap sa piling ni Draven."
"This is nonsense!" Mabilis na tinungo niya ang hagdan paakyat sa kuwarto niya.
"Lindsey! Kinakausap pa kita."
"You can't do this to me, Papa. You can't!" pakiramdam niya ay may mabigat na bagay ang nakadagan sa dibdib niya.
Hustong naisara niya ang pinto ay impit siyang napatangis at napasandal doon. Bakit bigla-biglang naging ganoon ang kanyang ama?
Alam niyang mahal na mahal siya ng kanyang ama. Never itong nanghihimasok sa usaping pag-ibig. Inis na ibinalibag niya sa sahig ang maleta at dumapa sa kanyang kama. Umiyak siya nang umiyak upang kahit paano ay mabawasan ang bigat na dinadala niya sa dibdib.
HINDI maipinta ang mukha ni Leonardo. Kanina pa naninikip ang dibdib niya ngunit pinilit na huwag iyon ipahalata sa anak. Saktong napadaan naman si Manang Fe sa sala.
"Sir, ano'ng nangyari sa 'yo?" bakas ang pag-aalala sa mukha ni Manang Fe. Agad nitong nilapitan ang among lalaki.
"M-Manang Fe, a-ang gamot ko, dali!" sapo ni Leonardo ang kanyang dibdib na parang kinakapos ng hininga.
Kinabahan si Manang Fe sa nakikita nitong itsura ni Leonardo, putlang-putla na ang mukha nito. Natatarantang tinungo ng matandang babae ang medicine kit.
"Alin ba dito ang gamot ni Sir?" parang dinadaga sa kaba ang dibdib ni Manang Fe.
Hinanap ni Manang Fe ang bote ng gamot na madalas makita na iniinom ni Leonardo. Nakita naman agad nito ang gamot na hinahanap. Kumuha muna ito ng tubig bago bumalik sa sala.
"B-bilis!" nakayukyok na si Leonardo sa kinauupuan nito habang sapo-sapo ang dibdib.
"Ito na po! Ito na po, Sir!" natatarantang binuksan ni Manang Fe ang bote ng gamot at agad na binigay kay Leonardo.
Nang mainom ni Leonardo ang gamot ay nakaramdam naman agad ito ng ginhawa.
"Sir, ano ho ba ang nangyari sa 'yo?" tanong ni Manang Fe.
"Pagod lang ako," nanatiling nakayuko ang ulo na tugon ni Leonardo. "Kailangan ko lang ng sapat na pahinga, magiging ayos na rin ang pakiramdam ko maya-maya."
"Sir, natakot ako nang makita kitang tila nahihirapan sa paghinga," may bahid na pag-aalala sa boses na sabi ng matanda. Itinuro nito ang bote ng gamot na nasa kamay ni Leonardo. "Para saan ba ang gamot na 'yan?"
Sandaling natulala si Leonardo, pero saglit lang ay ngumiti ito.
"Gamot ito pampakalma," itinago ni Leonardo ang gamot sa bulsa ng suot nitong damit. "Manang Fe, 'wag mong babanggitin ang tungkol sa nakita mo kay Lindsey. Ayokong mag-alala sa 'kin ang batang 'yun."
Alanganin na tumango ang matanda. "Ayos na ho ba ang pakiramdam n'yo, Sir? Gusto n'yo bang ihatid ko kayo sa iyong silid?"
"Ayos lang ako. Napagod lang ako kanina nang nagtungo ako sa rancho," tumayo si Leonardo. "Nakauwi na si Lindsey at naroon siya sa kayang silid. Hayaan n'yo siyang makapagpahinga. Papanaog na lang iyon kapag nagutom."
Nagpaalam na si Leonardo sa matanda na papanhik sa kanyang silid. Naiwan naman si Manang Fe sa sala. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala habang sinusundan ng tingin ang lalaki. Iyon ang unang beses na nakita nito na tila hirap sa paghinga si Leonardo.

Komento sa Aklat (94)

  • avatar
    Angel Sumanday Salac

    nice

    13/08

      0
  • avatar
    Idzmar Bisong

    pwede pa hingi nang dayamonds

    19/10

      0
  • avatar
    originnethgen

    Very nice story, galing mo author.

    07/09/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata