HINDI inaasahan ni Leonardo na magiging panauhin niya nang hapong iyon ang tatakbong alkalde sa kanilang lalawigan. "Manang Fe, pakidalhan kami ng maiinom sa rooftop terrace." "Yes, Sir," mabilis na tumalikod ang matandang babae. Dinala naman ni Leonardo ang kanyang panauhin sa rooftop terrace. "Ano'ng maipaglilingkod ko sa 'yo, Mr. Delgado?" tanong ni Leonardo sa panauhin nang pareho na silang nakaupo sa silya. "Ayokong magpaligoy-ligoy pa. Narito ako para makiusap," inilapag sa center table ni Fernando ang hawak na brown envelope. "Ano 'to?" "That's a copy of my daughter's marriage contract with her husband Zach Madrid." Bakas sa mukha ni Leonardo ang pagkabigla. "Akala ko ba apat na buwan pa bago ang kasal nila ni Zach?" Marahas na napabuga ng hangin si Fernando. "Oo. Pero bago ang magiging kasal nila sa simbahan ay nagpakasal na sila sa huwis." Napatango-tango si Leonardo. "Ano naman ang kinalaman ko sa kasal nila?" "Nothing," mabilis na sagot ni Fernando. "Buksan mo ang brown envelope at tingnan kung ano pa ang nilalaman nito." Kinabahan si Leonardo. Ang nasa kanyang isipan ay baka may ginawang kabaluktutan ang anak niyang si Lindsey. "Tapatin mo nga ako," aniya. "May kinalaman ba ang aking anak, kaya sumadya ka rito sa aking pamamahay?" Umiling-iling ito. "Not your daughter. Pero ang bago mong tauhan sa rancho, may kinalaman siya sa usaping ito." "Si Draven ba ang tinutukoy mo?" Tumango ito. Inusisa ni Leonardo ang nilalaman ng brown envelope. Naroon nga ang kopya ng marriage contract nina Eunice at Zach. Pero ang nagpalaki ng kanyang mga mata ay ang mga kuhang larawan nina Eunice at Draven. "That man is having an affair with my daughter. I don't know when it started. Hindi lang ang pamilya Delgado ang mapapahiya, kundi maging ang pamilya Madrid. At baka maging dahilan pa para matalo kami sa darating na eleksyon ng aking running mate." "Ano'ng gusto mong gawin ko?" hindi makapag-isip ng maayos si Leonardo. "I want you to get him out of our province. Bring him back wherever he came from." "Patawad, pero hindi ko magagawa ang iyong nais." Biglang bumalatay ang galit sa mukha ni Fernando. "At bakit hindi? Isa siyang anay na handang sumira sa pagsasama ng aking anak at ng asawa nito. Ang mga katulad niya'y hindi nararapat sa lugar na ito. Isa pa, isa lamang siyang mababang uri ng tao. Tauhan mo lang siya sa iyong rancho kaya may kakayahan ka na paalisin siya bilang isang trabahador." "Wala akong karapatan na pangunahan siya sa kanyang mga desisyon sa buhay. Pero 'wag kang mag-alala, kakausapin ko ang kanyang ama ukol dito." Hindi na lamang sinabi ni Leonardo sa kaharap ang totoong estado ng buhay ng binata. "Narito na ho ang inyong maiinom, Sir," inilapag ni Manang Fe ang dalang tray sa center table at pagkatapos pagsilbihan ang dalawang lalaki ay tumalikod na ito. "Nasaan nga ba ang lalaking 'yon?" tukoy ni Fernando kay Draven. "Wala siya rito. Umuwi siya ng Maynila." "Sana lang ay 'wag na siyang bumalik dito," tiim ang bagang na sabi nito. Hindi na sumagot si Leonardo. Kahit 'di niya nagustuhan ang tabas ng dila ng kaharap ay mas pinili na lang niyang unawain ang nararamdaman nito bilang ama sa anak nitong si Eunice. Hindi na rin nagtagal sa bahay niya ang panauhin, nagpaalam na itong aalis. KANINA pa naroon sa library si Leonardo. Iniwan sa kanya ni Fernando Delgado ang mga kuhang larawan nina Eunice at Draven. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip kung ano ang nararapat niyang gawin. Gusto niyang kausapin ang binata, pero baka hindi ito makinig sa kanya. Kaya naman naisip niyang lumuwas na lang ng Maynila upang personal na makausap si Conrad, ang ama ni Draven. Bahagyang nagulat si Leonardo nang makarinig ng katok sa pinto sa labas ng library. "Papa, are you in there?" muling kumatok sa pinto si Lindsey. "Come in," sagot ng kanyang ama mula sa loob ng library. Agad na nagmano si Lindsey sa ama nang makapasok ng library. Umupo siya sa ottoman chair katabi nito. "Papa, ano ang ginawa rito ni Mr. Delgado?" "Sinabi ba sa 'yo ni Manang Fe?" "No," sagot ng dalaga. "Nakita ko siyang hinatid mo sa labas ng gate. Naroon ako sa hardin nang matanaw ko kayong dalawa." Napatango-tango ang kanyang ama. "Napasyal lang siya rito. Alam mo naman malapit na ang botohan. Nililigawan niya ako para siya ang iboto kong alkalde dito sa ating lugar. Teka nga sandali, napapansin ko yatang hindi na dumadalaw dito ang kaibigan mong si Divine. May trabaho na ba siya?" "Still looking," sagot niya sa ama. "Nasa bakasyon si Divine kasama ang family niya." "Wala ba siyang nababanggit sa 'yo?" "Nababanggit?" napaarko ang mga kilay niya sa tanong na iyon ng ama. Like what?" "Anything," naalala kasi ni Leonardo ang tungkol sa kasal nina Zach at Eunice. "Halimbawa, tungkol kay Zach." Humalukipkip siya. "We are no longer talking about her cousin. Ayoko ring pag-usapan ang tungkol kay Zach." Inakbayan siya ng ama, humilig naman siya sa balikat nito. "Pa, bakit kaya ganun, kung sino pa ang gusto mo ay siya naman ang ayaw sa 'yo?" "You can’t help who you fall for. Unfortunately, sometimes the person you fall for is involved with someone else. You shouldn’t feel guilty kung ang taong gusto o mahal mo ay may ibang mahal o kaya ikakasal na sa iba. But you should handle the situation with maturity. Typically, the best thing to do is move on and get over the guy to avoid anyone getting hurt. To get over a guy that doesn't love you, kailangan mong maunawaan ang sitwasyon. Gumawa ng mga hakbang upang magpatuloy sa buhay at subukang alisin sa iyong isip ang lalaking ito, upang mabuksan mo ang iyong sarili sa isang bagong tao sa hinaharap." Mahabang turan ng kanyang ama. "Pero hindi po madaling maka-move on, lalo na sa isang tulad kong halos sambahin si Zach. Wala akong ibang ginusto kundi siya lang. Pero unti-unti ko na rin naman natatanggap na talagang wala nang katuparan ang aking binuong pantasya. When you’re in the midst of heartbreak, it’s easy to forget to take care of your personal needs. But grieving isn’t just an emotional experience, ito ay nagbibigay din takot sa isang taong nasaktan na muling subukan ang magmahal. Dahil sa takot na baka muling masaktan." "Feeling heartache is part of the healing process and sometimes we have to remember that we should be thankful for a good cry." Ginulo ng kanyang ama ang buhok niya. "Pero ngayon, kailangan na natin lumabas ng library bago pa bumaha ng luha rito," biro nito sa kanya. "Pa!"
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice
13/08
0pwede pa hingi nang dayamonds
19/10
0Very nice story, galing mo author.
07/09/2025
0Tingnan Lahat