"HUWAG ka munang kumilos, Mr. Collins," wika ng doktor. Sabay silang napatingin sa bumukas na pinto ng room. Isang lalaking matangkad, guwapo, at kamukha ni Draven ang bumungad sa paningin nila. "How is he?" tanong nito at lumapit sa hospital bed na kinahihigaan ni Draven. "He's fine," sagot ng doktor sa tanong nito. "He just needs to undergo some physical therapy for a few days." "Thank you, doc," nakipagdaop-palad pa ang lalaki sa doctor. Binalingan naman nito ang kapatid. "Ano ba'ng nangyari kuya?" "Red," ani Draven. "I want you to meet, Lindsey. She's the daughter of Tito Leonardo." Parang noon lamang siya napansin ng bagong dating. Kiming ngumiti siya rito. "Hi, nice to meet you, Lindsey." Inilahad ng lalaki ang kamay sa kanya. Kiming tinanggap niya naman iyon. Sandali siya nitong tinitigan sa mukha bago ibinaling ang paningin kay Draven. "I no longer wonder why you chose to learn how to manage the rancho rather than continue being chairman of the Collins Group of Companies," nanunudyong sabi ni Red sa nakatatandang kapatid. Narinig ni Lindsey ang sinabi ng kapatid ni Draven pero 'di niya 'yon binigyan pansin. Hinayaan niyang mag-usap ang magkapatid. Nagpaalam siya kay Draven na lalabas muna ng silid. Hindi pa man nagtatagal si Lindsey sa labas ng silid na kinaroroonan ni Draven nang may isang matandang lalaki ang lumapit sa kanya. "Magandang umaga, Miss," bati nito sa kanya. Nginitian niya ang matandang lalaki. "Itatanong ko lang sana kung ito ba ang room ng pasyente na nagngangalang Draven Collins?" Nangunot ang noo niya sa tanong nito. Noon lamang niya napansin na may bitbit pala itong dalawang basket na puno ng iba't-ibang uri ng prutas. "May nagpapabigay nito sa kanya," itinaas ng lalaki ang dalawang basket. "Kaano-ano ho kayo ni Draven?" "Nautusan lang ako ng aking amo. Nais niya sanang ipaabot itong mga prutas sa pasyente." Napatango-tango siya. May pakpak nga ang balita, ang bilis kasing kumalat ng aksidenteng nangyari kay Draven kahit na sila ng kanyang ama at mga tauhan sa rancho lang ang nakakaalam. "Okay lang ba kung ako na ang magdadala niyan sa loob ng silid?" Mabilis naman itong tumango. Ibinigay nito sa kanya ang dalawang basket. "Maaari ko ba malaman kung kanino galing ang mga ito?" tukoy niya sa mga prutas. "Para masabi ko kay Draven at makapagpasalamat na rin." Ngunit sa kanyang pagtataka, tinalikuran na siya ng lalaki. Hindi man lang ito nag-abalang sabihin sa kanya kung kanino galing ang mga prutas. Kibit-balikat na muli siyang bumalik sa loob ng silid. Sabay na napatingin sa kanya ang magkapatid nang makapasok siya sa silid. Inilapag niya sa maliit na table na naroon ang dalawang basket na puno ng prutas. "May nagpapabigay sa 'yo," sabi niya kay Draven. "Hindi sinabi kung kanino galing." Tumayo si Red, inusisa nito ang basket. May nakuha itong maliit na card at pinakita kay Draven. "Anong ibig sabihin nito, kuya?" Tumingin sa kanya si Draven, nakuha naman niya ang ibig sabihin ng tingin nito. Muli siyang lumabas ng silid. "Kay Ate Eunice galing ang mga prutas," dagdag ni Red sa sinabi. "Akala ko ba hindi na kayo nag-uusap?" "I lied," pag-amin ni Draven. "Pero hindi ko alam kung paano niya nalaman na narito ako ngayon sa ospital. Two days akong unconscious, baka narinig niya sa ibang tao." Bumuntong-hininga si Red. "Kuya, lalo ka lang masasaktan kung patuloy kang nakikipagkita kay Ate Eunice. Ilang buwan na lang ay ikakasal na siya sa fiancee niya." "Kaya nga sinusulit namin ang mga nalalabing araw na hindi pa sila kasal ni Zach Madrid," pangangatwiran pa niya sa kapatid. "My God!" napatayo si Red mula sa pagkakaupo sa gilid ng hospital bed. "Nahihibang ka na ba talaga? Paano kung malaman ng mapapangasawa ni Ate Eunice ang ugnayan niyong dalawa?" "Much better," wala sa loob niyang sagot. Sa totoo lang ay hindi niya iniisip iyon sa tuwing kasama niya si Eunice. "Sa sinabi mong 'yan parang gugustuhin mo pang 'wag matuloy ang kasal nilang dalawa." "Na siyang dapat," mabilis niyang sagot. "Hindi mahal ni Eunice ang lalaking mapapangasawa niya. Nalagay siya sa isang sitwasyon na hindi niya gusto ngunit wala siyang magawa." "Arrange marriage. That's what you mean, right?" "Yes," sagot niyang napapangiwi kapag kumikirot ang sugat niya sa noo. "It can also be called political marriage." "Kung totoong mahal ka ni Ate Eunice, hindi siya papayag na maikasal sa lalaking hindi niya mahal." "May dahilan siya, at hindi ko iyon puwedeng sabihin sa 'yo dahil alam kong 'di mo rin mauunawaan." "I thought you were interested in Leanardo's daughter so you came to this place? That's why you want to learn how to manage the rancho, even though the truth is you have no interest in taking care of animals, and that's because you want to get to know her even better." "She's in love with someone else," huminga nang malalim si Draven. "Sa lalaking mapapangasawa ni Eunice." Natigagal sa narinig si Red. "Hindi alam ni Lindsey na ex-girlfriend ko si Eunice," pag-amin niya. "Anyway, alam na ba ni Dad, ang nangyaring ito sa akin?" Umiling si Red. "No. Lagi siyang out of the country for business purposes." "Mabuti naman kung ganun," nakahinga siya nang maluwang. "Dahil kapag nagkataon ay pipilitin niya akong bumalik sa kompanya." Natigil lang ang pag-uusap nila nang may kumatok sa pinto. "Come in," si Draven. Si Leonardo Eñigo ang nakita nilang magkapatid. May dala rin itong basket na puno ng prutas. At isang backpack na itim. "Good morning, Tito Leanardo." Ngumiti ang lalaki. "Kumusta naman ang pakiramdam mo?" "Ayos naman po. Medyo kumikirot lang ang sugat ko sa noo." Inilapag nito sa mesa ang dala nitong prutas. "Pasensiya ka na, hijo, inutusan ko ang isang kasambahay sa bahay na ihanda ang ilang mga personal na gamit mo. Kaya heto, dinalhan kita ng damit na maisusuot. Tinawagan kasi ako ni Lindsey at sinabi sa 'king isang linggo ka pang mananatili rito sa hospital." Pagkatapos magpasalamat ni Draven sa lalaki ay ipinakilala niya rito ang kapatid. Hindi na rin nagtagal sa hospital si Red dahil may biglaan itong business meeting, pero nangako naman itong babalik ng Maxvilla. Gusto rin nitong makita ang Rancho Eñigo. Nagpaalam na rin si Leonardo kay Draven, pero naiwan naman si Lindsey sa hospital upang ito ang magbantay sa binata. Hinatid ni Lindsey ang ama hanggang labas ng hospital kung saan nakaparada ang sasakyan nito. "Are you sure na kaya mong bantayan si Draven na mag-isa?" tanong ni Leonardo sa anak. "Yes, Papa." Nakangiting tugon ni Lindsey. "Kahit sinabi n'yong 'di ko dapat sisihin ang aking sarili sa nangyari kay Draven, nagsusumigaw sa isip kong kasalanan ko kung bakit narito siya ngayon sa hospital. Handa akong magpaalipin sa kanya ng buong isang linggo." Bahagyang natawa sa sinabi niya ang ama. "Papupuntahin ko rito si Manang Fe, upang dalhan kayo ng makakain." "Sige po," humalik siya sa pisngi nito. "Mag-iingat po kayo sa byahe."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice
13/08
0pwede pa hingi nang dayamonds
19/10
0Very nice story, galing mo author.
07/09/2025
0Tingnan Lahat