Chapter 33

Dear God, am I dead yet? Napunta po ba ako sa lupain ni Lucifer dahil sa ginawa ko kagabi?
Iyon agad ang pumasok sa utak ni Lindsey nang sa kanyang pagmulat ay maramdaman na parang binabarena ang sentido niya. Pakiramdam din niya ay umiikot ang kanyang tingin. Nanuyo ang kanyang lalamunan.
Huminga siya nang malalim bago bumangon. Sinapo niya ang nananakit niyang ulo. Nalasing siya kagabi. Si Divine ay sinundo ng nakatatanda nitong kapatid dahil hindi na kayang magmaneho ng sasakyan. At si Lara ay sinundo naman ng pinsan nito.
Napilitan siyang sumakay sa kotse ni Draven, kaya sabay na silang umuwi.
Iniikot niya ang tingin sa paligid. Naroon siya sa kanyang kuwarto. Kita mula sa siwang ng mga kurtinang tumatakip sa bintana na umaga na. Anong oras na kaya?
Konting kibot niya ay sumasakit ang kanyang ulo. Napilitan siyang bumaba ng kama dahil kailangan niya ng aspirin. Hinagilap ng mga paa niya ang tsinelas.
"Hindi na talaga ako uulit," bulong pa niya habang naglalakad patungong pinto ng kuwarto niya.
Nang marating niya ang sala ay nakita niya ang isa sa mga maids nila na may bitbit na vacuum cleaner.
"Magandang umaga po ate," bati ni Memay sa kanya.
Nginitian lang niya ito. Tinungo niya ang kinaroroonan ng longview surface mount medicine cabinet, naka-installed 'yon malapit sa kusina.
Habang pumipili siya ng gamot para sa sakit ng ulo ay natatakam naman siya sa amoy ng nilulutong pagkain sa kusina. Bigla siyang nagutom kaya agad niyang isinara ang cabinet.
"Manang Fe, morning..." bati niya rito. Mayordoma nila si Manang Fe, pero ito ang nagluluto ng pagkain nila. Mas gusto pa rin nitong pagsilbihan silang mag-ama kaysa turuan ang mga maids kung ano ang mga dapat gawin.
Bahagya pa itong nagulat nang makita siyang nakaupo sa silya habang nakasapo sa kanyang noo.
"Ang aga mo gumising," sabi nito. "Hangover?"
Tumango siya. Tumayo siya at kumuha ng tubig. Isusubo na niya ang gamot nang tapikin ni Manang Fe ang kamay niya.
"Kumain ka muna bago uminom ng gamot. Sandali lang at ipaghahain kita ng makakain."
Muli siyang umupo.
"Gusto mo ba igawa muna kita ng kape?"
"Yes, please?"
"Make it two, Manang Fe."
Parang isang mukhang napalingon sila ni Manang Fe sa nagsalita.
Si Draven. Mukhang bagong ligo ito at amoy niya ang mens cologne na ginamit nito.
"Magandang umaga, hijo," bati ni Manang Fe sa binata. "Ang aga mo rin nagising."
Nakangiting gumanti rin ng bati si Draven. Humugot ito ng silya at umupo sa tapat niya.
"Sanay ho akong gumising ng maaga. Saka, mamayang alas-otso ng umaga ay pupunta kami ng rancho ni Tito Leonardo."
Hindi niya pinansin si Draven kahit na nga nakikita niya ang panakaw nitong sulyap sa kanya.
"O, siya, hintayin n'yo na lang ako sa komedor. Ititimpla ko muna kayo ng kape bago ko kayo ipaghanda ng pagkain."
"Salamat, Manang Fe." Tumayo siya. Hindi niya tinapunan ng tingin si Draven. Lumabas siya ng kusina at tinungo ang komedor.
"Good morning," napapitlag siya.
"Kanina good pa ang morning ko. Pero nang makita kita, hindi na." Kahit na sumasakit ang ulo ay nagawa pa rin niyang magtaray. "Ikaw, kumusta ang morning mo?"
"Good na ang morning ko nang ako'y magising. Nang makita kita, lalong naging good ang morning ko."
Sinimangutan niya ito. Itinulak niya ang dining sliding glass door. Pumasok siya ng komedor at 'di na nag-abalang lingunin ang lalaki.
RAMDAM ni Lindsey ang tensiyon sa paligid habang kumakain sila ni Draven ng agahan. Pareho silang tahimik, tila ba'y nakikiramdam sa isa't-isa kung sino ang unang magsasalita.
Tuwing susulyapan niya si Draven, lagi niya nahuhuling nakatingin sa kanya ang lalaki. Naiilang siya dahil hindi naman ito nagbabawi ng tingin. Yumuyuko na lang siya.
Halos hindi makasubo si Lindsey. Nang hindi na nakatiis ay nag-angat siya ng tingin. Nakatitig pa rin sa kanya si Draven.
"Ano?" hindi nakatiis na tanong niya.
"Anong-ano?" balik tanong ni Draven.
"Bakit ka nakatingin sa akin?"
"Masama ba?"
"Naiilang ako."
"Bakit naman?"
Lalo yatang sasakit ang ulo niya sa lalaking ito. "Dahil tinititigan mo ako."
"Oh, I'm sorry." Ito naman ang nagyuko ng ulo.
Napakagat-labi si Lindsey. Hindi niya malaman kung magso-sorry o ipagpapatuloy na lang ang pagkain.
"I’m sorry I spoke harshly." Sabi niyang hindi tumitingin sa lalaki.
Nang abutin niya ang plato ng kanin, um-extend din ang kamay ni Draven para abutin iyon. Muli ay nagkatinginan sila.
Ngumiti si Draven. "Sige na, you first."
"No, you first."
"No, you first," giit ni Draven.
"No, mauna ka na."
"For God's sake," tatawa-tawang sinalinan nito ng kanin ang kanyang plato. "There you go. Eat up. I promise I won't stare anymore."
Sandaling napatitig siya sa mukha nito.
"And now you are staring at me," sabi nito.
Agad na binawi niya ang tingin at itinuon na lang ang atensiyon sa pagkain."
"GUSTO mo bang sumama sa rancho?"
Agad na napalingon si Draven sa kanyang likuran. Kasalukuyang nagpapahangin siya sa hardin.
"Ako ba ang kausap mo?" tanong ni Draven sa kanya.
Mapakla siyang tumawa. "Sino sa tingin mo? May nakita ka pa bang ibang tao rito bukod sa 'yo?"
Napansin niya ang pananahimik nito. Hindi siguro makapaniwala na lalapitan niya ito. "Masama ang pakiramdam ni Papa, kaya hindi ka niya madadala sa rancho. Papunta rin naman ako ng rancho, kaya tinatanong kita kung gusto mong sumama?"
"Isasama mo ako sa rancho?" ulit nito.
"Oo. Pero kung ayaw mo-"
"Gusto ko," agap na sabi ni Draven. Natakot siyang baka magbago ang isip ng dalaga. "Good mood ka yata ngayon? Pasensiya na, hindi kasi ako makapaniwala."
"Ano sasama ka ba sa akin?" hindi niya pinansin ang huling sinabi nito.
"Aba, ano pa'ng hinihintay natin? Let's go!"
Nagpatiunang maglakad si Draven, ngunit tumigil din ito at humarap sa kanya. "Excited lang!"
Napangiti siya. Sinabayan siya ni Draven sa paglalakad.
"Malapit lang ba 'yon?" tanong ng lalaki sa kanya nang malayo-layo na rin ang nalalakad nila.
"Malayo. See that stable there?" Itinuro niya ang isang may katamtaman na laki na stable.
Nakita naman iyon ni Draven at sa tantiya niya ay walo na kabayo ang kakasya roon. "Oo."
"May mga kabayo riyan. We will ride the horse to the ranch."

Komento sa Aklat (94)

  • avatar
    Angel Sumanday Salac

    nice

    13/08

      0
  • avatar
    Idzmar Bisong

    pwede pa hingi nang dayamonds

    19/10

      0
  • avatar
    originnethgen

    Very nice story, galing mo author.

    07/09/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata