ALAS-SYETE pa lang ng umaga ay gising na si Lindsey. Bumangon siya at nag-overhead shoulder stretch. Nanunuyo ang kanyang lalamunan. Naisip niyang bumaba muna para kumuha ng maiinom at pagkatapos ay muling babalik sa kanyang kuwarto para muling matulog. Napuyat siya kagabi sa sinulat niyang plot sa bago niyang novela. Bumangon siya at bumaba ng kama. Hindi na siya nag-abalang magsuot ng robe dahil halos puro babae sila sa bahay. Ang kanyang papa ay tiyak na himbing pa sa pagtulog. Lumabas siya ng kuwarto at humihikab na binaybay ang hagdan pababa. "Morning," bati sa kanya ng isang baritonong boses. "Morning," wala sa loob niyang ganting bati. Ngunit bigla siyang natigilan nang napagtanto na pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Bigla siyang napalingon sa likuran. May nakita siyang isang lalaki na prenteng nakaupo sa sofa. "You!" "Good to see you again, Lindsey—how've you been?" ngumiti pa ito sa kanya. "A-ano'ng ginagawa mo rito? Sino'ng nagpapasok sa 'yo?" sunod-sunod niyang tanong sa nanlalaking mga mata. Tatlong buwan na rin siguro ang nakalipas mula nang unang nagtagpo ang landas nila ni Draven. Tumayo ito. Then he walked towards her, huminto ito mismo sa kanyang harapan. Isang dangkal lang yata ang layo nila sa isa't-isa. He stared up at her, his eyes traveling up and down and it rested on her face for a moment. Bigla siyang na-conscious. Alam niyang magulo ang buhok niya at mukha siyang bruha. Pero sa paraan ng tingin ni Draven sa kanya parang naging kaakit-akit siya sa paningin nito. "Ang lawak ng bedroom mo," anito."It's a pity, we're not in my condo." Sandaling nalito si Lindsey. Tila naging isang guhit ang mga kilay niya. Wala sa loob na niyuko ang sarili. Nanlaki ang mga mata niya. Nawala sa loob niya na suot pa rin ang kanyang pantulog. Though she was decently covered from her neck down to her knees, manipis iyon at banaag ang makurba niyang katawan. Hinawi nito ang mangilan-ngilan buhok na tumatabing sa kanyang mukha. He ran his hands on her hair. Matagal din siya nitong hinaplus-haplos sa buhok. Para siyang robot na hindi naman makakilos. Gusto niyang mag-protesta pero tila umurong ang kanyang dila. "My God, I love your hair. When you removed your ponytail when we first met...and your hair dropped into your face, my heart stopped." Dumako ang tingin nito sa puno ng kanyang dibdib na bahagyang sumisilip sa neckline ng suot niyang pantulog. Biglang nag-flashback sa kanyang isipan ang nangyari sa condo nito nang siya ay nagising nang umagang iyon. Nagising siyang nakakubkob sa isang dibdib niya ang pangahas nitong kamay. Napasinghap at napatitig siya sa mukha nito. May malisya ang ngiti nito. At natitiyak niyang pinamulahan siya ng pisngi. Malamang ay may naalala rin ito. "Bastos!" singhal niya rito at mabilis na tumalikod. Parang gusto niyang takbuhin ang hagdan para makabalik sa kanyang kuwarto. Tinalikuran niya ito. Ngunit sa kamalas-malasan ay natapilok siya. Maagap naman ang lalaki na agad nasalo ang katawan niya. Ngunit nawalan ito ng panimbang dahilan para mapahiga sa sahig. Bumagsak ang katawan niya sa ibabaw nito. Nang aalis na sana si Lindsey sa ibabaw ni Draven ay natigilan siya nang maramdaman ang isang kamay nitong nakapulupot sa kanyang baywang. Nagdikit ang katawan nila at naging gahibla na lang ang distansya nila sa isa't isa. Inis siyang kumawala pero parang bakal na nakalingkis ang braso nito sa kanyang katawan. "H-hoy! B-bitawan mo ako, Draven!" nagkakandautal na sabi niya. "Nice, you still know my name." Napamaang siya. "Bitiwan mo ako. Baka nakakalimutan mong narito ka sa pamamahay namin. Don't you know you're trespassing? I can file a complaint against you for doing this." "Do what you want. No one will stop you, young lady." Hinahamon talaga ng lalaking ito ang pasensiya niya. Narito ito sa teritoryo niya pero kung makapagsalita parang siya ang sampid sa pamamahay nila. "Bakit ang ganda mo pa rin kahit nakasimangot ka?" nakangising tanong ni Draven. Parang balewala ang awkward nilang posisyon at mukhang nag-e-enjoy pa itong tingnan kung gaano siya ka-uneasy sa posisyon nila. Uminit ang kanyang mukha. Ramdam niyang namula ang kanyang mga pisngi pero hindi siya nagpahalata. "B-bibitiwan mo ako o makakakita ka ng magandang stars ngayon?" pagbabanta niya. Pero kulang sa conviction. Napakagat-labi siya. "No need for stars. Ikaw lang, sapat na," sabi nito at bahagyang tumawa. Inis na hinampas niya ng kamay ang dibdib nito. Nagpumiglas ulit siya. Pero dalawang kamay na nito ang pumulupot sa kanyang katawan kaya lalo siyang nakulong sa mga bisig ni Draven. "Mamili ka, distansiya o ambulansiya? Ipapadampot talaga kita sa guard at ipapatapon sa labas ng gate," pagbabanta niyang sabi. Ngumisi ulit si Draven. At sa gulat niya, lumapit ang mukha nito sa kanyang tainga at bumulong. "None of the above?" Napasinghap si Lindsey. Pakiramdam niya ay nagtayuan ang kanyang mga balahibo nang maramdaman ang pagdampi ng hininga nito sa kanyang balat. Magpupumiglas na sana ulit siya nang marinig na parang may nahulog sa kung saan. Mabilis siyang napalingon. At mabilis na nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Manang Fe, ang kanilang mayordoma. Tutop nito ang bibig habang nakatingin sa kanila. Buong lakas na kumalas si Lindsey sa pagkakakulong sa mga braso ni Draven. Marahil ay nagulat din ito kaya mabilis itong napabangon. "Manang Fe, it's not what you think..." kinakabahan at namumutlang sabi ni Lindsey. Natakot siyang baka iniisip nito na nobyo niya si Draven at palihim niya itong dinala sa bahay nila. "Please, don't tell my father about this. What you see means nothing. He's not my boyfriend. At alam n'yo naman na hindi ako nagdadala ng lalaki dito sa bahay." "Hi, Manang Fe," nakangiting bati ni Draven dito. Napakunot naman ang noo ni Lindsey. "Pasensya na, hijo, nabitawan ko ang tasa na pinagtimplahan ko ng kape na para sana sa 'yo. Ipagtitimpla na lang ulit kita." Nabaling naman ang tingin ni Lindsey kay Manang Fe. "Magkakilala kayo?" "Ang bilin sa 'kin ng iyong papa ay patuluyin ko ang kanyang bisita," sagot ni Manang Fe. "At si Sir Draven, nga iyon." "Gising na si Papa?" "Oo. Nagpaalam siyang pupunta muna sa rancho," si Draven ang sumagot sa tanong niya. "Paano kayo nagkakilala ni Papa, ha? Anong sinabi mo sa kanya?" naningkit ang kanyang mga mata. Hindi ito sumagot. Nagkibit-balikat lang. "Lindsey, hija," tawag pansin sa kanya ni Manang Fe. "Mayamaya lang ay narito na sa bahay ang iyong papa. Pumanhik ka sa iyong kuwarto at magpalit ng iyong kasuotan." Hindi siya nakasagot. Muli niyang pinasadahan ng tingin ang sarili. Marahas siyang napabuga ng hangin. Tinalikuran niya ang mga ito at pumanhik sa itaas sa kuwarto niya. Kumuha siya ng tuwalya at nagpupuyos ang dibdib na pumasok sa shower room at naligo. Hindi pa rin niya maiwasang itanong sa sarili kung paanong nagkakilala ang kanyang ama at si Draven. At kung bakit narito ngayon sa bahay nila ang lalaki.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice
13/08
0pwede pa hingi nang dayamonds
19/10
0Very nice story, galing mo author.
07/09/2025
0Tingnan Lahat