Chapter 14

NANG matapos niyang makausap ang ama ay pinaandar na niya ang makina ng kotse.
“Maaari ko ba malaman ang iyong pangalan? Kanina pa tayo nag-uusap, hindi ko pa rin alam ang pangalan mo.”
“Correction! Hindi tayo nag-uusap, nag-aaway po tayo."
Hindi niya ito tinapunan ng tingin. Narinig niya ang mahina nitong tawa.
“Ikaw lang naman ang nang-aaway but still, I deserve to know your beautiful name. The name of my savior.”
Tumaas ang gilid ng kanyang labi. Nakataas ang isang kilay na nilingon niya ito. “Hindi ka nakakatawa.”
“Totoo naman ang sinasabi ko. You’re my savior," ngumiti ito. Lumitaw ang pantay-pantay at mapuputi nitong ngipin. Tingin pa nga niya nagpapa-cute ito sa kanya.
Nakainom siya kaya siguro mabilis na nabighani siya sa ngiti nito, nasabi niya ang kanyang buong pangalan pati na ang kanilang rancho kung saan siya nakatira.
“You were right when you told me that your name is beautiful. Lindsey-” biglang may naalala si Draven sa pangalan na ‘yun. Ang babae sa disco bar. “Did we meet before?”
“Malamang hindi!” mariing sagot ni Lindsey. "Sa tanang buhay ko ngayon lang kita nakita.”
“Well…baka kapangalan mo lang. Pareho kayong may magandang pangalan.”
“You don’t have to please me. You got a free ride, suwerte pang mas kumportable kaysa sa bulok mong sasakyan.”
“So, I know this much about you. Hindi ka handang tumulong sa isang taong nangangailangan. Mas nais mo pang sumigaw at mang-insulto. You want me to pay back? Sabihin mo sa ‘kin, magkano ba?”
“Oh, dear God! Tulungan mo ako sa aroganteng lalaking ito," sambit niya.
“Ako pa ang arogante? Alam ko naman na nahihirapan kang paniwalaan na kaya kong bayaran ka.”
“I don’t have to waste my time talking with you. Saan ba kita ibababa?” nadaanan na kasi nila ang ‘Lover’s Café' ng Tita Elena niya. Napansin rin niyang tila palabas na sila ng Allen. Nagsisimula na rin siyang kabahan, lalo na’t ‘di naman niya kilala ang lalaki.
“Alam ko, lovely women like you make your living by marrying rich men. Or sleep with them. Pare-pareho talaga kayong mga babae, walang pinagkakaiba.” May laman ang bawat katagang lumalabas sa bibig nito.
“Alam mo, you are the most ridiculous man I have ever met. Kaagad kang nagkakaroon ng konklusyon!” aniyang iritado. “Hindi ko alam kung nakainom ka o talagang ganyan ka na!”
Tumila na ang ulan. Huminto na rin sila sa pagtatalo.
“Lagpas na tayo ng Allen,” aniya. “Saan ba talaga ang sinasabi mong condo mo? Ako ba’y pinagloloko mo, lalaki?”
Nakita niyang napangiwi ito. “Pasensya na, ang alam ko kasi ay parte pa rin ng Allen ang Victoria.”
Napabuga siya ng hangin.
Victoria - officially the Municipality of Victoria, is a 5th class municipality in the province of Wellington Maxvilla Province. Lahat ng kakailanganin ng mga taga-Maxvilla ay naroon na sa Victoria. Ito ang binansagan na ‘Siyudad De Manila’.
Hindi siya nagpupunta sa Victoria, kaya hindi niya alam kung may nabago ba sa lugar.
“Bumaba ka na. Marami ka nang puwedeng sakyan dito."
Dapat nga ay kanina niya pa ito ibinaba sa Allen, kaso wala siyang nakitang mga tricycle na nakaparada.
“Talagang dito na ako bababa. Thanks for the ride!” nang-uuyam nitong sabi. Hindi na lamang niya ito pinatulan.
Hindi pa man niya hinihimpil ang kotse ay tumigil na ito. Nagkatinginan silang dalawa. Nakagat niya ang ibabang labi, she’s trying to start it again pero pupugak-pugak na ang tunog ng sasakyan. Kinabahan siya bigla. ‘Wag naman sana!
Baka nakasama ang pagpipilit nilang dumaan sa baha kanina. Ano mang pilit ay ayaw nang umandar ng makina ng kotse niya. Sumabay pa ang muling pagbagsak ng malakas na ulan.
“Oh, my gosh!” inis niyang hinampas ang manibela.
“This time, ikaw naman ngayon ang nangangailangan ng tulong,” nakakalokong ngumiti sa kanya ang lalaki. Hindi natuloy ang pagbaba nito ng kotse.
“It’s your fault!” paninisi niya pa rito.
“My fault?”
“Oo! Dahil nahawa na ako sa kamalasan mo!”
“Okay, I think you don’t need my help. I better go,” umakto na itong bababa.
“Hey, wait! Hindi naman makatwirang iwan mo ako nang ganito after helping you,” panunumbat niya.
Muli nitong isinara ang pinto ng kotse. “Then, you must ask for help nicely.”
Napapikit si Lindsey sa sobrang inis.
“Please…” tangi niyang nasabi. Para siyang maamong tupa ng sandaling ‘yun.
“Marunong ka naman palang makiusap.”
“You provoked me to be rude! You started it up!”
“It’s also your fault. Hindi mo naman kasi kailangan lagi nakasigaw kung kausapin mo ako. Nakakainsulto.”
“Huh?” napamaang siya. “Ikaw kaya ang nang-iinsulto!”
Halos sabay pa silang lumabas ng sasakyan. Hindi matapus-tapos ang pagtatalo nila kahit sa gitna ng ulan. Hindi pa nga natutuyo ang mga damit nila, muli na naman silang nabasa. At least, hindi na siya mukhang taong-putik gaya kanina.
Hindi sila makahingi ng tulong sa ibang naroon dahil pareho rin nilang mga nagsisitulakan ng sasakyan ang mga ito. Bahang-baha na sa lugar na iyon.
“Let’s park your car here. I think, dito ka na muna magpalipas ng ulan at baha. Baka mas lalo kang magkaproblema sa dadaanan mo.”
Nanlalaki ang mga mata niya. Nasa tapat sila ng isang motel. “Iniinsulto mo ba ako?! Nananadya ka ba, ha?!”
“You’re looking at the wrong place, Babe. We’re into the next building. Do you think I would like to go to that place with you? No way!” sinabayan pa nang malutong na tawa.
“Bastos ka!” nanulis ang nguso niya. "Huwag mo akong matawag-tawag na Babe, kinikilabutan ako."
Nginitian lang siya nito na lalo niyang ikinainis.
Mga condominium units ang kasunod ng motel na nakita niya kanina. Namula tuloy siya sa pagkapahiya.
Tsk! Ang dirty minded ko talaga! Lihim niyang kastigo sa sarili.
“I have a unit there and I already told you. I have no choice but to adopt a cat.”
“Ano? Ikumpara ba ako sa pusa!”
“Kasi naman, you look like a wild cat when you’re angry. You can't blame me,” tumaas ang sulok ng labi nito. “Come on, let’s go upstairs.”
Mas gugustuhin pa yata niyang magpatila ng ulan at baha sa loob ng kotse niya kaysa sumama sa lalaking ito. Ngunit nanginginig na siya sa ginaw, kaya naman nangingimi siyang sumunod dito.

Komento sa Aklat (94)

  • avatar
    Angel Sumanday Salac

    nice

    13/08

      0
  • avatar
    Idzmar Bisong

    pwede pa hingi nang dayamonds

    19/10

      0
  • avatar
    originnethgen

    Very nice story, galing mo author.

    07/09/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata