Chapter 114

NANGILID ang mga luha ni Lindsey nang tuluyan nang makalabas ng simbahan si Ernest. Iniwan siya ng kanyang groom, pinili nito ang masaktan to set her free.
Humarap si Lindsey sa altar at pinakatitigan ang imahe roon. “Lord, naniniwala ako na ipinadala n’yo ang dalawang anghel n’yo sa pamamagitan nina Ernest at Snow. Silang mag-ama ang naging liwanag ko. Hindi ako dapat mag-alala, ‘di ba? Dahil ang mga anghel ay habang buhay na pinagpapala.
Pinahid niya ang luha sa mga mata. Lumabas siya ng simbahan. Magkahalong emosyon ang nasa dibdib niya sa mga sandaling iyon. Naglakad siya sa tabing kalsada na suot ang kanyang wedding dress. Bawat sasakyan na dumaraan sa tabi niya ay natitigilan para siya pagmasdan. Mga taong naglalakad ay nag-umpisang magbulungan. Pero hindi na mahalaga sa kanya kung ano man ang nasa isipan ng mga ito. Iisa lang ngayon ang nais niyang gawin.
“LINDSEY…” Napuno ng tuwa ang puso niya nang mapagbuksan siya ng pinto ni Draven. Halatang nagulat ito nang makita siya. Marahil ay iniisip nito kung paano niya nalaman ang address ng hotel na tinutuluyan nito. Binigay iyon ni Red nang magkausap sila sa telepono at sinabi ang mga nangyari kay Draven nang mga panahon na akala ng lahat ay patay na siya.
Pinagmasdan nito ang suot niyang wedding dress, at nakita niya ang pagdaan ng kirot sa mukha nito.
“You are so beautiful in your wedding dress,” sabi ni Draven. Namumugto ang mga nito at nangingislap sa luha habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. “Narito ka ba para muli akong sumbatan sa mga kasalanan na nagawa ko sa ‘yo?”
Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakatayo sa labas ng pinto ng unit nito. Napasinghap siya nang talikuran siya ni Draven.
“I’ve been rehearsing for the past days on how to say congratulations and best wishes. Pero ang hirap palang sabihin ng mga iyon. Nakiusap din ako kay Ernest, t-that he would have let me see you... I just wanted to see you walk down the aisle and imagined that I was the groom waiting for you at the altar. Pero hindi ko pala kayang makitang may ibang lalaki ang magsusuot ng wedding ring sa iyong daliri.” Napahugot nang malalim na hininga si Draven. “Kung sakaling magkita man tayong muli, saka na lang siguro kita babatiin.”
“Kung sakali bang ikaw ang groom ko, ano ang maipapangako mo sa akin sa harap ng altar?” tanong ni Lindsey. Nanatiling nakatalikod sa kanya ang lalaki.
“Alam mo bang napaka lupet mo?” Pagak na tumawa si Draven upang mapagtakpan ang sakit na nadarama. “I'm deeply in pain right now para itanong sa akin iyan.”
Humalukipkip si Lindsey. “Kailangan kong marinig na sabihin mo ito. Kailangan kong malaman na tama ang pinili ko.”
Biglang humarap sa kanya si Draven. “What do you mean?”
“Sabihin mo na, Draven. Let me hear your vows.”
Kitang-kita niya ang pagpatak ng luha sa mga mata nito nang hawakan ang kanyang mga kamay. “I failed. N-nangako na ako sa ‘yo noon…”
“Just say it…”
Tumango ito. “If God will give us a second chance to be together again. Lahat gagawin ko para maging karapat-dapat para sa ‘yo. I will be your slave, Lindsey. You can lead my whole life and it’s okay basta makasama lang kitang muli. I will never ever hurt you again. I will love you forever; because loving you is more precious than anything else. Ang katulad mo ay karapat-dapat na ipinaglalaban. But God...marami pa akong gustong ipangako sa ‘yo, Lindsey. Pero hindi mo na ‘yon maririnig. Ngayon ay natuto na ako, huwag saktan ang taong ‘yong minamahal. Mahal na mahal kita, Lindsey. Alam mo bang gustong-gusto kitang yakapin ngayon?”
“Bakit hindi mo gawin?”
“Bakit mo ba pinapahirapan ng ganito ang damdamin ko, Lindsey.” Nangingislap ang luha sa mga mata nito.
“H-hindi mo ba ako papapasukin? Kanina pa ako nakatayo dito sa labas. Baka magbago pa ang isip ko at tuluyan na nga kitang kalimutan–hindi mo na maririnig mula sa mga labi ko na hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin kita,” sukat sa sinabi niyang iyon, kinabig siya ni Draven at niyakap nang mahigpit. Iyon ang kanina pa niya gusto maramdaman–ang yakap ng lalaki na mag-aalis sa lahat ng kanyang alalahanin. Napaluha siya. Kay tagal niyang nangulila sa pamilyar na init na hatid ng yakap ng kanyang asawa.
Buong-puso siyang tumugon sa yakap at ipinadama ang pagmamahal para dito. Sa mga sandaling ‘yon, naramdaman niyang tila bumalik sa normal ang tibok ng puso niya.
She felt him kiss her forehead. Napapikit siya sa pagsuyong naramdaman. Pagkatapos ay naghiwalay sila at binuhat siya nito papasok sa loob ng unit nito at pinaupo sa ibabaw ng kama na naroon. Agad din naman nitong niyakap ang mga bisig sa baywang niya.
“Nananaginip ba ako? Dahil kung oo, hindi ko na nanaisin pang magising. Ni pagkurap ng mga mata ay ayokong gawin at baka bigla kang mawala sa aking paningin.” Tumingin si Draven sa kanya. Namamasa ang mga mata. “Lady, Babe, love, sweetheart…Kung pagkatapos nito ay mawawala ka na naman sa akin, mabuti pang umalis ka na. Hanggang kaya ko pa. Baka hindi ko mapigilan ang sarili kong huwag ka nang pakawalan pa.”
Mariin niyang kinagat ang mga labi. Tila nagbalik sa alaala niya ang mga araw na bago palang sila nagkakilala ni Draven.
“Nandito na ako. Hinding-hindi na ako mawawala sa ‘yo. Hinding-hindi na kahit kailan.”
“N-napatawad mo na ba ako?”
Hinaplos niya ang luhaan nitong mukha. “Napatawad na kita, Draven.”
Kinabig ulit siya ng lalaki at niyakap nang mahigpit. Ni hangin ay hindi makakadaan sa higpit ng pagkakayakap nito sa kanya. Nagtaka siya kung bakit bigla siya nitong inilayo sa katawan nito.
“Sandali, paano si Ernest? Hindi ba araw ng–” Hindi nito natapos ang sasabihin nang halikan niya ito sa mga labi. Natulala ito.
“Ernest is a good person and he loves me. But there are different levels of love. There is love that lasts a lifetime in your heart even if you don’t want to. Iyan ang uri ng pagmamahal ko para sa iyo, Draven.”
“Ibig mo bang sabihin–”
Naluluhang tumango si Lindsey. “The wedding is off. Ernest let me go. Ang kaligayahan ko pa rin ang pinili niya kahit nasasaktan siya.”
Hinawakan nito ang kanyang mukha at hinalikan sa mga labi. Napasinghap siya nang ihiga siya nito sa kama. Ikinawit na lang niya ang mga kamay sa leeg nito habang tumutugon sa halik nito. Ibinuhos nila ang lahat ng damdamin para sa isa’t isa sa halik na iyon.
Mayamaya, pareho nilang habol ang hininga nang putulin ang halik. Kitang-kita sa mga mata nila ang walang katumbas na pagmamahal para sa isa’t-isa.
“Ang pagmamahal mo para sa akin at ang pagmamahal ko para sa ‘yo ang gumawa ng paraan para makabalik tayo sa piling ng isa’t isa.” Masuyong hinaplos niya ang mukha ni Draven. Kanina pa nito tinititigan ang kanyang mukha.
“Tama ka. Kaya mula sa araw na ito, wala tayong ibang gagawin kundi maging masaya.” Kinintalan siya nito ng halik sa labi.
“At mula ngayon, kakalimutan na natin ang lahat ng nangyari sa nakaraan.”
“Thank you so much for giving me a ‘Second Chance At Love’. Second chance of happiness. Mahal na mahal kita.”
“Mahal na mahal din kita, Draven. Sapat na ang lahat ng mga patunay na pinakita mo sa akin na mahal na mahal mo ako.”
Muli siya itong siniil sa labi, hanggang bumaba ang ang mga labi nito sa kanyang leeg.
“Kuya Draven!”
Nagulat silang dalawa nang biglang bumukas ang pinto. Tinulungan siya nitong makatayo.
“Red?”
Natigilan naman ang kapatid ni Draven habang nagpalit-lipat ang tingin sa kanila.
“Lindsey?”
“Ano’ng ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong ni Draven sa kapatid.
“E kasi–” Napakamot sa ulo si Red. “Nag-alala kami ni dad, sa ‘yo. Kahapon ka pa namin hindi ma-contact. Inaasahan namin na kahapon ang balik mo ng Pilipinas. Kagabi ay lumipad na ako papunta rito sa Paris para alamin kung ano ang nangyayari sa ‘yo rito.”
Iniyakap ni Draven ang isang kamay sa bewang ni Lindsey.
“I-ibig ba nitong sabihin, dalawa kayong susunduin ko?”
Tumingin sa kanya si Draven. “Sweetheart, uuwi na tayo.”
“Yes, uuwi na tayo.” Gumaralgal ang boses niya. Tumingkayad siya at ginawaran ito ng halik sa mga labi. Mahal niya si Draven. At handa siyang isugal ulit ang kanyang puso.
Love was indeed powerful. It could heal everything at the most perfect time.

Komento sa Aklat (94)

  • avatar
    Angel Sumanday Salac

    nice

    13/08

      0
  • avatar
    Idzmar Bisong

    pwede pa hingi nang dayamonds

    19/10/2025

      0
  • avatar
    originnethgen

    Very nice story, galing mo author.

    07/09/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata