Homepage/Second Chance At Love/
Chapter 113
KUMAKABOG ang dibdib ni Lindsey. Napatitig siya sa sariling repleksiyon habang nakasuot ng wedding gown. Alas-sais palang ng umaga ay ginising na siya ni Ernest na suot na ang itim na amerikana nito. Pinagbihis na kaagad siya ng lalaki dahil gusto raw nitong maaga silang makarating sa simbahan. Gusto raw nitong sila ang mauna roon kaysa mga bisita.
Huminga siya nang malalim. “Kaya mo ‘to, Lindsey. Ngayon ang araw na maglalakad ka sa aisle at pakakasalan mo si Ernest.” Draven, Oh, God.
Mariing nakagat ni Lindsey ang ibabang labi sa upang supilin ang nagbabadyang luha sa sulok ng kanyang mga mata. Magkahalong damdamin ang sumapuso sa kanya. Mahal pa rin niya si Draven. Mula noon hanggang ngayon, ang kanyang asawa pa rin ang naroon sa puso niya. Unang araw pa lang na nakita niya ito na naghihintay sa kanya sa gate ng bahay niya ay na-realize niyang umiibig pa rin siya kay Draven. Pero natakot siyang aminin, gusto niyang ipadama sa lalaki ang galit ang poot niya rito at hindi ang totoo niyang damdamin.
Iyon ang dahilan kung bakit hindi pa rin siya masaya kahit nakikita niyang nasasaktan ang kanyang asawa.
Si Draven pala ang kulang…
Kung pwede nga lang niyang ibalik ang gabi na nahuli niya ito kasama si Eunice, sana hinintay niya ang asawa na magpaliwanag.
Kung sana nasabi niya agad sa asawa na magkakaanak na sila.
Kung sana–puro na lang siya sana. Lumalabas na kasalanan niya rin ang nangyari kung bakit siya nasaktan at nagdusa.
Ngunit ikakasal na siya ngayong araw na iyon. At si Ernest...makakaya ba niyang biguin ito para lang bumalik sa isang walang kasiguraduhang relasyon na naman sa kanyang asawa? Mahal siya ni Ernest, hinding-hindi siya nito sasaktan at nakasisiguro siya sa bagay na iyon. But Ernest will never make her heart beat either. Oh, God… What should I do? Napasapo siya sa tapat ng kanyang dibdib.
Napatingin siya sa pinto nang makarinig ng sunod-sunod na katok at iniluwa ang nakangiting mukha ni Ernest. Kay guwapo nito pagmasdan sa suot na amerikana at kay aliwalas ng mukha.
Ang lalaking tulad ni Ernest hindi dapat sinasaktan.
"Shall we?"
Napalunok siya. Sinikap niyang ngumiti. Tumayo siya at inabot ang palad ni Ernest sa kabila ng pagtutol ng kanyang puso.
NANG makarating sila sa pinto ng simbahan ay masuyong inabot ni Ernest ang kamay ni Lindsey at pumasok sila sa simbahan.
"Lindsey, kunwari totoong kasal natin ito." Itinuro ni Ernest ang altar. "Walk down the aisle...but please, bagalan mo lang. Hihintayin kita sa altar. Gusto lang kita makita na naglalakad papalapit sa altar at mangarap na akin ka."
Patda sa narinig si Lindsey. "What are you saying, Ern–"
Idinikit ni Ernest ang hintuturo nito sa labi niya. "Ssh, just walk, please. Hihintayin kita."
Napakurap siya. Umalis sa kanyang tabi si Ernest at pumuwesto sa altar. Naguguluhan man ay naglakad na rin siya. Nag-alala siya nang makitang tila nagpapahid ng luha nito si Ernest. Pagdating niya sa gitna ay tinakbo na siya nito at mahigpit na niyakap.
"God knows how much I love you."
"Ernest, a-ano ba ang nangyayari? At b-bakit ka umiiyak?" Sinubukan niyang humulagpos sa yakap nito.
"No. Please, hayaan mo akong mayakap ka." Niyakap niya rin ito. Naramdaman niya ang init ng luha ni Ernest na pumatak sa kanyang balikat. "Alam mo bang nakipagkita siya sa akin mahigit dalawang linggo na ang nakaraan? Kung hindi ko pa siya nakitang lumuhod at nagmamakaawa sa guwardiya ng airline company, hindi ko siya kakausapin."
"Nagawa niya iyon?"
"Yes. For the sake of love, he did. Gusto niyang ipaglaban ang pagmamahal niya sa 'yo. Lalabanan niya raw ako. Pero kagabi, pumunta si Draven sa bahay para lang sabihin sa 'kin na sumusuko na siya sa laban. At sa ikalawang pagkakataon, lumuha na naman siya sa harap ko. Hindi ako makatulog nang maayos kagabi, isip ako nang isip. Sa tuwing pinipikit ko ang aking mga mata, nakikita ko ang mukha ni Draven. Paano kung nagkataon ako ang nasa sitwasyon niya?" Humigpit ang yakap nito sa kanya. Naramdaman pa niya ang paghalik nito sa kanyang noo. "For the past years, I hated the man who hurt you. Ayaw kitang ibalik sa kanya, pero damang-dama ko ang pagmamahal niya sa 'yo. Anong gagawin ko?"
Bahagyang inilayo ni Ernest ang katawan niya at pinakatitigan siya sa mga mata. Pareho silang hilam sa luha. Hinaplos nito ang kanyang mga pisngi. Hinawakan niya ang kamay nito at idiniin pa sa kanyang pisngi upang damhin ang init ng palad nito.
"Ilang araw ko nang itinatanong sa sarili ko kung magagawa ba kitang pasayahin sa piling ko. Nang mag-proposed ako sa 'yo, umasa ako na magagawa ko iyon. Pero kaya lang pala kitang protektahan, mahalin at ingatan. Kaya lang pala kitang itago sa mga bagay na maaaring magpasakit sa damdamin mo. Pero hindi kita kayang pasayahin."
Parang kinurot ang puso ni Lindsey nang makita ang sakit sa mga mata ni Ernest. Sakit na kahit anong pilit nitong itago sa pamamagitan ng ngiti, nakikita niya pa rin ang sakit na 'yon. Lalong bumalong ang luha sa kanyang mga mata.
"Hindi totoo ang sinasabi mo, Ernest. You and Snow made me happy–"
"Yes, sa ibang paraan." Hinalikan siya nito sa noo. "Nabasa ko ang bagong nobela na sinulat mo. I'm sorry kung pinakialaman ko iyon, naiwan mong bukas ang laptop mo nang makatulog ka. Second Chance At Love is the title of your novel. Ngunit maiiba nga lang ang ending…"
"W-what do you mean?" Sa nobelang isinulat niya, sila ni Draven ang bida. Pero sa ending, hindi sila nagkatuluyan. Dahil pinatay niya ang heroine sa kwento. Dahil ganoon naman ang pakiramdam niya nang mga panahon nababalot siya ng sakit at pagdurusa.
"In your novel you killed yourself. Dahil sabi mo nga sa kwento, ano pa ang silbi ng iyong buhay without the man who makes your heart beat. After reading your novel, naisip kong kailangan na kitang pakawalan."
Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ni Lindsey. "I'm sorry, Ernest. Hindi ko gustong saktan ka."
"I know. Wala ka nang kailangan sabihin pa. I understand. Yes, nasasaktan ako pero hindi nagagalit. You don’t have to choose me just out of gratitude, Lindsey. Don't worry, kagabi ko pa pinadalhan ng mensahe ang mga bisita. I told them the wedding is off. Ako na ang bahala na magpaliwanag kay Snow, masasaktan man siya ngayon pero alam kong maiintindihan niya rin balang-araw." Bumaba ang mukha nito at dinampian siya ng magaan na halik sa labi.
Niyakap niya si Ernest kasabay ng muli niyang pagluha. "Hindi ko gustong saktan ang damdamin mo. Hindi ko gustong saktan ka, Ernest."
"I know." Marahan binaklas ni Ernest ang mga braso niya. "Kunwari hindi mo ako nakikitang nasasaktan para hindi ka rin masaktan. I hate to see you hurt because of me." Tumalikod na si Ernest, kasabay ng pagpatak ng mga luha sa mga mata. Walang eksaktong eksplanasyon ang salitang sakit na iparaya ang babaeng kanyang iniibig.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (94)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice
13/08
0pwede pa hingi nang dayamonds
19/10/2025
0Very nice story, galing mo author.
07/09/2025
0Tingnan Lahat