“G-galit pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na ang ama ng anak ko ang magiging dahilan ng pagkawala niya.” “Paano kung–kung hindi pala siya ang nagtangka sa buhay mo?” Huminga nang malalim si Lindsey. “Ayoko nang pag-usapan ang tungkol sa kanya. Basta ang alam ko ay galit ako sa kanya.” Iyon ang kinakatakutan ni Ernest. Paano kung sa dulo pala ng galit ni Lindsey ay naroon pa rin ang pag-ibig nito para kay Draven, sa dating asawa? Dahil ganoon naman ang ‘mahal’ niya. Suplada lang ito tingnan, pero malambot ang puso. Lindsey was cold and distant to everyone except to Ernest and Snow. Napabuntong-hininga si Ernest. Muli niyang niyakap ang babae. Isinandal niya ang ulo sa likod nito. “Paano kung mapagtanto mong mahal mo pa pala si Draven? P-Papakawalan na ba kita?” “Hindi, hindi, ‘wag mong sabihin ‘yan!” sagot agad ni Lindsey. Kumalas siya sa mga bisig ni Ernest para humarap dito. Ikinulong niya ang gwapong mukha nito sa kanyang mga kamay. “Don’t let me go. Hindi ako lalayo. Magpapakasal tayo, Ernest, ‘di ba? Mananatali ako sa ‘yo at kay Snow. Masaya ako na magkakasama tayong tatlo.” Napakurap si Ernest. Gusto niyang paniwalaan ang sinasabi ni Lindsey, pero bakit parang may narinig siyang pangamba sa boses nito? May pag-aalinlangan. Sa kabila niyon ay tumango na lang si Ernest. How he wished she could just say she loved him too. Dahil kung sasabihin ng babae ang mga salitang ‘yon, kahit na ano ang mangyari, hinding-hindi niya ito pakakawalan. NANG umagang iyon ay galing sa simbahan si Lindsey. Hindi niya kasama si Ernest dahil hinatid nito ang anak sa lolo at lola ng bata. Habang naglalakad ay hindi niya maiwasan alalahanin ang masayang araw na kasama ang kanyang mga magulang nang nabubuhay pa ang mga ito. Si Divine, kumusta na kaya ang bestfriend niya? Kung noon ay para silang kapit-tuko na hindi mapaghiwalay, ngayon ay milya na ang pagitan nila. Wala na siyang balita rito. Ayon kay Manang Fe, hindi raw umuwi ng Pilipinas si Divine dahil ayaw nito makita siyang nasa kabaong. Ang Lover’s Café ng Tita Elena niya. Ang Amusement Park ng Wellington, ang bahay nila na ang nakatira ay sina Manang Fe at Memay. Nang araw kasi ng kasal nina Draven at Eunice, hindi niya na hinayaang makatungtong pa sa bahay ng mga magulang niya ang dating asawa. Ang Rancho Eñigo; apat na buwan lang ang kontratang binigay niya sa Collins Group of Companies na upahan ang lupa habang inililipat ng mga ito ang mahahalagang materyales sa ibang location. Pero humirit ang mga ito na gawing isang taon. Huminga siya nang malalim. Narito na sa Paris ang buhay niya. Dito siya gagawa ng bagong pahina ng buhay niya kasama si Ernest at Snow. Kung minsan ay nagsusulat pa rin siya ng nobela, hindi romance kundi drama. Pero siya lang din naman ang nagbabasa dahil sariling kwento niya ang nilalaman ng libro. Kulang pa ba ang ginawa niyang paniningil sa dalawang tao na nagkasala sa kanya? Dahil hanggang ngayon pakiramdam niya wasak pa rin ang puso niya. Hindi pa rin siya masaya. Parang may kulang… Patuloy siya sa paglalakad habang nakayuko ang ulo at nakapamulsa ang mga kamay. Pag-angat niya ng mukha, pakiramdam niya nalulon niya ang kanyang dila nang mamukhaan ang taong nakasalubong niya. Her heart jumped to her throat! Napaatras siya nang kumibot ang mamula-mulang mga labi nito. She clenched her fists. “How have you been, Lindsey?” Tumalim ang kanyang tingin. Ang buong akala niya, nakabalik na ng Pilipinas si Draven.
Hindi niya ito pinansin. Tinalikuran niya ito at nilampasan. “Please, can we talk?” Mabilis siyang hinabol ng lalaki. Pumiksi siya nang hawakan nito ang kanyang kamay. “Wala na tayong dapat pang pag-usapan.” “Marami, Lindsey. Alam kong niloko kita at nagpasensya ka pa rin. Lumaban ka ng husto para maibalik ako pero napakahirap para sa iyo na wala kang magawa kundi ang iwan ako para sa taong umagaw sa akin mula sayo. Patawad. Mahal na mahal kita dahil wala akong mamahalin ng higit pa sayo. How I wish there is a way I could reverse to the old times and then amend my ways. I am pleading with you to forgive me. Bigyan mo lang ako ng second chance, pinapangako ko sa ‘yo, kahit minsan ay hindi ka na masasaktan.” Napalunok siya. Tumatak sa kanya ang mga binitiwan nitong salita. “Hindi ka pa rin ba nadadala? Wala ka nang maasahan sa ‘kin dahil ikaw mismo ang pumatay ng damdamin ko para sa ‘yo. Si Ernest, siya ang lalaking nararapat sa ‘kin. Siya lang ang lalaking aking dapat mahalin.” “Please?” Bigla siya nitong niyakap. Dama niya ang init ng katawan nito. “Ako na lang ulit ang mahalin mo.” “Dammit! Hindi mo ba ititigil itong kalokohan mo?” napipikong sigaw niya rito. Tumalikod siya pero hinabol ulit siya nito. “Lindsey, hindi ko kayang mapunta ka sa iba.” “Help! This guy is trying to harass me! He’s a maniac! Help!” sigaw niya. Nakuha niya ang atensyon ng marami. Kunwa’y nanginginig na itinuro niya ang lalaki. “He’s trying to kiss me. He’s trying to touch my butt,” akusa niya. Paraan niya iyon para tigilan na siya ni Draven. “What?” bulalas nito at binitawan ang kamay niya. Mayamaya ay paisa-isa nang nakabuo ng barikada sa harapan niya ang mga hiningan niya ng tulong. Napangisi siya nang biglang namutla ang lalaki. “Kapag hindi mo ako tinigilan, mapipilitan akong ipabugbog ka. Kaunting kahihiyan naman, Draven. Ako ang napapagod sa paulit-ulit na panunumbat sa ‘yo sa mga kasalanan mo sa ‘kin.” Saktong may dumaan na taxi, pinara niya iyon. Sinubukan siyang pigilan ng lalaki pero nahawakan na ito ng dalawang lalaki. “Please, don’t hurt him,” pakiusap niya sa dalawang lalaking may hawak kay Draven bago pumasok sa loob ng taxi.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice
13/08
0pwede pa hingi nang dayamonds
19/10/2025
0Very nice story, galing mo author.
07/09/2025
0Tingnan Lahat