NATENSYON si Lindsey nang ang kamay niyang hawak nito ay idinikit sa tapat ng dibdib nito. Dama niya ang mabilis na pagtibok ng puso ni Ernest.
“I don’t know kung natatandaan mo pa ang gabing nakasabay mo ako sa elevator ng snow condominium. Umiiyak ka at nang tanungin kita, you said–you caught your husband cheating on you.” Napatitig siya sa mukha nito. Naalala niya ang tagpong ‘yon, bumabalong ang luha sa mga mata niya nang gabing ‘yon kaya blurred sa paningin niya ang mukha ng lalaking nakasabay niya sa elevator. Ngunit hindi niya akalain na si Ernest ‘yon. “I-ikaw, ‘yon?” Tumango ito. “Gusto ko ngang isipin na sinadya ng tadhana na pagtagpuin tayong dalawa. Pero isa lang ang nakakasiguro ako, Lindsey… Una pa lang kitang nasilayan, iba na ang reaksyon ng puso ko. Natakot ako dahil alam kong hindi kita makikilala nang hindi nahuhulog sa iyo. Alam kong hindi ako makakalapit nang hindi ka kailangan. Pero sumugal ako.” Deretsong tumitig ito sa mga mata niya at nabasa niya ang kaba sa mapupungay nitong mga mata. “Mahigit tatlong taon na simula nang makilala kita, kahit pilit kong supilin ang nararamdaman ko para sa ‘yo, pilit pa ring itinitibok ng puso ko ay ang pangalan mo. Mahal kita, Lindsey. Hindi ko nga lang magawang ilabas nang buo ang nararamdaman nitong puso ko dahil hinihintay kong maghilom ang sugat sa puso mo. Every single day for the past years, I’ve been waiting for you, Lindsey. I love you. Pagkatapos ng mga pinagdaanan mo, hindi ko alam kung magagawa mo pang maniwala sa pagmamahal. Pero gusto kong isipin na sa loob ng tatlong taon na nagkasama tayo ay nakilala mo na ako nang husto. Hindi ako katulad niya, Lindsey.” Tukoy nito kay Draven. “Hindi ko magagawang saktan ang puso mo, dahil totoong iniibig kita.” Pinagmasdan ni Lindsey ang guwapong mukha ng lalaki. Mula sa buhok nito na hanggang balikat ang haba, sa kulay brown nitong mga mata na minana ni Snow, sa makakapal na mga kilay, maninipis na labi, aristokratong ilong, at mga dimples na lumilitaw tuwing ngumingiti. Kay lakas ng dating nito. Ngunit hindi iyon ang pumukaw sa pansin niya. Ang pagiging mabuti nitong ama kay Snow ang nakaka-proud na. Likas na mabuti si Ernest at nagmana rito ang anak na si Snow. Napakurap siya nang umupo ito gamit ang isang tuhod. Kinuha nito mula sa bulsa ng jacket ang isang ring box at binuksan. Ito ang isang bagay na hindi niya naranasan, dahil ang kasal na naganap sa pagitan nila ng kanyang asawa ay hiniling lamang ng kanyang ama. Fixed marriage, eksaktong tawag do’n. Pero ang pagmamahal na nararamdaman niya para kay Draven, hindi peke. Totoong minahal niya ito. “Alam ko na may posibilidad na isipin mong masyado akong magiging mabilis. Mahal kita. Mahal ka ni Snow. At nararamdaman ko na kahit paano, may espesyal na lugar na rin kami sa puso mo. Our friendship is solid. Kilala na natin ang isa’t isa. May tatlong taon na tayong pundasyon. Please... take a chance on me. Marry me, Lindsey. Kung ang buhay ko ay maihahalintulad sa isang puzzle, ikaw ang nawawalang piraso ng puzzle na makakabuo sa buhay ko.” “E-Ernest, I-I’m still married.” Grabe na ang tibok ng puso niya, nakakabingi! “I know,” anito. “Nakapag-file ka na ng petition for annulment. Siguro naman, hahayaan ka ni Draven na maging malaya. Then, we can get married here in Paris.” Pinakatitigan ni Lindsey si Ernest. Hindi niya alam kung makakaya pa niyang magmahal pagkatapos ng mga pinagdaanan niya. Nang una, halos sambahin niya sa pagmamahal si Zach Madrid, ten years na nakulong siya sa ilusyong pag-ibig sa lalaki, pero ibang babae ang minahal nito. Si Draven na asawa niya, they married without love. And love after marriage, ‘yon ang nangyari sa kanya… pero pinaglaruan lang din ang damdamin niya. Nakakatawa ngang isipin, dahil isang babae lang ang minahal ng dalawang lalaking minsan ay minahal niya. Si Eunice! Bumaba ang tingin ni Lindsey. Naroon pa rin si Ernest, nakaluhod sa harapan niya at hinihintay ang magiging kasagutan niya. Hindi niya alam kung pag-ibig ba ang nararamdaman niya para kay Ernest, pero espesyal sa puso niya ang lalaki. Kung maghahanap siya ng makakasama, walang dudang si Ernest ‘yon dahil panatag dito ang kanyang puso. Bahagya siyang natawa nang makita ang butil-butil na pawis sa noo nito tanda ng nerbiyos. Hinila niya patayo ang lalaki at idinikit niya ang bibig sa tainga nito. “Sa totoo lang, wala na sa bokabularyo ko ang magmahal. Pero may tiwala ako sa ‘yo, Ernest. And I know that with you, ang puso ko ay magiging ligtas magpakailanman. I'm honored you love me. And I do feel a certain glow in my heart right now. Ang buong pagtatapat na ito ay talagang nakakagulat sa akin, ngunit higit sa lahat, ito ay nagpaparamdam sa akin na espesyal ako. This makes me feel blessed...and happy. Kaya susubok ako... And who knows? baka ang init na nararamdaman ko sa puso ko ngayon ang maging hudyat na pala ng pagmamahal. So yes, Ernest. I am yours, sa inyo ako ni Snow. I-I'm going to marry you.” Mahigit tatlong taon na niyang nakasama ang mag-ama. At kontento siya sa piling ng dalawa. Wala na siyang gustong hilingin pa. Mas pipiliin niya ang ligtas na kalagayan ng puso kasama si Ernest kaya sumubok uli sa iba. Subok na nila ni Ernest ang isa’t isa. At sino ang nakakaalam? Baka isang araw, sa tulong ni Ernest at Snow ay magawa niya nang makalimutan ang mapait na nangyari sa buhay niya. Baka maibaling niya kay Ernest ang natitirang pagmamahal niya sa dating asawa… “Y-you said yes?” “Yes!” Ngumiti siya. Pero natigilan siya nang tila may humawak sa puso niya. Tila nagpoprotesta… Nagulat siya nang biglang buhatin ni Ernest. “I love you, Lindsey! I love you so much!”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice
13/08
0pwede pa hingi nang dayamonds
19/10
0Very nice story, galing mo author.
07/09/2025
0Tingnan Lahat