“LINDSEY, open the door!” Kinalampag ni Draven ang pinto. “Lindsey!” “Sir!” Napalingon sa kanyang likuran si Draven. Nakita niya ang dalawang guard ng condominium building. Kilala siya ng dalawa dahil apat na taon din siyang nanirahan doon. “Pasensya na ho, sir, pero wala ang may-ari ng unit na ‘yan.” “No!” galit niyang sagot. “Asawa ko ang bagong may-ari ng unit na ito. At alam kong nariyan siya sa loob.” “Maniwala kayo sa ‘min, sir. Mula po nung na-ospital si Ma’am Elizabeth, ‘di pa siya nakabalik dito sa condominium building.” “Lindsey Collins, ‘yon ang totoong pangalan niya at asawa ko siya!” Napansin niyang nagpalitan ng tingin ang dalawa. “Ang may-ari ng condominium building na ito, tinago niya ang asawa ko!” “Pero wala ho talaga siya rito, sir.” Tiim ang bagang tinalikuran ni Draven ang dalawang guard. Sunod-sunod na katok ang ginawa niya. Parang gusto na niya ‘yong gibain mabuksan lang ang pinto. “Itigil n’yo ‘yan, sir!” saway sa kanya ng mga ito. “Kapag hindi kayo umalis sa lugar na ito, mapipilitan akong tumawag ng pulis.” Pananakot sa kanya ng isang guard. “Mainam!” Hindi siya nagpakita ng takot sa dalawa. “Para masampahan ko ng kasong kidnapping ang boss n’yong si Mr. Bustamante.” Napakamot naman sa bumbunan ang dalawang guard. Marahil ay inalala rin ng mga ito ang amo kaya hinayaan na si Draven na patuloy sa pagkatok sa pinto. “Ano’ng gagawin natin?” tanong ng isang guard sa kasama nito. Mas bata itong tignan kaysa sa isa. “Hindi natin pwedeng ipahamak ang boss natin,” pabulong na sagot ng isa. “Bantayan na lang natin si Mr. Collins, saka na lang tayo gumawa ng aksyon kapag nag-eskandalo na siya rito.” “‘Di pa ba eskandalo itong ginagawa niya?” “Medyo,” pati ito nalito sa sinabi. “Dito lang muna tayo, bantayan natin siya.” Pagkalipas ng isa't-kalahating oras ay tumigil na rin si Draven sa pagkatok sa pinto. Nanlulumong napasandal siya sa saradong pinto. Huminga siya nang malalim. Mayamaya ay tinawagan niya sa cell phone ang kaibigang private investigator. “Sige, ako na ang bahala. Umalis ka na riyan sa condominium, umuwi ka na at magpahinga, pare.” Tinanong kasi nito kung nasaan siya at sinabi niya ang kanyang kinaroroonan. “Paano ako makakapag pahinga?” Marahas siyang napabuga ng hangin. “Tinangay ng lalaking ‘yon ang asawa ko!” “Pare, ikaw na mismo ang nagsabing si Mr. Bustamante ang taong tumulong sa asawa mo nang mga panahon nawawala siya. Kung iniisip mo na baka may gawin itong masama sa ‘yong asawa, malabong mangyari ‘yon. Hindi sasama ang asawa mo kung hindi ito mapagkakatiwalaan.” Natatakot akong tuluyang mawala sa ‘kin ang asawa ko! hiyaw ng isang bahagi ng utak niya. Alam naman niyang hindi magagawang saktan ng lalaki ang asawa niya, dahil umiibig ito kay Lindsey. “Sige, tawagan mo na lang ako kapag may nakuha kang impormasyon sa kinaroroonan nila,” sa halip ay ‘yon ang nasabi niya. Mabigat ang dibdib na nilisan niya ang lugar na ‘yon. FIVE months na siyang naroon sa Paris. Nang araw kasing makalabas siya ng ospital, lumipad na rin sila papuntang Paris. Ipinagkatiwala niya kay Atty. Rojas ang isinampa niyang kasong frustrated murder, laban kay Eunice Delgado. Napatingin siya sa pinto nang makarinig ng katok. Marahil ay sinusundo na siya ni Ernest. Birthday ng lalaki at ang nais nito ay mag-dinner sila sa labas bilang selebrasyon. Umalis na kasi siya sa poder ng mag-ama nang bigyan siya ng libreng pabahay ng pinaglilingkuran niyang kompanya–ang International Perfumes. “Are you ready?” tanong sa kanya ni Ernest nang mapagbuksan niya ito ng pinto. “Yes,” masiglang sagot niya. Lumagpas sa likod nito ang tingin niya. “Where is Snow?” “Hindi siya makakasama. Hiniram ng grandparents niya sa side ng mother niya.” Napatango siya. “Let’s go?” Inilapit nito ang bisig sa kanya. Kahit naiilang, napilitan siyang isukbit sa bisig nito ang kamay niya. DINALA siya ni Ernest sa isa sa mga sikat na restaurant sa Paris. Nagtaka siya nang walang makitang tao sa loob ng restaurant. Napansin niya ang mga nagkalat na rosas at lobo sa paligid. May malamyos na musika siyang narinig na nagmumula sa mga speakers. Bumaba ang tingin niya nang hawakan ni Ernest ang mga kamay niya at humarap ito sa kanya. “I-I rent this place,” nautal pang umpisa ni Ernest. Mabini nitong pinisil ang mga kamay ni Lindsey. “A-ano ang ibig sabihin nito?” Naramdaman ni Lindsey ang pag-iinit ng mga pisngi nang salubungin niya ang mga mata ng lalaki. Para siyang kakapusin ng hininga sa bilis ng tibok ng puso niya. “Lindsey, nang makita kita, umasa akong mababago ko ang buhay mo. Pero ikaw ang may binago sa buhay ko.” Masuyong ngumiti si Ernest. “Nang una kitang makilala, pakiramdam ko pareho tayong naliligaw. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Kung paano kita matutulungan. Ginusto kong malaman kung ano ang dahilan ng sakit sa mga mata mo. Ginusto kong malaman kung ano ang mga bagay na nagpapasama ng loob mo, na nagdudulot ng luha sa iyong mga mata. At kung bakit ninais mo noong tapusin ang buhay mo. Gusto kong malaman kung ano ang napanaginipan mo, dahil sa kalagitnaan ng gabi, gumigising kang humihikbi. Ngunit naging maingat ako, dahil takot akong baka masaktan ka kapag may tinanong ako sa 'yo. You're a total stranger in Snow and I's life."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice
13/08
0pwede pa hingi nang dayamonds
19/10/2025
0Very nice story, galing mo author.
07/09/2025
0Tingnan Lahat