SA isang malapit na ospital dinala ni Draven si Lindsey. "Emergency!" sigaw ni Draven habang buhat ang walang malay na si Lindsey. Naglapitan naman agad ang mga nurse at inilipat sa stretcher ang babae. "Doc, please, do something!" Hindi sinagot ng doktor si Draven dahil nakatuon ang atensyon nito sa pasyente. Agad na dinala sa emergency room ang babae. Naiwan naman si Draven sa labas ng silid at hindi mapakali. Hangos na dumating naman sa ospital si Ernest kasama si Allan. Nang makita ni Ernest si Draven ay agad niya itong kinuwelyuhan. "Kasalanan mo kung bakit nasa peligro ngayon ang buhay ni Lindsey!" Marahas na isinandal ni Ernest si Draven sa wall. Namumula ang mukha nito sa galit. "Wala ka nang ibang alam gawin kundi ang saktan siya!" "Sir!" Agad inawat ni Allan ang amo. "Pinagtitinginan na po tayo ng mga tao. Saka, hindi ito oras para mag-away kayo. Kailangan natin ipagdasal ang kaligtasan ni Ma'am Lindsey!" Pero hindi ito pinakinggan ni Ernest. "Bakit kilala mo ang asawa ko?" "Asawa?" Inilapit ni Ernest ang mukha sa mukha ni Draven. "Ang kapal din ng mukha mong sabihin na asawa mo si Lindsey. Ikaw ang dahilan kung bakit siya nagdurusa. Ikaw din ang dahilan kung bakit nasa bingit siya ng kamatayan ngayon. Sige, sabihin mo nga sa 'kin, ano ba ang nagawa mong maganda kay Lindsey para tawagin mo siyang asawa, ha?!" Tila napahiya naman si Draven. Wala siyang maupuhap na sagot. "Ano, hindi ka makasagot? Dahil hindi mo ginampanan ang pagiging asawa mo sa kanya!" "Oo, inaamin ko nagkamali ako pero mahal ko ang asawa ko!" Itinulak ni Draven si Ernest dahilan para mabitiwan siya nito. "Bakit kilala mo ang asawa ko? Bakit ganyan na lang ang pag-aalala mo sa kanya?" "Dahil mahal ko ang babaeng nasa loob ng emergency room!" pag-amin ni Ernest. Nabigla si Draven sa narinig. "M-mahal mo ang asawa ko?" Marahas na muling kinuwelyuhan ni Ernest si Draven. "Mahal ko si Lindsey. Kaya kong ibigay sa kanya ang pag-ibig na tapat na hindi mo kayang ibigay sa kanya. Kaya kung punuin ang mga pagkukulang mo bilang asawa." "M-may namamagitan ba sa inyong dalawa?" Kahit nasasaktan ay nagawa iyong itanong ni Draven sa lalaki. "Huwag mong itulad sa 'yo si Lindsey!" Nagngangalit ang mga bagang na turan ni Ernest. "Dahil kahit matagal na panahon kayong hindi nagkasama, hindi ka niya pinagtaksilan." Sabay na napatingin sa emergency room ang dalawang lalaki nang maglabas-masok ang mga doktor. Agad na kinabahan si Draven. Naisip niyang baka may masamang nangyayari sa loob ng emergency room. "Hindi pa rin nagkakamalay ang pasyente!" Kinabahan din si Ernest. Agad na lumapit ito sa pinto ng emergency room, kasunod nito si Draven. Biglang bumukas ang pinto. Kitang-kita nina Draven at Ernest ang screen ng "Heart Rate Monitor". Agad na napaluha ang dalawang lalaki. Parehong umaasa na makakaligtas sa tiyak na kamatayan si Lindsey… Beep...Beep...Beep…tila nagbalik sa alaala ni Ernest ang tagpong naroon siya sa ospital habang sinusubukan e-revive ng mga doktor ang kanyang namayapang asawa. Nakatitig si Ernest sa heart rate monitor. It's sad. One little sound signifies the end of a life. One little line across a screen shows a heart that ceases to beat. It's just sad. Biglang nagkagulo sa loob ng emergency room nang maging flatline na ang screen. Tila namanhid ang buong pagkatao ni Draven nang marinig niya ang sound na nagmumula sa Heart Rate Monitor. Iyon ang tunog na ayaw na ayaw niyang marinig kapag nasa ospital siya at kasama ang taong minamahal. Nagpumilit pumasok sa loob ng emergency room sina Draven at Ernest pero hindi sila pinayagan ng mga doktor. Gumamit na ng defibrillators ang mga doktor upang subukan e-revive ang pasyente. The doctors loudly say ‘Clear!’ before placing the paddles on the patient’s body and passing an electric current through it. Ngunit flatline pa rin ang nasa screen monitor. "Clear!" SAMANTALANG sa Allen provincial jail. Walang bakas na pagsisisi sa mukha ni Eunice sa nagawa nitong krimen. Ngunit umiiyak ito sa isang sulok sa loob ng kulungan. Ayaw nito sa lugar na iyon. Masikip. Mabaho. Mainit. At nakakatakot ang mga mukha ng babaeng preso. "Ano ba! Tumigil ka na sa kaiiyak mo riyan. Naririndi na ako sa 'yo!" galit na sigaw ng isang babaeng preso kung saan ay doon din pansamantalang nilagay si Eunice. "Pwede ba, 'wag mo akong pakialaman!" bulyaw dito ni Eunice. "Aba, matapang ka , ha?" Inis na bumangon mula sa pagkakahiga sa folding bed ang babae. Tadtad ito ng tattoo sa buong katawan. Hiyawan naman ang ibang babaeng preso sa loob ng kulungan. Tila nag-aabang sa maaaring mangyari sa loob ng kulungan. "Don't you dare touch me!" Inis na hinawi ni Eunice ang kamay ng babae na humawak sa braso niya. "Abat–hmp!" Malakas nitong sinuntok sa sikmura si Eunice. Napaigik naman sa sakit si Eunice. Mariin nitong hinawakan ang sikmura. "Ako lang ang matapang sa selda na ito kaya matuto kang gumalang kung ayaw mong masaktan!" Tumaas ang kamao ng babae para sana muling suntukin si Eunice nang may lumapit na dalawang pulis sa selda. "Teresa Cruz! Itigil mo 'yan!" Babala ng isang pulis sa babae. "Pasalamat ka at may dumating na mga pulis. Dahil kung hindi, sisiguraduhin kong manghihiram ka ng mukha sa aso!" Dinuraan pa nito si Eunice bago muling bumalik sa folding bed. Minasahe naman agad ito ng dalawa pang babaeng preso. Alumpihit naman na umiyak sa sulok ng selda si Eunice. Ininda nito ang nananakit na sikmura. "Eunice." Napaangat ng mukha si Eunice, kilala niya ang boses nito. "Dad?" Hindi inaasahan ni Eunice na pupuntahan siya ng mga magulang. "Dad, please, help me...tulungan n'yo akong makalabas. Ayoko rito!" "Bakit ginawa mo 'yon?" Ang kanyang Ina ang nagtanong. "Isa ka nang kriminal." Napakapit ng mahigpit sa rehas si Eunice. "Mom, I'm sorry...," lumuluhang sabi ni Eunice. "Mahal na mahal ko si Draven. Nagawa ko 'yon dahil sa labis na pagmamahal ko sa kanya." "Dahil sa bawal na pag-ibig, wala ka nang ginawang tama. Hindi ka naman dating ganyan, ah?" Masama ang loob na napatitig si Eunice sa mga mata ng ina. "'Yan naman ang lagi n'yong sinasabi sa 'kin. Wala akong ginawang tama. Naging mabuti naman akong anak sa inyo. Mula pagkabata hanggang sa nagka-isip ako, lagi ko kayong sinusunod. Hindi man ako nanggaling sa dugo't-laman n'yo, pero mahal na mahal ko kayo. Si Draven, sa kanya ko lang naramdaman ang pagmamahal na hindi n'yo magawang ibigay sa 'kin. Siya lang ang taong nagpahalaga sa 'kin. Pero nawala sa 'kin si Draven nang ipakasal n'yo ako kay Zach Madrid." Nagkatinginan naman ang mag-asawang Delgado. "Mom, please...tulungan n'yo akong makalabas dito. Pangako, magbabago na ako. Ayoko rito, mom." Napahagulhol ng iyak si Eunice. Lumambot naman ang puso ng babae nang makitang umiiyak si Eunice. Nahabag din ito sa sinapit ng anak. "Hindi namin maipapangako. Pero susubukan namin na mailabas ka rito. Ipagdasal mong makaligtas sa kamatayan ang asawa ni Draven." Hindi nagsalita si Eunice, yumuko. Noon lamang niya naramdaman ang takot na baka nga napatay niya si Lindsey.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice
13/08
0pwede pa hingi nang dayamonds
19/10/2025
0Very nice story, galing mo author.
07/09/2025
0Tingnan Lahat