“MAY tumututol ba sa kasalang ito?” tanong ng pari na nagkakasal kina Draven at Eunice. Simple lang ang kasal na ginanap sa Christ The Church sa bayan ng Allen. Parehong dumalo sa kasal ang pamilya ng mga kinakasal. “Inuulit ko, may tumututol ba sa kasalan na ito?” Mula sa labas ng simbahan, isang kulay itim na sasakyan ang humimpil at bumaba ang isang babae na kulay itim ang kasuotan. “Ma’am, nagkamali ho yata kayo nang pinuntahan. Kasalan ho ang ginaganap sa loob ng simbahan, hindi lamay.” Hinarang ng isang lalaki na nakasuot ng barong-tagalog si Lindsey. “Alam ko,” taas ang noo na sagot niya. “Papasukin mo ako.” “Pasensiya na ho pero mga imbitado lang sa kasal ang maaaring pumasok sa loob ng simbahan.” “Asawa ako ng ikinakasal. Gusto mo pati ikaw ipakulong ko?” pananakot niya sa lalaki. Kinuha niya sa loob ng kanyang bag ang marriage contract nila ni Draven. Bago siya pumunta ng simbahan ay dumaan siya sa bahay ng mga magulang niya at kinuha iyon. Inutusan na rin niya si Manang Fe na iimpake ang lahat ng mga damit nina Draven at Eunice. “Oh, ayan! Itong kapirasong papel na ito ang magpapatunay na asawa ko ang groom!” Napatitig sa mukha ni Lindsey ang lalaki matapos nitong makita ang marriage contract. “I-ikaw si Mrs. Collins? P-pero matagal ka nang patay.” Tinabig niya ito. “Let me in!” Walang nagawa ang lalaki kundi ang papasukin sa loob ng simbahan ang babae. “Itigil ang kasal!” sigaw ni Lindsey. Halos iisang mukha na napatingin sa kanya ang naroon sa simbahan. Nagsimulang magbulungan ang mga dumalo sa kasal. “Palabasin n’yo ang babaeng ‘yan!” maawtoridad na utos ni Mr. Delgado, ang ama ni Eunice. “Bitiwan niyo ako!” Nagpumiglas si Lindsey nang hawakan siya ng dalawang lalaki sa magkabilang braso. Nahubad ang suot niyang sunglasses at tumilapon iyon sa kung saan. “Miss Sandoval?” halos sabay na sambit nina Eunice at Draven. “Kilala mo siya?” tanong ni Eunice kay Draven. “Oo. Siya ang nakabili ng unit ko sa snow condominium building. Teka sandali, paano mo siya nakilala?” “Siya ang CEO na pinadala ng International Perfume ng bansang France. Nakipag-deal kami sa kanya para maging distributor ng kanilang produkto.” “Ano’ng ibig sabihin nito, Ms. Sandoval?” tanong ng ama ni Eunice nang makabawi sa pagkabigla. Muling umugong ang bulungan sa loob ng simbahan. “Itigil ang kasal!” sigaw muli ni Lindsey. Hindi niya pinansin si Mr. Delgado. Itinaas niya ang kapirasong papel. “Ito ang magpapatunay na ang groom ay hindi pwedeng ikasal sa ibang babae.” “Anong kalokohan ito?” ang ama naman ni Draven ang nagsalita. Bakas sa mukha nito ang pagkalito. Hindi nito inaalis ang tingin sa mukha ng babae. “Sino ka at bakit kamukha mo ang namayapang asawa ng anak ko?” Napakagat-labi si Lindsey upang pigilan ang nagbabadyang luha sa sulok ng kanyang mga mata. Napatitig siya sa mukha ng ama ni Draven. “Dad…” “L-Lindsey, i-ikaw ba ‘yan?” Hindi makapaniwala si Conrad. “P-paanong nangyari ito?” Hindi sinagot ni Lindsey ang matanda. Itinuon niya ang paningin sa dalawang tao na nakatayo sa altar. Nakita niyang pinigilan ni Eunice si Draven nang humakbang ito palapit sa kanya. “Draven!” sigaw ni Eunice sa lalaki. Itinaas nito ang laylayan ng suot na gown. “Lindsey, ikaw ba talaga ‘yan?” Nanubig ang mga mata ni Draven. Nakatayo na siya ngayon sa harap ng babae. “Ang akala namin patay ka na.” Mapakla siyang ngumiti. “Talaga?” pauyam niyang sabi. “Baka naman planado mo ang pagkamatay ko kunwari? Baka ang bangkay na pinaglamayan niyo at inilibing, binili mo para palabasin patay na ako.” “Sandali, ano ba ang pinagsasabi mo?” naguguluhang tanong ni Draven. “Hindi ko mawawaan ang iyong sinasabi. Hindi mo lang alam kung gaano ako nasaktan nang mawala ka.” “Sinungaling!” Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanang pisngi ni Draven. Lahat ng naroon sa loob ng simbahan ay napaungol sa pagkabigla. Hindi nakapagsalita si Draven sa pagkabigla. “Walanghiya ka! Bakit mo sinaktan si Draven?!” “Isa ka pa!” Mag-asawang sampal ang pinatikim niya rito. Mabuti na lang at naging maagap si Draven. Agad na nasalo nito ang katawan ni Eunice bago pa matumba. "Oh, my God!" hiyaw ng iilan. Nag-alala para sa pinagbubuntis ni Eunice. "Kapag may masamang mangyari sa anak namin ni Draven, ipapakulong kita!" pagbabanta sa kanya ni Eunice. "Sige, magdemanda ka!" hamon niya kay Eunice. "Kung mayroon man dapat na maghain ng demanda, ako 'yon, Eunice!" Inilayo ni Draven si Eunice kay Lindsey. Inaalala nito ang pinagbubuntis ng una. Galit na hinarap ni Lindsey ang asawa. "Akala ko ba matalino ka?" nang-uuyam niyang tanong dito. "Bakit mo papakasalan ang babaeng 'yan kung legal ang kasal nating dalawa?" "Dahil matagal ka ng patay!" si Eunice ang sumagot. "May karapatan kami magpakasal dahil nang mamatay ka, wala na rin bisa ang kasal n'yo!" "Puwes, diyan ka nagkakamali, Eunice. Kahit mamatay man ako at nagpakasal kayo, hindi pa rin legal ang magiging kasal niyo." Hinarap niya si Draven. "Mamili ka, Draven, anong kaso ang gusto mong isampa ko sa 'yo?" Hindi naman nakaimik si Draven. "Alin kaya sa dalawa ang pwede kong isampang kaso sa 'yo?" Kunwari ay nag-isip pa siya. "Adultery or Bigamy? Pero tingin ko pareho silang dapat isampa kong kaso sa 'yo, e. Bigamy is a public offense and a crime against status, while adultery and concubinage are private offenses and are crimes against chastity. Hawak ko ang marriage contract natin kaya kahit saang anggulo tignan, makasalanan ka, mahal kong asawa." Napatingin sila sa pari nang magsalita ito. "Igalang n'yo ang banal na simbahan. Kung may problema ang mga ikakasal ay sa husgado niyo na pag-usapan at hindi dito sa tahanan ng Diyos." "Hindi maari! Matutuloy ang kasal namin!" Hindi inaasahan ni Lindsey ang pagdaluhong sa kanya ni Eunice. Sinabunutan siya nito dahilan para mapahiga siya sa sementong sahig. Sigawan naman ang mga nasa loob ng simbahan, ang iba ay tumakbo palabas ng simbahan at ang iba naman ay inawat si Eunice. "Bitawan mo ako!" Pilit na binabaklas ni Lindsey ang mga kamay ni Eunice na nakasabunot sa kanyang buhok. "Eunice, tama na!" Hinila ni Draven si Eunice palayo kay Lindsey. Napalakas ang pagkakahila nito sa babae dahilan para sumadsad sa sementong sahig si Eunice. Napasigaw naman sa pag-aalala ang mga magulang ni Eunice. "Ang baby!" nababahala na sigaw ni Mrs. Delgado. Tinulungan ni Draven na makatayo si Lindsey. Nagngingitngit ang kalooban na tumayo si Eunice at muli sanang susugurin si Lindsey nang matigilan ito. Parang tinakasan ng dugo ang mukha ni Eunice nang mahulog sa sahig ang ginagamit nitong artificial baby tummy. "Ano'ng ibig sabihin nito?" Tila umakyat sa ulo ni Draven ang lahat ng kanyang dugo. Binitiwan nito si Lindsey at dinampot ang pekeng baby tummy na ginagamit ni Eunice. Naglabasan ang mga litid nito sa leeg dahil sa galit. "Bakit ito ang laman ng tiyan mo, ha? Niloko mo ako! Magpaliwanag ka!" "D-Draven…" nangatal ang mga labi ni Eunice. Kulang na lang ay hilingin ng babae na lumubog sa kinatatayuan. "I-I'm not pregnant. W-wala akong kakayahan na mabigyan ka ng anak. Nagawa kong magpanggap dahil nakita ko kung gaano mo kagusto na maging ama. Nagawa kong magsinungaling dahil mahal na mahal kita." "Pero may ipinakita ka sa akin na pregnancy kit!" "H-hindi akin 'yon. Nakita ko iyon ng hindi sinasadya sa drawer ng dresser mo. Gusto ko sanang magpaliwanag, pero inunahan mo ako." "Sa akin ang pregnancy kit na iyon," lumuluhang sabat ni Lindsey. Pagak siyang tumawa. "Ibig mo bang sa–" hindi natuloy ang sasabihin sana ni Draven nang magsalita si Lindsey. "Oo, Draven!" Nilapitan niya si Eunice at mariing hinawakan sa isang braso at hinila palapit sa lalaki. "Pinagpalit mo kami ng iyong anak sa babaeng ito!" "Nasaan ang anak natin?"
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice
13/08
0pwede pa hingi nang dayamonds
19/10/2025
0Very nice story, galing mo author.
07/09/2025
0Tingnan Lahat