Homepage/Until We Met, Sweetie/
Epilogue
Unbreakable Ending
Maputi, maaliwalas at tahimik.
Lumipas ang isang buwan at maraming nagbago sa pagsasama namin ni Kiel. Palagi na siyang nasa tabi ko simula ng magpabalik-balik ako sa ospital.
“Okay ka lang ba, mahal?” tanong nito sa akin habang hawak ang kamay ko.
“Oo naman. Nandito ka eh, sorry ha? Hindi mo na maasikaso ang kompanya dahil sa akin. Naalala ko naman na lahat, pero kapag nadadagdagan, mas lalong nabigat. Nakakapagod. Ang hirap...” Tinakpan niya ang bibig ko. “Tama na ’yan. Walang mapapagod, walang susuko. Whatever happens, I am here okay? Don’t worry about my company, I can handle it. I can manage it.”Ngumiti ito at mahigpit ang pagkakahawak sa kanang kamay ko.
Sa totoo lang, tama siya. Bakit nga ba sobrang negative ko mag-isip? Samantala siya, wala siyang inisip kundi ako. I am so selfish!
Habang hawak ang kamay ko, hinigpitan ko iyon. “Do you still love and will wait for me? I mean, hindi ka ba napapagod sa akin?” Ang dami kong gustong sabihin dahil sa kalagayan ko ngayon. Dahil ng unti-unti kong maalala ang lahat, hindi na ako umaasa na mananatili pa ba yung taong nagmamahal sa akin ngayon.
Hindi agad sumagot si Kiel, hinalikan niya ang kamay ko at pinisil ito. Pinagmasdan niya ako ng ilang segundo.
“Bakit ba ganyan ang iniisip mo? Of course I will. 2 years kang nawala sa akin dahil sa komplikadong sitwasyon natin. Ngayon na nasa akin ka at naalalagaan kita. Hayaan mo ako, Sweetie. Tandaan mo, anuman ang mangyari mahal na mahal kita. I will be with you until the last breath of my life.” Hindi ko alam kung ano ang susunod kong sasabihin sa kanya. I can’t imagine this man saying this, sobrang puno ng sinseridad. Pero narito pa rin ang mga what ifs ko.
“I know you are thinking again. Hindi ako mawawala, mahal. Hihintayin kong gumaling ka, hihintayin kong maging okay ka. I am here for you, kasama mo ako sa laban mo.” Hinalikan niya ang noo ko at doon ako napanatag.
“I love you.” Bulong ko at ngumiti naman ito. “I love you most, Sweetie.” Matamis niyang tugon.
Umupo ako para makapag-usap kami nang maayos pero bigla niya akong niyakap.
Yumakap rin ako sa kanya, ayokong mawala ’tong lalaki na ’to at mas lalong ayokong mapunta siya sa iba.
Kahit na hindi pa rin ako okay at narito sa apat na sulok ng kwartong ito, wala akong narinig na kahit anong reklamo sa kanya.
His love is unconditional, his love is priceless.
“Let’s stop here, we’re getting too emotional. I will just grab food for the two of us. What do you like? Anyway, I talked to your doctor last night, he said pwede ka na rin umuwi sa bahay ko.”
Halos matulala ako at matahimik. “Huh? Umuwi sa bahay mo?”
“Yes darling. You hear it. Naisip ko na mag hire ng maids for you and security guard, hindi para maging bantay sarado ka or what. Gusto ko lang habang wala ako may magbabantay at alaga sayo. Don’t worry, I will not hire any secretary. Ikaw lang sapat na. So, ano’ng pagkain ang gusto mo?” Ngumiti ito habang nag-i-i-scroll sa kanyang iphone 14.
“Teka, seryoso ka ba riyan? I mean, napakasobra naman ng efforts mo love. Kaya ko naman na eh. Spaghetti at chicken lang. Water lang din ang gusto kong inumin.”
“Yes! Nasa bahay na rin ang mga gamit mo, so wala kang dadatnan sa bahay mo. Noted love.” Sumaludo pa ito at biglang exit dahil mag-o-order daw siya. Iniwan naman akong windang dahil nakuha na agad ang gamit ko sa bahay.
Napabutong-hininga na lang ako at napaisip bigla paano niya nakuha ang susi ko. Mabilis kong kinuha ang bag na katabi ko at hinanap iyon pero wala.
Maya-maya bumukas ang pinto. “Don’t worry the other key which is the duplicate one is safe with me.” He smiled while waving the duplicate key in his right hand.
Napanguso na lang talaga ako at nagpigil ng samo’t-saring emosyon. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o kikiligin na lang.
Lumapit ito at hinawakan ang kamay ko. “You know what, never akong nagsisisi sa lahat ng ginawa ko sayo. I really loved you. Wala eh, ang lakas ng tama ko sayo. Kaya pasensiyahan mo ako magal kung mabilis akong mainis kapag may lalaking umeepal, akin ka lang eh. Akin lang.” Tila para itong bata na dumadaing. Hinawakan ko ang kamay niya at pinagmamasdan ang gwapo niyang mukha.
“Alam mo, after kong maalala lahat. Hindi ko alam kung deserve ko bang mahalin ng ganito. I mean, secretary mo lang naman ako eh. Doon naman talaga nagsimula ’yon. Yung tipong ayoko sa gaya mo kasi iniisip ko babaero ka. But when we are always together, pinapapaalala mo lahat masaya man o hindi yung memories. ”
“Masaya ako dahil kahit papaano naalala mo ako. I mean, unti-unti naalala mo na rin. Ito yung pinakahihintay ko at ito yung makasama. But I don’t want to see you here, yung naalala mo nga lahat pero nahihirapan ka naman.” Naging malungkot ang boses niya dahil sa pagyuko niya at pagpisil sa kamay ko. Kahit sino naman hindi gugustuhin na makita yung taong mahal nila na nahihirapan.
“Tama na nga ’yan, Kiel. Mas mahihirapan ako kapag nakita kong malungkot ka. Magiging okay rin ang lahat, magkakasama pa tayo ng matagal.” Ngumiti ako at pinakita ko sa kanya na hindi na dapat kami mag-isip pa. Kahit alam kong nag-aalala pa rin siya. He is the best, he is worth it of true love. He deserves more.
Niyakap niya akong muli at ngayon mas naramdaman ko yung higpit. Tinapik-tapik ko ang balikat niya at hinimas ang likuran niya. Ayokong siya naman ang magkasakit dahil sa kakaisip ng kalagayan ko.
Lumipas pa ang ilang minuto at dumating na rin ang pagkain namin. Kumain kami ng sabay kahit na hindi ko maintindihan ang kinakain ko, wala akong panlasa. Pero binaliwala ko iyon dahil kailangan kong magpagaling.
“Kumain ka lanf love ha? Magpalakas ka. Kapag magaling ka na may surpresa ako.”
-------------------------------
Mahigit isang buwan na ang lumipas. Magaling na rin ako sa tulong ng pag-aalaga ni Kiel. Nandito na rin ako sa bahay nila at kasama siya parati.
Kasalukuyan akong nasa garden, isa ito sa dahilan kaya mabilis din akong naka-recover kahit na pabalik-balik ako sa ospital.
“Ang ganda talaga rito, maraming makukulay na bulaklak. Kailan pa ba nagkaroon ng interes si Kiel sa ganitong kapaligiran?”
Naglakad-lakad ako hanggang sa may nagpiring sa mga mata ko gamit ang dalawang kamay niya.
Malambot ito at mabango dahil dumadampi ang malapad niyang kamay sa ilong ko.
“Sabi na eh, dito ko makikita ang mahal ko. Maganda ba? Nagustuhan mo ba?” Binaba niya ang kamay niya at pinaharap niya ako sa kanya.
“Halos tatlong buwan ko itong pinagawa kahit maraming nangyari sa buhay natin, gusto ko kapag nandito ka na sa bahay maayos na 'tong garden na ito,” pagdedetalye niya habang hawak-hawak ang kamay ko.
“Alam mo Sweetie, lahat ng mayroon ako ay para sayo.Mahal na mahal kita,”matamis niyang sabi at bigla siyang napatigil sa paglalakad.
Bumilis ang tibok ng puso ko na para bang may kakaibang mangyayari. “K-kiel?” tawag ko sa kanya.
Ngumiti lang ito na para bang may gagawin o sasabihin na hindi pa kaya.
“You know what I practice many times, I search what to do about this. But when I am here, I can’t. Nawawalan ako ng mga salita, Sweetie.”
Mas lalo akong kinabahan sa huli niyang sinabi. Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko.
“Ano ba kasing sasabihin mo, Kiel?” takang tanong ko rito.
Pinagpapawisan na ito na hindi ko na alam ang totoong nangyayari sa kanya.
Bigla itong lumuhod at may nilabas na maliit na box.
“W-ill y-you be my wife, S-Sweetie?” utal-utal niyang pagkakasabi pero nilabas niya ang diamond ring na siyang ikinagulat ko.
Tila naging pipi at blangko ako sa ginawa niya.
Ilang minuto ang lumipas at sumagot ako. “Yes, I do Kiel.” Binuhat ako ni Kiel sa sobrang saya at sumigaw-sigaw ito. May lumabas na mga maids at bodyguards at tinapunan kami ng mga bulaklak.
Sinuot niya ang singsing sa palasingsingan kong daliri. Lumapit at pinagmasdan ang mukha ko at sinabi;“I love you, Sweetie.”
“I love you more, Kiel.”
Ngunit sa kalagitnaan ng kasiyahan naming dalawa, nakarinig ako ng putok ng baril. Nagkagulo ang mga maids at napayakap ako ng mahigpit kay Kiel.
“What happened?!” Sigaw ni Kiel sa dalawang bodyguards niya.
“Sir, may babae raw po sa labas na nanggugulo.”
Tibok nang tibok ang puso ko sa kaba at takot. Pero mahigpit ang hawak sa akin ni Kiel na para bang tinatago niya ako sa dibdib niya.
“Who?” tanong nito na tila naguguluhan na rin ako sa nangyayari.
“Did you miss me, honey? Oh, I am too late for your romantic scene?”
“Celine, tigilan mo na ’to! We talked about it right? May mahal na ako at ikakasal na kami ni Sweetie kaya lubayan mo na kami.
Hindi ko akalain na si Celine ang gumawa ’non, simpleng black dress ang suot nito at gulong-gulo ang buhok. Pasuray-suray pa ang paglalakad niya.
“No Kiel! This is so unfair! Do you think were done? Not yet, hanggang dulo kasama ninyo ako.”Tumawa ito nang malakas na para bang biglang sinaniban ng masamang espiritu.
Pinagilid ako ni Kiel dahil alam niyang naguguluhan ako at kinakabahan.
“Stay with me love, huwag kang makinig sa kanya, okay? She was drunk at hindi ko alam bakit may baril siya,” paliwanag ni Kiel habang bumubulong sa akin.
“Ang sweet ninyo namang dalawa. Sa harapan ko pa talaga ha? Eh kung dalawa na lang kaya kayong pasabugin ko sa mismong pamamahay mo, Kiel? This is great and memorable, right?”
Hindi ko makilala si Celine dahil sa mga sinasabi niya ngayon.
“Tama na, Celine! Hindi ka naman ganyan, hayaan mo na kami. Please!” Pakiusap ni Kiel habang sinusubukan niyang lapitan si Celine at kunin ang baril.
“No! I will not! Nagbago ako dahil sayo, nagbago ako kasi mahal kita. But you make me worst like this! Sige lumapit ka pa at uunahin ko ’tong epal na babae na ’to!”
Humarang sa akin si Kiel dahil sa banta ni Celine. Kumapit lang ako sa kaliwang braso niya dahil na rin sa takot. Ang bilis naman kunin ng saya naming dalawa.
Hanggang sa may nagtapon sa harapan ni Celine ng isang bomba. Napaatras kami at nabitawan niya ang baril na hawak niya.
Umusok ito dahilan para mapatakip ako ng tainga.
“Get his gun!” Sigaw ni Kiel sa isang bodyguard niya at mabilis naman itong nakuha.
“We are now safe.” Bulong ni Kiel at inalalayan akong makatayo, hanggang sa dumating na rin ang mga pulis.
“Bitawan ninyo ako! Leave me! Kiel, tulungan mo ako!” Pangungusap ni Celine pero inaresto na siya ng dalawang pulis.
“Breath my love, sorry hindi iyon bomba. Laruan lang talaga iyon.”
Nakahinga ako nang maayos ng malaman iyon at pumasok na nga kami sa loob.
“I will not leave you, Celine. I love you,” pahabol ni Kiel ng bigla siyang nawalan ng malay.
Dahan-dahan itong bumagsak ngunit nasalo ko rin siya.
“Tulong... Tulungan ninyo kami. Mahal, gising! K-kiel...”
Binuhat agad siya ng isang guard sa tabi namin.
“Ma'am, dadalhin na po namin siya sa ospital,” wika ng isang matandang lalaki na karga-karga si Kiel. Malaking tao ito kaya nabuhat niya.
“Sasama po ako, tara na!”
“Hindi na po ma’am kami na lang.”
Hinarangan din ako ng dalawang babaeng maids.
“Dito na lang po kayo,” sabay nilang sabi at pinigilan nila ako pero nagpupumiglas ako.
“Kailangan niya ako, kailangan ako ni Kiel.” Ngunit lumabas na ang guard na bumubuhat kay Kiel. Napaupo na lang ako sa sahig at binitawan ako ng dalawang maids.
Deserve ko ba ’to? Bakit ba hindi pwedeng sumaya?
“Ma’am, gusto ninyo po ba mag stay sa kwarto ni Sir Kiel?” tanong ng isang babae na maid din nila rito.
Tumingin ako sa kanya at tumango na lang.
Hinayaan ko siyang mauna sa paglalakad hanggang sa pag-akyat namin dahil nasa third floor ang kwarto ni Kiel. Hindi ako nakaramdam ng pagod kundi takot at lungkot.
At sa pagbukas ng pinto. May isang lalaking kamukha niya ang nagbigay ng bulaklak.
“Sino ka?” tanging nasabi ko dahil nasa ospital ngayon si Kiel.
Lumapit ito pero kusa akong lumayo dahil hindi ko alam na may kakambal pala siya.
“This is me, Kiel Seryno Benshu Zylaishu. Sorry love kanina, nahilo lang ako but I am okay at I am here kasi ayokong mag-alala ka.”
Hindi agad ako nasagot dahil sa mga sinabi niya, pero nalaman ko na rin na siya nga ito dahil sa brown eyes niya ng lumapit ito sa akin.
“Again, I will not leave you Sweetie. I love you so much.” Hinalikan niya ako sa noo at pagkatapos ay niyakap ako nang mahigpit.
“Huwag mo ng ulitin ’yon. Please lang,” pangungusap ko.
Tumingin ito sa mata ko at hinawi ang buhok ko at sinabing, “Sorry kung pinakaba kita, sorry sa mga panget na nangyari kanina. Pero hindi ka na matatakot pa, hindi ka rin malulungkot pa.”
“I am with you and you are safe in my place.”
ENDI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (10)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
done
09/12
0❤️❤️
03/11/2024
0nice
07/09/2024
0Tingnan Lahat