Homepage/Until We Met, Sweetie/
Chapter 38: Promises and Struggles
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko makayanan ang nangyayari, pero kailangan kong maging matatag lalo na ngayon na hindi siya okay.
Ayoko ng ulit makita niyang ganito, ayoko ng isipin niya na wala ng pag-asa.
"Magpakatatag ka love, please. Bakit ngayon pa? Sana mapatawad mo ako sa mga oras na akala mo hindi kita maha. Pero ang totoo niyan, naghahanda ako.Naghahanda ako para sa espeyal nating araw. I love you so much, Sweetie. Please, don't leave me alone."
Hawak ko ang kamay niya ngayon habang nakahiga siya sa malambot na kama sa loob ng maputing kwarto. She is now sleeping for whole day after what happened yesterday. Ang amo ng mukha niya, ang ganda niya pa rin. Walang pagbabago sa kanya.
Napaupo na lang muna ako sa gilid at pinagmamasdan siya. "Alam kong lalaban ka Sweetie love, naniniwala rin ako na gigising ka rin at hindi ka magtatagal dito sa ospital." Pilit na ngiti ko habang nakatingin sa maamo niyang mukha. Aaminin ko kasalanan ko lahat, magkasama na kami ng isang linggo sa Baguio pero hinayaan ko siyang mag-isip nang mag-isip.
It's my fault! Kasalana ko kung bakit ka ngayon nandiyan.
Ilang minuto ang lumipas at biglang may kumatok.
Napatayo ako pero hinalikan ko muna ang kanang kamay ni Sweetie.
"Sino ka?" gulat kong tanong sa lalaking nasa harapan ko.
"I am Kenneth Villanueva, I am his bestfriend. Hindi mo ba alam?" Hindi ako agad nakapagsalita sa mga sinabi niya. Wala akong maaalala na may bestfriend si Sweetie.
"I don't know you bro. Kung dadalawin mo siya, next time na kailangan niya muna magpahinga." Seryosong saad ko habang nakatingin sa ayos niya. He is tall than me mukha siyang varsity player, moreno at mas gwapo pa rin naman ako sa kanya.
"No worries bro, I am so sorry to disturb you and her also. Nagdala lang ako ng roses na favorite niya at fruits. Iiwan ko na lang sayo. Nice to meet you." Pinatong niya sa lamesa ang mga dala niya at ngumiti sa akin. Ang creepy lang!
Tumango na lang ako at bago siya tuluyang umalis ay humarap muna ito kay Sweetie na nakahiga pa rin ngayon.
"Hi bes! Pagaling ka, usap tayo kapag okay ka na. Nagdala rin ako ng favorite mong flowers, roses. I also bring some sweets fruits. I hope you will like it." Lumapit ito at bumulong sa kanya. Pipigilan ko sana kaso hinayaan ko na lang.
"What did you whisper to her?" I asked consciously.
"Nothing dude. I need to go. Ingat kayo." Simpleng sagot nito at umalis na rin.
Binaliwala ko na lang ang mga sinabi niya at pati rin ang pagbulong na ginawa niya. Kinumutan ko na lang nang maayos si Sweetie at hinalikan siya sa noo.
"I will make sure you will be fine, love. Magpagaling ka, magpapakasal pa tayo. Bibigyan mo pa ako ng sampung anak." Halos mapangiti na lang ako sa mga nasabi ko pero ilang saglit, nakaramdam ako ng lungkot at takot.
*****************************
Halos dalawang araw na ang nakalipas pero wala pa rin akong balita sa lagay ni Sweetie. Sabi ng doktor niya, she needs a lot of rest kaya puro tulog ang ginagawa niya. Sana lang tulog lang iyon.
Hindi na rin ako makakain nang maayos dahil sa nangyari sa kanya ngayon. Pinagmamasdan ko ang kabuuan niya, hinihimas ko ang kamay niya hanggang sa may lumapit sa akin.
"Hi Mr. Zylaishu, pwede po ba kayong makausap?"
wika ng doktor ni Sweetie.
Napatayo ako at bumilis ang tikbo ng puso ko.
"Sure doc, tungkol saan po ba?" Seryosong tugon ko.
"Teka, let's talk outside."Lumabas muna kami dahil baka nakikinig si Sweetie. Ayokong marinig niya ang kahit na anong panget na balita.
"Doc, what's the matter? Bakit hindi pa rin siya nagigising? Ano ba talagang lagay niya?" sunod-sunod kong tanong.
Napayuko si Doc. Garcia hindi ko alam pero parang hindi maganda ang ibabalita niya sa akin.
"I can't figure it out his illness as of now, but to be honest Mr. Zylaishu Sweetie is under monitoring pa rin. But I believe, later she will wake up," he said while looking at me seriously.
Nabawasan naman ang kaba ko at nakahinga rin nang maayos.
"I am looking forward for your second thoughts, doc. I am so worried about her, hindi na ako makakain nang maayos dahil hindi pa rin siya nagigising." Hinawakan niya ako sa balikat.
"Magpakatatag lang kayo, she will be wake up later. Wala naman akong makita na kahit ano' ng sakit."
"By the way, I need to go. May mga aasikasuhin pa ako, Mr. Zylaishu at mas mabuting samahan ninyo na rin ang asawa ninyo sa loob."
Napangiti ako sa sinabi ni Doctor Garcia, he did not know that we are not yet married. "Sure doc. Aalagaan ko muna ang asawa ko."
Umaalis na rin ito at pumasok na rin ako sa loob. Hanggang sa napansin kong walang nakahiga sa kama.
Nasaan ang mahal ko?
Nagmadali akong maghanap hanggang sa may ika-ikang babae na lumabas mula sa banyo.
"Saan ka ba galing? Nagugutom na ako!" Inis nitong sabi ngunit nagmadali akong alalayan siya.
"I am so sorry, ano bang gusto mong kainin? Wait, Kanina ka pa ba gising?" takang tanong ko habang inaalalayan siya papunta sa kaniyang kama.
"Anything na may sabaw, I am almost starving Kiel. Nauuhaw na rin ako, may tubig ba riyan?"
Ramdam ko ang uhaw at pagkagutom niya dahil sa itsura niya, marahil dahil na rin sa halos dalawang araw siyang natulog.
Mabuti na lang may bottle of water rito at soup na dinala ko kanila lang.
Mabilis kong inabot iyon sa kanya at inaalalayan pa rin siya. "Finally, you're awake. Kumain ka na at magpakabusog, kailangan mong magpagaling." Masayang sabi ko habang binubuksan ang isang bote ng tubig na hawak ko.
"A-ano bang nangyari?" takang tanong nito habang ngumunguya.
"Wala ka bang maalala?" mabilis kong sagot dahil pagkatapos niyang mawalan ng malay at makatulog ng dalawang araw, parang ang bilis naman niyang makalimutan ang lahat.
"Wala eh, basta lang ang alam ko natutulog lang ako at para bang pagod na pagod ako, ganon!"
Hindi ko alam ang isasagot sa kanya at tila kinakabahan din ako. Kasalukuyan na nga siyang nainom ng tubig.
Hanggang sa mapadpad ang mga mata niya sa mga bulaklak at prutas.
"Para sa akin ba lahat 'yan? Can I smell?" Mabilis niyang nilapitan ito kahit na medyo ika-ika pa siya maglakad papunta sa lamesa. Biglang kumulo ang dugo ko dahil hindi naman iyon galing sa akin. Nawala sa isip ko na itapon at palitan na lang.
"Ah yes! That's for you! Do you like it?" I asked while thinking for the next line that I can say if she asked about anything.
"Yes! Roses is my favorite flowers. Thank you!" Inamoy niya pa ito at pagkatapos niyakap niya ako.
Nakahinga ako nang maayos ng hindi na siya magtanong pa.
"Where is Kenneth? Dumaan ba siya?"
Halos madurog ang puso ko ng banggitin niya ang pangalan ng lalaking iyon. Kilala niya pala iyon, sino ba si Kenneth?
"I missed him, sana dumalaw siya, " dagdag nito na siyang mas ikinalungkot ko.
"Who is he?" Walang ano-ano ay mabilis at direkta lo siyang tinanong kung sino ba siya.
Habang nahigop siya ng kanyang soup ay napangiti ito. "Well, he is my handsome bestfriend. Ipapakilala ko rin siya sayo, soon!"
Halos umusok ako sa ilong ko sa inis ng banggitin niya na handsome ang lalaking iyon. Hindi pwede! You are mine, only mine, Sweetie.
"Anyways, thank you for taking care of me. Hindi ko man maalala lahat ng nangyari, salamat sa pag-aalaga." Ngumiti ito at inubos na ang soup na binigay ko sa kanya.
Habang abala siya sa paghihop, napaisip ako kung sino sa buhay niya si Kenneth.
"Sino si Kenneth Villanueva?" tanong ko habang palakas nang palakas ang tibok ng puso ko.
Napatigil ito at napatingin sa akin. "H-huh? Sino si K-kenneth V-villanueva ..."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (10)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
done
09/12
0❤️❤️
03/11/2024
0nice
07/09/2024
0Tingnan Lahat