logo text

Chapter 37: Until My Last Breathe

Isang linggo ang lumipas ng maisipan kong bumalik sa Maynila. Maraming pagsubok ang hinarap ko lalo na sa pagitan namin ni Kiel. Hindi ko pa rin matanggap lahat ng mga ginawa niya, hindi ko rin akalain na ginawa niya ’yon dahil sa surpresa niya, he wants me to be his girlfriend again.
“Will you be my girlfriend again?”
Napabutong-hininga na lang ako ng maalala ko ang maamo at gwapo niyang mukha. Sino ba naman ako para umayaw diba? Pero sa totoo lang, hindi ko agad nasagot ang sinabi niya. Pinili kong takbuhan siya at magkulong sa kwarto ng mga araw na ’yon. Pagkatapos ng ginawa niya, hinayaan niya ako sa magiging desisyon ko.
Bakit kasi hindi ako makasagot ng araw na ’yon? Bakit kasi naging pipi ako ng wala sa oras.
Bumangon na lang ako at dumiretso sa banyo para maligo at alisin sa isipan ang mga bumabagabag sa akin.
      
     **************************
Linggo ngayon at naisipan ko munang dumaan sa simbahan bago ako mag grocery. Gusto kong magpasalamat sa Diyos dahil sa kabila ng mga nangyari sa buhay ko, malakas at buhay pa ako.
Ngunit sa kalagitnaan ng pagmamaneho, may napansin akong kakaiba. Napatingin ako sa salamin ng kotse ko sa labas at parang may kotseng pula na nakasunod sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko, tibok nang tibok na para bang sasabog.
Sino ba ’tong nasunod sa akin?! Bakit ba kahit saan ko iliko naroon siya. Marami ng nabubuo sa isip ko, kung ano-ano na para bang gulong-gulo na rin talaga ako.
Huminga ako nang malalim, sinubukan kong kumalma at nag-focus sa pagmamaneho. Dumiretso pa rin ako sa simbahan kahit na sa loob-loob ko, kinakabahan na talaga ako.
Tumingin ako sa salamin at naging kampante na rin ako sa wakas dahil nawala na yung pulang kotse na nasunod sa akin. Ilang saglit pa ay tinigil ko na ang pagmamaneho, pinark ko lang ito at bumababa na rin ako para makahanap ng maganda puwesto sa loob ng simbahan.
Maya-maya, tumunog ang cellphone ko kinuha ko iyon at bumungad agad sa akin ang maraming messages ni Kiel.
Napatigil ako sa paglalakad at binasa muna ang nasa unahan nitong text message.
“Hey! Magsisimba ka pala, tapos hindi mo man lang ako sinabihan. Nakakatapo naman! Paliko-liko ka pa pero sa simbahan pala ang ruta mo. Ako yung nasunod sayo, ako lang walang iba.”
Para akong ewan na biglang napangiti at mabilis na iginala ang mga mata sa paligid. Bumilis ang kabog ng puso ko, ngayon hindi sa kaba o takot. Kundi kakaibang excitement.
“Hey love, bakit mo naman ako hindi sinabihan? Pinakaba ba kita? Sorry na, ikaw naman kasi,” tampong sabi nito. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa dahil cute nitong mukha ngayon.
“Tara na lang sa loob! Nagsisimula na.” Mabilis kong hinila ang kamay niya at napagtanto kong kakaiba ang ngiti niya ng makarating na kami sa loob.
“S-sorry, ” matipid kong wika. Mabilis na lang akong umupo sa bandang dulo kung saan may bakante pa.
“Pabor naman sa akin na hawakan mo ang kamay ko kahit magdamag pa.” Bulong nito sabay kindat pa. Hinayaan ko na lang siya at tinaasan ng kilay. Wala talagang oras ang kayabangan niya, hindi na siya nahiya!
Diretso na lang ang tingin ko sa Pastor na nasa harapan namin at nakinig nang mabuti. Binaliwala ko ang pagpapansin niya. Dahil sa totoo lang, wala akong mapapala sa pagiging makulit niya.
Halos mahigit dalawang oras din ang tinagal ng preaching ng Pastor, pero sobrang worth it naman ng mensahe. Habang ang isa ay piniling manahimik na lang dahil hindi ko siya pinapansin.
“True love is in God’s timing. Kapag talagang mahal ka ng isang tao, hihintayin ka niyan handa siyang gawin ang lahat para sayo,” saad ni Pastor Jhake na siyang binigyan ko ng pansin. Love is everywhere but true love is only one.
Pagkatapos sabihin ng Pastor namin iyon, pinatayo na kami para manalangin. Habang nanalangin si Pastor Jhake, dahan-dahan naman hinawakan ni Kiel ang kanang kamay ko.
“Hihintayin ko ang oo mo Sweetie, hihintayin ko yung tamang panahon nating dalawa.” Bulong nito habang nakapikit at diretso katawan sa harapan.
“Lord, ipapaalala mo na po ulit sa kanya ang lahat. Don’t worry iingatan at mas lalo ko siyang mamahalin, ” dagdag nito na siyang ikinataba ng puso ko.
“In everyone say Amen!” banggit ni Pastor Jhake at doon ay sumigaw ang lahat ng malakas na AMEN kasabay si Kiel. Mas naramdaman ko ang sinseridad sa kanya. Tila mas lalo akong nagtiwala dahil sa mga sinabi at pinaparamdam niya ngayon.
“Let’s go?” Masayang tanong nito habang hawak pa rin ang kamay ko.
“Saan?” takang tanong ko.
“Anywhere you like, kaso may sasakyan ka. Okay lang ba sayo na sumakay ako sa kotse mo?” tanong nito.
“Iiwan mo sa parking area ang kotse mo?” tanong ko rito habang naglalakad na kami palabas.
“Yes! Okay lang yun, someone will get my car later. So, you don’t need to worry Sweetie.” Kumindat pa ito at na-realized kong hawak niya pa rin ang kamay ko. Mabilis akong bumitaw sa pagkakahawak niya.
“Oh, sorry. But, I missed it. I missed every part of you.” He said with his husky voice. Napalunok tuloy ako ng wala sa oras. Hinampas ko ang balikat niya.
“Tigil mo na nga ‘yan Sir Kiel. Kung gusto mo sumabay sa akin. Tara na! Let’s go doon sa Mcdo, kumain muna tayo.” Pag-iiba ko sa usapan.
“Sure!”
Dumiretso na kami sa parking area, pagkatapos ’non ay may lalaking dumaan sa harapan namin.
Inabot niya ang susi rito, “Take care of my Honda bro!” Paalala nito. “Yes, bro! Ingat kayo!” sagot ng matangkad na maputing lalaki.
“Sino siya?” tanong ko habang palapit na kami sa kotse ko.
“Oh, he is my cousin. Dumaan kasi siya kanina at sinabihan ko na rin kanina na siya na ang mag-uwi sa bahay ng kotse ko. Let’s go?” Yaya nito at tinulungan akong makasakay, pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse ko.
“Teka bakit nandiyan ka sa front seat at hindi rito sa driver seat mismo?” takang tanong nito. Inabot ko sa kanya ang susi. Ikaw muna ang magmaneho.
“Talaga?”
“Yes!” Mabilis kong sagot at umupo na rin. Napahawak ako sa ulo ko na para bang umiikot ang mundo ko.
“Hey, are you okay?” Tinulungan niya ako at sinabi kong ayos lang ako.
“Nahihilo na ako sir, please magmanaho ka na.” Pakiusap ko, isinandal ko ang sarili ko habang pilit na kinakalma ang sarili ko.
“Sure! Just breath please, pahinga ka muna. Mainit din masyado. Dadalhin na rin kita sa ospital.”
Wala na akong maintindihan, halos nandidilim na ang paningin ko. “A-no’ng sinasabi mo Sir Kiel?”
“Oh please love, malapit na tayo... stay awake, love of my life.”
“Wake up, loveeeeee!” Sigaw ng Kiel ngunit lalong bumigat ang pakiramdam ko.
Ilang minuto pa ang lumipas, habang nagmamaneho siya. Hindi na kinaya ng katawan ko. Unti-unti akong bumagsak at tuluyang napapikit.

Komento sa Aklat (10)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    09/12

      0
  • avatar
    22Aymee

    ❤️❤️

    03/11/2024

      0
  • avatar
    Lyn Lyn Eugno

    nice

    07/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata