Chapter 6

"G*go ka talaga, eh!" ani Drake sabay sapak sa mukha ni Gerald. Agad namang bumagsak si Gerald at napasubsob sa mesa.
Napaawang ang labi ni Kalie. "Drake, ano ba?" sigaw niya.
"Ano ba'ng problema mo, Drake?" ani Gerald habang tumatayo hawak ang pisngi.
"Tinatanong mo pa talaga kung ano? Alam ba ni Miss Hassel 'yang ginagawa mo?" sigaw niya.
"Ano ba'ng pakialam mo, ha? ani Gerald
"Siraulo ka pala, eh! Sinaktan mo noon si Kalie tapos ngayon babalikan mo at gagawing kabit? Ngayon ka pa talaga nanghinayang?" ani Drake.
"Drake, pwede ba? Tumigil ka na nga," ani Kalie atsaka muling humawak sa braso ni Gerald.
"Sa iba na lang tayo," aniya habang inaalalayan niya ito.
Pero bago pa siya makatalikod, nahablot na ni Drake ang isang kamay niya. "Kalie, dito ka lang. Huwag kang sasama sa g*go na 'yan!" ani Drake.
Galit na iwinaksi niya ang kamay ni Drake. "Umuwi ka na nga! Lasing ka na, eh." aniya atsaka niya ito tiningnan nang masama.
Napaawang ang mga labi ni Drake. Hindi niya akalain na harap-harapang kakampihan ni Kalie si Gerald. Madilim ang mukhang bumalik siya sa mesa atsaka niya nilunod ang sarili sa alak.
Ilang saglit pa dumating si Faith.
"Kuya, okay ka lang?" agad na tanong nito.
"Alam mo? Hindi ko maintindihan 'yang kaibigan mo, eh," ani Drake.
"Bakit? Ano ba'ng nangyari?" tanong ni Faith.
"Sumama lang naman siya sa g*go niyang ex! Ano ba'ng nangyari ro'n sa kaibigan mo, ha? Bakit bigla na lang naging ganun 'yun?"
Napailing si Faith. "Tara na. Iuuwi na kita. Lasing ka na, eh.," ani Faith habang inaalalayan siyang tumayo.
"Hindi ako lasing" aniya sabay waksi sa kamay ni Faith.
"Kuya! Ano ba? Nakakahiya na sa mga tao, oh. Pinagtitingiinan na tayo," bulong ni Faith
"Ayoko pa'ng umuwi,"  aniya sabay lagok ng alak.
"Kung si Kalie ang inaalala mo. Huwag ka'ng mag-alala. Hindi naman siya papaisa sa g*gong 'yun, eh. Alam ni Kalie kung ano ang ginagawa niya, Kuya."
"Bakit? Ano ba'ng ginagawa niya?"
"Saka ko na lang ikukwento sa'yo. Hindi ako basta naligaw lang dito. Tinawagan ako ni Kalie para sunduin ka dahil nag-aalala siya sa'yo. Kaya pwede ba? Huwag ka nang mag-emote riyan. Hindi ka naman basta itinapon lang ni Kalie, eh. Kinailangan niya lang gawin 'yon para mapaniwala si Gerald na gustong- gusto niya pa rin ito. Tara na. Uwi na tayo.," ani Faith habang inaalalayan siyang tumayo.
"Ano ba kasing binabalak ng kaibigan mo, ha?"  tanong niya.
"Basta," sabi ni Faith.
Sa mga sandaling iyon, magkasamang nagbi- videoke sina Kalie at Gerald. Sinadya ni Kalie na dalhin sa mataong lugar si Gerald para hindi ito makaisa sa kanya.
"Pwede ba tayong lumipat sa ibang lugar. 'Yung tahimik para magkausap tayo nang maayos," bulong ni  Gerald na noo'y ipinalupot ang kamay sa baywang niya.
"Mamaya na. Na-miss ko 'to, eh," aniya na noo'y patuloy sa pagkanta.
"Promise, mamaya, ha?" bulong nito malapit sa tenga niya.
Nginitian niya lang ito atsaka siya tumango. Pinatagal niya pa ng kaunti ang pagkanta para mas lalong pasabikin si Gerald. Hinayaan niya lang itong himas-himasin ang braso niya.
Habang nagmamaneho, panay ang himas at pisil ni Gerald sa hita niya na tila nanggigigil. Kaya lihim na napangiti si Kalie. Mukha kasing gigil na gigil na itong maikama siya. Paniwalang- paniwala ang loko na baliw na baliw pa rin siya rito. Saktong ipapasok na nito sa motel ang kotse nang bigla siyang nakatanggap ng tawag. Itinabi saglit ni Gerald ang kotse habang nakikipagusap siya.
"Hello, ano'ng nangyari? agad na tanong niya.
  "Oo. Sige. Pupunta na ako riyan "
Pagkatapos makipag-usap bumaling siya kay Gerald. "Sorry, Babe. I need to go. Nasa bahay daw si Papa," kunwa'y sabi niya.
Pero tila nag-iinit na noon si Gerald kaya yumakap na ito sa kanya atsaka siya hinalikan sa leeg. "Mamaya na lang," bulong nito.
"Babe, bukas na lang. Kailangan kong makausap si Papa bago siya bumalik sa US," aniya habang pinipigilan si Gerald. Sinadya niya itong bitin-bitinin para mas lalo itong maging intense. Patuloy lang si Gerald sa paghalik sa leeg niya nang pasimple niyang ibinaba ang bintana ng kotse. Doon na nakakuha ng tamang anggulo ang kasabwat niyang si Leo na noo'y nakaantabay lang sa 'di kalayuan. Sunod- sunod ang ginawang pagkuha nito ng  litrato habang hinahalikan siya ni Gerald. Nakatalikod siya noon kaya pawang mukha lang ni Gerald ang kitang-kita sa litrato.
Lihim siyang napangiti habang hinahayan niya si Gerald sa paghalik sa leeg niya. Ito na mismo kasi ang naghukay ng libingan niya. Pasimple siyang tumanaw kay Leo para alamin kung nagawa ba nito ang trahabo niya. Napangiti si Kalie nang sumenyas ito ng okay at iyon na rin ang hudyat para itulak niya papalayo si Gerald.
"Babe, magkita na lang tayo ulit bukas, okay?" aniya sabay halik sa labi nito.
Napabuntong hininga si Gerald na noo'y tila nabitin. "Bukas, ha? Promise 'yan?" anito.
Nginitiam niya lang ito atsaka niya muling dinampian ng halik sa labi. "I have to go."
Bumaba na siya sa sasakyan at agad niyang pinara ang dumaang taxi. Napabuga ng hangin si Kalie nang makalayo siya sa lugar. Agad niya kinuha ang cell phone atsaka niya tinawagan si Leo.
"Good job! Your call is just on time. Mabuti naman at hindi niya ako naipasok sa motel," nangingiting sabi niya.
Natawa si Leo. "So, what's next, Miss K? Ipapadala ko na ba 'to?" anito patungkol sa picture.
"Yes, please. Ipadala mo agad 'yan sa asawa niya," nangingiting sabi niya.
Walang pagsidlan ang tuwa ni Kalie nang makauwi ng bahay. Nasisiguro niya kasing nalalapit na ang kanyang tagumpay. Nai-imagine na niya kung paano magbubuga ng apoy ang dragong asawa ni Gerald kapag nakita nito ang mga larawan.
"Tingnan natin kung hindi magkaloko- loko ang buhay niyo," nakangising sabi niya habang umiinom ng wine.
Masakit ang ulo ni Drake nang magising siya. Pero bigla siyang natigilan nang marinig ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Dahan-dahan siyang bumaba sa kama atsaka siya naglakad papalapit sa banyo. "Sino 'yan? kunot ang noong tanong niya. Pero hindi sumasagot ang kung sino mang tao sa loob. Muling napakunot ang noo niya. Pilit niyang inaalala ang nangyari nang nagdaang gabi. Pero wala siyang naalala na may kasama siyang iba. Bahagya niyang pinihit ang doorknob at tumambad sa kanya ang halos hubad na katawan ni Kalie. "Surprise!" nakangiting sabi nito atsaka ibinuka ang mga kamay na tila nag-aanyaya. Nagsalubong ang mga kilay ni Drake. '"What do you think you are doing, Kalie? Bakit binababa mo ang sarili mo nang ganyan?" aniya sabay hablot ng towel atsaka ibinato kay Kalie. "Ayusin mo ang sarili mo. At umalis ka sa bahay ko. Hindi ako papayag na pati ako paglaruan mo!" mariing sabi niya atsaka niya pabalabag na isinara ang pinto.
Napaawang ang mga labi ni Kalie. Unti-unting nangilid ang luha sa mga mata niya. Hindi niya akalain na ganun ang magiging reaction ni Drake. Daig niya pa ang sinampal sa mukha sa ginawa nito. Hindi niya akalain na ganoon na pala kababa ang dating niya kay Drake .
"Bakit ba ako naiiyak? Sino ba siya sa palagay niya?" aniya sabay pahid ng luha. Inayos niya ang sarili atsaka siya lumabas na parang walang nangyari. Nakangiti pa siya nang magpaalam siya sa kasambahay para hindi makahalata ang mga ito na iniwan siya ni Drake.
"Sh*t!" ani Drake na noo'y napasuntok pa sa manibela. Dismayadong-dismayado siya kay Kalie. Dinaig pa kasi nito ang mga bayarang babae kung umasta. Bigla siyang tumigil sa gilid na kalsada atsaka siya sumigaw para mailabas ang tensiyon na kanina pa sumasakal sa kanya.
Hindi na niya gusto ang nakikita niya kay Kalie. Hindi na ito ang dating babae na minahal niya. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Kalie. Maiintindihan niya pa sana kung lasing lang ito. Pero hindi. Masyado pang maaga para malasing ito. At isa pa, wala naman sa hitsura nito ang nakainom. Kaya imposibleng hindi nito alam ang ginagawa. Gustong gusto niyang makasama ang dalaga. Gustong-gusto niyang angkinin ito. Pero hindi sa paraang gusto ng dalaga. Pakuwari niya kasi, gaya ni Gerald, pinaglalaruan na lang din siya ni Kalie. Wala na marahil tiwala ang dalaga sa mga lalaki kaya nakikipaglaro na lang ito. Pero hindi siya papayag na tuluyan nang lasunin ng galit ang puso ni Kalie. Gagawin niya ang lahat para maibalik niya ang dating ito.

Komento sa Aklat (65)

  • avatar
    JalamanDaryl

    so good

    27/04/2025

      0
  • avatar
    Alamada Uchiha

    good

    07/03/2025

      0
  • avatar
    Kèrby Brtlme

    thanks again for your time and consideration and I will be in the morning and I was dreaming 😗 and consideration ya lng chene I will t to save money 🤑🤑 and consideration to this email and I am not able to get the morning and I will t to be a part time and I t I will be able to enjoy and I was just wondering what time and I am writing to save time and consideration to save money on it and I am not 🚭 and consideration I have a part 〽️ and consideration to save money and I was just to save your

    23/01/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata