Homepage/Her Wildest Revenge/
Chapter 53
"Okay na, Kuya. Maayos naman daw si Kalie," ani Faith nang bumalik sa kwarto.
"Nakausap mo ba si Kelvin?" tanong ni Drake. Kasalukuyan ito noong nagre-review ng mga video clips sa computer.
"Hindi niya sinasagot 'yung tawag ko. Pero nag-message siya sa akin. Nandun pa raw siya kay Kalie," ani Faith na noo'y naupo sa gilid ng kama paharap kay Drake.
Napabuga ng hangin si Drake. "Malakas ang kutob ko na buhay pa si Hassel."
Napakunot ang noo ni Faith. "Sa tingin mo, siya ang may pakana ng pananakot kay Kalie?"
"Wala namang ibang pwedeng gumawa nun kundi siya, eh," ani Drake.
"Pero paano nangyari 'yon? Sino 'yung bangkay na ibinurol sa kanila?"
"Faith, ang daming unclaimed cadaver sa morgue. I'm sure kumuha lang sila ro'n ng isang kasing katawan ni Hassel. Madali na lang 'yon para sa kanya lalo't malakas ang kapit niya."
"So, ano ang plano mo?" tanong ni Faith.
Tumingin sa kanya si Drake pero hindi ito nagsalita.
"Ma'am, may dumating po kayong package," salubong ng guard kay Kalie sa entrance gate ng kompanya.
Napakunot ang noo niya. "Package? Wala po akong inaasahang package, Kuya," aniya.
"Ma'am, sa inyo po nakapangalan, eh," anang guard habang kinukuha ang package.
Todo ang kabog ng dibdib ni Kalie noon. Naalala niya kasi 'yung nakaraang nakatanggap siya ng package.
"Ma'am?" narinig niyang sabi ng guard. Kanina pa pala nito inaabot sa kanya ang box.
"A-Ah! Ano 'yun, Kuya?"
"Eto na po 'yung package."
Lumakas ang kabog ng dibdib niya. Hindi niya magawang abutin ang kwadradong kahon na inaabot ng guard.
"Ma'am, okay lang po ba kayo?" tanong nito. Kanina pa kasi siya natutulala.
"K-Kuya, pwede ho ba akong makisuyo sa inyo?" alanganing tanong niya.
"Ano po 'yun, Ma'am?"
"Pwede ho ba'ng kayo na ang magbukas niyan para sa akin?"
Napakunot ang noo ng guard. "Bakit po, Ma'am? Ano po ba sa tingin niyo 'to?" tanong nito habang sinisipat ang box.
"Wala po akong ideya. Baka ho kasi may nanloloko na naman. Last time po kasi may nanloko na rin sa akin sa ganyan."
Tumango-tango ang guard habang binubusisi ang box.
"Hindi po ba kayo ang um-order nito, Ma'am? Galing po sa online shopping to, ah?"
"Iyon na nga po, Kuya. Hindi po ako um-oorder kaya imposible pong sa akin 'yan."
"Sige po, Ma'am. Buksan natin."
Maingat na tinanggal ng guard ang balot ng box habang nakamasid si Kalie. At matapos ang ilang saglit tumambad sa kanila ang laruang baril, kutsilyo at granada.
"Laruan lang po pala, Ma'am, eh," nangingiting sabi ng guard.
Bumilis ang tibok ng puso ni Kalie. Alam niyang may ibig ipahatid sa kanya ang mga bagay na 'yon.
"Sa'yo na lang 'yan, Kuya. Ipamigay mo na lang sa kakilala mong bata," aniya atsaka siya mabilis na naglakad papasok ng building.
Naglakad pabalik-balik si Kalie sa loob ng opisina niya habang pinagkikiskis ang dalawang kamay. Alam niyang hindi aksidente ang pagpapadala sa kanya ng package na 'yon. Mas lalo tuloy lumalakas ang kutob niya na buhay pa si Hassel. At ito ang utak sa lahat ng nangyayari sa kanya ngayon. Noon pa man hindi na siya kunbinsido na katawan ni Hassel ang nakuhang bangkay noon. Pero iyon ang lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis kaya pinaniwalaan niya. Pero hindi na biro ang nararanasan niya nitong mga nakaraang araw. Hindi siya nag-i-imagine gaya nang sabi ni Kelvin. Totoong may sumusunod sa kanya. At totoo rin na may gustong pumasok sa unit niya noong nakaraang araw. Hindi niya magawang sabihin kay Kelvin ang tungkol sa package dahil siguradong pagtatawanan na naman siya nito.
Kung nandun lang sana si Drake, alam niyang hindi ito magdadalawang isip na paniwalaan siya. "Nasaan ka na ba kasi Drake? Bumalik ka na please!" sabi niya habang nakatanaw sa labas. Nasa ganun siyang pag-iisip nang biglang tumunog ang telepono. Kaya agad siyang napalingon. Muling bumilis ang tibok ng puso niya habang nakatitig sa telepono na walang tigil sa pagtunog. Hawak ang dibdib, unti-unti siyang naglakad papalapit sa telepono at dahan-dahan niya iyong inangat sa tenga niya.
"Hello, sino 'to?" tanong niya.
"Natanggap mo ba ang regalo ko sa'yo?" sabi ng hindi niya nakikilalang boses.
Nanlaki ang mga mata ni Kalie. Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso niya.
"Sino ka?" nanginginig ang boses na tanong niya.
Tumawa ang lalaki. "Bakit mukhang takot na takot ka na? Laruan pa lang ang ipinapadala ko sa'yo. Paano kung totoo na?"
"H*yop ka! Sino ka ba, ha?" sigaw niya.
Natawa ang lalaki. "Hindi mo na ba ako naaalala?"
Napakunot ang noo ni Kalie. Hindi kasi siya pamilyar sa boses ng lalaki lalo't parang sinadya nitong lakihan ang boses para hindi niya makilala.
"Ano na? Bakit hindi ka na makapagsalita? Naku-curious ka na ba kung sino ako?" tanong ng lalaki.
"H*yop ka! Sino ka? Ano'ng kailangan mo sa akin?" sigaw niya.
Muling tumawa nang malakas ang lalaki bago ito sumagot. "Huwag kang masyadong mainip, Kalie. Malay mo, mamaya pag-uwi mo, nasa bahay mo na ako. Surprise!" anito sabay baba ng phone.
Nanginginig ang mga kamay ni Kalie nang ibaba niya ang telepono. Nangingilid ang luhang napahawak siya sa ulo. "Sino ka ba'ng h*yop ka!" mariing sabi niya.
Biglang may kumatok sa pinto kaya bigla siyang napaigtad. "Sh*t! What's happening to me!" aniya sabay haplos nang mariin sa mukha. Daig niya pa kasi ang nasisiraan ng bait sa ikinikilos niya. Inaayos niya muna ang sarili bago siya nagsalita.
"Come in," aniya.
Bumukas ang pinto at iniluwa ang sekretarya niyang si Daisy. "Ma'am, paalala ko lang po. May meeting po kayo mamayang 2:00 pm with the supervisors," ani Daisy.
"Okay, sige. Salamat."
"Pards, ano'ng nangyari? Bakit ganun ang kuha sa camera ni Kalie kahapon nang madaling araw?" tanong ni Drake nang dumalaw sa kanya si Kelvin. Kasalukuyan sila noong nakaupo sa sala.
Natawa si Kelvin. "Talagang sineryoso mo na babantayan mo siya magdamag, ano? Langya, Pards! Natutulog ka pa ba?" tanong ni Kelvin habang inaabot ang kape sa mesa.
"Hindi kasi ako mapakali. Mag-isa lang siya sa unit niya. Paano kung bigla na lang siyang atakihin ni Hassel?"
Biglang natigilan si Kelvin at napatitig sa kanya.
"Pati ba naman ikaw?" anito.
"Bakit? Sino pa ba maliban sa akin ang nag-iisip na buhay pa si Hassel?" ani Drake.
"Si Kalie," maikling sagot nito sabay higop ng kape.
Napakunot ang noo ni Drake.
"Recently parang wala sa sarili si Kalie. Masyado siyang napa-paranoid. Iniisip niya na may sumusunod sa kanya. Tapos kahapon nang madaling araw nga nag-text sa akin. May gusto raw pumasok sa unit niya. Kaya agad akong napasugod dun," ani Kelvin.
"So, tumatakbo nga siya papasok sa kwarto?"
"Kung iyon ang nakita mo, malamang, oo. Takot na takot siya nung maabutan ko, eh."
Hindi umimik si Drake na noo'y tila nahulog sa malalim na pag-iisip. Nakatingin lang sa kanya si Kelvin habang humihigop ng kape.
"Ano'ng iniisip mo?" tanong nito habang inilalapag ang tasa ng kape sa mesa.
"Pards, paano kung hindi napa-paranoid si Kalie? Paano kung totoo ngang may sumusunod sa kanya?" seryoso ang mukhang tanong ni Drake.
Napabuga ng hangin si Kelvin. "Sige, aalamin ko kung ano ang totoo sa pagkamatay ni Hassel," anito.
Bahagyang napangiti si Drake. "Thank you, Pards," aniya.
Ngumiti lang si Kelvin atsaka tumango sa kanya.
Hindi mawala-wala sa isip ni Kalie ang sinabi ng tumawag sa kanya kaya tuloy naduduwag siyang buksan ang pintuan ng unit niya. Ilang saglit na siyang nakatayo sa harapan ng pintuan bago niya iyon dahan-dahang binuksan.
Agad niyang ibinukas ang ilaw para maglinawag sa buong paligid. Pagkatapos ay iniwan niya munang nakabukas ang pinto atsaka siya dahan-dahang pumasok sa loob. Sumilip muna siya sa kusina at sa dalawang kwarto bago niya muling binalikan at isinara ang pintuan.
Napabuga siya ng hangin nang makapasok siya at maisara niya ang pintuan ng kwarto. Ibinagsak niya ang katawan sa kama atsaka siya mariing pumikit.
Ilang saglit pa, nakarinig siya nang mahinang tunog kaya agad siyang napamulat ng mga mata. Dahan-dahan siyang tumayo at inabot ang flower vase na nakapatong malapit sa lampshade. Atsaka niya maingat na hinawi ang kurtina. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang wala namang tao roon. Nagmamadaling ini-lock niya ang sliding door na gawa sa salamin na tumatagos sa maliit na balcony ng unit niya atsaka niya muling inayos ang kurtina.
Hindi binibitiwan ni Kalie ang vase na noo'y yakap niya habang naglalakad siya papunta sa kusina. Bigla siyang natigilan nang mapansing malinis ang sink. "Sino'ng naglinis ng mga 'to?" kunot ang noong bulong niya. Malinaw kasi sa alaala niya na naiwan niyang marumi ang tasa na pinag-inuman niya ng kape sa sobrang pagmamadali niya. "Nilinis ko ba 'yon bago ako umalis kanina?" kunot ang noong tanong niya sa sarili. Umiling-iling si Kalie habang tila inaalala ang lahat. "Ano ba'ng nangyayari sa akin? Nawawala na ba ako sa sariling katinuan?"
Mula nang magsimula siyang makaramdam na parang may sumusunod sa kanya. Kung ano-ano nang naiisip niya. Hindi niya na rin magawang matulog nang maayos sa takot na baka may biglang pumasok sa bahay niya.
Kinakailangan niya pang lasingin ang sarili para lang makatulog. Gaya na lang ngayon, kumuha siya ng ilang lata ng beer sa refrigerator atsaka siya naupo sa sofa sa sala. Sinabayan niya ng pag-inom ang panonood ng TV hanggang sa unti-unti na siyang igupo ng antok.
"Ano ba 'yang ginagawa mo sa sarili mo, ha?" boses ni Drake.
Napamulat ng mga mata si Kalie sabay napangiti." Panaginip na naman!" aniya atsaka muling nagpikit ng mga mata.
Naiiling na binuhat siya ni Drake para ipasok sa kwarto.
Muli siyang nagmulat ng mga mata habang buhat-buhat siya ni Drake para kasing totoo ang lahat. Sinundot-sundot niya ng daliri ang pisngi ni Drake at naramdaman niya ang lambot ng pisngi nito. "Galing! Parang totoo," naniningkit ang mga matang sabi niya.
Nangingiting ibinaba siya ni Drake sa kama atsaka siya nito hinalikan sa labi. "I miss you," bulong ni Drake.
Nangingiting ikinawit niya ang mga kamay sa batok ni Drake. "Kung totoo ka man. Huwag ka nang aalis, please!" aniya sabay bagsak ng mga kamay.
Napailing na lang si Drake. Mukhang naghalo kasi ang antok at kalasingan ni Kalie kaya hindi nito ma-figure out kung totoo nga ang nangyayari.
"Don't worry, Babe. Hindi na ulit kita iiwan," bulong ni Drake habang hinahaplos ang buhok ng dalaga na noo'y nakapikit na ang mga mata.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (65)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
so good
27/04/2025
0good
07/03/2025
0thanks again for your time and consideration and I will be in the morning and I was dreaming 😗 and consideration ya lng chene I will t to save money 🤑🤑 and consideration to this email and I am not able to get the morning and I will t to be a part time and I t I will be able to enjoy and I was just wondering what time and I am writing to save time and consideration to save money on it and I am not 🚭 and consideration I have a part 〽️ and consideration to save money and I was just to save your
23/01/2025
0Tingnan Lahat