Nakumbinsi ni Kalie na umuwi sa kanya si Drake para siya na mismo ang mag-alaga rito. Sa umpisa medyo ayos pa ang lahat. Mabait at masunurin pa sa kanya si Drake pero sa paglipas ng mga araw, unti-unting kinakain si Drake ng insecurities niya. "Sabi ko naman sa'yo hopeless na 'tong case ko, eh! Nagsasayang na lang tayo ng pera sa mga doktor na 'yan. Wala naman ni isang nakapagpagaling sa akin," ani Drake nang makabalik sila ng bahay. Kagagaling lang nila noon sa doktor na tumitingin sa mga paa ni Drake. "Don't worry, Babe. Aayusin ko lang ang mga problema sa opisina, pagkatapos lilipad tayong US para donn ka na magpagamot," ani Kalie na noo'y yumakap sa likod ni Drake habang nakaupo ito sa wheelchair. Kinalas ni Drake ang mga kamay niya mula pagkakayakap. Pagkatapos ay pinagulong nito ang wheelchair papasok sa kwarto. Napabuntong- hininga na lang si Kalie habang tinanaw niya ito. Hindi lang kasi ang mga paa ang nabago kay Drake kundi maging ang ugali nito. Dala marahil nang nangyari, naging bugnutin ito at mainitin ang ulo. Kasalukuyan na siyang nagluluto ng tanghalian nila nang tumunog ang cell phone niya. Inabot niya ang cell phone at inipit sa tenga at balikat niya atsaka niya itinuloy ang paghihiwa ng gulay. "Hello, Ya. Kumusta na kayo ni Darylle?" agad na bungad niya. "Naku, Kalie. Itong anak mo, panay umiiyak. Gusto niya raw makita ang daddy niya." "Ya, aliwin mo na lang muna si Darylle. Hindi okay si Drake ngayon. Nadisgrasya ang mga paa niya. Hindi siya makalakad. Ayaw niyang makita siya ni Darylle na nasa wheelchair." "Bakit? Napano si Drake? Akala ko ba magpapakasal lang kayo tapos kukunin niyo na si Darrylle?" "Mahabang kwento, Yaya. Muntikan na naman akong madisgrasya. Pinadukot kami ni Hassel. Mabuti na lang at may tracker coming suot ni Drake kaya agad kaming nasaklolohan ng mga pulis." "Diyos ko naman, Kalie! Bakit kung ano-ano ang nangyayari sa'yo? Alam ba ng daddy mo 'yan?" "Ya, 'wag mo nang sabihin kay Dad. Ayos naman ako, eh. Ayoko nang mag-alala siya." "Eh, si Drake? Kumusta?" "Nabaril po siya. Tapos inihulog sa bangin kaya hindi po siya makalakad ngayon. Pero okay na po siya. Hinahanapan ko na lang po ng magaling na doktor para magamot ang paa niya." "Hindi ko alam kung tama ba'ng hindi sabihin sa daddy mo ang lahat nang 'yan. Nasaan na si Hassel? Nahuli na ba?" "Opo, Ya. 'Wag na po kayong mag-alala. Ayos naman po kami." "Oh, siyah! Sige. Mag-iingat kayo riyan, ha?" "Sige po." Napabuga ng hangin si Kalie. Sa wakas may napagsabihan din siya nang nangyari. Kahit papaano nabawasan kaunti ang bigat na dala niya. Biglang sumagitsit ang apoy sa kalan kaya agad siyang napalingon. Umaapaw na sa kaldero ang niluluto niyang nilagang baka. Nagmamadali niyang tinanggal ang takip hanggang sa magkapaso-paso siya. Bumagsak ang takip sa lapag kaya napasugod si Drake sa kusina. "Babe, ano 'yon?" agad na tanong nito habang pinapagulong ang wheelchair. "Wala, Babe. Nabitawan ko lang 'yung takip. Magpahinga ka na ro'n tatawagin na lang kita kapag luto na," nakangiting sabi niya. Nang maihulog na niya ang mga gulay sa kaserola, dumiretso siya sa gripo atsaka niya nilinisan ang kamay niya. Mariin siyang napapikit nang maramdaman ang hapdi ng napaso niyang kamay. Pero pilit niyang tiniis. Ano ba naman ang sakit na 'yon kumpara sa mga sakit na naranasan niya noon. Kasalukuyan na siyang nagliligpit sa kusina nang muling tumunog ang phone niya. Tumatawag ang sekretarya niyang si Daisy. "Hello, Ma'am. Nagkakagulo po ang mga tao sa labas. Ano raw po ang gagawin namin?" bungad nito. ""Ano na naman ba ang nangyayari? Akala ko ba na-settle na 'yan? What is it this time?" "Ma'am iyon po ang mga empleyado na natanggal sa trabaho noon. Umaapila po sila sa inyo. Nalaman po kasi nila na bumalik na kayo." "Okay sige. Papasukin niyo sila sa training room. Magbibihis lang ako. Hintayin niyo ako riyan," aniya. Pagkababa ng phone, agad niyang pinatay ang kalan atsaka niya hinubad ang suot niyang apron. "Saan ka pupunta?" nang pumasok siya sa kwarto. "Sisilip lang ako sa company. Kailangan kong kausapin ang mga nagwewelgang tao," ani Kalie. "Ngayon talaga? Hindi ba pwedeng kumain na muna tayo?" tanong ni Drake. "Of course, Babe. Kakain muna tayo bago ako umalis. Magbibihis lang ako. Okay?" Hindi na umimik si Drake. Nang makapagbihis si Kalie agad niyang itinulak ang wheelchair ni Drake papunta sa dining area. "Ako na," ani Drake atsaka nito minaniobra ang wheelchair palabas ng kwarto. "Ano 'to?" ani Drake nang isubo ang kapirasong karne na hindi niya manguya sa kunat. "Matigas pa ba?" ani Kalie na noo'y nagmamadaling tumayo atsaka muling binuksan ang kalan. "Sige na. Umalis ka na. Iwan mo na ako," hindi tumitinging sabi ni Drake. "No, Babe. It's okay. Makakapaghihintay naman sila sa akin," aniya nang muli siyang naupo. "This is what I told you, Kalie. Magiging pabigat lang ako sa'yo. Ang dami mo nang iniintindi sa opisina dadagdag pa ako," blanko ang mukhang sabi ni Drake. "It's okay, Babe Hindi ka naman pabigat. 'Wag mong isipin 'yon, okay?" ani Kalie na noo'y pinisil pa ang isang kamay ni Drake. Hindi magawang ipakita ni Kalie kay Drake na pinanghihinaan na rin siya ng loob. Ang totoo, kinakain na rin siya ng guilt sa nakikita niyang paghihirap ni Drake. Siya ang puno't dulo nang gulong 'yon. Kung nakinig lang sana siya noon kay Drake na itigil na ang paghihiganti, hindi siguro aabot sa ganun si Hassel. Hindi siguro mababaril si Drake. Galit sa kanya ang nag- udyok kay Hassel na saktan si Drake kaya hindi niya maiwasang makonsensiya. "Sige na. Mahuhuli ka na sa office," mahinang sabi ni Drake. "Magpa-padeliver na lang ako ng food mo," ani Kalie. "No. It's okay! Hihintayin ko na lang maluto ang ulam." "Pero, Babe. Baka matapunan ka," nag-aalalang sabi niya. "Kailangan kong kayanin 'to. Para hindi ako maging pabigat sa'yo," ani Drake. "Are you sure?" "Yeah! Go ahead. Hinihintay ka na nila ro'n." Nagdadalawang-isip man, napilitan din si Kalie na umalis. Panay na kasi ang message ng sekretarya niya. "Ma'am, matagal pa po ba kayo?" sabi sa huling message nito. Mukhang natataranta na rin ito sa init ng ulo ng. mga tao. "Sige, Babe. Dahan-dahan ka lang sa pagkilos mo, ha? Tawagan mo agad ako kapag nagkaproblema," ani Kalie na noo'y yumuko at humalik sa pisngi ni Drake. "Kumain ka nang narami, ha?" sabi niya bago siya tuluyang bumitaw sa kamay ni Drake. Pagdating sa opisina humahangos na sinalubong si Kalie ng sekretarya niya. "Ma'am, nasa training room na po ang mga tao. Pero hindi pa rin po sila kumakalma," ani Daisy. "Ako'ng bahala," aniya sabay abot ng bag sa sekretarya. "Magpahanda ka ng tanghalian para sa lahat. Ipasunod mo sa akin sa training room," utos ni Kalie. "Po?" kunot ang noong tanong ni Daisy. "Mga gutom ang mga 'yon kaya maiinit ang ulo. Hindi kami magkakaintindihan kung ganun sila. Magpadala ka ng pagkain ngayon din." "Ma'am, kanino po icha-charge? " tanong ni Daisy. "Sa akin. Hindi pa rin naman ako kumakain. Gusto mo sumabay ka na rin sa aming kumain," aniya bago niya ito tinalikuran. Malaki ang mga hakbang na tinungo ni Kaloe ang training room kung saan naghihintay ang mga dating empleyado. Biglang tumahik ang lahat nang bumungad si Kalie sa pinto. "Ano'ng nangyayari rito? Bakit nagkakagulo kayo?" bungad niya. "Sorry po, Ma'am Kalie. Akala po kasi namin iniisahan na naman nila kami," sabi ng matandang lalaki na si Mang Nardo, ang tumatayong leader ng grupo. "Magsiupo kayong lahat," ani Kalie. Mabilis na nagsipag-upo ang mga ito at seryosong tumingin sa kanya. "Bilang bagong may-ari ng kompanya gusto kong marinig ang hinaing niyo. Batid ko ang masamang nangyari sa inyong lahat, kaya humihingi ako ng paumanhin. Sumailalim sa maling pamamalakad ang kompanya noon kaya kinailangan kayong tangggalin. Sana maintindihan niyong lahat na nasa isang malaking transition period ang kompanya ngayon. Maari ko kayong maibalik sa posisyon pero hindi agad-agad." Natigil ang pagsasalita ni Kalie nang biglang pumasok ang mga staff sa cafeteria. Gumuhit ang ngiti sa mga labi ng mga trabahador na noo'y pawang nangakatanaw sa pangkain. Nakaramdam ng awa si Kalie sa mga ito kaya napailing na lang siya. "Bago tayo mag-usap, kumain muna tayong lahat. Para walang mainit ang ulo. Ayos ba 'yon?" tanong ni Kalie. "Salamat po, Ma'am. Ilang raw na rin po kaming hindi nakakakain nang maayos. Said na said na po ang mga bulsa namin. Baon na po kaming lahat sa utang," sabi ni Mang Nardo. "Hayaan niyo po. Pagkatapos kumain, aayusin natin ang mga problema niyo," nakangiting sabi ni Kalie. Napangiti na ang lahat. Isa-isang nilapagan ng pagkain ng staff ang bawat trabahador na nakaupo na noo'y tila sabik na sabik sa pagkain. Nag-uunahan pa ang mga ito sa pagkuha sa bawat paglapag ng staff. "Huwag na kayong mag-unahan. Lahat kayo mabibigyan," ani Kalie habang nakamasid sa kanila. Napalingon si Kalie kay Daisy na noo'y na-rekax na rin. Ito kasi ang sumalo ng galit ng mga tao kanina. "Daisy, pakikuha nga ang record sa HR ng mga natanggal na tao," utos niya. "Yes, Ma'am," anito na noo'y agad nang lumabas.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (65)
JalamanDaryl
so good
27/04/2025
0
Alamada Uchiha
good
07/03/2025
0
Kèrby Brtlme
thanks again for your time and consideration and I will be in the morning and I was dreaming 😗 and consideration ya lng chene I will t to save money 🤑🤑 and consideration to this email and I am not able to get the morning and I will t to be a part time and I t I will be able to enjoy and I was just wondering what time and I am writing to save time and consideration to save money on it and I am not 🚭 and consideration I have a part 〽️ and consideration to save money and I was just to save your
so good
27/04/2025
0good
07/03/2025
0thanks again for your time and consideration and I will be in the morning and I was dreaming 😗 and consideration ya lng chene I will t to save money 🤑🤑 and consideration to this email and I am not able to get the morning and I will t to be a part time and I t I will be able to enjoy and I was just wondering what time and I am writing to save time and consideration to save money on it and I am not 🚭 and consideration I have a part 〽️ and consideration to save money and I was just to save your
23/01/2025
0Tingnan Lahat