Kabanata 10

Ngayong sabado, naglinis ako ng bahay. Lagi naman akong naglilinis tuwing sabado, pero madalas ay hindi buong bahay. Pati dito sa living room ay nawalisan ko na din at na-trapuhan ang mga paintings, vases at ang ibang antique furnitures na nandito na sa bahay bago pa man ako dito tumira. Kailangan kong ingatan ang mga iyon, syempre.
Huli kong nilinisan ang kwarto. Nag-arrange ako ng mga kagamitan at nagpunas sa mga sulok. Napatigil ako nang nakita ang isang gitara na nakasabit sa may dingding, malapit sa likod ng cabinet. Napayuko ako at bumuntong hininga saka 'yon nilinisan.
May nilabhan din akong mga damit at gamit. Kabilang na 'yong mga tela at kurtina.
Pagkatapos ko sa lahat ng gawain ay naligo agad ako saka nagkulong ako sa kwarto at nag-Ipad. Ang ganda talaga ng buhay tuwing sabado at linggo. Nagbasa din ako ng ilang libro bago nakatulog.
-
Deiver's PoV
"Dei... You go eat," Sambit ko at nag-bend. Hinimas ko ang ulo ni Dei. Napangiti naman ako nang dilapan niya ang kamay ko. "Paliliguan pa kita mamaya..." Dagdag ko pa at tumayo na.
"Meow~ Meow~" Nilingon ko pa si Dei bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Nang tuluyan kong masara ang pintuan ay nag-inat inat ako habang pababa ng hagdanan, kasunod no'n ang pag-hikab ko.
"Deiver? mukhang antok pa ata ang anak ko ah, mmm... 'Di ka ba natutulog?" Pagbaba na pagbaba ko ay sinalubong ako ni Mama na galing sa dining. She was totally. Binigyan n'ya ako ng nakakalukong tingin.
"Ma, syempre natutulog ako no, itong pogi mong anak, 'di natutulog? oh come on." Sagot ko habang may ngisi sa mga labi. Binigyan ko s'ya ng halik sa pisngi at nagtanong. "Sa'n pala ang punta mo, Ma? Wala ka namang work pag sabado." Nagtataka kong tanong.
Napa-cross arms siya sa tanong ko.
"Akala ko kasi, panay lang ang alaga mo kay Dei. But by the way, 'Yun na nga, magpapa-check up ang Papa mo. Ikaw na maiwan dito sa bahay ha..." Pinat ni mama ang balikat ko. Nagbagting ang tenga ko sa narinig.
"Anong problema ni Papa?" Nag-aalala kong tanong.
Napabuntong hininga naman s'ya bago sumagot.
"Diba nga, may sakit sa puso ang papa mo. Kailangan lang naming magpa-check up ulit kasi 'yun ang advice ng doctor n'ya." Sagot ni Mama. Malungkot ang mga mata n'ya. Dahan-dahan akong napatango at bahagyang natulala.
Alam ko naman na may sakit sa puso si Papa, matagal na. Pero ayaw kong isipin na lumalala na ang kalagayan n'ya. Malakas pa si Papa.
"Where is he? Sa'n si Papa?" Tanong ko. Binigyan ako ni Mama ng makabuluhang tingin. Magsasalita na sana siya ngunit biglang may nag-flash na message sa kan'yang hawak na cellphone.
"Mmmm... Hinihintay na kami ng doctor ng papa mo." Sambit ni Mama habang binabasa ang nakasulat sa screen ng phone n'ya.
"A-ah— Ma, nasaan si Papa?" Ulit ko sa tanong kanina. Napalingon kami sa main door ng bahay no'ng may sumigaw.
"Ma'am, alis na daw po tayo sabi ni Sir!" Sigaw ng Driver namin. Mabilis na tumango si Mama at tumingin sa'kin.
"He's now at the car, ok? aalis na kami, balitaan na lang kita sa kalagayan ng papa mo Deiver ha... Kailangan na naming umalis. 'Di namin pwedeng ipahintay ang doctor ng papa mo. Later, makakausap mo din s'ya," Aniya at binigyan ako ng halik sa pisngi bago tuluyang lumabas ng bahay.
Lumapit ako sa may bintana at sinundan lang ng tingin ang sasakyang dahan-dahang lumalabas ng gate hanggang sa tuluyan ng mawala sa paningin ko.
-
Xhecie's PoV
Naalimpungatan ako dahil sa lamig. Nang makatayo mula sa pagkakahiga ay mabilis akong tumungo sa may bintana at agad na isinara ito. Medyo pumapasok na kasi ang tubig sa loob ng kwarto. Natulala naman ako habang nakatingin kung anong nangyayari sa labas. Dahan-dahang umaambon hanggang sa palakas ng palakas ang ulan.
Napahikab ako at agad na nag-inat ng katawan. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa dining. Napagdesisyunan kong mag-kape lalo na't malamig ang panahon. Mga ganitong panahon ang makakatulog ka ng mahimbing. Malamig at napaka-kalma.
Mag a-ala singko na din ng hapon. Napabuntong hininga ako at pumunta ng cabinet. Kinuha ko dito ang lalagyan ng kape at nag-timpla ako sa mug. Matapos ko 'yung malagyan ng cream ay naupo ako sa silya na pinalilibutan ang lamesa.
Habang iniinom ang kape ay napatulala lang ako sa kawalan. Naisip ko bigla ang gitara. Gitarang iniwan sa'kin ni Papa.
Bumaba ang tingin ko. Nalulungkot ako dahil sa pagkawala nila, dalawang taon na naman ang nakalipas. Naka-move on na ako. Pero ang hindi ko matanggap, kung bakit ako iniwan ni papa. Bakit n'ya kinitil ang buhay n'ya? kung hindi sana hanggang ngayon, kasama pa kami at maligaya.
Hindi ko matanggap kung bakit. Kung bakit n'ya nagawa iyon.
Nang sumapit ang gabi ay hinintay kong mag-midnight. Lagi kasi kaming nagu-usap ni Deiver tuwing hatinggabi. 'Yun lang kasi ang oras na pumupunta s'ya dito kaya nakakapag-usap kami. Kamusta na kaya siya?
Hindi ko din mapagkakailang malapit na kami sa isa't isa. Basta nagising na lang ako   at nasanay na nag-uusap kami sa kalagitnaan ng gabi. Masasabi ko na isa na s'ya sa mga kaibigan ko.
Nang sumapit ang gabi ay nag-abang ako dito sa dining. Pabalik-balik ang tingin ko sa pintuan at sa labas. 12 na ng gabi. Gusto ko sanang makipag-usap sa kan'ya. Gusto kong mailabas ang emosyon ko. Medyo mahamog na din dahil kagagaling lang sa pag-ulan.
"Mmmm... Oh baby I~ will be loving you~ 'til we're seventy—-" Nakarinig ako ng boses na kumakanta kaya mabilis akong lumabas ng pintuan dahil alam kong si Deiver iyon.
Natigilan kaming dalawa dahil ang lapit na pala ng mukha namin. Nabigla ako at napaatras. Hindi ko naman akalain na malapit lang pala s'ya sa pintuan at akmang papasok na din s'ya. Tumaas ang tingin ko kay Dei na nasa taas ng balikat n'ya.
"H-hi?" Sambit ni Deiver. Agad kong napansin na naka-jacket siya at naka-sabit ang kanyang gitara sa kan'yang balikat.
"H-hello." Sagot ko.
"Tara na?" Nagpilit s'ya ng ngiti na ipinagtaka ko ng kaunte.
-
"Dei, kain oh..." Sambit ko habang kinakausap ang pusa. Inilapag ko ang bowl sa tabi n'ya at agad naman n'ya itong nilantakan. Napangiti ako. Mukhang tumataba na ang alagang pusa ni Deiver ah.
Nandito kami ngayon sa labas ng bahay. Sa usual place namin. Pero ang pinagkaiba lang ay wala kaming nakikitang stars sa langit. Ang kaunting liwanag lang ng buwan ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. Nakaupo kami ngayon sa tela. Ang gitara naman ni Deiver ay nasa gitna lang namin.
Nakahawak s'ya sa kan'yang mga binti ngayon habang nakatingin sa kalangitan. Tahimik. Mukhang may iniisip.
"Alam mo ba, Xhecie?" Nabigla ako no'ng lumingon s'ya sa'kin kaya agad akong umiwas ng tingin.
"Ang alin?" Tanong ko. Hinimas-himas ko si Dei na nasa gilid ko lang.
"Ang saya pala magkaroon ng alagang pusa no? I mean, ang saya kasi kapag may nakakasama ka—-kahit 'di ka n'ya naiintindihan pero alam mong 'di ka nag-iisa."
Napatingin ako sa kan'ya.
"Oo naman. Lalo na katulad ni Dei," Sagot ko. Tumango s'ya.
"One year na din simula no'ng naging alaga ko ang lalakeng pusa na 'yan." Inginuso n'ya si Dei. Natuwa ako. "Bigay ni Papa sa'kin no'ng pumunta kami sa shop ng mga pusa. Ang cute n'ya no'n—- kasi ang liit liit n'ya pa."
Bigla kong naimagine si Dei no'ng bata s'ya. Maliit at ang cute n'ya.
"Naiimagine ko tuloy." Saad ko. Natawa si Deiver sa sinabi ko at tumango-tango.
"Kaya nga mahal ko ang pusang 'yan eh, kasama ko 'yan palagi sa bahay." Tumingin kaming pareho kay Dei.
"Kaya nga sinamahan mo pa s'ya dito sa bahay ko," Pang-aasar ko. Tumawa siya at nahawa na din ako sa kan'ya. Mga ilang sandali kaming natahimik. Napatingin s'ya sa kalangitan at bumuntong hininga saka kinuha ang kan'yang gitara.
"Mabuti pa, kantahan na lang kita Xhecie. Hindi naman nagpakita ang mga bituin ngayong gabi, balak ko sanang iguhit ang nasa isipan ko."

Komento sa Aklat (17)

  • avatar
    PatinoJovelyn

    maganda naman ang kwento ng mga kabataan

    05/05/2025

      0
  • avatar
    DomingoDevone

    good 👍🏻

    14/10/2024

      0
  • avatar
    BehingLovely

    buto mo

    01/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata