logo text

Chapter 8 : Resort

                      Cia POV
Mula ng dumating si manang dito sa bahay, mas nagiging maayos na ako. Nasasanay na ako sa presensiya ni Drex kahit na cold pa rin ito sa akin.
Ok lang ang mahalaga ay napapalapit na ako sa kaniya. Kahit alam ko na ginagawa niya lang ang bagay na ito para malaman nina dad at mom na maayos lang kami.
" Anak. Kanina pa kita hinahanap nandiyan ka lang pala" saad nito sa akin.
Abala kasi ako sa pagtatanim ng mga bulaklak para naman mayroon preskong hangin ang pumapasok sa bakuran namin.
" Pasensya na manang. Bakit may kailangan ka po ba?" tanong ko.
" Naku anak. Napatawag ang mama mo at sinabi niya na. Aalis daw tayo ngayon" balita nito sa akin na siyang ikinagulat ko.
" Naku, ahm sige po. Maghahanda lang ako-" ngunit pinutol na ako nito.
" Wag na. Wag ka na daw na maghanda kasi anak. Aalis na tayo ora mismo. Babalik lang ako sa loob " saad nito na mas lalong ikinalaki ng mata ko.
Agad naman itong pumasok agad sa bahay kung kaya ay nagtaka na lang ako.
"Pe-" ngunit naputol ang sasabihin ko ng lumabas si Drex sa bahay.
Bakit parang tumigil yata ang mundo ko?Hanggang sa magsalita ito sa harap ko.
" Ano? Sasama ka ba oh hindi?" tanong nito.
" Ahm sasama" sagot ko.
Hanggang sa makita ko na lang na nilock na ni manang ang pinto. Kaya naisip ko na lang na maghugas muna ng kamay.  Nagkaputik pa kasi eh.
Tutungo na sana ako sa kotse ko kasi nandon na si manang ng bigla na lang nagwika si Drex ng.
" Asawa mo ako. Kaya sa akin ka sasabay" saad nito.
Pero ang mas ikinabigla ko ng pinagbuksan ako nito ng pinto. Maging si manang ay nagulat.
Pagkukunwari lang ba itong ginagawa mo Drex? Kasi kung oo. Sana ganito na lang. Sana maging ganito na lang ang pakikitungo mo sa akin.
                             Ria POV 
Kasalukuyan akong nasa resort na inarkala nina tito. Kasi naisip ng mga ito na eh celebrate ang bagong kasal. Kahit na late na.
Kasalukuyan akong naglalakad sa dalampasigan ng makita ko ang isang batang babae na nakaupo sa may batuhan kaya nilapitan ko ito.
" Pwede ba akong makiupo?" tanong ko dito.
Napalingon naman ito sa akin at nagwika ng.
" Oo naman po" nakangite na wika nito.
Kaya nakangite na lang ako. Ng uupo na sana ako ng bigla na lang itong ngumise ng kakaiba dahilan para magtaka ako.
Huli na para malaman ko ang ibig niyang sabihin ng mapapaupo na sana ako sa buhanginan ng isang bisig ang sumalo sa akin. Ngunit wrong move.
Dahil pareho kaming napahiga sa buhangin at nakadagan ako sa kaniya.
Bigla na lang bumilis ang kabog ng puso ko ng magkalapit ang mga mukha namin sa isat isa. Natauhan naman kami ng bigla na lang may umepal.
" Aherm" wika ng batang babae na naka cross arms pa.
Kaya napatayo na lang ako at pinagpag ang sarili ko. Nakakahiya pero. Infairness totoo pala ang feeling ano.
Akala ko sa mga napapanood ko lang nararanasan ang ganun. Yung matutumba ka sa crush mo. Naku for sure namumula na ako.
" Ayos ka lang ba Ria?" tanong nito.
Kaya mas lalo akong namula ng tinanong niya kung ok ba ako. Wahh, hindi doc. Di ok ang puso ko. Nababaliw na yata ito.
" Oo naman doc salamat. Pasensya na" hinging paumanhin ko.
" Wala yun. Pasensya na din sa ginawa ng kapatid ko" saad nito na siyang ikinapagtataka ko.
" Kapatid?" tanong ko.
" Oo. Kapatid ko si Nere nga pala. Nere humingi ka ng sorry kay ate Ria. Di tama ang ginawa mo!" pakilala niya.
" It's not my fault. It's her" sinisi nito sa akin.
Wow huh? Napaka ano ng batang ito. Saan ba ito nagmana?
" Naku doc, Hayaan mo na. Ganyan talaga ang nga bata. Napaka naughty" saad ko dito ngunit nakita ko na lang ang pagkunot ng noo nito kaya ginantihan ko rin.
Naku pumapatol ako sa mga malditang bata.
" Siyangapala. Anong ginagawa mo dito?" tanong nito sa akin.
Kaya napabaling sa kaniya ang tingin ko at di sa maldita niyang kapatid.
" Ano naisip kasi nina tita na mag celebrate kami sa kasal ni Bess. Alam mo na" wika ko dito.
" Tss" rinig kung wika ng batang ito.
" Nere. Bumalik ka na sa room. Kanina ka pa hinahanap ni manang" wika ni doc sa kapatid niya.
" I won't go without you. Ayokong iwan ka sa seahorse" mahina lang ang sinabi niya sa huli.
Pero rinig na rinig ko yun. Kaya pinandilatan ko ito ng mata. Pero aba gumanti ba naman.
" Pasensya na Ria. Aalis na lang kami. Pasensya na ulit" wika nito saka hinawakan na ang kapatid niya at hinila paalis.
Pero kahit na nakaalis na sila ay humirit pa rin ang malditang batang yun. Aba talagang inaasar ako ahh.
Naku kung pwede lang mangurot ng di ko kapatid nagawa ko na. Makaalis na nga lang. Nasira na tuloy ang araw ko.
                            Patrick POV 
Habang naglalakad kami pabalik sa room namin ay huminto ako at hinarap siya.
" Hindi ko nagugustuhan ang inaasal mo kanina" saway ko dito.
" But kuya. It's her-" pinutol ko na ito.
" I saw what you did. At kailan pa kita tinuruan na maging ganun sa nakakatanda? Wala namang ginawang masama si Ria sayo. Bakit kailangan mo siyang bastusin?" galit na wika ko.
" Why are you protecting her? Gusto mo ba siya huh! Akala ko ba si ate Cia ang gusto mo? Bakit parang lumalabas na gusto mo siya? "tanong nito kaya nagsisimula na naman itong umiyak.
" Nere. Hindi ko sinasabing gusto ko yung tao. Hindi ko lang talaga gusto ang pinapakita mo kanina. Nakakatanda siya at bata ka kaya marapat lang na gumalang ka sa kaniya. At isa pa. She's your ate Cia's friend. Sa tingin mo kapag nalaman niya ang ginawa mo sa kaibigan niya ay di magagalit yun sayo? Di kita pinalaki na maging ganiyan. Kaya bukas na bukas say sorry to her! " utos ko dito ngunit nagalit lang ito.
" I hate you kuya. I hate you. I would never say sorry to her. Never " galit na wika nito saka tumakbong nagtungo sa room namin.
Nakita ko pa na nakasalubong niya si manang ngunit nilagpasan niya lang ito at agad na pumasok sa room.
" Anak. Anong nangyari? " takang tanong ni manang.
" Naku manang. Si Nere natutunang maging bastos sa nakakatanda" saad ko dito.
" What do you mean?" takang tanong ulit nito.
" Muntik nang madapa sa buhangin si Ria kanina manang. Kung di ko lang nasalo kanina" saad ko dito.
" Ria?" tanong nito na nagtataka.
" Oo si Ria" tugon ko saka naisipan na maupo sa isang upuan.
" You mean Alexandria Montalban? " tanong nito kaya napatango na lang ako.
" Nagkita na pala kayo. Ulit!" saad nito.
" Manang. Wag na nating pag usapan ang bagay na yan. Matagal na po yun" saad ko dito.
" Matagal ba talaga? Look anak. Alam ko na hanggang ngayon ay nandiyan pa rin ang pain sa puso mo. And I see kung ano ang dahilan ng kapatid mo kung bakit nagagalit siya kay Ria? Alam mo naman kung, anong nakaraan nila diba?" tanong nito kaya napahinto na lang ako at napatingin sa malayo.
" I guess manang. Wala na ding saysay ang bagay na yan. Kasi nakalimutan na niya kami kaya mabuting dapat ko na ding kalimutan ang bagay na nag uugnay sa amin " saad ko dito.
Ngunit naramdaman ko na lang ang pagtapik nito sa balikat ko. At naramdaman ang pag alis nito sa tabi ko.
                         Cia POV 
Ng makarating na kami sa resort ay agad naman kaming sinalubong ng mga butler nina papa.
" Miss Cia. Gusto ka po makausap ng mama at papa mo" saad ng isang butler ni papa.
" Ahm sige. Pwede mo ba akong samahan sa kanila?" tanong ko.
" Sige po. This way miss" saad nito.
Pinauna niya naman akong maglakad. Kaya naiwan ko muna si manang at agad na naglakad doon.
Ipinark kasi muna ni Drex ang kotse niya. Habang naglalakad kami ay binabati naman kami ng mga staff ng resort.
Kaya ngumite na lang din ako. Hanggang sa makarating na nga kami kung nasan sina mama at papa. Agad naman na umalis ang butler. Kaya ako na lang ang nagpatuloy sa paglapit sa kanila.
" Ma, pa" tawag ko sa mga ito.
Masaya naman akong nilapitan ni mama at niyakap.
" Naku anak. Namimiss kita. Good thing at nandito na kayo" nakangite na wika nito.
" Namiss ko din kayo mama at papa" nakangite na wika ko.
Naisipan ko naman na maupo sa  bakanteng upuan na inilahad ni mama sa akin.
" Anak. Nasan pala ang asawa mo?" tanong ni papa.
" Nasa baba papa. Pinark muna ang kotse, kung kaya ako na muna ang umakyat dito. Nasan pala sina mom and dad?" tanong ko.
" Umalis muna sila. May kailangan munang asikasuhin. Kung kaya aalis din muna kami ng papa mo" wika nito.
" Po? Akala ko ba eh moments natin ito ngayon? Pero bakit aalis kayo? "tanong ko.
" Anak. Babalik naman kami kung baga. Mawawala muna kami ng one day. Pero pangako babalik kami agad " saad ni papa.
" Sige po " wika ko.
" O siya anak. Aalis na kami. Mag iingat kayo ok? At enjoy kayo dito. Basta pagbalik namin ay may apo na kami" wika ni papa kaya namula na lang ako.
Nakita ko naman na pinalo ito ni mama.
" Ano ka ba pang. Hindi pa sila handa. Pero, tama ang papa mo anak. Dapat may apo na kami" saad nito kaya mas lalo tuloy akong namula. Ano ba yan.
                         Drex POV
Papasok na sana ako sa resort ng di ko inaasahan ang makakasalubong ko.
" Ouh di ko aakalain na magkikita pala tayo dito Drex" wika sa akin ni Patrick.
" Tss oo nga eh. At kaya ang masamang hangin ang nagdala sayo dito?" inis na tanong ko.
Ngunit nakita ko lang itong ngumite. Kaya mas lalo akong nainis sa inaasal nito.
" Ganyan pala ang salubong mo sa akin Drex. Siyangapala kung nandito ka marahil nandito din si Cia. I wonder kung saan ko siya makikita now " wika nito saka napahawak sa baba niya habang nag iisip.
Kaya kumulo na lang ang dugo ko sa sinabi nito.
" At sino ka para lumapit sa asawa ko? Kung maghahanap ka lang din ng mga babae. Bat sa may sabit pa? " inis na tanong ko.
Kaya napatingin ito sa akin na nakangite.
" Di ba sabi nila mas masarap ang may sabit? Kaya bakit di pwedeng si Cia. Diba ayaw mo naman sa kaniya? At kinamumuhian mo siya diba? Kaya bakit di ka na lang makipagtulungan sa akin na makuha ko siya? Ayaw mo ba non? Mawawala na ang problema at tinik sa buhay mo? " tanong nito.
Kaya mas lalong kumulo ang dugo ko. Ng akmang susuntukin ko na siya ng bigla na lang dumating sina mama.
" Ouh nandito ka lang pala Drex " wika ni papa sa akin.
" Opo papasok na din ako ngayon " saad ko dito.
" Patrick. Ikaw ba yan?" tanong ni mama sa lalaking ito.
" Hello po tita, tito" nakangite na tugon niya dito kung kaya ay napa smirk na lang ako.
" Naku. Ang laki mo na at ang gwapo pa. Naku panigurado nag bonding na kayo ni Cia?" tanong ni mama na tuwang tuwa.
Magkakilala sila? Kaya ba ganun na lang sila ka close ni Cia?
" Papasok na po ako sa loob" paalam ko sa mga ito.
Kaya napabaling ang tingin ni papa sa akin.
" Sige ijo. Ikaw na muna ang bahala sa anak namin ok. Inaasahan kita Drex bilang ikaw ang lalaki" saad nito sa akin.
" Opo" tugon ko.
Pero alam ko naman na di mangyayari ang bagay na yun.
                          Patrick POV 
Nakita ko na lang ang papalayong si Drex.
" Kumusta ang pagpunta mo dito sa pilipinas ijo?" tanong ni tita sa akin.
" Maayos naman tita at babalik na din ako sa states sa mga susunod na buwan siguro" saad ko dito.
" Have you found her?" tanong ni tito.
" Yeah. Pero I guess we don't need to bring back the past. Kasi she's happy now" saad ko dito.
" Eh ikaw ba? Masaya ka ba? Naalala ko noon na si Cia ang lagi mong binabanggit sa amin ng mommy mo. Na gusto mong makasama habang buhay. Nakakatuwa nga kayo noon eh. Pero ngayon ang laki niyo na and I heard na isa ka nang ganap na doctor" manghang wika ni tita kaya nahiya naman ako.
" Oo nga po eh. Akala ko nga makakalimutan ako ni Cia. Pero hindi pala. She's still the same" saad ko dito.
" Tama ka ijo. O siya maiwan ka na muna namin. Kailangan kasi naming magtungo na sa kumpanya may kailangan lang ayusin" saad ni tito sa akin.
" Sige po. Mag iingat po kayo" saad ko sa mga ito saka kumaway sa kanila.
                            Cia POV
    Night
Ang bilis ng oras. Kasalukuyan kaming abala sa pagluluto ng biglang may sumigaw patungo sa kusina.
" Naamoy ko na" saad ni Ria na inaamoy amoy ang niluluto namin.
" Ano ka ba naman Ria. Bat ka ba sumisigaw?" tanong ko.
" Naamoy ko kasi ang niluto ni manang. Kung kaya ay napatakbo na ako dito" wika nito na ang laki ng ngite.
" Hayy naku Ria. Tulungan mo na muna si Cia dito. Kailangan ko munang magtungo sa labas" wika ni manang.
" Sige po" wika ni bess saka tinulungan na ako sa mga bagay na ka kailanganin.
Kaya ayon ay naging abala na kami. Alam ko kasi na magaling din sa pagluluto si Ria since nakahiligan niya ito noon pa. Kaya kilalang kilala ko siya, hehehhe.

Komento sa Aklat (72)

  • avatar
    YocogcoStephen

    please so kf

    28/09/2025

      0
  • avatar
    SombeMerlasabinopanila

    perfect

    28/01/2025

      0
  • avatar
    Roger Gonzales

    tapos nss

    30/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata