Homepage/Love Thy Destiny/
Chapter 15 : His Sweet ACT
Cia POV
Habang abala ako sa pag babaked ng cookies nang makarinig akong nv tumatakbo patungo sa akin.
" Bess. You have to see this" wika niya sa akin.
" Ano ba yan?" tanong ko dito.
" Here" agad niya naman ipinakita sa akin ang news and it's about sa camping namin.
Bilang last day na naman sa college bago kami grumadaute.
" Ouh ano naman?" tanong ko habang binabalik ang tingin ko sa pagbabaked.
" Ano ka ba naman. Don't tell me na di ka pupunta doon?" tanong nito.
" Pupunta naman. Syempre magiging memorable din sa atin ang camping na yun" wika ko dito.
" Good. O siya maghanda ka na ok? Dahil aalis tayo bukas na bukas" wika niya na nakangite.
" Oo na po" saad ko.
" Wahh. Ang sarap niyan bess. Pwede patikim?" tanong nito.
" Tikim lang. Para yan kay Band eh " saad ko dito.
" Ausss. Ako na best friend mo di mo na ginagawan nito. Nagseselos na ako ahh "nakapuot na wika nito.
" Ewan ko sayo Bess. Kumain ka na lang diyan " saad ko dito.
Natatawa na lang akong pinagpatuloy ang paggawa ng cookies.
Drex POV
Habang nasa gym ako ng bigla na lang tumunog ang phone ko dahilan para mapatigil ako at kinuha ito.
" Hello " wika ko sa tumuwag.
" Drex" tugon naman nito.
Kung kaya ay nakumperma ko na siya na nga ito.
" Anong kailangan mo?" tanong ko habang pinupunasan ang mga pawis ko.
" I found her" wika niya sa akin dahilan para mapatigil ako sa ginagawa ko.
" You what?" ulit na tanong ko.
" Nakita ko na ang pinapahanap mo" ulit nito.
Bigla na lang akong napahinto ng marinig ko na totoo nga ang sinasabi niya. He found her?
Napalingon na lang ako sa katok ng pinto. At bumungad sa akin si Manang na nakadungaw.
" I gotta go. I'll talk to you later" wika ko dito saka pinatay na ang tawag.
Agad ko namang nilingon si manang.
" May kailangan ka ba manang?" tanong ko.
" Oo. Siyangapala nasabi sa akin ni Ethan na may outing daw kayo bukas" wika nito dahilan para mapalingon ako dito.
" Outing? Ahm sige po manang salamat sa balita" wika ko dito.
" Sige. Ipagpatuloy mo na lang muna ang ginagawa mo" paalam nito at agad na lumabas sa room.
Naiwan na lang ako ditong napatingin sa bintana ng maalala ko ang sinabi ng private investigator na hinire ko para hanapin siya.
Cia POV
Ng makarating na ako sa mansion nina Band ng makita ko si manang.
" Good afternoon po manang" bati ko dito.
" Ouh ija. Mabuti at napadalaw ka" tuwang wika nito.
" Nandiyan po ba si Drex?" tanong ko.
" Ahh oo. Nandon sa gym room niya. Pero baka nandon na sa kwarto niya. Puntahan mo na lang ang asawa mo" wika nito.
" Ahm sige po" wika ko saka naglakad na paakyat.
Inilapag ko na muna ang gawa kung cookies at agad na nagtungo sa room nito. Ng makarating na ako sa taas ay agad kung tinungo ang room ni band.
Pansin ko naman na hindi ito nakalock kung kay ay agad na akong pumasok. Bumungad sa akin ang tahimik na room nito. Nakita ko naman na parang wala siya dito kung kaya aalis na sana ako ng bigla kung mapansin ang pag ilaw ng phone niya.
Kaya agad ko itong nilapitan ng bubuksan ko na sana ang message ng may biglang yumakap sa akin.
" Anong ginagawa mo dito wife?" tanong nito habang yakap yakap ako patalikod.
Kaya agad kung binalik ang phone sa table nito at hinarap siya.
" Pawis na pawis ka ah. Baka magkasakit ka niyan. Magbihis ka na muna sa baba lang ako" wika ko dito.
Ngunit ng akmang lalabas na ako ng hinila niya ako at inihiga sa kama. Nagulat naman ako sa ginawa nito, pero naramdaman ko na lang ulit ang pagyakap niya sa akin habang humiga din ito sa kama at tumabi sa akin.
" Drex" tawag ko dito.
" Pwede bang ganito na muna tayo? Wag ka na munang umalis" wika niya sa akin.
Kaya napahinto na lang ako kahit pawis na pawis siya ang bango niya pa rin. Kaya hindi ko maiwasang di mapangite dahil yakap yakap niya ako.
Ng gumalaw ako ay mas lalong hinigpitan nito ang yakap sa akin. Kung kaya ay hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako sa mga bisig niya.
Drex POV
Ilang oras na ang nakakalipas ng mapansin ko na nakatulog pala si Cia. Kung kaya ay dahan dahan akong umupo sa kama para di ko siya magising.
Agad naman akong nagpalit ng damit at bumalik sa tabi niya. Hinawi ko naman ang buhok nito at nakita ang malaanghel niya mukha. Ngunit naantala ang pag tingin ko sa kaniya ng biglang umilaw ang phone ko at nakatatak ang isang mensahe galing sa P. I ko.
Kung kaya ay agad ko itong binuksan at tumambad sa akin ang isang larawan na hanggang ngayon ay gusto kung makita.
" Babe" bigkas ko ng makita ko itong kinunan ng larawan ng P. I ko.
Cia POV
Nagising ako ng maramdaman ko na wala si Drex sa tabi ko kung kaya ay naisipan ko na tumayo na lang sa kama. Napalingon naman ako sa relo ko and it's 6 pm na! Nakatulog pala ako.
Ngunit agad kung nilibot ang mga mata ko upang tingnan kung nasan si Band. Hanggang sa maisipan ko na bumaba na lang.
Nakita ko naman si manang na abala sa pagluluto. Napansin naman ako nito kung kaya ay inaya niya ako.
" Mabuti at gising ka na anak. Lika kumain ka na dito" aya nito sa akin.
" Ahm naku di na po manang. Uuwi na din kasi ako eh. Nasan pala si Drex?" tanong ko dito.
" Ahh umalis muna. May kailangan lang daw siyang puntahan. Hindi ka na niya ginising kasi alam niya na mahimbing na ang tulog mo" wika nito.
" Ahh, sige po salamat. Mauna na po ako. Pakisabi na lang po sa kaniya na umuwi na ako" habilin ko dito.
" Sige mag iingat ka anak" paalala nito.
" Opo. Salamat" wika ko saka nagtungo na sa pintuan at agad na lumabas.
Ng makalabas na ako ay tinungo ko naman ang kotse ko para makauwi na. Ng makasakay na ako ay agad na akong nagmaneho palabas ng gate. Pinagbuksan naman ako ni kuya guard.
Ria POV
Nandito ako sa bahay ni bess pero wala siya dito. Nasan na naman yun. Akala ko ba dito kami mag sleepover. Pero wala siya.
" Naku ija. Marahil na kina Drex pa iyon. Pero uuwi na din yun" saad ni nanay sa akin.
" Siguro nga po. Tatawagan ko lang" wika ko.
Kung kaya ay agad ko ng tinawagan ang number nito. Hanggang sa makarinig na lang ako ng ring.
Cia POV
Habang nagmamaneho ako ng bigla na lang tumunog ang phone ko kung kaya ay inihinto ko muna sa gilid ang kotse at sinagot ang tawag.
" Hello" wika ko dito.
" Nasan ka na ba?" tanong ni bess sa akin.
" Pauwi na ako. Nasa bahay ka na ba?" tanong ko pabalik.
" Oo nandito na ako. O siya mag iingat ka sa pagmamaneho ok?" palala nito.
" Opo. Sige bye" wika ko.
Saka namatay ang tawag. Akmang paandarin ko na ulit ang makina ng kotse ng may mahagilap ng mata ko ang isang pamilyar na pigura ng tao. Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko.
Bakit parang si Drex ang lalaking yun? Anong ginagawa niya dito? Ngunit ng ipinikit ko ang mata ko at dinilat ulit ay di na ito si Drex. Ibang lalaki na.
Kung kaya ay nakahinga ako ng malalim. Ngunit bakit andito pa din ang pangangamba ko? Naisipan ko na lang na magmaneho paalis doon. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang kakaibang nararamdaman ko gayong nakita ko naman na di si Drex yun.
Hanggang sa makareceive ako ng text galing sa kaniya.
From : Band
Wife. Bakit umuwi ka na? Di man lang kita naabutan sa bahay. Well mag iingat ka sa pag uwi. I love you.
Napangite na lang ako. Kahit papaano nawala ang kaba ko. Tama. Naniniwala ako kay Drex na di niya ako lolokohin. Maniwala ka sa asawa mo Cia. Sa kaniya ka lang maniwala.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (72)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
please so kf
28/09/2025
0perfect
28/01/2025
0tapos nss
30/11/2024
0Tingnan Lahat