logo text

Chapter 11 : A Kiss

                            Cia POV 
Naging maayos naman ang pananatili namin sa resort. Kahit na napipilitan lang na makisama si Drex sa akin ok lang.
Nakikita ko naman kahit na paano ay nagagawa akong tanggapin bilang asawa niya.
" Anak. Nasan pala ang asawa mo?" tanong sa akin ni mama habang abala kami sa pagluluto ng makakain namin.
" Kasama yata nina papa ma" wika ko.
" Anak. Kumusta naman kayo ng asawa mo? Nalaman ko na di kayo nagtatabi sa pagtulog" saad nito dahilan para mapahinto ako sa  ginagawa ko.
" Ano. Hehhee hindi naman Ma. Magkatabi kami ni Drex matulog kaya lang di niyo lang napapansin na lumilipat siya sa kama namin. Oo yun" wika ko habang pinapakita na di ako nagsisinunggaling.
" Ganun ba. O siya ihatid mo na ito sa pool. For sure nagugutom na sila doon" saad ni mama sa akin.
" Sige po" pagsang ayon ko.
Kaya agad kung dinala ang pagkain kina papa. Ng tuluyan na akong makalabas  ay agad na akong nagtungo sa kung saan man sila.
There I saw them na abala sa pagkukwentuhan kasama sina papa Greg, ang papa ni Drex.
" Ouh mabuti na lang at nandito ka na anak" wika ni papa Greg kaya nagdahan dahan naman ako sa paglapit sa kanila habang dala ang pagkain.
Ngunit ng makalapit na ako sa kanila ay di ko inaasahang mawawalan pala ako ng balanse huli na para makabawi ako.
Ngunit bago ako bumagsak sa pool ay naramdaman ko ang paghila sa akin ni Drex. Ngunit mas lalong di ko inaasahan ang nangyari. Nasalo niya nga ako pero  nahalikan ko naman siya.
Pareho kaming nagulat sa nangyari. Sina papa ay natutuwa sa nakikita nila. Si bess naman ay napalaki na lang ang mata sa nakita.
Hanggang sa marinig na lang namin ang panunukso nina mama. Kung kaya agad na akong lumayo sa kaniya. Pakiramdam ko ay namumula ako sa nangyari.
It was my first kiss. Kahit na sabihin na ok lang. Pero first kiss ko yun. At the same time ay di ko maiwasang di mapangite kasi sa kaniya ko naibigay ang first kiss ko sa lalaking mahal ko.
" Akyat po muna ako" paalam ko sa nga ito at dali daling naglakad papasok.
Taranta pa rin ako dahil sa nangyari. Hanggang sa tuluyan na akong nakapasok. Napasandal na lang ako sa may bintana ay doon ay nagtitili.
Ang lakas ng kabog ng puso ko. Napahawak na lang ako sa labi ko ng hanggang ngayon ay maramdaman ko pa rin ang labi niya sa labi ko.
Fastforward
Buong araw tumatakbo sa akin ang nangyari kanina. Hanggang ngayon nandito pa rin ang pakiramdam na naramdam ko kanina pa ng mismong maglapat ang mga labi namin ni Drex.
" Ang layo nang iniisip ahh. Dahil ba sa isang halik?" tanong ni bess na tumabi sa akin habang nakaupo kami sa isag bato at nakatingin sa mga alon sa dagat.
" Kanina ka pa ba?" tanong ko.
" Oo. Kanina pa ako dito. Kanina ko pa napapansin na lutang ka. So tell me. Nagiging ok na ba kayo ni Drex? " tanong ulit nito.
" Hindi ko alam. Gusto kung magdiwang sa mga nangyayari sa amin ngayon. Ngunit di mawawala sa isip ko ang maaring posibilidad na wala lang talaga ang mga ito sa kaniya " wika ko.
" Hayss ang hirap talaga ano? Kapag one sided love. Yung tipong ikaw lang ang nagmamahal sa inyong dalawa. So gagawin mo ba talaga ang napag usapan niyo ni tita na. Hihiwalayan mo na siya pagkatapos ng graduation natin? " tanong nito kaya napangite naman ako.
" Anong halaga ng pagkapit ko sa kaniya. Kung pati ang sarili ko ay nagagawa ko ng kamuhian? Natutu akong maging tanga sa kabila ng lahat. Kasi naniniwala ako na may karapatan akong ipaglaban siya. Lalo na at kasal na kami. Ngunit hanggang kailan? Hanggang kailan ako magiging ganun? " tanong ko dito.
" So ganun na lang yun? Susuko ka na? Hahayaan mo na siyang maging malaya? Itatapon mo na lang agad ang karapatan na meron ka? " tanong nito.
" Karapatan? Oo may karapatan nga ako kasi kasal kami. Ngunit hanggang sa papel lang ang titulo na meron ako " saad ko dito" Masaya na ako. Masaya na ako sa naranasan ko sa kaniya ngayon. Masaya na ako na naramdaman ko kung paano ba alagaan ng isang Drayven Exelle. At malagay ang apelyido niya sa pangalan ko " dagdag na wika ko dito.
Night
Pahiga na sana ako ng bigla na lang may kumatok ng pinto ng kwarto kung kaya ay agad kung nilapitan ang pinto at tiningnan kung sino ito.
Nagulat na lang ako ng makita ko kung sino ang kumakatok.
" What are you doing here?" tanong ko na nagtataka dito.
" Matutulog" saad nito.
" Matutulog? Diba sa kabila ang room mo?" takang tanong ko.
" It's my room. Dito ako gustong patulugin ni papa kaya wala akong choice kundi ang matulog dito" saad niya saka nahiga sa kama ko.
" Teka. Kama ko yan Drex" saad ko dito.
" It's mine too kasi asawa mo ako? At anong masama. Eh mag asawa naman tayo?" tanong nito na nakakunot ang noo.
Napakunot na lang ang noo ko sa narinig ko dito. Ano bang nakain niya?
" Look. Inaantok na ako Drex kung kaya ay pumunta ka na sa ro-" ngunit naputol na lang ang sasabihin ko ng bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin.
Dahilan para manlaki ang mata ko sa gulat.
" Why? Natatakot ka ba sa akin Cia? Wala naman akong gagawin na masama eh. Unless kung gusto mo? "tanong nito.
Seriously? Anong nangyayari sa kaniya? Nasan na ang Drex na kinamumuhian ako?
Nabagot ba siya kaya nakalimutan niya ang galit niya sa akin? Ng hindi pa rin siya bumibitaw sa paglayo sa akin ng ako na ang lumayo.
" Hindi ako sanay. Di ka naman ganyan ahh? Bakit ngayon nag iba ka?" takang tanong ko.
" Wala naman sigurong masama na subukan ko din maging isang asawa diba? Kahit minsan" tanong nito na siyang mas lalong nagpalito sa akin.
Please Drex. Wag kang maging ganito. Kasi handa na ko eh. Handa na akong bitawan ka! Wag mo naman akong gawing marupok ulit?
At piliting maniwala ulit! Kasi di ko na alam kung makakaya ko pang humiwalay sayo sa oras na maging ganito ka.
Ibinaling ko na lang sa iba ang tingin ko. Kasi ayokong mahulog lalo sa mga tingin niya kasi baka di na ako makabangon muli.
" Saan ka pupunta?" tanong nito na nagtataka ng pupunta na sana ako sa pintuan.
" Lalabas. Doon ako sa room ni bess matutulog" tugon ko dito dahilan para kumunot ang noo nito.
" What? Ako ang asawa mo pero sa iba ka tatabi? Nandito na nga ako. Ako na nga ang lumalapit ikaw na naman ang lumalayo? Hindi mo ba ako mapagbibigyan ulit Cia?" tanong nito.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tinatanong niya kasi nalilito pa rin ako. Nalilito pa rin ako sa mga pinagsasabi ng lalaking ito!
" Goodnight " saad ko.
Ngunit nagulat nalang ako ng di mabuksan ang pintuan dahilan para magtaka akong kinalampag ito.
" Bakit nakalock ito?" takang tanong ko sa kaniya.
" Nagtaka ka pa. Marahil sila sa labas" saad nito habang prenteng nakasandal sa board ng kama ko.
" Ano ba yan" pagwika ko.
Kaya nagtungo na lang ako sa terrace. Ngunit sinundan lang naman ako nito.
" Teka anong gagawin mo?" tanong nito.
" Wala naman. Wala pa" saad ko.
" Nahihibang ka na ba? Tatalon ka diyan? Magpapakamatay ka ba huh?" galit na tanong nito.
" Magpapakamatay? Hindi. Bata pa ako" saad ko dito.
" Tss, matulog ka na. Maaga tayong uuwi bukas" saad nito.
" Mauna ka nang matulog doon. Mamaya na ako" saad ko dito habang nakaupo sa upuan.
" Ok" wika nito saka naglakad.
Ngunit nagulat na lang ako ng kinarga ako nito at dinala sa kama.
" Teka lang. Ibaba mo ako" saway ko dito.
" Ngayon ka pa magrereklamo. Eh noon pa man kinarga na kita ahh" wika nito.
Kaya naramdaman ko na lang ang na nakahiga na ako sa malambot na kama.
" Yan. Wag kang aalis diyan. Tatabi ka sa akin whether you like it or not. But I guess it's your chance to be with me this night" wika nito sabay kindat.
Napanganga na lang ako. Ano bang nangyayari sa kaniya? Nasasapian ba siya?
Bakit nag iba ang lalaking toh? Mas nanlaki ang mata ko ng humiga din ito sa kama.
" Matulog ka na" wika nito saka ipinikit niya ang mga mata nito.
Magsasalita na sana ako ng bigla na lang kumulog at umulan ng malakas dahilan para magulat si Drex.
Napansin ko na takot na takot pala ito sa kulog kung kaya ay nanginginig ito.
" Drex. Takot ka sa kulog?" tanong ko.
" Hi- hindi" nauutal na wika nito.
Hindi daw pero nakikita ko na nauutal ito.
Hindi ko alam na ang lalaking mahal ko ay takot sa kulog. I guess yun ang di ko nalaman sa kaniya.
Kaya lumapit na lang ako ng bahagya dito at hinawakan ito.
" Wag kang matakot. Nandito lang naman ako eh. Itulog mo na lang yan" wika ko dito.
Nakita ko naman na para itong isang maamong bata habang ipinipikit ang mga mata niya.
Ngunit bigla na naman kumulog kung kaya ay nanginginig na naman ito kaya wala na akong ibang ginawa kundi ang yakapin ito, para kahit papaano mawala ang takot niya.
Hanggang sa naramdaman ko din ang yakap nito pabalik. Hanggang dumating na din sa punto na di ko na namalayang nakatulog na din pala ako.
Morning
Nagising ako ng maramdaman ko na parang may kayakap ako dahilan para idilat ko ang mga mata at tingnan kung sino ito.
Napalayo naman ako ng makita ko na it was Drex na mahimbing na natutulog. Akmang tatayo na ako ng bigla na lang akong hilahin nito dahilan para mapadagan ako sa kaniya. Doon na nanlaki ang mga mata ko lalo na nong dumilat ito at nagwika ng.
" Good morning wife" bungad nito dahilan para mangunot ang noo ko.
Ngunit hinawakan niya lang ito at inayos para maging normal.
" Good morning Drex. Pwede bitawan mo na ako?" tanong ko para kasing tatalon na ang puso ko sa kilig ngayon.
" Bitawan? Yan ba ang greeting mo sa akin wife?" tanong nito na nakakunot ang noo.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa naririnig ko ngayong umaga. Baka kasi nananaginip lang ako at paggising ko ay hindi naman talaga nangyayari.
Kaya kinurot ko na lang ang sarili ko ngunit napadaing ako sa sakit. Totoo nga?
Nagulat na lang ako ng si Drex ang pumalit sa pwesto ko. Ako naman ang pinahiga niya at siya naman ang nakadagan sa akin.
" Te- teka" wika ko dito.
" Bakit wife? Di ba ginagawa naman dapat ito ng mag asawa. Atshaka. Honeymoon nating ngayon diba? Bakit hindi natin gawin ang gus-" tinakpan ko naman ang bibig nito para tumahimik.
Ngunit sakto din naman ang pagbukas ng pinto kung kaya ay bumulaga sa amin ang mga magulang namin.
Si bess, si nanay at manang na gulat na gulat. Kaya dali dali kung tinulak si Drex at napaupo sa kama na nahihiya.
" Ahm. Hello morning po" bati ko sa kanila.
Ang kaninang gulat na gulat ay napalitan ng ngite.
" I guess nakaka istorbo kami. Sige ituloy niyo lang. Alis na kami" saad naman ni papa.
Aangal pa sana ako ng bigla na lang nilang sinirado ang pintuan. Wahhh nakakahiya.
" Ano? Eh resched na lang natin?" tanong nito kaya taka naman akong nakatingin sa kaniya.
" Anong resched?" tanong ko.
" Yung ginagawa natin. Or baka gusto mong ituloy natin" saad nito nang may pang aakit na tingin.
Hooh! Maghunos dili ka Cia. Wag kang padadala sa pang aakit niya. Kaya napaatras na lang ako.
Ngunit wrong move pala dahil mahuhulog na ako sa kama. Ngunit naramdaman ko na lang ang agad na paghila sa akin ni Drex kaya napalapit na naman ako sa kaniya.
Ngunit ang mas nagpakawala ng kaluluwa ko ng hinalikan niya ako sa pisnge.
" Tss. Napaka careless mo talaga. Halika na dahil uuwi na tayo maya- maya" wika nito saka agad na tumayo sa kama at lumabas ng kwarto.
Ng masiguro ko na wala na ito ay doon lang ako nagtitili sa kilig, wahhh nagkakatotoo na ba ang hiling ko?
Talaga bang nag iba ang pakikitungo ni Drex sa akin? Hindi ko mapigilang di magsaya sa nangyari. And he even call me wife? Ang sarap pala sa piling kapag ganito ang asawa mo. Sana di siya magbago.
                Ria POV 
Pauwi na kami ng mapansin ko na kakaiba ang aura ni bess.
" Aherm. Ano nakascore na ba?" tanong ko dito.
Taka naman itong napatingin sa akin.
" Huh? Anong ibig mong sabihin?" tanong nito habang nililigpit ang gamit namin pauwi.
" Yung kanina. Ano nagiging ano na ba-" tinakpan naman nito ang bibig ko.
" Ano ka ba. Wala yun. Walang nangyari na ano. Kaya wag kang ano diyan" saad nito kasi naman po namumula na yung pisnge niya.
Kinuha niya naman ang kamay niya kung kaya ay natawa na lang ako. Sana nga maging totoo na ito. Sana di na magbago si Drex para naman maging masaya din ang besa ko.
Dahil oras na paiyakin niya na naman ito ako na mismo ang susuntok sa lalaking yun.
" Lika na. Baka maiwan na nila tayo" aya nito.
" Asuss ang sabihin mo baka excited ka lang na makasama ang hubby mo pag uwi. Ayiee. Sana all" panunukso ko dito.
" Heh! Tumigil ka nga diyan. Kung ano ano ang iniisip mo" saway nito sa akin.
" Bakit? totoo naman ahh! " wika ko dito.
" Alexandria Montalban!" tawag nito sa pangalan ko kaya mas lalo akong natawa.
" Oo na po Misis. Tatahimik na po ako" nakataas kamay na wika ko saka sumunod sa kaniya pababa.
                 Drex POV 
Fastforward
Habang nasa biyahe kami ay pansin ko na malalim ang iniisip ni Cia. Nakatingin lang ito sa labas ng bintana ng kotse.
" Cia. What are you thinking?" tanong ko dito dahilan para mapatingin ito sa akin.
" Huh? Ahm wala naman" giit nito.
" Wala. Pero parang may bumabagabag sayo?" tanong ko ulit.
Napahinga naman ito ng malalim.
" Drex. Kung nagpapanggap ka lang kanina. Pwede bang wag mo na lang ituloy ulit?" tanong nito dahilan para magtaka akong mapalingon sa kaniya.
Kung kaya ay itinigil ko muna ang kotse para makausap ito ng maayos.
" Anong sabi mo?" tanong ko.
" Pwede bang. Bumalik ka na lang sa dati? Yung dating Drex na kinamumuhian ako? Yung dating Drex na pinapadama sa akin na wala lang ako. Kasi doon ako nasanay Drex. Oo inaamin ko. I was once na hiniling na magbago ang pakikitungo mo sa akin. Hindi ako sanay sa inakto mo ngayon at ayaw ko ng masanay. Kasi I sign the annul- " pinutol ko naman ito.
" Sinong may sabi sayo na permahan mo ang papel na yun? "inis na tanong ko dahilan para lumingon ito sa akin.
" Diba yun naman ang gusto mo? Drex ako ang dahilan kung bakit naging ganito ka? Ako ang dahilan kung bakit nagkahiwalay kayo ni Lana. Kaya this time. Ayoko ng maging selfish. Tama na sa akin ang mga alaala na binigay mo sa akin sa resort. Drex. Hindi mo naman kailangan na magpanggap tulad ng kahapon. Kasi gusto kung maging totoo ka. Salamat sa lahat " wika nito saka binuksan ang pinto ng kotse.
Naiwan akong tulala sa nangyayari. Ito naman ang gusto mo Drex diba? Ang mawala na siya at kusang bumitaw?
Now malaya ka na. Pero bakit di ka masaya? Pipigilan ko na sana ito ng bigla na lang itong sumakay sa kotse ni Ria at umalis. Nasuntok ko na lang ang manibela sa nangyari.

Komento sa Aklat (72)

  • avatar
    YocogcoStephen

    please so kf

    28/09/2025

      0
  • avatar
    SombeMerlasabinopanila

    perfect

    28/01/2025

      0
  • avatar
    Roger Gonzales

    tapos nss

    30/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata