15

TUMITIG si Benedict sa kaharap nitong salamin. Hindi pa natatapos ang kasal pero para bang gusto na niyang umuwi. Napapagod na kasi ang lalaki na ngumiti sa harap ng maraming tao. Isama pa ang mga matang nakabantay sa kanya, kasama na ang magulang nito na nilapitan siya kanina para ipakilala sa iba.
Naghilamos ito sa nakabukas na gripo't parang lutang na inalala ang malungkot na mata ni Aonani. "Bakit ba siya pumapasok sa isip ko?" bulong nito saka inangat ang tingin para tingnan ang sarili sa salamin. "Bakit pakiramdam ko..." napahinto ito at umiling. "Wala akong kasalanan. Parehas lang naming sinusunod ang mga magulang namin." Pagpapalakas nito sa loob bago kumuha ng tissue upang ipunas sa mukha.
Nagtagal pa siya ng ilang minuto sa loob bago mapagdesisyunang lumabas. Paglabas nito, may pagtataka niyang nilibot ng tingin ang labas ng banyo dahil wala siyang nakitang tauhan na nakasunod sa kanya mula pa kanina. Kamot-ulo itong naglakad pabalik sana sa reception nang mapahinto siya dahil sa presensyang naramdaman niya mula sa likod.
"Mas maganda kung hindi ka lilingon," sabi ng boses lalaking nasa likod ni Benedict.
Natigil si Benedict sa paglingon dahil sa sinabi niyang iyon lalo na't naramdaman niya ang isang malamig na bagay sa batok nito. Nakaramdam siya ng takot at napalunok habang iniisip ang maaaring gawin upang takasan ang lalaki.
"Congratulations on your wedding. And get ready because they will be back soon," bulong ng lalaki bago ilayo ang hawak nitong swiss knife.
Kumunot ang noo ni Benedict sa sinabi ng lalaki't mabilis siyang nilingon. Ngunit paglingon nito, ni anino ng lalaki ay hindi na niya nakita pa. Naging palaisipan dito kung sino o ano ang ibig niyang sabihin. Gulong gulo ang isip niya na nagparamdam sa kanya ng katanungan sa kanyang isipan. Katanungan kung sino ang tinutukoy ng lalaki sa huli nitong sinabi o kung sino ang lalaking iyon.
Naalis lamang sa pag-iisip si Benedict nang may kumalabit sa kanya. Mabilis siyang humarap sa likod nito't kusang nawala ang pagkakakunot ng noo sa pagsulpot ni Hillary.
"Ang lalim ata ng iniisip mo," nakangiting sabi ng dalaga.
"Ah... parang ganun na nga," alangang tugon ni Benedict at pilit na ngumiti.
"About your wedding..." paunang sabi ni Hillary na pinagtuunan ng pansin ni Benedict. "Masaya ka ba sa kasal ninyo?"
Kumurap si Benedict sa tanong ng dalaga.
"Don't get me wrong, because we both know na girlfriend siya ni Kuya. Kaya iniisip ko kung maayos ba ang pakikitungo niya sa'yo. You know how bully Carter is and how Aonani being brat who doesn't care about other people's feelings. Nag-aalala lang ako sa kalagayan mo dahil paniguradong ibubunton sa'yo ni Kuya lahat ng galit niya pagbalik mo sa university."
"N-nag-aalala ka?"
Tumango si Hillary. "Let's just say, I consider you as my friend. Tutulungan ba kita kung hindi?" natatawang sagot ng dalaga at humalukipkip. "So tell me... maayos naman ba ang pagsasama niyo? Narinig ko kasi na sa iisang bahay na lang kayo naninirahan."
Bumalik sa isip ni Benedict ang hindi gaano kaayos na pakikitungo ni Aonani sa kanya. Inalis na lamang niya ito sa kanyang isipan at pilit na ngumiti. Tumango rin siya bilang sagot sa katanungan ni Hillary.
"Maayos naman," tipid niyang sambit.
"Talaga?" natatawa at may pagkasarkastikong tugon ni Hillary. "Parang ang layo ng tamang sagot sa sinabi mo. But anyway..." sumeryoso ang mukha nito at humakbang palapit kay Benedict. "You know how heartless Carter is... kaya kung sakaling saktan ka rin ni Aonani, na hindi malabong mangyari... you can always call me for help. Hindi mo pa sila gaano kilala, dahil may mas ilalala pa ang mga ginagawa nila."
Sa paglayo ni Hillary, siya namang pagdating ng mga tauhan na nagbabantay sa lalaki. Nginitian lang siya saglit ng dalaga na dumiretso sa banyo ng mga babae. Sinundan pa ni Benedict ng tingin si Hillary dahil naging palaisipan ang huli nitong sinabi.
'May ilalala pa?'
PINAGTAKLOP ni Benedict ang kamay niya habang ito ay nakaupo sa mahabang sofa sa loob ng villa. Kasama nito si Aonani na naliligo sa banyo at kanyang hinihintay.
Matapos ng kasal, hinatid ang dalawa sa naka-reserve na villa para sa kanila sa isang private beach. Inaasahan na nila ito lalo na't sinabihan sila na mamalagi muna ng ilang araw bilang honeymoon nila. Wala namang magawa ang dalawa kundi ang sumunod dahil iyon ang kagustuhan ng kanilang magulang.
Iisang kwarto lang ang laman ng malawak nilang villa. At kung ikukumpara ang kama nila sa bahay at kama nila ngayon, mas maliit ito kaya hindi malabong magkadikit ang dalawa kapag sila ay matutulog. Sa paligid ng villa, may kalat na mga tauhan na nagbabantay sa dalawa bente kwatro oras.
"Maligo ka na." Sulpot ni Aonani na kakalabas lamang ng banyo suot ang isang gray na robe.
Tumayo naman agad si Benedict at lakad-takbong pumasok sa banyo na hindi nililingon ang asawa. Malakas niya pang naisara ang pinto na nagpapikit sa kanya ng mariin ngunit hindi na lang niya iyon pinansin.
Iiling na naglakad si Aonani patungo sa cabinet na nasa kwarto. Kumuha ito ng damit na hinanda para sa kanila't pinili niyang magsuot ng silk night dress na kulay itim. Wala na rin naman siyang pagpipilian dahil pati damit nila'y pinagplanuhan ng magulang. Kung saan mapaghahalataan na sinadyang ang mga damit ni Aonani ay may pagka-sexy. Ang tanging maayos lang na nakita nito ay ang ilang summer dress na mahaba ngunit may slit.
"Masyado silang nagmamadaling magka-apo," bulong ni Aonani bago isara ang cabinet.
Nilapag niya ang damit sa kama at inalis ang robe nito. Naging mabilis lang ang ginawa niyang pagpapalit kung saan dumiretso ito sa veranda ng villa. Sinenyasan niya ang mga tauhan na umalis para bigyan ito ng kaunting privacy. May pag-aalangan man, umalis ang mga tauhang nasa veranda kaya tahimik na umupo si Aonani sa isang upuan.
Mula sa kanyang kinauupuan, tanaw ang payapang dagat. Hinayaan niyang ang hangin ang magpatuyo ng mahaba nitong buhok. Sumandal pa ito sa upuan at tumitig sa madilim na langit.
Pagod at matinding lungkot ang bumalot sa buong sistema ng babae. Sa tuwing naiisip niya kung paanong makailang beses siyang nilapitan ni Carter ang nagpapabigat ng kanyang dibdib. Ngunit sa ilang beses na iyon, hindi pumayag ang magulang at mas hinigpitan pa ang pagbabantay sa kanya. Kaya kanina sa reception, pilit niyang iniiwas ang atensyon sa dating kasintahan.
Mahabang buntong hininga ang kumawala sa bibig ni Aonani upang pigilan ang nagbabadyang luha na gustong lumabas sa kanyang mata. Kaya para hindi matuloy, tumayo ito at muling pumasok sa loob. Kumuha siya ng whiskey na paborito niyang inumin bago bumalik sa veranda.
"Iiinom ko na lang ito," kanyang sambit at nagsalin ng alak sa dala nitong baso.
Sa loob ng kwarto, inabot ng ilang minuto bago matapos na maligo si Benedict. Nagpalit pa ito agad kaya maski siya ay nakita ang mga damit nila lalo na kay Aonani. Hindi na lamang niya iyon pinansin at tinapos na ang pagpapalit.
"Nasaan na siya?"
Sinabit lang saglit ni Benedict ang sinuot nitong robe saka naglakad palabas ng kwarto. Papatuyuin niya sana ang buhok gamit ng blower pero naisip na lamang nitong magpahangin sa labas. Kaya sa paglabas nito sa kabilang pinto patungo sa veranda, ganun na lamang ang pagbalik nito agad papasok.
"Nakita kita," sabi ni Aonani na patuloy pa rin sa pag-inom. Nakataas ang dalawa niyang paa na nakaibabaw sa mesa.
Dahan-dahan na lumabas si Benedict at alangang tiningnan ang asawa. Iniwas pa niya ang tingin sa hita ng babae na kanyang unang nakita kanina paglabas.
"Ano... tatanungin lang sana kita kung kumain ka na." Pagdadahilan ng lalaki habang pilit na iniiwas ang tingin bilang respeto.
Binaba ni Aonani ang dalawa nitong paa at nagsalin ng inumin. "Sa rami ng pagkain sa reception... halata naman. Bakit? Hindi ka ba nabusog?" casul niyang tanong. "Halika rito, uminom tayo."
"N-nako! Ikaw na lang. H-hindi ako umiinom."
Tumaas ang kilay ng babae. "Sa edad mong 'yan hindi ka pa umiinom?" natatawang sambit ni Aonani. "Well... kung sa bagay, nerd ka nga pala. Outcast na walang alam sa mga ganitong bagay."
Bumaba ang tingin ni Benedict. Aalis na sana ito nang siya ay magulat sa pagsulpot ni Aonani sa kanyang harapan. Hinawakan ng babae ang kamay nito't hinila pabalik sa mesa.
"Iinom ka dahil honeymoon natin, naintindihan mo?" may ngiti sa labing sabi ni Aonani at pilit na pinaupo ang asawa sa katabi nitong pinag-uupuan.
"Pero---"
"Sshh... just drink, okay? Ang dami mo pang satsat. Oh. Inom." Pag-aabot ni Aonani ng basong kanina niya pa pinag-iinuman. "Naghalikan na lang din naman tayo, d'yan ka na uminom."
Kahit ayaw ni Benedict, wala siyang nagawa kundi inumin ang laman ng baso. Gumuhit pa sa mukha niya ang hindi pagkagusto rito na nagpangisi kay Aonani.
"Ang pangit ng lasa diba?" tanong ni Aonani at pinagmasdan ito.
Binaba ng lalaki ang baso sa mesa't ayaw na itong makita. Dahil kasi sa first time nitong uminom, masyadong hindi maganda ang lasa para sa kanya.
'Akala ko ayos lang ang lasa. Sinungaling ang mga nasa panood.'
Naalis sa mukha ni Benedict ang hindi pagkagusto sa natikman nang makitang hindi inalis ni Aonani ang titig dito. Umayos pa siya ng upo bago sagutin ang kanina niyang tanong.
"Parang ganun na nga," nahihiya niyang tugon.
Tumango si Aonani at kusang nawala ang ngisi sa labi. "Ganun ka," sabi nito.
"Ha?" kunot noong sambit ni Benedict. Tumitig siya kay Aonani na muling nagsalin ng alak.
"Para kang whiskey. Kinaaayawan ng mga katulad mong walang alam. Hindi gusto at kahit kailan? Hinding hindi niyo magugustuhan." Isahang ininom ni Aonani ang laman ng baso saka tumayo. Sa rami ng nainom na nito, nawalan ito ng balanse.
Nakita ni Benedict ang malapit nitong pagkatumba kaya tumayo siya at sinalo ang asawa. Humawak naman si Aonani sa balikat ng lalaki't sa lapit nila... mapupungay ang mata nitong tumitig sa kanya.
"Lasing ka na," nag-aalalang saad ni Benedict. Papaupuin niya pa sana ang babae nang humakbang palapit si Aonani kaya mas lalong nagdikit ang kanilang katawan.
"Carter," naluluhang tawag nito bago isandal ang ulo sa dibdib ng lalaki.
Kumurap ng ilang beses si Benedict lalo na nang yakapin siya ni Aoani ng mahigpit. Sa paraan ng pagyakap nito, para bang ayaw niyang pakalawan ang lalaki. Siguro dahil sa kalasingan... imbis na si Benedict ang makita, ang mukha ni Carter ang kanyang nakikita sa ngayon.
"I'm sorry... I really do." Mas hinigpitan pa ni Aonani ang yakap dito kaya hindi makagalaw ang asawa't ilalayo sana siya nang ito ay muling magsalita. "Alam mo ba kung gano kasakit sa'kin ang nangyayari?" Pagtatanong nito't ngumiti ng mapait. "Sa sobrang sakit, gusto ko na lang hilingin na sana hindi ko sila naging magulang. Years... lagi silang wala sa tabi ko. Tapos sa pagbalik nila, ipapakasal nila ako sa lalaking ni katiting na lamang ay walang wala sa'yo."
Lumuwang ang pagkakaalalay ni Benedict dahil sa narinig.
"I hate him. I hate them. And of course, I hate myself," natatawang sabi ni Aonani at humiwalay sa yakap. Muntik pa siyang matumba ng tuluyan kung hindi siya hinawakan muli ni Benedict ng maayos. Dalawang kamay ang nakapulupot sa bewang nito para siya ay hindi mahulog.
Parang wala lang naman kay Aonani ang pagewang gewang niyang sarili't tinitigan sa mata ang lalaki. Kahit parang nahihilo at napipikit na, naluluha itong ngumiti.
"Babalikan kita Carter, pangako. Sa ngayon... ang kaya ko lang gawin ay ang itaboy ka palayo. Pero kapag pwede ko ng labanan ang magulang ko. Kapag malakas na ako katulad ng sinabi nila, lalabanan ko sila. I will do everything para bumalik tayo sa dati. Kaya hintayin mo ako."
"Aonani!" gulat na sigaw ni Benedict sa pagpikit ng asawa.
Wala siyang nagawa kundi buhatin ang babae papasok sa loob. May nagbukas pa ng pinto para sa kanila nang makitang buhat ni Benedict ang babae. Kaya pagpasok nila ng kwarto, hiniga niya ang asawa sa kama na ngayon ay tulog na dahil sa alak. Maayos niyang kinumutan ito at hindi agad umalis sa kanyang tabi na ngayon ay nakaupo at pinagmamasdan ang asawa.
"Kasalanan ko nga," mapait na sabi ni Benedict. "Pero wala rin naman akong magagawa." Mahabang buntong hininga ang kanyang ginawa at ito ay tumayo na. Pinatay lang nito saglit ang ilaw kung saan tanging sinag ng buwan sa labas ang nagsilbing liwanag sa buong kwarto. Imbis na humiga sa tabi ni Aonani, naglakad palabas si Benedict. Huminto pa siya nang makalapit sa pinto't lingunin ang babae.
"Kasalanan ko na hindi ang nangyayari. Pero sana huwag mo ako masyadong kainisan kasi sumusunod lang din ako sa kanila. Sana may araw na hindi na natin kailangang masaktan pa ng dahil sa ating magulang."

Komento sa Aklat (156)

  • avatar
    D AtipReanier

    thank you so much mwa mwa mahal n kita kahit pangit ka bobo ka tanga ka tapos nono ka ahahahahahaahahahahahahahahhhaha

    26/04/2024

      0
  • avatar
    VelascoPia

    Thanks to the author I hope my book 2 po..

    21/02/2024

      0
  • avatar
    Bhem Silva

    ganda my book2 ba?

    25/10/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata