Homepage/Just a relationship ( Cortejas Siblings #1)/
20
Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at puro puti ang nakikita ko Nasa langit na ba ako? Ani ko sa isip at inilibot ang paningin sa buong kwarto "Y-your awake! Doc! Doc! my sister is awake!" Sigaw ni Arch bago pinindot ang pulang button sa uluhan ko, hindi ako makapagsalita dahil may tubong naka umang sa bibig ko. "Thank God! Ate your back" sabi ni Arch at humagulhol pa, maya maya pa ay nakita kong may pumasok na isang doktor at tatlong nurse at linapitan ako. "My baby is awake! God Theo, our daughter, she's awake!" Dinig kong ani ni mama saka sya humagulhol "Shhh, everythings fine tama na" bulong ni papa sa kanya at pinapakalma "Please doon po muna kayo sa labas para makapag pahinga ang pasyente, we will just transfer her to the private room later" sabi noong nurse at pinalabas muna ang kapatid ko at si mama. ————————— "Okay na po ba sya? Bakit tulog pa?" "Wag ka ngang bobo Eun, nagpapahi nga lang si Ali" "H-hanggang impyerno dinig ko yung boses mo Psy" nanghihinang ani ko na ikinalingon nilang lahat sa akin. "Ali! Oh my gosh your awake!" Sabi ni Eun saka ako dinamba ng yakap . "Aww, yung sugat ko" daing ko ng matamaan nya yung sugat ko sa balikat "Sorry, sobrang nag alala kami sayo, tatlong linggo kang comatose iyak ng iyak si Tita may gusto ka bang kainin? Inumin? Okay ka lang ba? " ani ni Psy ngumiti lang ako sa kanya. "Pahiniging tubig" ani ko Itinaas naman nila ang headrest ng kama kaya nagmumukha na akong naka upo. "Eto oh" "Ako na" "Dali na nganga, ah" ani ni Psy saka ngumanga pa, napipilitang ibinuka ko ang bibig ko at ininom ang nasa mineral bottle. "Thanks" ani ko saka sumandig sa headrest napalingon naman kaming lahat sa may pinto ng bumukas iyon. "Ateeee!" Sigaw ni Arch saka tumakbo at niyakap ako niyakap ko naman sya pabalik saka, nilingon sina mama na na nanunubig ang mata. "Shh, sabi mo hindi ka na iiyak? Bakit ka umiiyak?" Tanong ko kay Arch ng umiyak sya sa balikat ko pero imbes na sumagot ay mas lumakas ang iyak nya at humigpit ang pagkakayakap sa akin. "Ali labas muna kami, bibili lang kami ng pagkain sa canteen" tumango lang ako sa kanila ng lumabas na silang dalawa ni Eun sa kwarto ko. "Arch wag masyadong higpitan kakayakap kay ate mo may sugat sya sa balikat" paalala ni mama kaya agad na napahiwalay si Arch sa pagkakayakap sa akin pinahiran ko naman ang luha nya saka hinalikan sa noo. "Tama na sabing iyak eh, mukha kang bata Arch magt- tenth grade ka na" ani ko sa kanya na ikinatawa nya nilingon ko naman si papa na lumapit sa akin kaya umalis si Arch sa may kama ko at tumabi kay mama na nagsimula ng umiyak. "Pangako anak, hindi na mauulit ang pangyaaring to" sabi ni papa saka niyakap at hinalikan ako sa noo I know that my father that he wanted to cry, pero dahil sya din ang kinukunan ng lakas ni mama eh pinipigilan nya, niyakap ko naman sya pabalik saka tinapik ang balikat nya. "Ang drama natin ngayon 'pa haha, si ate?" Ani ko ng humiwalay na sa yakap ko si papa at si Arch naman ang nakayakap sa akin ngayon sa bewang ko, mukha talaga syang bata. "Inaasikaso ng ate mo ngayon ang lilibingan ng tita Solemn mo, pero maya maya pupunta yun dito na text na din kasi ni Arch na gising ka na" sagot ni mama saka ako piningot sa tenga ng lumapit sya sakin at hinampas pa ako sa braso ko. "Angelique ha! Sinabi kong huwag na huwag kang papasok sa gulo, ba't ba ang tigas tigas ng ulo mo?! Pinag alala mo pa akong gagang bata ka, sa oras na maulit to susundan kita sa empyernong bata ka!" Singhal ni mama sa akin na ikinatawa ko sinamaan naman nya ako ng tingin kaya ngumuso akong nakatingin sa kanya at niyakap sya sa bewang. "Ma naman eh, empyerno agad? Madaming chance na pumunta ako sa langit, judgemental ka kamo" ani ko inirapan naman nya ako na ikinatawa nina papa at Arch na nasa tabi na pala ni papa ngayon. "Eh sa pinatay mo yung tyahin mo masama yun" biro nya na ikinatawa ko. "Hindi ko yun tyahin ma, sige ka asar ka ng asar sakin ngayon iiyak ka na naman mamaya kala mo naman hindi ako iniyakan nung dinala ako dito, sina Altrid nga po pala pa?" Ani ko kay mama bago bumaling kay papa na seryosong nakatingin sa amin, sa akin. "Iyak ng iyak si ate Altrid te kasi kung hindi daw sa katangahan nya hindi ka daw sana umabot sa ganyan kahit kinausap na ni papa na hindi mo kasalanan" sagot ni Arch, napahinga naman ako ng malalim ng maalala ang mukha ni Altrid na kahit puno ng pasa at dugo eh kitang kita parin sa mata nya ang pagsisi ng gabing iyon. "Sina Kai ma pumunta ba? Si Tries?" Ani ko kay mama na malungkot na nakatingin sa akin "Sina Kai papunta na pero ano kasi nak si Tries" alanganing ani ni mama "Bakit anong nangyari kay Tries ma? Ma n-nadamay ba sya?" nanghihinang tanong ko, hindi ko mapapatawad ang sarili ko pagmay nangyaring masama kay Tries. Umiling iling naman si mama bago huminga ng malalim "Hindi ko alam pero si Kai ang may dala ng sagot sa mga tanong mo, labas muna kami" sabi ni mama kasabay nun ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko at nakita kong pumasok si Kai, Rai at Tries na nakatitig lang ng matiim sa akin "Hi, babalik kami dito mamaya after nyo mag usap okay? Just call us if your done" ani ni Kai matapos akong yakapin at tinapik lang ni Rai ang balikat ko at hindi na sila nagsalita't lumabas na. "Hey" bati ko kay Tries pero seryoso padin syang nakatingin sa akin bago ako nilapitan at niyakap, nabigla man ay niyakap ko padin sya pabalik. "I'm sorry, I'm sorry Selene" he whispered to my ear, napapikit naman ako sa sinabi nya, hindi na nya ako gusto? May iba na ba sya? "Ikakasal ka na ba? May iba ka na ba? H-hindi mo na ba ako g-gusto?" Nanghihinang tanong ko ng humiwalay sya sa yakap, umiling iling naman sya at ngumiti ng tipid bago dumukwang at hinalikan ang noo ko. "I don't like you Ali, I'm sorry" he sincerely said . Parang gumuho ang buong mundo ko sa sinabi nya, ano yung sabi nyang ako lang yung gusto nya? Na hindi sya mapapagod pag ako na ang pinag uusapan? Asan na yung lahat ng pangako nya?. Unti unting bumuhos ang luha ko saka pinaghahampas ang dibdib nya. "Sinungaling ka! Sabi mo g-gusto mo ako! Nangako ka, sinabi mong hindi ka mapapagod! Tatlong linggo mo lang akong hindi nakita hindi mo na ako gusto?!" Sigaw ko saka umiyak. "No, no that's not what i —" "Sinungaling ka! Umalis ka na dito! Umalis ka na! S-sana, sana hindi nalang kita ginusto!" Sigaw ko na ikinalaki ng mata nya. "Selene that's not——" "Kahit anong sabihin—bitawan mo ako! Sana hindi ko nalang hinayaan ang sarili kong gustuhin ka! Sana, sana..." iyak ako ng iyak habang yakap yakap nya ako. Bakit? Bakit nangyayari tong lahat ng to?? Karma ko ba to sa pagpatay ko sa tyahin ko? Pero hindi ko naman yun tita eh! "No, shh stop crying. Hindi yun ang ibig kong sabihin" pang aalo nya pero mas umiyak ako. "Sinungaling ka, sinungaling ka" I mumbled and cried in his arms. "Lumabas ka na" ani ko ng makakuha na ako ng lakas at tinulak sya hindi ko na kaya ang nangyayari sa akin ngayon. "Selen—" "Labas!" "Selene n—" "Lumabas ka na! Ayoko ko—" "I—" "Selene listen to me—" "No you listen to me, lumabas—" "No! Listen to me! Shh stop crying, I'm sorry" ani nya sakin ng mas umiyak ako dahil sa sigaw nya. "I don't like you because I love you, I really do" he said and kiss my temple, humiwalay naman ako sa yakap nya saka sya tinignan. "W-what did you say?" Nanghihinang tanong ko
"I love you Selene I really do, I don't think I lke you cause i think i falling inlove with you my moon" Nakatitig lang ako sa kanya ng sabihin nya iyon at unti unting napapikit ng unti unti nyang ilapit ang mukha nya sa mukha ko, I bit my lower lip while looking at his hazel brown eyes and kissed him passionately. "I love you too Cuert " I said out of the blue before I smiled and hugged him tightly. I finally reached my home... —————————— :)
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice story
06/02/2025
0napaka gmda Ng story I like it
04/12/2024
0cool
25/10/2024
0Tingnan Lahat