Epilogue

Steffany's POV.
"You may kiss the bride.." narinig ko nalang na sabi ng pari. Busy kasi ako sa pag aayos ng buhok ni Addie dahil nagulo.
"Do I look pogi na ulit, tita?" tanong nito at nagpa-pogi sign pa sa akin na ikinatawa ko naman.
Napatingin ako sa unahan ng pumalakpak na ang mga bisita at kumukuha na ng litrato para sa bagong kasal.
Today is the wedding of Calex and Blythe. Higit isang taon din silang engaged at kaka-graduate lang ni Calex. I'm happy for them and especially to Addie, now he have a complete family.
Everything is doing well, kahit ako nagsimula na rin na tulungan sina Kuya sa negosyo. Siguro may mga bagay talaga na kapag nag let go ka ng taos sa puso you will find peace within you.
"Hey, buddy. Go there and congratulate your parents." utos ko dito at sunod-sunod naman itong tumango.
The ceremony went well at ngayon nga ay papunta na kami sa venue ng reception. Nasa sasakyan ako ngayon ni Tyler at naka sunod kami kay Louise. Buti nga napilit ko itong sumama para may mag drive sakin ngayong araw. It all ends well para sa amin ni Calex kaya his family and my family are in good terms.
"Una na akong papasok.." sabi ko kay Tyler ng makarating kami sa venue.
Palagay ko matatagalan itong makahanap ng space na pagpa-parkingan.
The reception is loaded with guest. Even the set up and preparation is great at talagang pinaghandaang mabuti. I know this place...Les envies.
It's an exclusive first class French restaurant own by Alexandria Priscott. Unlike to their other branches that you can just call and make a reservation, this one is different. You need to be a member of this restaurant first before you can set an appointment to them. It's for the high end VIP and it takes a lot of money to be a member. It's for the most wealthy people that value their privacy so much, and this three story restaurant offers it. It even have a spectacular garden na pwedeng pagdausan ng events, gaya nalang ngayon.
"Good Afternoon, Ma'am." the lady guard politely greeted me as I handed her my invitation.
"Okay, Ma'am your good, thank you." she said after doing a quick frisking on my body.
Maging ang seguridad dito ay mahigpit at hindi lang basta-basta ang mga nagbabantay dito. They are well-trained to protect their clients incase something worst happens.
"Miss, Steff.." biglang tabi sa akin ni Trisha at hinatak ako papunta sa table na naka assign sa amin.
"Looking good, Trisha." sabi ko dahil ang ganda nitong tignan sa peach colored dress nito. Blythe choose her to be her maid of honor and she should be. After all si Trisha lang ang naging sandalan ni Blythe ng namumuhay itong mag isa abroad.
"Hey, where's Tyler?" tanong ni Louise ng mapansing hindi ko kasama ang kambal ko.
"Probably looking for a space to park, sunod na rin 'yun." tumango lang ito bilang tugon sa sinabi ko.
"Ate.." bati ni Kiefer sa akin na nasa kabilang table lang kasama ang mga kaibigan nila ni Calex na tinanguan ko lang bilang pagbati.
Kiefer is doing good in school, he's in forth year at may isang taon pa s'ya bago makapagtapos ng pag-aaral.
The garden is grand and elegant. Kahit ang mga umaasikaso sa mga bisita, they are all well-trained. They skillfully assist every guest, Alexandria did a great job in their business. The party goes on pagkatapos naming kumain.
Naagaw naman ng emcee ang atensyon namin ng patunugin nito ang wine glass na hawak. Pinapapunta nito sa unahan ang mga dalagang bisita, para siguro ito sa tradisyon na saluhan ng bouquet. I saw Blythe infront holding her bouquet of red roses, she even wave at me to join, why would I?
"Miss, Steff let's go.." paanyaya ni Trisha sa akin.
"No! I mean, that thing is not for me, ikaw nalang, sige na." tanggi ko sa kanya.
"Oh, no! Tayo na, all single ladies nga daw diba, Kaya let's go. You're such a killjoy, h'wag ganun!" at pilit akong hinahatak.
"I think you should go, malay mo ikaw na ang susunod na ikakasal." pigil ang tawang sabi ni Louise kaya napatingin ako dito na hindi makapaniwala. I even hear a chuckle from Tyler.
"Just go.." he said with a small hint of smile on his face.
"See, they both agree that it's not a bad thing. This is just for fun, come on." at tuluyan na nga akong hinatak ni Trisha papunta sa gitna.
"Stay here and I'll stand there, okay?" sabay turo nito sa kabilang bahagi.
Napabuntong-hininga nalang ako, ano pa nga ba ang magagawa ko. This ladies are excited to catch the bouquet, what's with them? Parang nagmamadali silang makasal.
"Steff.." si Blythe at sumisinyas ito sa akin na parang sinasabihan ako ng I have my eye on you.
Isa pa 'yan, I found out this past years na makulit din ito. We been friends at masasabi ko na nakapagpalagayan na kami ng loob. First she felt sorry sa nangyari sa amin ni Calex, but I told her na wala s'yang kasalanan. Calex and I choose to let go para na rin sa ikabubuti ng lahat. This is our faith that we need to embrace para hindi na maging komplekado ang buhay namin. I don't have a reason para magtanim ng sama ng loob sa kanila. They were meant for each other in the first place.
Calex once said that, what we have is love at a wrong time. But now Calex found his right love at a right time. Let destiny do all the work for me. Tsk, I'm not a hopeless romantic person but why do I feel I'm acting like one?
"Damn!" mahina kung sambit.
"Ano 'yun?" tanong ni Trisha.
"Nothing, umayos kana ayan na oh.." sabi ko at excited naman itong tumayo ng tuwid.
All of the ladies are ready to hustle, except me.
"Be ready guys, I'll toss this after the count of three okay?" sabi ni Blythe at tumalikot na ng tayo sa amin. "Get ready, in the count of three. One.. two.. three.." at mataas itong inihagis ni Blythe sa ere.
They are dying to catch the bouquet but for a certain reason papunta ito sa direksyon ko. A woman try to bump me but I stand firm on the ground making her stumble. Parang slow motion sa akin ang nangyayari at bakit sa akin pa ito papunta? I made a quick step and pull Trisha and made her stand on my place where the bouquet is about to drop. Gulat na gulat ito as I raise both of her hands and the bouquet perfectly land in her hands.
"There, much better. Congratulations.." at kinindatan ito bago ko s'ya pinalakpakan.
The other guest are shock to what I did pero maya-maya lang ay nasipalakpakan naman. Hindi naman makapaniwala si Trisha sa ginawa ko sa kanya.
"You're unbelievable Steff! It's supposed to be you!" nakasimangot na pahayag ni Blythe ng makalapit ito sa amin. Tawa nalang ang naging sagot ko dahil hanggang ngayon gulat pa rin si Trisha.
"Paano ba 'yan Trish, you're next." natatawang sabi nito kay Trisha.
"Miss Steff, bakit mo 'yun ginawa? Nakakagulat ka naman kanina." gusot ang mukha ni Trisha ng sabihin ito.
"Ayaw mo sa lagay na 'yan?" tukoy ko dahil wagas nitong niyayakap ang kumpol ng bulaklak.
"Eh, kasi naman. But on the other hand, thank you. Nako, baka malapit ko ng makilala ang soulmate ko." kinikilig na pahayan nito na ikinatawa ni Blythe.
"Hey.." it's Calex at tumabi ito sa asawa.
"Congratulations!" I said.
"Thank you." he replied back and smile at me so I smile back.
"Anyway here's our gift." at kinuha ko ang envelope kay Tyler na nakatayo na sa gilid ko, tapos ay inabot kay Blythe.
"Hope you like it at sana mag enjoy kayo."
"Holy cow! Steff, thank you so much." si Blythe at niyakap ako.
"That's your five star hotel in South Korea right?" tanong ni Calex.
"Yup, we think magandang idea na makapagtravel kayong buong pamilya. After all this is your first travel as a family. Sigurado mag e-enjoy si Addie. All you have to do is enjoy, you're free to stay in the hotel as long as you like." I said. What we gave them is a card key of one of our hotel's presidential suite.
"Oh, my...I read a lot of positive feedback and review about that hotel. I'm so excited to stay there, again thank you so much for this." sabi ni Blythe na tuwang-tuwa.
"I'm glad you like it. Just tell me when do want to go para ma fix natin ang flight n'yo, just give me a call." tumango sila bilang tugon.
"So, papano una na kami, I have a meeting to catch." paalam namin at umalis na nga sa retaurant.
Una ng pumunta si Tyler sa parking dahil nagpaalam pa ako sa mga magulang ni Calex. Nagpaiwan naman si Louise at Kiefer sa restaurant.
I decided to follow Tyler sa parking ng may na receive akong text message. I was busy opening my phone when I bump into someone, gulat akong napatingin dito. Gulat din itong nakatingin sa akin at hindi ako nakapaghanda sa sunod nitong ginawa. Bigla n'ya nalang akong sinampal matapos makabawi sa pagkagulat, I didn't even manage to avoid it. Masakit ang ginawa nito na parang sobrang galit ito sa akin.
"What's wrong with you Alexandria?" I asked her in disbelief.
Yes, it's Alexandria Priscott the eight member of the mavens and the owner of this restaurant. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko sa kanya para sampalin ako ng ganun-ganun lang.
"I hate you! Always will and always be!" sigaw nito pabalik sa akin at hindi ko alam kung saan nito hinuhugot ang galit sa akin.
She might hate me before pero not to the point that she'll hit me physically, it's not her kind. So why with the sudden burst out?
"I always hated you before and now I hate you more!"
"The last time I check, wala akong ginawa sayo. So, what's the trouble all about?" kalmadong tanong ko dito.
"I hate your existence! Pero bakit pati tadhana ay gumawa ng paraan para mag krus ang landas natin. Ano ba ang meron ka na wala ako? I can be better than you." at nakita kung tumulo ang luha nito.
Pinunasan nito ang tumulong luha bago ako pinanlisikan ng mata. I don't get her, you'll see her soft as a kitten then all of a sudden she change into a fierce lion. Hindi ko talaga lubos maisip kung ano ang naging kasalanan ko sa isang ito.
"Kung galit ka sa'kin, wala na akong magagawa. But I wont allow you to slap me again, dahil baka hindi ako makapagtimpi at sisiguraduhin kung hindi lang basta sampal ang aabutin mo sa'kin." I said and was about to pass her.
"Wait.." napalingon naman ako sa gawi nito at nakitang may kinukuha ito sa bag n'ya.
"Here.." tapos may inabot itong papel na may nakalagay na address. Kunot noong lumingon ako dito.
"Duh! See it for yourself, wala akong pakialam sa'yo... b**ch!" at iniwan nalang ako na hindi alam kung ano ba ang nangyari.
Minsan nakakabobo rin pag wala kang alam sa nanyayari. It's hard to figure out something at wala kang idea dahil wala ka namang ginawang mali dito. Napatingin naman ako sa papel na hawak ko. What's with her and this address?
"Hey, Rue.." it's Tyler at kunot noo akong tinawag mula sa nakabukas nitong sasakyan.
"Huh?"
"I texted you to stay at the lobby but you're not there. Then I found you here seems to be so engrossed looking at that piece of paper. Then, why is your face red?" ang suplado talaga ng isang ito.
"Ah, wala." tanggi ko dito at pumasok na ng sasakyan nito para hindi na mag tanong pa.
"Let's go.." sabi ko at tumango naman ito bilang tugon.
I lean my head on the car's window and slowly close my eyes. Nasa ibang bansa ang address na 'yun and I'm so curious about that. May kasabihan nga na curiosity killed the cat. But what can I do? May sa pusa rin naman ako minsan, might even pay that address a visit one of this days.
The end!

Komento sa Aklat (5)

  • avatar
    Jaira Heruela

    nice story

    09/08/2022

      0
  • avatar
    Francis Charles Espiritu

    uuuuuuuuuuuuuuu

    24/06/2022

      0
  • avatar
    Brian Mangoba

    nice

    21/06/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo