Chapter 48--- The Se7en Sin “IRA” THIRD PERSON’S POV. “Maam, naayos na po ang namin ang pinabili n’yong bodega.” Pagbibigay alam ng isang tauhan nito sa kanya. “That’s good! Mag handa ka aalis tayo at gusto kong makita ng personal ang lugar na ‘yun. Ang lugar kung saan ko tatapusin ang lahat ng sinimulan ko!” Sabi nito na puno ng galit at mabilis naman na umalis ang tauhan nito. “The moment you came back Fritz tatapusin na kita. Madamay na ang pwedeng madamay, you’re just lucky pero puputulin ko na ang swerte mo sa araw na pinatay kita!” bulong nito at nakakakot na tumawa. ----------- “Let’s go!” sabi nito sa driver n’ya ng makapasok na ito sa loob ng sasakyan. Nasa kalagitnaan sila ng byahe ng makaramdam ito ng sobrang antok na hindi n’ya mapigilang ipikit ang mga mata nito. Iniisip n’ya na siguro dahil hindi ito gaanong nakatulog kagabi. Napalingon ito sa likuran nila at nakitang nakasunod naman ang mga tauhan nito sa kanila sa hindi kalayuan. Binalingan nito ng tingin ang driver n’ya at seryoso lang itong nakatutok sa daan. Maya-maya hindi na talaga nito mapigilang pumikit hanggang lamumin na ito ng dilim. Nagmulat ito at nakitang nakahinto na ang sasakyan nila sa tapat ng malaking bodega. Lumingon ito at hindi nito makita ang mga tauhan nito pati ang driver n’ya kaya inis itong lumabas ng sasakyan. Nasa liblib silang lugar bakas na din ng mga nagtataasang mga puno at damo na animoy walang pumupunta dito. Hindi n’ya talaga makita ang mga hinahanap kaya nag desisyon itong pumasok sa loob at baka nandun na ang mga ito. Kinapa n’ya ang dalang baril bago pumihit paharap sa bodega. Madilim ang loob ng bodega ng pumasok ito. Kinapa niya ang bulsa para sana sa cellphone nito na magagamit n’yang flashlight, pero mukhang naiwan nito sa sasakyan. Naglakad pa ito papasok para maghanap sana ng switch ng ilaw ng may narinig itong kalabog at biglang pagsara ng pinto. “Sh!t! Where the fvck are you?” sigaw nito na umalingaw-ngaw lang sa loob at hinugot ang baril na hawak. “Stop playing around and show yourself! Hindi na nakakatuwa ito, I’m gonna kill you all after this!” malakas na sigaw nito at nagpaputok ng baril. Napalingon ito ng may nag click na switch sa likuran nito kaya napatutok dun ang baril nito. Napapamura ito sa isipan ng makitang may taong naka tayo sa ilalim ng dim ng ilam. Nakasuot ito ng pulang cloak at nakayuko ito kaya hindi n’ya maaninag ang mukha nito. “Who are you?” tanong niya habang nakatutok ang baril dito pero hindi naman s’ya sinasagot. “I said, who are you?! I’m not up with your silly game, so who are you?” ulit nitong sigaw. Hindi pa rin ito sumasagot o kahit mag angat man lang ng ulo ay hindi nito ginawa. Maya-maya pa ay sunod-sunod na nagbukasan ang mga malalabong ilaw sa bawat gilid ng bodega kasama ang mga misteryosong tao sa ilalim nito. Nag panic ito at naglakad sa gitna ng bodega. Palipat-lipat na tinututok ang baril sa mga tao na nandun. Gulat ito ng makita ang malaking truck sa gitna. Hindi na maganda ang pakiramdam n’ya sa nangyayari lalo na at nakita nito ang truck na pinapatago n'ya sa malayong probinsya. “Anong kailangan n’yo? Take off your cloaks ang face me!” malakas na sigaw nito na nagpapanic. Unti-unti namang umangat ang ulo ng mga ito pero natatabunan pa rin ang kalahati ng mukha ng cloak ng mga ito. Umangat ang mga kamay nila at isa-isang tinanggal ang mga taklob nito paalis sa ulo nila. Nanlalaki ang mata n’ya na nagpaikot-ikot ng tingin sa mga taong nakapalibot sa kanya. “H-How? You’re dead!” at tinutok ang baril sa taong inaakala nitong patay na. “You too! You're suppose to be dead at paanong bumalik ang dati mong mukha?” naguguluhang tanong naman nito sa isa pa at nagsisisigaw na parang nababaliw. Nasa harapan nito ang mga taong ginamit nito sa larong sinimulan n’yang laruin, SALIGIA the seven deadly sins. Mga kasalanang ginawa n'ya sa katauhan nila Fredrick, Lavinia, Marky, Vexy, Fatima At kenneth. “Nice to meet you...IRA!” Napakalamig at napakakilabot na bulong ng kung sino sa tenga n’ya na hindi n’ya namalayang nakalapit sa kanya. Gumalaw ito para sana harapin at paputukan ang taong ‘yun ng maramdaman nito ang matinding sakit ng kamay dulot ng nabaling buto nito at dahilan para mabitawan nito ang hawak na baril. Mabilis namang nakapunta sa harapan nito ang taong bumulong sa kanya na mas ikinagalit nito. “Did I hurt you that much?” tila concern nitong tanong sa kanya. “FVCK YOU! SINO KA AT BAKIT NAKIKIALAM KA?!” nauubos na ang pasinsyang sigaw nito. “Me? As far as I remember hindi ako nakikialam sayo, kusa mo akong isinali sa makasarili mong laro. I don't want to play your stupid game anymore!” malamig na sagot nito sa kanya na ikinakunot lalo ng noo n’ya dahil sa pagtataka. “Now tell me, why are you doing this... Isabella?” dahan-dahang tanong nito at sinabi ang buong pangalan n’ya gamit ang nakakakilabot na tinig nito na kahit s’ya ay natakot pero hindi niya pinahalata. Gulat na gulat itong nakaharap sa nagsasalita, hindi ito makapaniwala dahil tinawag s’ya nito sa buo nitong pangalan. Galit, puot, sakit ang bumalot sa damdamin n'ya dahil sa tanong na ‘yun. “You don't know anything, kaya ‘wag kang mangialam!” Nakatayo ngayon sa harapan n’ya ang itinuring n’yang matalik na kaibigan at kung itinuring din ba talaga s’ya nitong kaibigan. “You don’t know what I been through just to get my revenge. Hindi ikaw ang nasa lugar ko. Hindi ikaw ang nakakita na unti-unting nawawala ang buo mong pamilya. I leave alone for years at ngayon ako maniningil sa lahat ng may kasalanan kung bakit nasira ang pamilya ko! Who the hell are you to question me?!” galit na galit nitong pahayag. “You came this far just to get your revenge? Sa tingin mo maibabalik ng paghihiganti mo ang buhay ng buo mong pamilya? Sinisira mo lang ang buhay mo, life has so much to offer you kaysa maghiganti ka.” “Nasimulan ko na kaya tatapusin ko na ito. My brother had so much potential lalo na sa negosyo but not that good compair to the members of mavens. Even our Dad is dissapointed about that because he want more from my brother. But it all started with Montereal na kung sana ay tinanggap nalang nito ang offer na maging maven dati, he is my brother's change for the title. Alam ng Kuya ko na pag tinanggap nito ang offer ng business world kaya n'yang makuha mula kay Fritz ang posisyon dahil wala ito sa wisyo ng mga panahon na ‘yun dahil kay Blythe.” pilit nitong pinapakalma ang sarili dahil sa lubos na emosyong nararamdaman sa pag-alaala ng nakaraan. “But no, he refused and because of that pumasok sa eksena si Jarvis na ikinadismaya ng kapatid ko. Alam ng lahat na wala itong pakialam lalo na pag tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan. Pero ng dahil kay Fritz pinilit nila si Jarvis and because of that alam ng kapatid ko na hindi nito kayang kalabanin si Jarvis. He is born genius, kahit sino ayaw bumangga dito.” nanlulumong salaysay nito. “My brother wanted that position and title so much. He want to prove something to our Dad dahil palagi nalang itong dismayado sa kanya. Nang dahil dito nakita kong unti-unting nawawala sa katinuan ang kapatid ko. See this truck?” at tinuro nito ang malaking truck sa likod nito. “He used this to bump Jarvis car that cause his tragic death, I'm with him during that incident. Bunos nalang sanang napasama ang nobya nitong si Steffany na kabilang din sa Maven. Swerte lang ito at nabuhay matapos ang aksidente. Nakonsensya ang kapatid ko at naisipang magpakamatay. He shoot his head in front of me. Hindi kinaya ng Mommy ko ang nangyari kay Kuya kaya na depressed ito at kalaunan nagkasakit at namatay. The next year nawala din ang Daddy ko dahil pinatay s’ya ng kung sinong nanluob sa amin.” humagulgol na ito dahil sa masalimuot nitong nakaraan. “Nalulong ang Daddy ko sa sugal dahil sa nangyari sa pamilya namin. Nagkautang ito ng malaki at buhay niya ang naging kabayaran and that same night nasira din ang buo kong pagkatao.” galit na galit itong tumingin sa kaharap kahit na limas ng luha sng buong mukha. “I was molested for hours, multiple times right in front of my father's lifeless body. Tinigilan lang nila ako ng magsawa na sila at nakitang nanlalanta na at parang mawawalan na ako ng buhay, iniwan nalang nila akong naghihingalo. I felt so helpless that time, bakit nangyari sa amin lahat ng ‘yun. I am leaving to get my revenge kaya gagawin ko ang lahat makapaghiganti lang!” pagbabanta nito na hindi pinansin ng kaharap bagkos ay wala itong emosyong naka tingin sa kanya. “Noong balak akong patayin ni Vexy, you also tried to kill me using that truck... again.” panimula ng kaharap nito at tinanggal ang sobrero na nakatakip sa mukha nito na ikinakunot niya ng noo. “I survived that truck twice and yes Issa, ako at si Steffany ay iisa.” nagulat ito sa ibinunyag ng kaibigan, hindi ito makapaniwalang tumingin sa kaharap. “Also because of that truck naalala kita, I saw you that time. Lumapit ka and I even asked help from you pero tinalikuran mo lang kami. All along ikaw ang may kasalanan kung bakit nagkaganyan ang buhay mo at kung bakit nasira ang pamilya mo. Pwede mo sanang pigilan ang kapatid mo sa balak nitong gawin pero hindi mo ginawa. You could save him and your family but you refused to do what’s right.” “Ang dali lang para sayo na sabihin ‘yan, hindi kasi ikaw ang nasa lugar ko. You are a modern day princess that is love by everyone kaya hindi mo ako maiintindihan.” “Just stop this Issa. Do the right thing, ayusin mo ang buhay mo hanggang kaya mo pa itong ayusin, don’t let anger and your love to revenge take over you. Magbago kana, let’s end this Issa. Just stop doing this.” malumanay nitong sabi na ikinainis ni Issa. “ You know what’s the right thing to do right now? KILL YOU!” at hinawakan nito ng mahigpit ang baril at itinutok sa kaharap. Kakalabitin n’ya na sana ang baril pero naunahan ito ni Steffany. Hinawakan nito ang baril at tinanggal ang magazine saka nirelease ang pagkakakasa nito dahilan para tumalsik ang natitirang bala sa loob ng baril. Sunod itong umikot sa likod n’ya at sinipa ang likod nito kaya napaluhod na lamang s’ya. “Your revenge is irrational. Wala kang karapatan para manakit ng sinumang inosenteng tao. Ang dami mong naging kasalanan hindi lang sa akin kundi pati sa iba pa. Merong mga taong namatay dahil sa paghihiganti mong hindi makatarungan. I can kill you right here, right now if I want to.” walang nababakas na emosyon na pahayag nito at bigla n’ya itong sinakal. “I treated you as my friend Issa but what is this? Hindi na ikaw ito..” “Just kill me now para matapos na tayo!” malakas nasigaw nito. “I give you a chance but you refused. Sisimulan ko ng laruin ang part ko sa larong ito, let’s finish your stupid game!” at bigla s’ya nitong itinulak kaya napasubsob ito sa sahig. Galit na galit itong tumingin kay Steffany at akmang susugod ng mapansin nito ang mga lumalapit sa kanya. “Anong ginagawa n’yo? Get away from me!” sigaw nito at pilit na lumalayo. Nang maalala na ni Steffany si Issa gumawa na agad ito ng plano. Sinimulan n’ya ito sa paghahanap ng truck na ginamit sa aksedente na kinasangkutan nila dati. She know Issa suffered too much pero nilamon ito ng madilim at mapait nitong nakaraan at kasalukuyang nabububuhay para maghiganti. With the help of her connections and people nasagawa n’ya ang plano without Issa knowing na ang ibang mga tauhan nito ay napalitan na ng iba. Dahil sa tulong naman nila Blake kaya nabigyang buhay ulit ang katauhan ng mga pumanaw na sina Frederick at Lavenia. “Umalis kayo!” sigaw at tinulak ang mga kaharap at tumakbo sa pinakadulo ng bodega kung saan may maliit na pintuan. “Babalikan ko kayo tandaan n’yo ito!” huling pahayag nito bago pumasok sa pinto. They hear a sudden slam, tila may isinaradong bagay na gawa sa bakal. Maya-maya ang sigaw ni Issa ang umalingawngaw sa buong paligid. Nag wawala ito at pinipilit lumabas hanggang sa unti-unti ng humihina ang boses nito at tuluyang nawala. Mayamaya pa ay may lumabas na lalaki mula sa pintuan, naka ngisi ito habang pinapagpag ang mga kamay. “My work’s done." Pahayag nito. “Tell them to take her Cloud.” sabi ni Steffany at tumango lang ang kausap. .................... Nagising ito na nanghihina, bumangon s’ya at umupo sa sahig at pilit inaalala ang nangyari. Ang bodega, ang SALIGIA, si Steffany, ang pagsisigaw nito at ang unti-unting pagkawala ng malay n’ya. Naikuyom nito ang mga palad, ilang oras ba itong nawalan ng malay? “Fvck!!!” naramdaman nito ang kirot sa mga natamong galos at ang sugat sa kamay gawa ng pilit nitong binubuksan ang bakal na pintuan. Pinakiramdaman nito ang paligid at mukhang matiwasay naman. Lumapit ito sa pintuan at nakita ang kunting siwang dito, it’s open. Nang makalabas na ito ng tuluyan hinarap nito ang pinanggalingan ay napasigaw sa sobrang inis nito. “You b!tch! Aahhh...” ipinasok s’ya sa isang container van. Nilibot nito ang buong paligid at nakitang matataas na glass wall ang nakapalibot dito at hindi lang ‘yun napapalibutan din ito ng dagat, nasa gitna s’ya ng karagatan. “Good morning!" Bati ng kung sino sa likod n’ya at may kung anong itinusok sa leeg nito na nakakapanghina dahil bigla nalang s’yang nawalan nga balanse. Hinawakan naman ako sa paa ng lalaking naka puting uniform at may suot na facemask. Sumisipol ito ng sinimulan itong hatakin papasok. “Where am I? Ano ang lugar na ito?” nanghihina nitong tanong na saglit ikinalingon ng humahatak sa kanya. “This is a sanctuary for rare cases of mental health problems. Don’t worry you’ll find peace in here...real peace.” nakakakilabot nitong sagot. Huminto ito sa tapat ng isang kwarto may nakasulat na pangalan sa labas ng pinto. “Issabella Santos..” basa nito at ipinasok ako sa loob. Hindi ako makapalag dahil sa nanghihina ako. “You’ll be fine in here..” sabi nito na naka ngisi na ngayon dahil tinanggal nito ang suot na facemask. “Mr. Reverro! Pumasok kana naman ng opisina at nakialam ng mga gamit at ikaw na naman ang nagpasok ng bagong pasyente dito. Go back to your room now! Kailangan mo nang inumin ang mga gamot mo.” Sigaw ng babaeng naka puting uniform gaya ng lalaki. Kasunod nito ang dalawang naka berdeng uniform na mga lalakit na hinawakan sa magkabilang kamay ang lalaking kumaladkad sa kanya. “What the fvck! The guy earlier is a mental patient. Fvck, hindi ako baliw bakit ako nandito?” tanong nito sa isip n’ya at unti-unting tumihaya at nakita ang puro puting kwarto. “AAHHHH....” buong lakas niyang sigaw kasunod ng pagsarado ng pinto ng kwarto nito.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice story
09/08/2022
0uuuuuuuuuuuuuuu
24/06/2022
0nice
21/06/2022
0Tingnan Lahat