chapter: 47- Happiness STEFFANY’S POV. Today is Addie’s birthday and also his operation. Nagkita na si Calex at Addie kahapon, I made his request come true. Sobrang saya ni Addie ng makita n’ya si Calex. He is a smart kid alam kong alam nito na may namamagitan sa amin ni Calex. He even saw Calex holding my hand and all he did is to smile towards us. I don’t know but all I can feel is genuine happiness for the kid. “Here..” napabaling ako kay Calex ng mag-abot ito sa akin ng kape at tumabi sa akin ng upo dito sa waiting area sa tapat ng operating room. Si Blythe naman at Trisha ay nasa chapel at nagdarasal, maya-maya nandito na naman ulit ang mga iyon. This is Addie’s final operation kung saan tuluyan ng isasara ang butas sa puso nito. Naubos na kasi lahat ng savings ni Blythe kaya nahirapan na itong makapag-ipon para sa operasyon ni Addie. Hindi naman ganun ka laki ang sahod n’ya. She’s a cashier in a nearby restaurant. “What are you thinking?” tanong nito at hinawakan ang malaya kong kamay. “After this uuwi na akong pilipinas. Doon naman ang aayusin kong gulo.” “Then let’s go home together. I will still look after Addie, it’s better to be this way. After all, I’m still his father we can’t change it.” yes, he’s Addie’s Dad. Bagay na hindi na namin mababago ngayong nalaman na namin ang existence ni Addie. “No, you stay here and look after Addie. He needs you, para na rin bumilis ang pag galing n’ya.” “Blythe is here to take good care of Addie. I can even hire a private nurse to watch over him.” parang inis nitong sabi. “It’s not like that. Ngayon lang kayo nagkita and for the past years hindi n’ya naranasan na may Ama s’ya sa tabi niya. Give the kid some consideration.” “Is that what you want?” matabang nitong tanong sa akin. “It’s not what I want, It’s what we have to do.” sagot ko naikinabuntong hininga nito. “Let’s see each other after Addie’s recovery. I’ll be waiting in the place where we first meet, in the place where we felt so much happiness. In the place where we suppose to start our new beggining. I’ll wait you there Cal.” I smile at him kahit na unti-unting nadudurong ang puso ko. I learned in life that aside from growing up we also learn to value things and people around us. Hindi iyong tipong sarili lang natin ang ini-intinde natin. Life is not just about rainbows and butterflies. Sa paglipas ng panahon we also found out that life is also about rain and darkness. We will learn to be strong by accepting those negatives. “I will miss you then..” sabi nito at isinandal ang ulo sa balikat ko. “I love you so much that I am missing you right now.” sabi ko din at ipinatong ang ulo ko sa ulo n’ya. Nasa ganuon kaming posisyon ng bumukas ang pinto ng operating room at lumabas doon si Ate Janithe na pawisan. Kakabalik lang din nila Blythe kaya mabilis itong lumapit pati si Calex. “Good news! The operation is successful but we still need to transfer Addie to the ICU for further observation.” narinig kong pahayag ni Ate Janithe bago ako lumabas. I also feel relieved dahil sa ligtas na ang bata. I don’t know where this came from pero I feel so much lighter, parang may tinik na natanggal sa dibdib ko. “I think you need this.” biglang may nagsalita sa likuran ko at nilagay sa kamay ko ang chocolate. “I’m not sad Ate, actually I’m happy for Addie, for them. I don’t know.” “Because you doesn’t have hatred in your heart.” ngiti nitong sabi at tumabi sa akin. “Want some?” alok nito sa iniinom na kape na agad ko namang tinanggihan. “No, thank you. Kakatapos ko lang din magkape.” “When you are young I remember the times that you are sad because Tito is on a business trip and he needs to be away from you. Your a Daddy’s girl back then.” I smiled to her statement. “I remember that he always give you that chocolate to make you happy even though he like it so much.” napatingin ako sa hawak kung chocolate. What’s so special about this toblerone? It makes me happy before or siguro dahil sa taong nagbibigay sa akin nito. “That is the time that I realized that my brother so much care about you. I thought you will end up in the altar, but that accident destroyed everything.” “Ate Janithe I am so sorry.” ngumiti lang ito ng malungkot. “I see that your happy, that is more important. I know he is willing to give up everything for you to be happy. Pasok na tayo sa loob malamig na dito sa labas.” at inabot nito sa akin ang kanan n’yang kamay na inabot ko naman. Nagulat naman ako ng hinatak n’ya ako at niyakap ng sobrang higpit. “He loves you Steff, he loves you so much.” at bigla itong humagulgol. “Ate..” I don’t know what to say with the sudden outburst of Ate Janithe. “Steffany..” tawag nito sakin ng pabalik na ako kina Calex. “He always love’s you Steff, always will and always be.” Hindi ko makuha ang ibig nitong sabihin kaya nagtaka ako at napakunot ang noo ko, pero ngumiti lang ito ng matamis sa akin at pumasok na ng opisina n’ya. ................................ “Always remember that I love you, wait for me babe.” He kiss my cheek after saying that. “Yeah, see you then.” I smile and wave bago tumalikod. Ngayon ang flight ko pabalik ng pilipinas, I have so much work to be done. Dapat nasasaktan ako kasi iiwan ko ang taong mahal ko, pero I’m happy. He needs to stay with Addie for a while. Napapangiti ako sa sinabi ng batang iyon. Huwag daw akong malungkot because his Daddy loves me so does he. Napakalawak ng pag-unawa ng batang iyon. Sana, sana ganoon nalang kadali ang lahat Addie. .................................. “Hey Steff!” tawag ng atensyon ko ng makalabas ako ng airport. I saw Yce waving at me kaya napangiti ako. Nauna na kasi itong umuwi. “Are you okay?” tanong nito ng makapasok na kami sa sasakyan n’ya. “I am, Yce.” sagot ko at humarap sa kanya. “No your not!” at hinatak ako at niyakap. “Can I cry, just this once?” “Cry Steff, cry.” bigla nalang din naglaglagan ang mga luhang pinipigilan ko na tumulo nitong makalipas na mga linggo. “Crying doesn’t make you weak. It’s accepting and it’s also a way to show them that it’s over.” sabi nito na hinahagod ang likod ko. “Accepting... yes, I am accepting everything. Alam ko na naman ang mga dapat kong gawin. Gusto ko lang mawala ang bigat na dinadala ko at maging totoo din sa sarili ko. Nasasaktan ako Yce.” “Yes, you are and it’s your choice. People are hurting because they choose too. It’s either stay hurting or choose to be happy. But we know that the way to our happiness is hard. We need to earn it the hard way and to be hurt is part of that way.” napangiti ako kasi malalim ang sinasabi ni Yce. “Thank you Yce. Lets go.” sabi ko at nagpunas ng luha. Dumiretso kami sa mainhouse. Nagpalit lang ako ng damit at nagpahinga ng kunti saka pinuntahan si Yce. Kami lang kasi ang nandito ngayon ni Yce, may mga meeting daw ang iba. “Did you contact them?” tanong ko dito. “Yes, all set for your game. Ang player nalang ang kulang.” “Okay, keep them ready.” .................................... Nandito ako sa canteen ng school ngayon at hinihintay na magbreak ang iba. Wala kasi akong klase sa subject ko bago mag lunchbreak. “Uriel, kanina ka pa ba?” It’s Issa na kakadating lang at may nilapag na paperbag sa ibabaw ng lamesa. “Nagluto kasi ako sa bahay kaya naisipan ko na magbalot para na din mapaghatian natin. I miss to be with you.” sabi n’ya. “Kain na tayo, ito ang kutsara’t tinidor mo, kain ka madami.” sunod-sunod nitong sabi. “Issa what’s wrong?” I tried to asked her. “Wala naman ano kaba, na miss lang kitang kasama. Ang tagal mo kasing nawala kaya nalulungkot tuloy ako.” depensa nito kaya tumango lang ako kahit na hindi naman ako kumbensido sa sagot nito. “I’m thankful na naging bestfriend kita Uriel. Kung mauulit man ito at sa ibang panahon at oras ako mapunta, ikaw pa rin ang gusto kong maging bestfriend.” I can see loneliness in her eyes pero pinabayaan ko nalang. Natapos kaming kumain at doon na namin halos naubos ang isang oras naming break. Naglalakad na kami ngayon papunta sa mga sunod naming klase, nasa kabila kasi ang building nila. “Sorry Uriel...sorry.” bigla n’ya nalang akong niyakap. “Bakit ka nagso-sorry?” tanong ko sa kanya pero tanging iling lang ang ginawa n’ya. “Haha ang drama ko. Sabi ko sorry kasi sobra akong makulit, alam ko namang nakukulitan ka sa akin kaya sorry.” pahayag nito. “Paano una na ako. Bye Uriel, ingat ka palagi.” at tumalikod na s’ya para pumuntang building nito. Ang bigat ng pakiramdam ko habang pinagmamasdan ko si Issa na maglakad palayo. Tinanaw ko ito hanggang mawala na ito sa aking paningin. It was also the day that I last saw Issa in school.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice story
09/08/2022
0uuuuuuuuuuuuuuu
24/06/2022
0nice
21/06/2022
0Tingnan Lahat