logo text

Chapter 46

Chapter: 46- Illuminate
Steffany’s POV.
Nasa kalagitnaan ako ng pagrereview ng mga proposals para sa hotel dito sa LA ng mag beep ang intercom sa gilid ng lamesa ko.
“ Yes Mary?” ito ay naka assign sa may lobby ng hotel.
“Maam, I would like to inform you that Mr. Montereal just arrived.” magalang nitong pinaalam.
“Okay, be there in a sec.” sagot ko bago niligpit ang mga kalat ko.
Pagkatapos ng nangyari kay Fredrick Monterial ay pumunta agad ako dito sa LA dahil may mga bagay akong dapat tapusin at ayusin. The Montereal are all over the news after what happened to Fredrick. He is found dead by the authorities. Ofcourse we manipulated the story. Pinalabas namin sa report nagsuicide ito, wala din namang bakas ng mga tauhan nito na napatay namin ang nandun.
To bad for Calex’s parents nagluksa talaga ang mga ito sa nangyari. His father even blamed himself dahil hindi n’ya daw nalaman na may pinagdadaanan ang Kuya n’ya. Calex on the other hand knows the truth, kung gaano kasama at sakim ang kanyang tiyuhin. It’s my third day here and inaasahan ko na din ang pagsipot ni Calex dito.
“Hey..” kuha ko ng atensyon niya dahil ang lalim ng iniisip nito.
“O-Oh, hey.” naiilang nitong sabi at tumayo na sa couch.
“Let’s grab some coffee.” sabi ko naman. Nakita ko lang itong tumango kaya naglakad na ako sa cafe ng mismong hotel.
“Thank you.” nakangiti kong sabi sa nag serve ng order namin. We settled on the far corner of this cafe para makapag-usap ng maayos.
“How’s your flight?” bigla kong tanong after I sipped from my cup of coffee. I am trying to lighten our atmosphere so we could talk comfortably.
“It’s fine. Feeling a bit exhausted but I can handle myself.” sagot nito at sumimsim din sa kape nito.
“I want you to meet someone. Birthday n’ya this coming sunday, same day of his operation.” tumatango-tango lang ito habang nagsasalita ako.
“ I need to face it. I need to fix the mess that I made in order for us to move on. I am still hoping for the best of us, Steff.” malungkot nitong pahayag.
“Me too Cal, me too..” sagot ko bago nag-iwas ng tingin dahil naalala ko ang mga ginawa ko maayos lang ang lahat.
..................….
Flashback a month ago...
“What will we do now?” tanong ni Yce ng nasa tapat na kami ng maliit na appartment ng mga taong kailangan namin.
“We can’t fix anything kung hanggang dito lang tayo at magmamasid.” sagot ko sa kanya.
“Go back to Elli’s shop, ako na ang bahala dito.” kay Elli kasi kami tumuloy muna. Where few kilometers away from the busy city of Los Angeles.
It’s a small town, a peaceful town. Dito na kasi namalagi si Elli. She have a book cafe and a flower shop. You can simply read a book and enjoy your favorite coffee at the same time.
“You sure?” halatang nag-aalala si Yce sa akin.
“Yeah. Anyway where’s the files?” tanong ko sa kanya na agad n’ya namang inabot sa akin.
“Take care okay. Just call me when you need me.” sabi n’ya bago ako halikan sa noo at sumakay na sa sasakyan nito.
Nakatayo lang ako sa may puno sa tapat ng bahay nila hanggang mag decide ako na lumapit na sa bahay. It’s a small flat with wooden fences. There living a simple life. Mag pa-five pm pa lang dito. I pressed the door bell before I heard a wowan shouting for me to wait.
“Yes how may I help you?” A woman said smiling after she opened the door, haven’t recognice me.
“Hey, it’s me Steffany. Anyway I got your address from Dr. Accardo. Hope you don't mind.” I informed her.
“Hala Maam, hindi po kita nakilala agad dahil iba ang kulay ng mga mata mo. Halika po pasok po kayo, tsaka ayos lang po ‘yun lalo na’t ikaw po talaga ang pumunta dito.” at magiliw akong hinatak papasok ng bahay at pinaupo sa couch nila.
“Umm...where’s Addie?” tanong ko.
“Nako Maam dala po ng Mama n’ya at kakausapin nila si Dr. Accardo.” and she glance to her wrist watch. “Pabalik na naman po sila at may pasok pa sa restaurant ang Mama n’ya mamaya. Nako,  kuha ko po kayo ng makakain, sandali lang po.” and she hurriedly run to the kitchen.
Nilibot ko ang buong bahay at kumpleto naman sa mga gamit ang mga ito. Marami din silang picture sa frame na mag-ina, ang iba silang tatlo ng babae.
“ Maam kainin n’yo po muna habang naghihintay.” nilapag n’ya ang muffin at juice sa center table.
“Thank you..” sabi ko bago kami nakarinig ng doorbell.
“Baka sila na ‘yan, wait lang po Maam.” at pinuntahan n’ya na ang pinto.
“What are you saying Trisha? You mean Steffany Villasenior in our house? You got to be kidding me?” narinig kong gulat na sigaw nag isang babae at mabilis ang yabag nito papasok.
“U-Umm...” hindi ito makapagsalita sa harap ko kaya nginitian ko s’ya.
“Miss guardian angel, your here. You came for Addie.” sabi ng bata at bigla nalang ako dinambahan ng yakap.
Naguguluhan naman na napatingin ang Mama nito dahil kilala ako ng anak n’ya.
“She’s also the person that save Addie the last time we where in the hospital.”
“O-Oh..” iyon lang ang bukod tanging nasabi nito at sobrang tutok ito sa akin. Nilingon ko naman si Addie.
“I brought some toys for you. You can check it in your room together with Trisha, go baby.” nakangiting sabi ko sa bata at tinanguan ko si Trisha at inabot ko sa kanya ang malaking paperbag na dala ko.
“ Y-Your also Uriel right. Fritz girlfriend.” mahinang sabi nito siguro ay narecognized ako. Tumango lang ako para sumang-ayon sa kanya.
“I don’t want to be rude pero ano ang kailangan mo? Hindi ko naman kayo balak paghiwalayin ni Fritz it’s just that I badly needed his help. Kaso ng makita ko kayo na masaya ayaw ko ng manggulo, kaya sabi ko sige kakayanin ko nalang. I backoff  hindi n’yo na dapat malaman ang problema ko, lalo na si Fritz. He don’t have to know.” naiiyak na sabi nito. Kaya napabuntong hininga ako at inabot sa kanya ang files na dala ko.
“I’m here to help Addie, I’m not doing this to anyone but Addie. Wala s’yang kinalaman sa lahat ng ito.”
“ Now I know why Fritz love you so much..” hagulgol nito.
“Ikaw din naman, you sacrifice alot. Tinakot ka ng mga magulang mo the moment they found out about Calex. Magkaaway sa negosyo n’yo ang mga pamilya n’yo, that’s the reason kung bakit ka nila pinadala sa US.” tango lang ang tanging ginagawa nito.
“The moment they found out na buntis ka tinakwil ka nila at tinanggalan ng mana. Kaya lumipat ka dito at dito na nakapagtrabaho. That’s so brave of you to choose what’s right at pinalaki mo ng ayos ang anak mo kahit mag-isa ka lang.”
“Thanks to Trisha tinulungan n’ya akong makabangon. She’s like a sister to me, she’s our family.” nakatingin s’ya sa mata ko ng sabihin iyon.
“I support various charities, children with congenital heart disease is one of those charities I help. I also have a share in V & A medilink, I can set an appointment for Addie’s operation. Kakausapin ko si Ate Janithe, you have nothing to worry about. Just pray for Addie’s operation to be successful.” lumapit ito sa akin at lumuhod sa harap ko at biglang humagulgol.
“W-What...I-I don’t know what we did to deserve you. Y-You came during or toughest battle. Like what Addie believe, your like an angel spreading your wings to shelter us.” she sincerly said.
“Alam ko nasasaktan ka ngayon na kaharap mo kami ni Addie. I’m sorry I mean no harm noong nanghingi ako ng tulong. Addie deserve to live at kahit magmukha akong katawa-tawa, gagawin ko pa rin lahat ng makakaya ko para kay Addie.”
“Masakit pero kinakaya ko because you are part of him. We can’t move forward if we don’t fix this.” sabi ko naman.
“You have a very good heart Steff. Pilit mong inaayos ang mga bagay na hindi mo naman kasalanan kung bakit nasira una pa lang. Even though your hurting.”
“When we learn to love we also learn how to be hurt. Nasa sayo nalang kung paano mo ito dadalhin. Can I ask you something?” tumango naman ito.
“Can I still keep him?” nagulat ito sa tanong ko.
“He is not ours to keep Steff, keep him and learn to be selfish for the person you love.” sagot nito na nakangiti ng makabawi ito sa tanong ko.
“I got to go, magpapaalam lang ako kay Addie.” tumayo na ako kaya sumunod na rin ito sa pagtayo.
Pumasok kami sa isang kwarto at nakita ko doon sila Addie na naglalaro ng mga pinamili kong laruan.
“Addie..” tawag ko dito. Tumango lang sa akin si Blythe at sumunod naman si Trisha.
Yes it’s Blythe Reinee Del Rio the mother of Addie and Calex’s ex-girlfriend.
“Addie I’m going na, won’t you say your goodbye to Tita Steff? What are you doing baby?” at sinilip ko ang sinusulat n’ya.
Nagdra-drawing pala ito. In his drawing may mag Nanay na magkahawak kamay. Then an angel on their side. Pero napakunot ang noo ko sa isang drawing n’ya.
“Is this me?” I assumed na ako ang angel na ginuhit n’ya.
“Yes po, Tita!” magiliw na sagot nito sa akin.
“Then who’s this? He doesn’t have a face, why?” turo ko sa lalaki na ginuhit n’ya. Wala kasi itong mukha.
“That’s my Dad. I don’t know if he’s happy about me or mad. I don’t even know him, that’s why I can’t put a face in it.” he innocently said.
“Mommy said he is happy now and she don’t want to take that happiness away. She said that she’s the reason why my Dad became sad.” kwento pa n’ya.
“I believe that you are my guardian angel. Can you find a way for me to see my Dad? I wont ask him to stay because I don’t want him to stay. He is happy without us and I want it to keep it that way. My birthday is near, I want to see him for a moment.” sobrang lungkot niyang sabi, I even feel the sadness in his heart. Parang hindi ito bata kung magsalita.
Nagulat din naman ako sa sinabi n’ya at kahit ako nalulungkot din sa nais n’yang mangyari. Its either his happiness or mine.
End of flashback....
........................................
“Could we still be together after this? I mean, we can’t return to the way we used to before but I’m hoping that you are still holding me until the end. It’s your decision to follow but I still want to be with you.” malungkot nitong sabi na ikinangiti ko.
“I want to be selfish after this, even for a bit. We can’t choose our destiny but we can choose to be happy even for a while. You are my happiness Cal and will always be. Kahit na anong mangyari let’s still be friends. Masakit pero kakayanin natin ito.” I saw a tear fell in his cheek.
“I love you so much Steffany and I am still.”

Komento sa Aklat (5)

  • avatar
    Jaira Heruela

    nice story

    09/08/2022

      0
  • avatar
    Francis Charles Espiritu

    uuuuuuuuuuuuuuu

    24/06/2022

      0
  • avatar
    Brian Mangoba

    nice

    21/06/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata