Chapter 43--- The Question __________ Steffany/Uriel's POV. Bumabalik ako sa nangyari 5 years ago. Ang kaibahan lang ngayon, natutuwa ako kasi nakikita ko na ang mukha ng taong nagligtas sa'kin. Isa nalang ang pilit kong inaalala... 'yung babae na tinalikuran lang kami when we needed help the most. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Puting kwarto, nasa ospital ako. The last time I remembered ay 'yung time na nanghihina ako at kasama ko si Vexy. Then the guy from my past came in and saved me again. Napatingin ako sa kanang kamay ko dahil gumalaw ang kanina'y humahawak nito. ''Hey, gising kana..'' Malumanay nitong sabi dahil kakagising lang nito. Inalalayan n'ya akong maka-upo at maka-inom ng tubig bago magsalitang muli. ''Wait, I' ll call the doctor.'' Marahan lang akong tumango kay Kuya. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Napangiti ako sa unti-unting gumising na si Mama. Nasa sofa ito at naka patong ang mga paa nito sa binti ni Kiefer na natutulog pa. Nagsiksikan naman sa malaking sofa bed sina Tyler, Cloud at Sunny. Nakakatuwa silang pagmasdan. ''Anak, gising kana pala. Ayos na ba ang pakiramdam mo?'' Nakikita ko sa mga mata ni Mama ang pag-aalala kaya marahan akong tumango at ngumiti sa kanya. ''Salamat naman at ligtas kana. Sobra kaming nag-alala sa'yo. Akala namin iiwan mo na kami anak..'' At bigla nalang itong umiyak. ''S-Sorry, M-Ma..'' Pilit kong sinabi sa kanya dahil nahihirapan pa akong magsalita. Parang may bumabara kasi sa lalamunan ko. Niyakap lang ako ni Mama ng mahigpit. Dumating rin naman ang doktor. Okay na daw ang lagay ko at pwede na akong lumabas bukas kung gusto namin. Bibisitahin n'ya nalang daw ako for further check-up. Isang linggo pala akong natulog. Epekto daw ng lason sa katawan ko. Mabuti nga at naisugod ako agad sa ospital dahil kung hindi ay baka namatay na 'ko. ''Kuya si Calex?'' Mahinang tanong ko kay Kuya Raven. ''Nandito s'ya ng araw na isinugod ka. He went off after n'yang malaman na ligtas kana, 'til then hindi na s'ya dumalaw pa dito.'' Tumango lang ako. ''Kuya, can I ask you?'' ''Sure thing.'' ''Remember noong naaksidente ako...kami. Sino nagdala sakin sa hospital?'' Seryosong tanong ko sa kanya. ''Oh, that? I don't know. Hindi na rin ako nakapagtanong that time kasi kapakanan mo ang iniisip ko.'' ''Aah...ganun ba.'' Sabi ko sabay hikab, kasi inaantok na ako. Epekto siguro ng gamot na pinainom sa'kin. ''Yeah. So now, sleep..'' Malumanay na sabi ni Kuya bago ako halikan sa noo. Pagkatapos ay ngumiti ako sa kanya at pumikit na hanggang sa makatulog na ako. __________ Lumingon ako sa wall clock at mag si-six thirty na ng umaga. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko. Mukhang ayos na naman ako. Tinanggal na nga nila ang IV ko. Mag-isa lang ako sa kwarto kaya maingat akong tumayo at nagtungo sa banyo. Nag ayos muna ako ng sarili bago ako lumabas ng kwarto. ''Excuse me, Miss..'' Kuha ko sa atensyon ng nurse. ''Yes, Maam? Ano po'ng kailangan n'yo?'' Tanong nito. ''Nasaan ang kwarto ni Vexy Basquez?'' ''Ay, tamang-tama po Maam. Doon po ang punta ko ngayon, sumabay kana lang po sa'kin.'' Magalang na pahayag n'ya at nauna ng maglakad, kaya sumunod ako sa kanya. Narating naman agad namin ang siguro ay kwarto nito. Pumasok na ang nurse kaya pumasok na rin ako, pero nanatili akong nakatayo malapit sa pinto. May mid-40's naman na babaeng malungkot na naka tingin kay Vexy, Mommy n'ya siguro ito. May bandage ang ulo nito at maraming apparatus na naka saksak sa kanya. ''I-ikaw 'yung kasama ng anak kong isinugod dito, diba?'' Malungkot nitong tanong sa'kin. ''Opo..'' ''Alam ko na ang nangyari hija at ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ng a-anak ko.'' At bigla nalang itong umiyak, kaya lumapit ako sa kanya. ''Okay lang po. Tahan na po, pinapatawad ko na po ang anak n'yo.'' I said it sincerely, pero mas lalo lang itong umiyak. ''Hindi naman ganyan dati ang batang 'yan. She's sweet and loving and we are blessed to have her as our daughter.'' At malungkot itong ngumiti. Mabait nga ang Mommy nito, unlike Vexy. Pero kung sabi ng Mommy nito na hindi naman ganito ang ugali n'ya dati. What's the reason behind changing her attitude and doing all of these? ''Hindi n'ya kasi matanggap na...'' Biglang nagsalita ang Mommy ni Vexy, kaya napalingon ako sa kanya at naghintay ng susunod nitong sasabihin. ''Na...n-na h-hindi s'ya namin tunay na anak. That's when she started to change.'' Lumuluha niyang hinawakan ang kamay ni Vexy. ''She hates me, her Dad and mostly...she hates her sister so much. Na dapat daw siya ang anak namin. I never, ever think that she's not my daughter. Because we love her the way we love our true daughter. Pantay lang sila o mas nakakahigit pa nga s'ya.'' ''God gave her when we really wanted to have a child and she's the answer to our prayers. Siguro nagkamali ako sa pagpapalaki ko sa kanya.'' At tumingin ito ng diretso sa mga mata ko. ''Hindi po, nakalimutan n'ya lang siguro ang pagmamahal na nasa puso n'ya. Nagalit s'ya ng malaman nitong hindi niya kayo tunay na mga magulang 'cause she really wanted you to be her parents. Nasaktan siguro s'ya.'' I smiled at her before I talk. ''Sana maging leksyon sa kanya ang nangyaring ito. I hope she might realize something when she wake up.'' ___________ Nasa tapat na ako ngayon ng bahay namin. Ang totoong bahay na kinalakihan ko. Nagtaka nga ako kung bakit dito kami dumiretso, pero pinagsawalang bahala ko nalang. ''Were here!'' Biglang sabi ni Kuya saka una ng bumaba ng sasakyan. Inalalayan n'ya naman akong makababa ng sasakyan. ''Welcome home, baby!'' Nagulat ako sa taong nasa harapan ko ngayon. Hindi ko inaasahang nandito s'ya ngayon sa harapan ko. ''M-Mom?'' Hindi makapaniwalang tanong ko at bigla nalang akong napatakbo sa kanya, tapos ay niyakap ko siya ng sobrang higpit. ''My, be careful. Kakalabas mo palang ng hospital.'' Sabi nito. ''I'm glad that you're here, Mom. When did you arrived?'' Tanong ko pagkatapos kong bumitaw ng yakap sa kanya. ''The moment that you are in great danger. You're always making me worried.'' Nag aalala nitong sabi. ''I'm so sorry...'' That's all I could say, then I hug her once more. I really missed her, I mean we missed her. Buong araw kaming nagkwentohan at ngayong gabi ay tinabihan ako ni Mommy na matulog. I can say na ito ang magiging mapayapa kong tulog after ng mga nangyari ng mga nakalipas na araw. I smiled then close my eyes as I drifted to sleep. _________ Malapit ng bumalik ang klase at hindi ko man lang na e-enjoy ang summer ko. Masaya rin naman kasi ang stay dito si Mommy, pero nakakalungkot lang na wala si Calex. Kailangan ko na naman mag adjust ngayong wala na s'ya. Nakakalungkot lang isipin na hanggang dito nalang kami. Naramdaman ko namang nag vibrate ang cellphone ko kaya naman dinukot ko ito sa bulsa ko. Tinignan ko ito at may nag text pala. Napakunot naman ang noo ko ng mabasa ko ang text. Pero kahit na nagtataka ako ay nagmadali akong magbihis at nagpaalam na aalis. ''Be careful, Steffany Rue!'' May pagbabantang habilin ni Mommy pagkatapos kong humalik sa kanya. ''Yes Mom, mag-iingat po ako. Sige Mom, bye...'' And I kiss her once more bago umalis. Papalubog na ang araw ng makarating ako sa lugar na sinabi nito. It's still the same from the last time I was here. Parang kahapon lang ng una kaming nagkita dito. Napangiti ako ng tipid at nagsimulang maglakad habang nakatamaw sa papalubog na araw. Napahinto ako ng may narinig akong tugtog. Boses palang nito ay alam ko na kung sino. Sinundan ko lang ito hanggang makarating ako sa tapat ng isang beach house at para sa'kin ay napakaganda nito. Parang may humahatak sa'kin na pumasok, kaya unti-unti ay lumapit ako dito. Medyo naka awang ang pinto kaya tuloy-tuloy na akong pumasok. The interior of the beach house is far more beautiful than I expected. Hinanap ko kung nasaan ang taong hinahanap ko at hindi nga ako nabigo, I found him with his guitar. Medyo nagulat pa ako ng bumukas ang napakadaming ilaw sa paligid. Maging ang pinapatungan nito. Nasa ibabaw pala s'ya ng pool na may glass cover. Parang sumasabay sa pagkanta nito ang ilaw na nasa pool. My heart is in my throat I'm counting on high hopes to get me over you And I've got my eyes closed As long as the wind blows I'm counting on high hopes to get me over you Lumapit ako sa kanya at himinto sa tapat n'ya bago magtanong. ''Para sa ano ito?'' Nang dahil sa tanong ko ay huminto ito sa pagkanta. Bumuntong hininga ito bago ako tignan ng diretso sa mata. ''Remenber the time I first sang a song to you?'' Tumango lang ako sa kanya para magpatuloy ito sa sasabihin n'ya. ''I asked you something after that---'' ''So you'll ask me the same question...again?'' Putol ko sa sinasabi n'ya. ''Nah! This time I wont.'' Then he smirked at me na ikinakunot ng noo ko. ''This time, I'll ask you a different question and you need to answer it right away. I'll just ask you this...once!'' ''Haha...it feels like you're giving me an ultimatum.'' ''Yes I am! It's a life changing question after all.'' He proudly stated. ''So, what is this life changing question of yours?'' I asked with a small smile forming on my lips. ''I'm sorry for everything. I'm such a jerk back then but I collected alot of courage to ask you this...'' Naka abang lang ako sa susunod n'yang sasabihin. But why do I feel nervous? ''It's impossible for us to stay forever but, will you grow old with me?'' Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa tanong nito. Mas nagulat pa ako ng may maliit na box na nakatapat sa'kin. He opened it and revealed what's inside. It's a ring with the one they called ''forever'' on top of it. ''Will you marry me Uriel Dela Paz or should I say, Steffany Rue Villasenior Sarttori?'' Tanong n'ya pagkatapos niyang lumuhod sa harapan ko. Dahil sa pagkagulat ko sa tanong niya ay napa atras ako. Nagulat pa nga ito sa inakto ko and in an instant nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Pain is visible in his eyes at nasasaktan din ako sa nakikita ko. I'm sorry...
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice story
09/08/2022
0uuuuuuuuuuuuuuu
24/06/2022
0nice
21/06/2022
0Tingnan Lahat