Chapter 38--- Plan __________ Steffany/Uriel's POV. Nakatanaw lang ako sa lalaking nakangisi habang bumababa sa hagdan. He is damn hot, kung ide-describe ko. Ang cool niyang tignan sa suot nitong black long sleeves. ''Hey, what brought you here?'' Then he kiss my forehead. ''Siguradong importante ito dahil pumunta ka pa dito ng personal.'' Sabi nito na tinanguan ko naman. ''S-Sir, wala na po bang problema dito?'' Alanganing tanong ng security. ''Wala na, just call the janitors to clean this messed.'' Utos ni Blaze. ''Sige, Sir..'' At dali-dali itong umalis. ''Pwede na kayong bumalik sa pagsasaya n'yo. Enjoy your party..'' Pahayag nito sa mga costumer nitong natigil ng dahil sa kagagawan ko. ''Now back to you. May problema ba?'' At medyo tinagilid nito ang ulo para makita ang taong nasa likod ko, kaya napasunod ako ng tingin dito. Nakita ko si Calex na salubong ang kilay na nakatingin sa akin. Samahan pa ng seryosong tingin na pinipukol sa akin ng mga teammates nito. Si Louise naman na parang wala lang na nasa tabi at naninigarilyo. ''Wala naman..'' ''Wala? Nanira ka dito para sa wala, your imposible!'' Pero nginitian ko lang ito. ''Lucky for you, nandito sila maya-maya lang... hey!'' Pahayag nito at kumuha ng basong may lamang scotch sa dumaang waiter. ''Nice contact lenses but I prefer to look into your beautiful gray eyes.'' Then he winked at uminom sa baso nito. Alam ko namang nakilala n'ya ako. They're masters of disguises kaya hindi mo sila basta-bastang malilinlang. May bigla namang humigit ng kamay ko,kaya napalingon ako sa kanya. ''Who the hell is he?!'' Galit na tanong ni Calex. ''I'll ask you the same question. Who the hell is she?!'' Tanong ko sa kanya na direktang nakatingin sa mga mata nito. ''She's out of your concern!'' ''Then, that answered your question!'' At malakas kong tinangal ang pagkakahawak nito sa kamay ko. ''Arghh..'' Binaliwala ko ang daing ni Calex dahil nasaktan ito sa pagpilipit ko dito at binalingan ng tingin si Vexy, na nakataas ang kilay na nakatanaw sa gawi ko. ''I warn you! Kung ayaw mo ng gulo, you better leave this place.'' Seryosong banta ko dito. ''Why do I?! Akala mo kung---AAHHH!'' Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil may binato akong dagger sa paanan nito. ''I warned you! Kung ayaw mo ng gulo p’wes ako...gusto ko!'' At nag labas ng isa pang dagger pero dali-dali nitong kinuha ang bag nito at umalis. ''I never thought that I would hate you, Montereal!'' May diing sabi ko bago ako seryosong bumaling kay Calex. Naiinis ako sa kanya at lalong-lalo na sa sarili ko. Nasasaktan ako sa pakikitungo namin ngayon sa isa't-isa. Hindi ako ang typical na babaeng mag mu-mukmok at iiyak nalang. Oo, umiiyak ako pero pag sobrang nasasaktan na ako...pag hindi ko na kinaya ang sakit. ''And I never thought that you'd also broke your promise, you lied to me...again!'' At inabot niya sa'kin ang cellphone nito bago n'ya ako talikuran at umalis na. ''Should I stay or should I go?'' Tanong ni Louise ng magsisunuran ang ibang teammates ni Calex na lumabas. ''You should go, ikaw ng bahala sa kanya.'' Tumango lang ito at sumunod na rin. Binuksan ko naman ang cellphone ni Calex at bumungad sa akin ang isang album mula sa galery nito. It's an album full of photos...photos of me and Ethan. Ito 'yung time na umuwi ako from US sa lumang bahay namin and a week ago. Sa dating bahay namin ay magkakalapit lang kami nila Ethan. Nakita n'ya ako roon, doon pa rin naman ang bahay nila, same with Max and Yce. Si Tyler naman minsan ay doon umuuwi. Ang mga kuha namin ay 'yung kinukulit ako ni Ethan at ang saya naming tignan. Pero ang hindi alam ni Calex ay pilit lang lahat ng tawa at ngiti ko d'yan, na sa oras na 'yan ay labis akong nasasaktan. I'm thankful na nand'yan sila Ethan to cheer me up...'yan ang hindi alam ni Calex. ''Hey, hindi ko man alam ang tungkol sa problema mo alam ko na makakaya mo ‘yan. Now, tara na Pag-uusapan pa natin ang ipinunta mo dito.'' At ngumisi si Blaze sa'kin at inakbayan ako tapos ginulo ang buhok ko na agad ko namang tinanggal. ''Hahahaha...ang init ng ulo mo ito inumin mo muna.'' At inabot ang baso n'ya ng scotch, kaya sinamaan ko siya ng tingin. Alam naman nitong hindi ako umiinom. ''So, anong maipaglilingkod ko sa'yo?'' Bungad na tanong ni Blaze ng makapasok na kami sa opisina nito. ''I am helping someone. Gusto nitong umalis sa gulong napasukan nito or should I say, ipinasok s'ya. Alam kong may palaging nagmamasid sa kanya kaya mahihirapan itong kumawala.'' Seryosong pahayag ko bago ako umupo sa couch n'ya. ''You're helping someone, when infact you also need's help.'' Salubong ang mga kilay nitong sabi. ''This is not about me, kaya ko ang sarili ko.'' ''Kaya mo ang sarili mo? Kaya pala nawala ka at nagtago dahil kaya mo ang sarili mo...huh?'' Sarkastiko nitong tanong. ''Tutulungan mo ba ako o hindi? Dahil kung hindi, aalis na ako!'' At tumayo ako at akmang aalis na. *BLAGGG...* Malakas na bumukas ang pinto ng opisina ni Blaze at bumungad sa harap ko ang iba pang membro ng phantom. ''Hey, Blaze---Steff? God, saan ka galing na bruha ka?!'' Maarting tanong ni Gimli, okay he's a gay pero closet king ito at hindi mo mapagkakamalang bading. Unless, kung naglalakad na ito...may kembot. ''Hey, kamusta ka?'' Naka ngiting tanong ni Conley at hinalikan ako sa pisngi at niyakap. ''I'm good..'' Naka ngiting sagot ko sa kanya at ginantihan s'ya ng yakap. ''Huh, you're good? Halos makapatay kana nga ng tao kanina at nanira ka pa nga ng gamit ko dito sa bar.'' Biglang singit ni Blaze. Tinitigan naman ako nila Conley, kaya nag kibit-balikat lang ako bilang sagot. Bumaling naman ako sa nakangising si Aria na lumapit rin sa akin at niyakap ako. ''Hindi ko naisip na mami-miss ko ang isang babaeng pasaway na gaya mo. Tagal mong nawala, buti naman at naisipan mong magpakita.'' Napa-tawa naman ako sa sinabi niya. ''Same here, hindi ko naisip na mami-miss ko ang mga tulad n'yo.'' ''Hahahahaha...'' Pare-pareho nalang kaming natawa sa sinabi ko. All their names derived from the word ''Fire''. Coincidence nalang siguro na ang pangalan nilang lahat ay may kaugnayan sa apoy. Isang bagay pa, mga kreminal rin silang maituturing...they're burglars. Pero ginagawa nila ito dahil ito ang trabaho nila. Ninanakaw nila ang mga bagay na ninakaw rin mula sa iba. Wala naman akong pakialam dun, they’re like robinhood in a modern day. Kung paano ko sila nakilala, mahabang kwento. Basta alam nila kung sino at ano ako. I'm an assassin and a mafia heiress, kailangan marami kang kakilalang iba't-ibang uri ng tao. Sa mundong ginagalawan namin, dapat marunong kang magpa-gamit kung alam mong magagamit mo rin sila. Swerte ko lang dahil palagi akong nakakakita ng mga mabubuting kaibigan, kaysa kaaway. Napabaling naman ang tingin ko sa babaeng tahimik lang na nagmamasid sa amin. ''Oh, we forgot to intruduce her. Steff that's Flair, Flair she's the one we keep on telling you.'' Pakilala ni Aria kaya nginitian ko si Flair at inabot ang kamay ko na agad n'ya namang tinanggap. ''Steff...hindi ko ini-expect na makita at makilala kita ngayon.'' Namamanghang sabi nito, kaya napapangiti nalang ako. ''Matagal na kitang gustong makita ng personal dahil sa mga interisadong kwento nila tungkol sayo. '' Tapos ay sensiro itong ngumiti. ''What brought you here, Steff?'' Tanong ni Conley. ''Tutal nandito na naman ang lahat, sino ang taong sinasabi mo sa'kin kanina Steff?'' Si Blaze. ''Her name is Fatima Reyes.'' ''Okay, tara akong bahala.'' At may kinapa ito sa ilalim ng mesa n'ya dahilan para mahati ang book shelf na nasa likod nito sa dalawa. Pumasok na s'ya sa tumambad na secret passage sa harap namin, kaya sumunod na rin kami. Pangalawang bisis palang akong pumasok sa lugar nilang ito. Puro computers at mga kagamitang ginagamit nila pag may mission sila ang nandirito. May kung anong kinalikot naman sa computer si Blaze at alam kong tungkol sa personal na impormasyon 'yun ni Fatima. Gaya ni Yce magaling rin sa pag hack ng mga importanteng bagay si Blaze. ''Okay, 3 days from now gagawin natin ang pinaplano mong pagpapakawala sa kaibigan mo Steff. Okay lang ba?'' Pagbibigay alam ni Blaze kaya tumango lang ako. ''Ako ng bahalang mag explain ng mga gagawin nila kay Fatima.'' Pagbibigay alam ko. ''Whooa...she's living together with her parents and her older brother, lahat sila ay malulusog. Kaya mo ba 'to Gim?'' Tanong ni Blaze. ''Sa mga peslak nila ay kaya ko, basta may mga latest picture lang nila ako. Sa katawan nila, magagawan ko 'yan ng paraan.'' Confident na sagot ni Gimli. ''Pag-aaralan namin ang mga taong ito. We'll contact you pagnatapos na namin ang lahat, just like old times. '' Sabi ni Conley. ''At gaya ng dati, alam mo kung ano ang kabayaran sa pagtulong namin Steff. Alam mo kung saan sila makikita.'' Si Aria. ''Yeah, so paano alis na ako. See you within 3 days.'' Paalam ko at naglakad na paalis. ''Bring back those things on its proper places, before it's to late. Baka mamaya n'yan naunahan kana at nawalan na ng lugar na paglalagyan.'' Makahulogang pahayag ni Blaze na hindi ko na pinansin pa. Calex, malapit na akong mawalan ng pag-asa. Should I stay or...should I let you go? **********
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice story
09/08/2022
0uuuuuuuuuuuuuuu
24/06/2022
0nice
21/06/2022
0Tingnan Lahat