logo text

Chapter 31

Chapter 31---Superbia
__________
Steffany/Uriel's POV.
''Sige Ate, una na kami. Ingat kayo ni Kuya Calex.'' Ngumiti lang ako kay Kiefer.
Nakita kong seryoso akong tinitignan ni Louise na mukhang pinag-aaralan ako. Pero ngumiti lang ako sa kanya at naglakad na paalis ng parking lot. Pagkatapos kasi ng laro ay nagsiuwian na sila, naiwan lang kami ni Calex dahil nag-aya pa itong magdinner kami.
Nasa gym pa ito at nagbibihis, nagpahuli kasi ito kanina kasi kinausap pa s'ya after announcing the winner. Palapit na ako sa gym pero napatago ako sa likod ng puno...s’ya na naman?
Marahan akong umakyat ng puno at umupo sa sanga na hindi ako nakikita. Nakinig lang ako sa pinag-uusapan ni Calex at ng Blythe na ‘yun. I know eavesdropping is bad but I can’t help it.
Hindi ko nagugustohan ang naririnig ko pero pinilit kong makinig. Sinandal ko nalang ang likod ko sa puno at pumikit. Abnormal nga siguro ako, kasi kong ordinaryong babae ako ay umalis na ako sa lugar na ito o ‘di kaya ay umiiyak na. This is stupid---stupid me!
''Babalik na ako doon, because someone is waiting for me there. Sana maniwala ka, tsaka patawad...hindi ko gustong guluhin kayo. Wala lang akong choice.''
Napamulat ako at napatingin sa direksyon nila pero papaalis na si Blythe. Si Calex naman ayon pinagsusuntok ang pader dahil sa frustration nya. Sa ginagawa ni Calex, mas nasasaktan akong makita s’yang ganyan. Bakit nagiging kumplekado ang lahat?
Dapat hindi ko muna isipin ‘yun, baka masira lang ang mga plano ko. Tsaka hindi pa ako sigurado kung tungkol sa ano ang pinag-usapan nila. Nakita kong kinuha n’ya ang cellphone n’ya at tinapat sa tenga.
''Hello babe?''
''Babe? Where are you?''
''Hey babe? Hello..''
''Babe, what's happe---oh shit!'' At inis na tinitigan ang cellphone.
Napangiti ako, just as I expected.
Maya-maya umilaw ang cellphone nito kaya tinignan n’ya, kahit gabi na at medyo madilim kita ko pa rin ang pagkunot ng noo nito. Kumuha siya ng panyo at itinali sa nasugat nitong kamay dahil sa pagsuntok nito sa pader. Pagkatapos ay naglakad na ito paalis.
Nanatili lang akong nakakubli sa dilim habang sinusundan si Calex. Sumakay na ito sa kotse n’ya at umalis. Napangiti ako ng mapait pero napalitan din ng isang ngisi. It worked according to what I expected.
''Need a ride?'' Napa-dungaw ako sa taong nakaupo sa driver’s seat ng BMW i8 na huminto sa harapan ko.
''What are you still doing here Louise? Pero dahil nagtanong ka...yes, I need a ride.'' Ngumiti lang ito sa’kin, kaya pumasok na ako at umupo sa shotgun seat nito.
''Para sagutin ang tanong mo kung bakit naririto pa ako, just to remind you I am a foreshadow. I have my own ways to know the things that’s happening around me, especially to the family that I offered my service.'' Seryoso nitong sabi at binuhay na ang makina ng sasakyan nito.
''So, where are we heading first?''
''I’m going to get my bike, alam mo naman siguro kung saan ko tinago. Tsaka may susunduin pa tayo.'' Tumango lang ito at pinaandar na ang sasakyan.
''How did you became a foreshadow? Alam mong delikado ito..'' Derektang tanong ko sa kanya.
''It’s a long story..''
''Then make it short!'' Sandali itong sumulyap sa’kin tapos ay bumuntong hininga bago magsalita.
''My family owned an underground fighting arena before. Ruthless people, ferocious gangsters and hoodlums, all sort of criminals, name it and we got it all. Malalaking tao ang palaging pumupusta sa arena. Meron ding nanunuod lang and enjoy watching people fight to death...isa na doon si Kuya Raven.'' Huminto ito sa pagkwento at lumingon sa’kin, kaya tumango lang ako para magpatuloy ito.
''Ang mali lang ay pati ang Ama ko ay nakikisali. Maraming may gustong kunin ang arena. Then one day nasali sa pusta ng Ama ko ang arena, natalo s’ya at akala namin ang arena lang ang gusto nila pero pati buhay ng Ama ko. Kuya Raven came in the picture and saved my Dad’s ass, doon ko nakita kung anong kayang gawin ng isange Raven Sarttori.'' Huminga s’ya ng malalim bago nagkwentong muli.
''He buy that arena and for return, we need to manage it. Pero wala namang pakialam si Kuya Raven sa lugar na ‘yun. Parang kami pa rin ang may-ari nito, kaya lang ngayon under the protection of Mafia Sarttori na ito. Then I decided to offer my service and loyalty. Hindi ko kayang maging Sarttori Slayer, at lalo naman ang maging Brabo kaya I choose to became a foreshadow.''
''Hindi ko alam ‘yan ah!''
''Dahil wala ka namang pakialam for the past 5 years!''
''Tse...pero, cool! Kuya owned an underground fighting arena...ma-try ko nga minsang sumali. Louise sali mo ako minsan hah! 50/50 tayo..'' Naka ngiting pahayag ko sa kanya.
Ang gandang ideya ‘yun, extrang pera pa ‘yun pag nagkataon. Laking tulong nun, lalo na sa estudyanting tulad ko..hehe.
''Yeah, nice offer from you...it’s so tempting. BUT, 50/50 din ang aabutin ng buhay ko pagnalaman ‘yun ni Kuya Raven!''
''Hahahahahaha...''
''Stop laughing! We’re here.'' At huminto ito sa isang lumang bahay.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago bumaba. Sinamahan naman ako ni Louise at pumasok kami sa garahe ng bahay. Nilapitan ko naman ang black Suzuki GSX-R600 na niregalo ni Kuya sa’kin. Sunod ay pinuntahan na namin ang mga susunduin namin.
''SHIT! T-that’s...that’s a...''
''YES! Yes they are..''
.................................
THIRD PERSON’S POV.
Hininto na ni Fritz ang sasakyan nito sa tapat ng isang gusali na ti-next sa kanya ni Steffany. Mukhang abandonado na ito pero may isang bintana ang gusali na nakikita niyang naka bukas ang ilaw. Nagtaka ito nung una, pero dahil alam nitong kakaiba ang nobya at pwede nga s’yang papuntahin sa lugar na ito ay hindi n’ya na ito pinansin. Nagvibrate ang cellphone nito sa bulsa kaya kunuha n’ya ito at binasa.
1 Message received
From: Babe
Fritz, just go straight to the room na nakabukas ang ilaw. I'll wait you here...hug and kisses, love yah!
Napangiti naman si Fritz sa text ng nobya sa kanya. Hindi na ito nag-abala pang mag reply, bagkos ay pumasok na ito sa loob ng gusali.
______________
Sa lugar naman nila Steffany at Louise panay ang reklamo ni Louise.
''Shit Steffany! Do you want me to get killed? Don’t do this to me! Don’t leave me alone with them!'' Pagmamakaawa nito kay Steffany pero hindi s’ya nito pinansin at diretsong sumakay sa motorbike nito.
''They wont hurt you unless I tell them to do it. Do you want me command them?''
''Are you out of your gourd?! Of course NOT!''
''Then bring them!'' At umalis na sa lugar.
___________
Pagpasok ni Fritz sa kwarto ay kumunot agad ang noo nito dahil sa babaeng nakita. Nakatalikod ito sa kanya, pero alam nito na hindi si Steffany ang babae dahil sa kulay ng buhok nito.
''Who are you?!''
''You’re here Fritz. But sad to say, wala dito ang girlfriend mo!'' At humarap ito kay Fritz.
Mas lalo namang kumunot ang noo ni Fritz. Nakasuot ng itim na maskara ang babae at natatabunan ang buong mukha nito.
''I’m out of here!'' Aalis na sana si Fritz ng pigilin ito ng babae.
''I’m not gonna do it if I were you, hawak ko ang magaling mong nobya!''
''Pfft...is that some kind of a joke? Because I’m buying it..hahaha..'' Natatawang sabi ni Fritz na ikinainis ng babae.
''STOP LAUGHING! I’m not joking Fritz, hawak ko ang buhay n’ya! If not then how d’you explain this?!'' At inangat nito ang cellphone na hawak n’ya.
Napaisip din si Fritz kung pano napunta sa babae ang cellphone ni Steffany. Alam n’ya kung anong kayang gawin ni Steffany, pero nasa kanya ang cellphone.
''I don’t believe you! That’s impossible!''
''Bahala ka kung maniniwala ka o hindi.''
''What do you want?''
''Alam mo, hindi ko sana gagawin ito kaya lang nagipit ako. Tsaka sa tanang buhay ko, isang bisis lang ako napahiya and it’s all because of you BITCHY GIRLFRIEND!'' Galit na galit nitong hinampas ang kamay sa mesa na nasa loob ng kwarto.
''Hinahangaan ako at pinangalagaan ko ‘yun. Dahil sa nangyari sa’kin ngayon ayokong kaawaan ako. Ayokong mangyari ‘yun!''
''What are you talking about?''
Tinanggal ng babae ang maskara at bumungad kay Fritz ang sunog at lapnos nitong mukha. Bago lang ito dahil dumudugo pa ito.
''Ito...ITO ANG DAHILAN! Kaya pasensya na, kailangan ko itong gawin.'' At tinutukan nito ng baril si Fritz.
__________
Nakarating na si Steffany sa gusali. Napag-aralan na nito ang gusali, kaya alam na n’ya ang mga pwede niyang daanan.
''Ang tanga-tanga mo!'' Sabi ni Steffany habang nakatingala sa kwarto kung nasaan sila Fritz.
Kinuha nito ang isang bottled water, kutsara at plastic cup tsaka pumasok na ito. Una n’yang pinuntahan ang control panel ng ventilation ng gusali at binuksan ito. Binuksan n’ya ang bottled water at nagsalin ng kunting tubig sa plastic cup. Binutasan n’ya ang cup ng konte na sakto lang ang labas ng tubig galing dito sa may gilid.
Nilagay n’ya ang kutsara sa patag na bahagi ng control panel malapit sa mga wirings. Pinatong n'ya ang plastic cup sa pinaka dulong bahagi ng hawakan ng kutsara at nakatuon ang butas ng plastic cup sa hawakan nito. Nang makita niyang dumadaloy na ang tubing mula sa hawakan ng kutsara patungong shallow part nito, dali-dali na itong umakyat.
Tatlong minuto lang at mapupuno na ng tubing ang shallow part ng kutsara, dahilan para matumba ang plastic cup. Ang konting tubig na laman nito ang mag cre-create ng spark sa ventilation control panel at pansamantalang magpapatigil sa ventilation ng gusali.
Nakarating ito sa floor kung saang air duct ito papasok. Nasa pader lang ang air duct kaya tinanggal n’ya na ang grill at pumasok. Gumapang na ito sa loob ng ventilation hanggang makarating ito sa malaking ventilation fan. Tiningnan nito ang relo at tatlong segundo nalang at matutumba na ang baso.
''In 3...2...1...'' At huminto na ang ventilation fan.
Limang segundo lang ang itatagal nito, kaya hindi na nag-aksaya ng panahon si Steffany. Pinasok nito ang dalawang paa at humawak sa kabilang bahagi ng ventilation, para hatakin ang katawan nito. Isang segundo nalang at nasa pagitan pa ng propeller ang leeg nito. Gawa sa bakal ang propeller at sa bilis at lakas ng ikot nito tiyak masusugat o mapuputol ang leeg nito pag nagkataon.
''Haa...that’s a close one..'' Hindi makapaniwalang sambit ni Steffany ng mahugot nito ang leeg.
Sakto lang ng mahugot nito ang leeg at umadar muli ang ventilation fan. Nahagip pa nito ang ibang hibla ng buhok niya at natanggal sa anit nito. Gumapang na itong muli at huminto sa air duct kung saan natatanaw sila Fritz.
''Hinahangaan ako at pinangalagaan ko 'yun. Dahil sa nangyari sa'kin ngayon ayokong kaawaan ako. Ayokong mangyari 'yun!''
''What are you talking about?''
Nang malaman nito ang sagot sa riddle at nag imbestiga ito sa lahat ng mga sikat na tao sa JMU. Puro nga sila sikat pero hindi sila tumugma sa riddle. Hanggang si Fritz nalang ang pagpipilian nito at ang possible next sin. Hindi naman pwede si Fritz dahil s’ya nga ang balak patayin.
Tapos isang bisis ng nagfinal practice ito ng swimming may naramdaman itong sumusunod sa kanya. Binaliwala n’ya ito at pumasok sa shower room. Pero paglabas nito ay nagkalat na ang mga gamit nito sa locker na iniwan n’yang bukas at nawawala ang cellphone niya.
Dalawang araw na itong nawawala at hindi ‘yun alam ni Fritz. Dahil may tracker ang cellphone n’ya sinundan n’ya ito at nalaman ang gusali na ito. Gumawa agad siya ng plan dahil alam nito na may binabalak itong masama.
Napag-alaman din nito na kabit ito ng isang governor kaya nakukuha nito lahat ng luho niya. Gusto nitong nasa kanya ang atensyon ng lahat at mapag-mataas. Nakakaawa nga ang sitwasyon n’ya kanina. Pagkatapos kasi ng cheer dancing competition ay umalis ito at makikipagkita sana sa governor.
Binalita ito ng inutusan ni Steffany na mag matyag dito. Imbes na ang governor kasi ang makita nito, ang asawa pala ng governor. Sinaktan ito ng mga taohan ng babae at binuhusan ng asido sa mukha. Hindi nila tinigilan hanggang sa malapnos ang mukha nito.
''Ito...ITO ANG DAHILAN! Kaya pasensya na, kailangan ko 'tong gawin.''
Naglabas ito ng baril kaya dali-daling tinanggal ni Steffany ang grill. Kinuha nito ang dagger sa boot nito ang tumalon paibaba. Saktong bumagsak s’ya sa mesa na nasa likod ng babae kaya tinutok nito agad ang patalim sa leeg nito.
''Do it and I’ll rip you head off your body!''
Pero hindi ito nagpatinag at binigyan nito ng head bat si Steffany gamit ang likod n bahagi ng ulo nito. Mabuti nalang at nasangga niya agad ito, dahil kung hindi tiyak na dumugo ang ilong n’ya. Hindi nito inasahan ang paglapit ni Fritz at pag-agaw ng baril nito.
''Who are you?!'' Tanong n’ya habang nakatutok ang baril sa babae.
''It’s Lavinia Pascal...SUPERBIA! Sino ang nag-udyok sayo na gawin ito?!'' Tanong ni Steffany at bumaba sa mesa.
''I DON’T KNOW WHAT YOU ARE TALKING ABOUT! WHO ARE YOU BITCH?!''
Hindi niya kasi nakilala si Steffany dahil sa itim na panyo na may logo ng Mafia Sarttori ang tumatakip sa kalahating parte ng ilong at sa bibig nito. Tanging ang gray lang nitong mga mata ang makikita mo.
''If I’m a bitch then you are bitcher than me. Kaya ‘yan ang nanyari sayo, I know na kabit ka at ang asawa nito ang may gawa sayo n’yan!''
''H-how?''
''Alam ko na ang plano mo simula palang.''
''Hahahaha...talaga? Then magsama kayo!'' At tumakbo ito sa may pinto pero nagsindi ito ng lighter.
Kumunot ang noo ni Steffany kaya tinanggal nito ang panyo. Naka amoy agad ito ng gasolina sa buong kwarto.
''Y-you, you’re Steffany Rue Villasenior...''
''No Lavinia, don’t do it!''
''Too late, ROT IN HELL YOU TWO!!!'' Sigaw nito at tinapon ang lighter sa may gasolina at ni-lock ang kwarto.
''What are we gonna do now?'' Tanong ni Fritz
Hindi na sila pwedeng dumaan sa ventation dahil umaandar na ito ngayon. Lumapit si Steffany sa bintana at tiningnan ito.
''It’s lock!''
''Move aside babe..'' Utos ni Fritz na sinunod naman ni Steffany.
Binaril nito ang lock hanggang bumukas. Dumungaw naman dito si Steffany at nakitang may dalawang palapag pa bago ang steal na hagdan para sa fire exit.
''We need to jump, ako na ang mauuna..'' At pumatong ito sa bintana at tumalon at sakto itong bumagsak sa patungan ng hagdan.
''Come on Cal..''
Huminga muna ng malalim si Fritz bago dumungaw sa bintana. Medyo nalula ito dahil sa taas ng lugar.
''WHAT ARE YOU WAITING CALEX? NEXT YEAR KA PA TATALON, LUMALAKAS NA ANG APOY D’YAN...NOW JUMP!!!''
Wala na ngang nagawa si Fritz kaya kumuha ito ng bwelo at tumalon. Naalangan ito sa pagtalon kaya muntik na itong nahulog at lumagpas ang bagsak sa hagdan, buti nalang at nahawakan ito ni steffany.
''Thank God..'' Hindi makapaniwalang usal ni Fritz.
''Let’s go..''
___________
Sumakay na si Lavinia sa kotse nito at papaandarin na sana kaso matumunog na cellphone. Napangiti ito ng makitang cellphone ni Steffany ang tumutunog.
''Siguro hihingi sila ng tulong. Ang sarap pakinggan na humihingi ng tulong at nagmamakaawa ang isang Montereal at Villasenior.'' At sinagot nito ang tawag at naghintay itong magsalita ang nasa kabilang linya.
''FRANK, BONNIE...PLAY!!!''
Nagtaka si Lavinia kung anong sinabi ni Steffany, pero nagulat nalang itong may tumalon na dalawang naglalakihang aso. Caucasian Ovcharka ang aso ni Steffany. Properly socialized and trained ang mga ito. Pero nagiging ferocious at unmanageble ang mga ito pag hindi nila kilala ang taong kasama because they have the urge to defend. Pero ang dalawang aso ay sumusunod sa sinasabi ni Steffany at Tyler.
''MY GOSH...GET OFF ME!!!'' Sigaw ni Lavinia at may kinuha sa bag nito at lumabas ng kotse.
Tumakbo ito pero sinundan pa rin ito ng mga aso at sinunggaban.
''AAAHHHH....'' Sigaw n’ya dahil nakaramdam ito ng sakit sa ginagawa ng mga aso, dinidilaan kasi nila ang sunog at lapnos nitong mukha.
''FRANK, BONNIE...STOP!'' At huminto nga ang mga aso at lumapit kay Steffany at umupo sa mag kabilang gilid nito.
''Lavinia, stop this. Help us at sabihin kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito. We can help and protect you.''
''NEVER! I RATHER DIE THAN TO RECEIVE HELP FROM YOU!!!'' At naglabas ito ng baril at tinutok sa kanang bahagi ng ulo nito.
''LAVINIA, NO!!!''
*BANG...*
Umalingawngaw ang isang putok sa lugar. Bumaksak na ang walang buhay na si Lavinia sa lupa at umaagos na ang dugo sa ulo.
''Cal, stay here...'' At tumingin si Steffany sa kaliwang bahagi ng lugar.
Kung titignan parang si Lavinia talaga ang nagpaputok dahil sa tumama rin ito sa mismong tinutukan nito. Pero hindi at alam ‘yun ni Steffany. Nasa malapit lang ang bumaril dahil sa nilikha nitong tunog na kung aakalain mo ay galing sa hawak na baril ni Lavinia. Nasa kanan ang tama ni Lavinia kaya nasa kaliwa ang bumaril.
Nakakita si Steffany ng papaalis na pigura ng tao. Tatakbo na sana s’ya ng may tumulak sa kanya dahilan para matumba ito. Hindi n’ya kasi namalayang may pulang bilog na nakatutok sa likod nito dahil nasa papaalis na pigura ang atensyon n’ya. Tumingin ito sa kanan n’ya kinatatayuan n’ya kanina. Nakita nitong may pulang ilaw galing sa malayo, pero nawala rin agad.
''Sniffer...''
''Louise Bro, hold on we’ll bring you to the hospital!'' Napalingon si Steffany ng magsalita si Fritz.
Lumapit siya sa kanila at lumuhod sa gilid ni Louise.
''Louise..''
''I-I t-told you, I’m not worthy to be an assassin. I-Ito ang dahilan, dahil lampa ako..'' Sabi ni Louise at tuluyan ng bumagsak ang talukap ng mga mata nito.
''LOUISE!!!''
***************

Komento sa Aklat (5)

  • avatar
    Jaira Heruela

    nice story

    09/08/2022

      0
  • avatar
    Francis Charles Espiritu

    uuuuuuuuuuuuuuu

    24/06/2022

      0
  • avatar
    Brian Mangoba

    nice

    21/06/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata