logo text

Chapter 26

Steffany’s POV. 
Bawat araw na lumilipas ay mas natututo si Calex. Kailangan na rin namin pumasok ng skwela, tapos na rin naman ang bakasyon eh. Tsaka kailangan nasa skwelahan ako palagi, mahirap na, hindi namin alam kung sino ang kalaban.
Napag-usapan namin na friday night hanggan sunday dun kami sa main house para sa training ni Calex. Okay naman s’ya sa set up na ‘yun na sa main house kami or Sarttori Fortress daw sabi ni Calex.
Nang lunes ko pa napapansin na panay baling ng tingin sa’kin ang mga kaklase ko. Sabagay ‘di ko na kasi pinakulayan pa ng itim ang buhok ko. Kaya lang iba ang tingin nila eh! Maging sabay kami sa pagpasok ni Calex, panay tingin nila at bulongan. Ewan ko, bahala sila!
Nakining na nga lang ako sa dini-discuss. Nga pala mamayang alas tress ng hapon ang libing ni Robert. Nalungkot nga ang mga kaklase namin sa nangyaring ‘yun sa kanya. Maging si Fatima na palagi n’yang kasama naging tahimik ito. Natapos rin ang klase ko ngayong friday, at lunch time na. Tumayo na ako at tumungong Cafeteria, baka nandun na sila Issa.
---Cafeteria---
Nakita ko ngang nakaupo na s’ya sa usual place na inuupuan namin kasama si Calex at Kiefer, kaya lumapit na ‘ko.
"Kanina pa kayo?" Tanong ko sa kanila, sabay upo sa tabi ni Calex.
"Oh, not really." Sagot ni Calex at nilagay sa harap ko ang chicken cordon bleu with rice.
"Thanks." He smile at me at nilagay ang four season juice sa tabi ng plato ko. Pag nauna kasi yan dito sa canteen binibili n’ya na ako.
"Issa kay kiefer kana sumabay mamaya pagpunta natin sa burial." Sabi ko kay Issa, pero tumango lang ito.
"Hoy, nakikinig ka ba? Ano ba ‘yan?" Panay kasi kalikot n’ya sa ipad n’ya.
"Okay lang ba kayo ni Fritz?  Tsaka, kayo pa ba? O, niloloko mo kaibigan ko Fritz?!"
"Huh?" Sabay pa kami ng bigkas ni Calex, kaya nagkatinginan kami.
Pero hindi ito sumagot at inabot lang nito ang ipad sa’kin. Napakunot naman ang noo ko sa nakita kong mga litrato na nagkalat sa social media.
"This is bullshit!" Komento ni Calex pagkita sa mga litrato.
"Ano? hindi mo ‘yan matatangi kasi ikaw ‘yan! Then the girl you are with is none other than Steffany Rue Villasenior."
Tama nga litrato ni Calex at Steffany...which is me.
‘Yung mga pictures ay kuha namin nong umuwi kami galing California. Nagpahuli kasi kaming bumaba ng eroplano, tulog na tulog kasi si Calex paglapag namin. Tsaka ‘yung mga kuha talagang close kami. May kuha na nakahawak s’ya sa bewang ko, tapos magkahawak kamay kami at ‘yung hinalikan ako ni Calex sa noo bago kami pumasok sa sasakyan.
Kaya siguro kala nila break na kami ni Calex or pinagpalit na n’ya ako. Maging ako na rumored, na after how many years nakita na daw ang bagong boyfriend ko, si Calex. Well, hindi naman nila alam ang pagkatao kong si Uriel.
"Uhmm...The Villasenior twins were my childhood best friends. They just...maybe...ah..." Hindi maka pag-isip ng idudugtong sa palusot nito si Calex, kaya ako na ang nag patuloy.
"Maybe, na misunderstood lang nila ang pagiging close nila Calex."
"Yeah. That was pure friendship, they’ve just misunderstood that in a romantic way, you know, gossips. Me and Uriel were difinitely fine." Then he kiss the side of my head. Pweh...magaling rin umarte.
Pinasingkitan lang kami ni Issa nang mata, pero ‘di na rin nangulit pa. Una ng umalis sila Kiefer ‘di kasi nakapag baon ng damit si Issa, kaya umuwi muna ito.
Dahil naka pag baon naman ako ng damit, kaya ito dito na ‘ko sa JMU nagbihis. Inayos ko muna sarili ko sa salamin. Naka black jeans ako at white blouse. Nang okay na ‘ko sa ayos ko, lumabas na rin ako. Malapit na ‘ko sa parking lot ng mapahinto ako dahil sa narinig ko.
"How many times do I have to tell you, leave me alone!" Galit na sigaw ni Calex sa isang babae.
"F-fritz..please naman, kailangan kitang maka-usap..p-please." Paki-usap ng babae na umiiyak.
Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila. Pero sigurado akong totoo ang sinasabi ng babae at wala itong masamang motibo. Then Calex, I see pain and anger in his eyes and...longing.
"NO!"
"Please nakiki-usap ako. K-kailangan ko lang ang tulong mo. H-hindi ko naman kayo gugulohin eh." Hinawakan n’ya si Calex sa kamay, pero tinabig lang ito ni Calex kaya natumba ito.
"Then j-just...just leave. Because the moment you left me, I also try really hard to forget who is Blythe Reinee Del Rio in my life. So, I’m asking you, plea----" Hindi ko na narinig ang ibang sinabi ni Calex kasi umalis na ‘ko dun.
Nakita kong nag soften ang features ni Calex ng makita n’ya itong naka salampak sa sahig at umiiyak. Then the way he talk, nahihirapan s’yang sabihin ‘yun sa babae. Nahihirapan s’ya at nasasaktan. Sa nakita kong ‘yun hindi ko matatangi na may kunting kirot akong naramdaman.
Sino ang babaeng ‘yun? S’ya ba ‘yung babaeng nang iwan kay Calex? Bakit s’ya bumalik? Anong kailangan n’ya?
Ang dami-daming tanong sa isip ko ngayon. Sabi n’ya, hindi na s’ya manggugulo. Then, anong kailangan n’ya? Bakit natatakot ako? Takot na baka iwan ako ni Calex ngayong nag balik na s’ya. Alam ko minahal s’ya ni Calex. Kasi hindi naman masasaktan ang isang tao ng sobra kung ‘di n’ya ito mahal. To think, naisipan n’ya pang magpakamatay. Ano ‘tong mga naiisip ko? Hindi...hindi ako ‘to!
I took my phone out and dialed someone’s number. After a few rings, he answer it.
"Steff, what is it?"
"Yce, I want you to know all the informations about Blythe Reinee Del Rio."
"Okay.." Then I ended the call.
Gusto ko lang malaman kung ano ang pakay n’ya. Malalim akong bumuntong hininga bago bumalik sa parking lot. Malapit na ‘ko ng mapahinto ako, ganun rin s’ya.
Sobrang lapit namin sa isa’t isa. Sobrang lungkot ng mga mata n’ya at halatang pagod at puyat ito. Nangangayayat rin ito, maging ang damit nito ay hindi nadaanan ng plantsa. Para itong may dinadalang malaking problema. Hindi ako basta-basta nakakaramdam ng awa pero sa kanya..naawa ako.
"U-uhmm----"
Hindi ko natuloy ang anumang gustong lumabas sa bibig ko kasi ngumiti ito sa akin bago umalis ng tuluyan. ‘Yung ngiti n’ya, hindi ito malungkot o pakitang tao lang.
It’s a pure and genuine smile.
Sinundan ko nalang ito ng tingin, hanggan mawala na ito. I shook my head many times, para mawala ang mga bumabagabag sa’kin. I decided to go where Calex is. Nakita ko itong naka sandal sa kotse n’ya at naka pikit habang naka hawak sa bridge ng ilong nito ang kanang kamay n’ya.
Ilang minuto ko na s’yang pinag mamasdan pero ‘di man lang n’ya ko naramdaman. Hinubad ko ang isang doll shoes ko at binato sa kanya...SAPOL!
"Fuck! Who did that?!" Galit n’yang sigaw na hawak-hawak ang noo nito.
"Tsk...hindi ka nag-iinangat. Kung masamang tao gumawa nun, siguradong patay kana ngayon!" Sabi ko at pinulot ang sapatos ko.
Pero sinamaan n’ya lang ako ng tingin. Kaya tinaasan ko s’ya ng kilay.
"What with the fiercing look? Wala akong ginagawa sayo, kaya wag mo ‘kong tignan ng ganyan!"
"Then what d’you call this?!" At galit na tinuro ang namumula n’yang noo or more likely to be called..bukol.
Nagkibit balikat lang ako at tinitigan s’yang mabuti bago magsalita.
"Ano bang kinagagalit mo? Sa’kin kaba talaga galit dahil sa ginawa ko or there is SOMEONE else?" Nakita ko nagulat s’ya sa sinabi ko, kaya nag salita ulit ako.
"What’s with the shocked expression? You know what, let’s go!"  At naglakad na ‘ko papuntang passenger’s side.
I know how to fake my feelings and emotions---and that is what I am doing right now. Hindi ko dapat ipahalata kay Calex na may laman ang sinasabi ko. Alam ko nakasunod s’ya ng tingin sa’kin pero pinabayaan ko nalang at una ng pumasok sa kotse.
"I-I’m sorry babe.." he said faltering ng maka upo na s’ya sa driver’s seat. "I didn’t mean to act to you----that way." He sadly said.
He lean on my side para abutin ang seat belt ko at ikabit ito. But then, he suddenly hug me na ikinagulat ko. He breath in deeply and let it out heavily. Nararamdaman kong may problema siyang dinadala at---
"No matter what---remember that I love you so badly." He gently whispered on my ear.
"Calex.."
"Please, remember that. Then promise not to leave me...p-please." Nagmamakaawa ang mata niyang tumingin sa’kin.
I’m not used to see him like this. I don’t know kung ano pinatunguhan ng pag-uusap nila. A part of me want’s to know what happened next to their conversation. But, the other part of me holds me back from knowing it.
"I wont. Wala naman akong rason para iwanan ka eh."
"Then what if...w-what if y-you have? Will...will you l-leave me?" Takot. Takot ang nakikita ko sa kanya ngayon----pero mas natatakot ako. Bumuntong hininga muna ako bago sumagot.
"Depende. Kung mababaw ang mga rason, then I wont. Pero kahit na mahirap, I’ll try to stay on your side. Lalo na’t alam ko na hahawakan mo ‘ko to get through it." I sincerely said, pero hindi ako sigurado sa mangyayari if umabot kami sa puntong ‘yun.
"I’ll hold you tight and that is the reason why I love you."
"I love you too. Tara na, baka ma huli na tayo sa libing."
Tumango lang s’ya at pilit na ngumiti sa’kin. Tapos nagsimula na itong mag drive palabas ng JMU. Tahimik lang kami buong byahe namin at nakakabinging katahimikan ang namagitan sa aming dalawa.
Naging maayos naman at matiwasay ang libing ni Robert. Hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon sina Keith, Marky at Ervic sa pagkamatay ni Robert. Parang natakot na daw silang pumunta sa locker nila sa gym. Habang naging tahimik lang sila Calex at Louise, maging si Issa at kiefer.
Nang matapos ang libing, umalis rin kami agad ni Calex. Papunta na kami ngayong main house. Calex has it’s own ring now para makapasok sa Sarttori mansion. It’s just a plain gold ring na may isang onyx stone kumbaga parang susi n’ya lang ito, no significant. Malayo pa naman ang byahe namin kaya naidlip na muna ako.
_____________
Nagising ako kasi naramdaman kong may pumipisil  sa kamay ko. Pagmulat ko si Calex kaagad ang nakita ko. Siya pala ang pumipisil sa kamay ko at nasa labas na ito ng kotse.
"Cal, kanina mo pa ba ako ginigising?"
"Nope, we just a arrived a minute ago."
Tumango lang ako sa kanya at inalalayan n’ya na akong lumabas. Pumasok rin naman kami agad sa loob. Pagdating namin sa may dining naabutan namin si Kuya na may kausap. Wala namang ibang nakakapasok rito maliban sa mga membro ng Sarttori, kaya sigurado akong membro namin ‘yan.
"Hey Rue-Rue, bro.." Agad na bati ni Kuya pagkakita sa amin at saka lumingot din ang kausap nito na ikinagulat naming pareho.
"What are you doing here?!" Sabay-sabay naming tanong nila Calex.
Anong ginagawa n’ya dito?
************

Komento sa Aklat (5)

  • avatar
    Jaira Heruela

    nice story

    09/08/2022

      0
  • avatar
    Francis Charles Espiritu

    uuuuuuuuuuuuuuu

    24/06/2022

      0
  • avatar
    Brian Mangoba

    nice

    21/06/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata