Chapter 21---The Threat ___________ Uriel/Steffany’s POV. Nandito ako ngayon sa bahay at inaayosan ako ni Max. I’m wearing a simple but elegant black dress na ‘yung skirt ay powder pink na pinatungan ng black tulle. ‘‘All done. For sure Fritz will be drooling when he sees you..haha.’’ Si Max at pinaharap ako sa salamin. I smile, light make up lang ang nilagay ni Max. Tapos she tied my hair into a clean pony tail. The simple it is, mas elegant daw tignan. ‘‘Here..’’ At inabot n’ya sa’kin ang isang pares ng black stilletos. ‘‘For me, you’ll always be the old Steffany I used to know. The girl that believes in fairytales, butterflies and—pink clouds of course and will always be my bestfriend. You’re so beautiful Steff.’’ Then she hug me from behind and rest her chin on my shoulder. Pareho na kami ngayong nakatingin sa salamin. ‘‘Ikaw rin Max, no matter what. You'll always be my bestfriend. Sana nandito rin si Elli.’’ ‘‘Yeah, I’m happy for you. Calex is still with you after all the trouble he been through. You’re one lucky girl..haha.’’ *knock, knock, knock* ‘‘Ate, ayan na sundo mo.’’ Si Kiefer na nakasuot ng red long sleeves. Red kasi ang theme ng christmas ball ng 1st year. Black naman sa 2nd year, kaya okay na itong suot ko. Basta may touch of black daw. White ang sa 3rd year at gold naman ang sa 4rth year. It will be all held sa RST-Sarttori hotel. Doon ng JMU nilagay para nasa isang lugar lang lahat ng estudyante at maaccommodate lahat ng estudyante. Magkaiba nga lang ng hall na gaganapan ang mga year levels. Kinuha ko na ang black clutch bag ko sa may kama at lumabas na ng kwarto, nakasunod naman si Max. ‘‘Wow, ang ganda-ganda naman ng anak ko.’’ Si Mama. ‘‘Halika nga dito anak.’’ Si Papa at inabot ang kamay sa’kin. Tinanggap ko naman ito. Nang nasa baba na ako dahan-dahan n’ya akong pinaikot. ‘‘Tama nga ang Mama mo, mas gumanda ka pa ngayon.’’ ‘‘Payakap nga anak.’’ Sabi ni Mama. Niyakap ko naman s’ya. Kahit hindi ko sila tunay na mga magulang maswerte ako sa kanila. Na-miss ko tuloy si Mommy. ‘‘Sige na anak, hinihintay kana ng sundo mo sa may labas. Ayaw na pumasok eh. Ang kapatid mo nauna na, susunduin pa daw ang date n’ya.’’ Sabi ni Papa. ‘‘Okay po, Max dito kana muna maghapunan bago ka umalis. Sige po Ma, Pa, alis na ‘ko.’’ Paalam ko at lumabas na. Nakita ko s’yang nakatayo sa tapat ng gate namin. He’s wearing a well ironed black suit. Nang malapit na ako, bigla s’yang humarap na nakangiti at inabot sa’kin ang bouquet ng red roses. ‘‘Thank’s Ethan.’’ At hinalikan ko s’ya sa pisngi. ‘‘Let’s go?’’ Tumango lang ako at tinanggap ang kamay n’ya tapos naglakad na kami patungo sa talyer. It’s Ethan Dale Mertinez ang date ko sa christmas ball. Hindi kasi pwede sila Cloud at Yce, maging si Kuya. Inaasikaso nila 'yung sa insidenting naganap. May binalita kasi ang isa sa mga foreshadows na dapat kaming mag-ingat. Ang mga foreshadows ay mga taga pagbalita ng mahahalagang impormasyon sa amin. ‘‘Hey, where here..get in.’’ binuksan ni Ethan ang passenger's seat ng sasakyan n'ya. Pumasok na ako at kinabit ang seat belt. Kinuwento ko kay Ethan ang mga detalye ng pagkatao ko bilang Uriel, hindi naman s’ya nagtanong pa. Tahimik lang kami habang nasa byahe. Maya-maya nakarating din kami sa hotel. Marami na ngang tao, seven kasi ang start ng party. Pinagbuksan ako ni Ethan ng pinto at inalalayan. ‘‘You’re so beautiful tonight Steff...ahem, Uriel.’’ Sabi n’ya na parang naiilang akong tawaging Uriel. ‘‘Binubola mo na naman ako Ethan eh!’’ Sabi ko at inirapan s’ya, that made him chuckled. ‘‘You know, hindi ako marunong mambola. I’m a person who avowed, even to my true feelings.’’ ‘‘Ethan, you know---’’ ‘‘Sshhh...I already know about that.’’ Then he smile at me, pero I saw sadness on it. Magsasalita pa sana ako kaso nagulat ako sa flash ng camera. I look around and see few reporters. Nakalimutan ko JMU is also a well known school, kaya malamang may iilang reporters to coverage the event. May nakikita rin akong iilang estudyante sa may entrance ng hotel, na nagbubulongan. ‘‘Good evening Mr. Mertinez. This is unexpected! You being here at JMU’s christmas ball, while Preswich University is also having their christmas ball as well. What brought you here?’’ Tanong ng isang reporter. ‘‘Date..’’ Maikling sagot ni Ethan at nagkibit balikat lang. ‘‘Ooh..I see. Being here is more important to you. I bet this beautiful lady with you is very important, is she your girlfriend?’’ Tanong naman ng isa pa. ‘‘Yes, she is. But sad to say, she’s not my girlfriend. How I wish she is. So, if you’ll excuse us.’’ At ngumiti ng malungkot si Ethan bago kami tuluyang pumasok. ‘‘Ethan..’’ ‘‘Don’t worry Steff.’’ At pinisil n’ya ang ilong ko, like he always do...that means he’s okay. ‘‘Pare diba si Uriel ‘yan? Mas gumanda pa s’ya ngayon.’’ ‘‘Oo nga, tyamba talaga si Montereal.’’ ‘‘I saw her before sa school with Blake, now si Ethan naman. Ang landi lang!’’ ‘‘Why is she with a Maven?’’ ‘‘Malamang, her date! Tanga!’’ Mga iilan lang yan sa bulungan na narinig ko, ewan kung bulungan pa tawag d’yan...dinig na dinig ko eh! Pero nakakatawa ‘yung pambabara ng isang babae sa kasama n’ya. Pfft.. ‘‘I knew you Steff, hindi ka naaapektohan n’yan, natutuwa ka pa nga.’’ Hindi ko pinansin ang sinabi ni Ethan at tumawa lang ng mahina. ‘‘Where here Sir, Maam. Enjoy your party.’’ Pagkasabi ng usherette umalis rin s’ya agad. Pumasok na kami ni Ethan sa loob ng hall na pinagdadausan ng 2nd year christmas ball. Tumambad sa’min ang eleganting pagkakaayos ng hall. Tumigil sila sa kanilang ginagawa pagpasok namin at tanging music lang ang maririnig. Bahala sila sa buhay nila! ‘‘Let’s go there, Ethan.’’ At hinatak ko na s’ya. ‘‘Hi, guys! I want you to meet Ethan.’’ ‘‘Ethan Dale Mertinez ng Mavens. Sinong hindi nakakakilala sa kanya.’’ Si Robert na pinutol ang sasabihin ko...remember him? ‘‘Yeah, uhmm...Ethan this is Robert and that is Fatima.’’ Pag papakilala ko, naki-pagkamay si Robert kay Ethan. While Fatima, nahihiyang tinangap ang kamay ni Ethan. You also remamber her? Fatty Fatima. Sila lang kasi naging ka close ko mula ng mag shift ako ng course. The party went well. We had our dinner and there’s also few presentations. Nagkukwentohan rin kami sa table namin, even though naiilang pa rin ang dalawa kay Ethan. ‘‘May I have this dance?’’ Si Ethan at nilahad ang kamay sa harap ko. ‘‘Ano kaba Ethan, of course you can. Guys iwan muna namin kayo huh.’’ Tumango lang si Robert at ngumiti si Fatima. Pumunta kami ni Ethan sa gitna, tamang-tama kakatapos lang ng isang kanta. Nilagay n’ya ang mga kamay ko sa balikat n’ya, then he put his hands on my waist. Then we gently dance to the song of Ed Sheeran. ‘‘Give me love...what a song!’’ ‘‘Hahaha..’’ Tinawanan ko lang si Ethan. ‘‘Uhmm...I’m sorry Ethan, sorry for causing you pain mula pa noon.’’ Mahina kong sabi. ‘‘You shouldn’t be. I choose to love you, even though I never had the slightest change to take your heart...even up to now.’’ ‘‘Ethan, you’re one of those important persons in my life. You’re a really good person and a friend—and I’m sorry. I know someday you’ll find your match. We both know life is full of disappointments and I’m really sorry to disappoint you.’’ Nakatingin lang ako ng diretso sa mata n’ya bago ko s’ya niyakap. I felt his arm wrapped around my back. Hindi lingid sa kaalaman ko na may nararamdaman sa’kin si Ethan. But that’s a different story to tell. Kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya at parang Kuya na rin. Then he suddenly kiss my forehead. ‘‘Right! Life is full of disappointments—and it always disappoints me.’’ At narinig ko s’yang tumawa ng payak. Naramdaman kong may nag vibrate sa clutch bag ko, hawak ko pala habang sumasayaw. Kumawala ako kay Ethan at kinuha ang cp ko...it’s Calex calling. Pumagilid muna kami ni Ethan bago ko sinagot. ‘‘Hello, Cal?’’ [Look to your right!] So I did. There I saw him and Issa na nag ha-hand gesture na, hala ka! [I’ll wait for you at the hotel’s foyer!] ‘‘Okay, I’ll be there.’’ Nakunot ang noo n’ya habang nakatingin sa’kin..particularly kay Ethan. ‘‘Uhmm..E-Ethan..’’ ‘‘You can go, it’s okay. Uuwi rin naman ako.’’ ‘‘But, gab-e na! You can stay here if you want.’’ Nag-aalalang sabi ko. He let out a deep sigh bago magsalita. ‘‘Okay, bukas na ‘ko babalik dahil alam ko naman na mag aalala ka. Now, tara na...someone’s waiting for you.’’ Tinitigan kong mabuti si Ethan, ang bitter kasi ng pagkakasabi n’ya ng ‘‘someone’s waiting for you.’’ at hindi naman ako tanga para ‘di mapansin ‘yun. ‘‘Ethan, I’m sorry.’’ He didn’t speak, pero pinisil n’ya ang ilong ko. Nagpaalam na kami kina Robert at Fatima, tapos lumabas na kami. Naabotan naming nakaupo si Calex sa couch, nakasandal ang ulo n’ya sa sandalan at nakapikit ito. ‘‘He’s in deep thoughts. I know him, he’s a Montereal. Maybe, he’s that special for you to like him. Kahit hindi mo pa sabihin I know there’s a red string that’s tie on each of your fingers that connecting you to each other. What a lucky guy, just like my best friend.’’ Ayun lang ang sinabi n’ya at tumungo na sa reception area para mag check in. ‘‘Hoy bruha! Ano ‘yun?’’ Tapos tinuro si Ethan. ‘‘Grabe ka! Ethan Dale Mertinez lang naman ang ka date. Tapos ang lolo mo, parang puputok na sa inis. Ikaw lang naman pinag-uusapan ng higit sa 3/4 na populasyon ng JMU. Dating the 3rd member of Mavens.’’ Masakit sa ulo na sabi ni Issa. ‘‘Bahala sila, wala akong pakialam. Naiingit lang sila!’’ At nilapitan ko si Calex. Yumuko ako at mabilis s’yang hinalikan. Nagulat ito sa ginawa ko kaya napabalikwas ito. Tumabi ako ng upo sa kanya. ‘‘He’s just my friend, same as Yce, nothing more.’’ ‘‘I trust you. But, I’m also a man and I know if a man like me felt something special towards a woman...more than friends. He LIKES you!’’ Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Calex maya-maya lumapit si Ethan. ‘‘Nice to meet you Montereal.’’ Then Ethan extend his arm na tinanggap rin naman ni Calex. ‘‘You too, Mertinez!’’ ‘‘Paano princess, una na ‘ko. Maaga pa ‘kong babyahe bukas.’’ Then he kissed my forehead. They used to call me princess noong bata pa kami...s’ya at si Frye. My name Steffany means ‘stefanos’ in greek word or ‘crown’.. ‘‘Wait..uhmm..E-Ethan, if it’s not too much to ask. Pwede ba tayong magpa-picture?’’ Nahihiyang tanong ni Issa. ‘‘Ah..sure?’’ Alanganing sagot ni Ethan. ‘‘Best, paki-kunan naman kami...pretty pleaseee.’’ At inabot ni Issa ang digital camera n’ya sabay beautiful eyes, kinuha ko nalang. Tumingin muna ako kay Calex, pero nag iwas lang ito ng tingin, selos na naman ito! ‘‘Okay, smile..1, 2, 3..’’ *click* Tapos binigay ko na ulit kay Issa. Umalis na rin si Ethan pagkatapos. ‘‘Uy, tumatawag na sundo ko, ayan na sa labas. Una na ako sa inyong dalawa..bye bes, bye Fritz.’’ Si Issa at umalis narin. ‘‘Lakad-lakad tayo Cal..’’ At hinatak ko na si Calex palabas. Hindi s’ya nagsasalita kaya dinala ko s’ya sa malapit na park dito. Umupo ako sa swing, habang s’ya nakatayo lang sa harap ko. Tumalikod s’ya sakin at tumingala sa langgit na puno ng bituin. Alam ko may bumabagabag kay Calex at hindi lang ‘yun tungkol kay Ethan. Tumayo ako, tapos ngumisi sa naisip kong gawin. Bigla akong tumalon sa likod n’ya. Muntik pa nga kaming matumba dahil hindi n’ya ‘yun inexpect. ‘‘What the fvck!’’ ‘‘Hahaha, language please. What’s bothering you Cal?’’ ‘‘Nothing, don’t mind me. Maybe I’m just too tired.’’ At inalalayan na akong bumaba mula sa likod n’ya. ‘‘You’re so beautiful tonight. How I wish to dance you.’’ ‘‘Eh? Pwede mo akong isayaw dito, pero wala naman tayong music.’’ Sabi ko. He just smiled and place my arms around his neck, then he wrap his arms on my waist. ‘‘Parang baliw tayo nito na sumasayaw ng walang tugtog.’’ ‘‘No we’re not..’’ Then he started to sing. He slowly sing the song of Faver Drive, if I’m right. Tonight a candle lights the room, Tonight it's only me and you, Your skin like gravity Is pulling every part of me, I fall, you and I collide What if I stay forever? What if there's no goodbye? Frozen for a moment here in time, Yeah, If you tell me the sky is falling, Or say that the stars collide, The only thing that matters in my life, Is you and I tonight... Then he hug me tight, may problema talaga ‘to. ‘‘Don’t leave me. No matter what, please don’t leave me.’’ Biglang sabi nito Kumawala ako sa yakap n’ya at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. ‘‘Ikaw nga, after what you found out ‘di mo ako iniwan. So, why would I leave you? Don’t worry because I wont..okay?’’ Ngumiti lang s’ya ng payak at niyakap ako muli ng mahigpit. May naramdaman akong kakaiba sa paligid..someone’s watching us. Hindi nga ako nagkamali. May naghagis ng dagger sa direksyon ni Calex. Bigla ko siyang inikot paalis sa pwesto n’ya. Nahagip pa ng dagger ang ibang hibla ng buhok ko at diretsong tumusok sa puno sa likod namin. Tumayo ako kaagad at kinuha ang dagger. Sa hindi kalayuan ay may nakita akong pigura na papaalis. I was about to run when Calex stop me. ‘‘Wait lang Cal, just stay here..babalik ako.’’ Sabi ko at hinubad ang pumps ko. Tumakbo ako ng mabilis sa direksyon na tinakbo ng pigura. Malayo-layo na s’ya sa’kin and base sa nakikita ko, he’s wearing a black suit. Nasa party rin s’ya? Or, nagkataon lang? Malabo ng maabutan ko pa s’ya, kaya huminto ako sa pagtakbo. Tinignan ko s’ya at itinaas ang braso ko. I release the dagger forcefully towards his direction. Malabong mapurohan ito, pero for sure matatamaan ko pa rin ito. The dagger grazed on the right part of his neck. Narinig ko pa nga s’ya sumigaw at muntik ng sumubsob, pero nagpatuloy pa rin ito sa pagtakbo. ‘‘Hey..’’ Si Calex na bitbit ang pumps ko at clutch bag at hingal na hingal ito. ‘‘Bakit mo ako sinundan? I told you to stay there! Paano pag napahamak ka? Based sa pag kakatapon ng dagger, patungo ito sa‘yo. Ikaw ang target, not me! Someone want’s you dead Cal. You must be cautious from now on!’’ At sino ang gustong pumatay kay Calex, I’m really sure, hindi ‘yun para sa’kin. Kung ako man ‘yun hindi ordinaryong killer ang ipapadala ng kalaban namin para patayin ako. Mukhang ordinaryong tao nga lang ‘yun. It only means, kay Calex talaga ‘yun. ‘‘You must also stop this deadly stunt of yours. You’re not yet well, look! The wound on your shoulder is bleeding. I don’t want something bad happened to you.’’ Parang inis na sabi ni Calex. ‘‘I’ll be fine, Cal. Now let’s go, baka may bumalik dito.’’ Sabi ko habang sinusuot ang sapatos ko. Bumalik na kami sa hotel, pero napapa-isip pa rin ako kong sino ‘yun, kung nanggaling din ba s’ya sa party. ……………………
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice story
09/08/2022
0uuuuuuuuuuuuuuu
24/06/2022
0nice
21/06/2022
0Tingnan Lahat