Chapter 42

"NO! I want everything to end now. Madali sa'yo na sabihin yan kasi wala sayong nawala, kasi ikaw ang pinagmulan ng lahat. Pero paano naman ako'ng naging biktima niyo simula pa lang sa umpisa? From the part that I'm still in my sanity until this part." Kailan ba mawawala ang sakit na ito? I woke up with a throbbing head pero malinaw pa rin sa akin ang nangyari kagabi. Gusto ko'ng puntahan agad si Grace at marinig mula sa kanya kung nagawa niya ba talaga sa akin iyon. Siya ang una ko'ng kaibigan, lahat ng problema ko sinasabi ko sa kanya. May mga bagay na kami kang talaga ang nagkakaintindihan, kaya hindi ko matanggap, paano niya magagawa iyon sa akin? "Hindi ko sinabi na samahan mo ako, kaya ko ang sarili ko." I told Hanz before he could even complain again.

"All right, I will let you."

"No one needs your permission."

Hindi ko na siya hinayaan pa’ng sumagot at inihanda ko ang aking sarili para sa panibagong sakit. Hindi ko na siguro kailangan pa'ng patagalin ito, isa'ng bagsakan na lang para sabay-sabay na yung sakit. There's a part of me that is hoping na sana mali sila, pero may malaking parte sa akin na nagsasabing I will be disappointed again and again.

Nasa harapan ako ng bahay nina Grace pero nawala ang lakas ng loob ko kanina na kausapin siya. Natatakot rin pala ako sa possiblity, na yung taong pinagkatiwalaan ko sa lahat ay isa rin sa dudurog sa akin.

"Oh Elisa, bakit ka nandito?" Umangat ang tingin ko sa Nanay ni Grace, ngumiti ako dito nang matipid bilang pagbati. "Si Grace ba?" Tumango ako nang matipid bilang pagsang-ayon. "Naku! Maaga umalis si Grace. Hindi ko r—ay ayan na pala siya. Grace! Halika dito, hinahanap ka ni Elisa." Nakita ko ang mabilis na pamumutla ng mukha ni Grace pero agad niya rin binago ang kanyang ekspresyon. Nagpaalam na rin ang kanyang ina dahil may pupuntahan pa rin daw ito.

"Sa may tabing-dagat tayo?" Parang handa siya sa mangyayari, samantalang ako ay halos mawalan pa rin ng hininga sa bawat sakit. Paano nila nagagawang maging kalmado?

Nakaupo kami sa ilalim ng punong niyog, ang katahimikan na namamayani sa pagitan namin ang mas nagbibigay bigat sa loob ko. Parang yung katahimikan na ang naging sagot niya, na kahit wala siyang sabihin ay naiparating niya rin agad sa akin.

"Si Duke? Nakilala ko siya dahil sa'yo. Oo mas nauna ko siyang nakilala sa mukha, pero mas nakilala ko siya ng buo noong dumating ka sa Isla. Halos hindi ka na nga niya lubayan, at dahil magkaibigan tayo eh halos lagi ko na rin siyang nakakasama." Grace started the story, and I have no idea kung bakit si Duke ang topic niya. "Alam ko namang may gusto siya sa'yo, kasi sino ba ang wala? Ikaw si Elisa, maganda,mabait, at matalino. Pero paano yun kung gusto ko rin si Duke? Nagsimula na ako'ng magkaroon ng inggit sa'yo nang dumating si Hanz. Lahat na lang kasi sa'yo napupunta, pinilit ko'ng ilayo ang isip kay Duke pero hindi ko maiwasan na baka may pag-asa pa ako kasi ramdam ko'ng may gusto ka kay Hanz." Mahina siyang tumawa habang umiiyak.

"So, ang dakilang kaibigan ay kinuha ang opportunity nang mapagkamalan siya ni Duke na ang best friend niya. Yung unang gabing pagkakamali para sa kanya ay naulit pa nang naulit. Hanggang sa mas lumalim pa yung nararamdaman ko sa kanya pero nanatili pa rin ako'ng pampalipas-oras lang. Ikaw pa rin eh, ikaw pa rin ang takbuhan niya." Akala ko ay sakit na lang pero wala na ako'ng luha, iba pa rin pala talaga kapag importante sa'yo ang gumawa ng kasalanan. Naiintindihan ko na kung bakit bigla na lang parang lumayo ang loob niya sa akin, akala ko ay busy lang siya sa trabaho. "Nagmakaawa ako kay Duke, sabi ko pa nga ay kaya kita'ng palitan sa puso niya. At kung gusto niya ay hihigitan rin kita, nakakatawa lang. Sinira ko ang lahat ng meron tayo para sa taong sinisira lang rin ako. Pero alam mo yung mas masakit? Yung hindi ko pa rin siya kayang iwanan, at kapag kinailangan niya ang katawan ko kahit pa pangalan mo ang binabanggit niya eh okay lang rin sa akin."

"Tama na. Naiintindihan ko na ku—"

"Hindi mo naiintindihan." Nagulat ako nang bigla na lang siyang sumigaw pero ang mga luha niya ay sunod-sunod pa rin ang pagpatak. Parehas nanlalabo ang paningin namin pero mas pinili pa rin ni Grace ipagpatuloy ang kwento. "Hindi mo naiintindihan kasi ikaw yung gusto nila, kasi ikaw yung pinipili. Hindi mo kahit kailan maiintindihan kasi si Elisa ka at si Grace lang ako, mananatili ako'ng anino at panakip-butas. Nang sabihin sa akin ni Duke na huwag ko'ng ipaalam sa'yo kung paanong binangga ni Madam Hilda ang Nanay mo, agad ako'ng sumang-ayon. Walang pagdadalawang isip kasi baka iyon ang maging daan para hindi ako iwan ni Duke." Hindi ko na kaya pang makinig sa sinasabi niya kaya pinili ko na lamang tumayo. Agad ko'ng pinunasan ang luha ko dahil hindi niya deserve na iyakan.

Humarap ako kay Grace ng may simpleng ngiti. "Hindi ko inakala na pati ikaw ay sisirain ako. Sabi ko pa sa'yo para na talaga tayong magkapatid, halos lahat ng tungkol sa akin ay alam mo na rin. Nakakatawa nga Grace, kasi yung pinagsamahan natin ay madali mo lang ibinasura para sa lalaking gusto ka lang manipulahin." Nakita ko ang galit sa mata niya dahil sa sinabi ko.

"Handa ako'ng magpa-manipula sa kanya kung ako pa rin naman at ako ang pupuntahan niya tuwing gabi."

"Pero paano sa umaga? Paano sa paglipas ng araw? Ang pangmatagalan nating pagkakaibigan ay handa mo'ng ipagpalit sa panandalian niyang kagustuhan." Inalis ko ang ilang natitirang luha bago tumalikod. "Sana ay piliin ka niya para naman hindi nasayang ang sakripisyo mo." Umalis na ako at hindi na binalak pa'ng lumingon sa kanya. Rinig na rinig ko ang iyak ni Grace pero ang sakit ay ramdam na ramdam ko sa loob ko.

Pwede pala talaga iyon, ang mga taong malapit sa'yo ang mas sisira sa sarili mo. Walang kapatawaran ang nangyari kaya kahit habang-buhay ko pa'ng itanim ang galit sa loob ko ay gagawin ko.

Nakarating ako sa bahay nang hindi ko naiintindihan, sinalubong rin ako ni Hanz pero mas pinili ko na lang na hindi siya pansinin.

"I'm doing my best to gather some evidences para makasuhan sina Hilda. I will not let that pass Elisa, hayaan mo'ng tulungan kita kahit doon lang." Hanz helped me with everything at ang pag intindi sa kaso ni Nanay ay napakalaking tulong para sa akin. I don't want to oppose what he said since I will also seek justice for Nanay. Hindi ko hahayaan na manatili siya sa labas habang si Nanay ay nasa ilalim na ng lupa. "Ang sabi ay nahuli raw ni Madam Hilda sina Gov at ang Nanay mo kaya hindi na ito nakapag isip pa nang maayos. Sinadya niyang banggain ang Nanay mo at takbuhan pagkatapos nang nangyari."

"Kabit nga siya ni Gov pero wala pa rin silang karapatan na gawin iyon sa kanya dahil dalawa sila ni Governor gumawa ng kasalanan na iyon. Bakit si Nanay lang ang nagdusa?"

"Naisip ko rin sana if gusto mo, sa Manila muna tayo. Ako na ang bahalang gumawa ng paraan para sa kaso ng Nanay mo, pero sa Manila muna tayo tumira para makalayo ka na rin sa kanila. You will always remember what happened kung mananatili ka dito sa Isla."

Hanz has a point, lahat nang nasa paligid ko ay ipapaalala sa akin ang nangyari. But am I ready to move out? Ang alaala nina Nanay at Tatay ay nandito sa Isla, hindi ko kaya'ng umalis nang hindi sila naiisip.

"Not because I'm your wife and they are not my biological parents, ay basta na lang ako aalis."

"But you will not forget them. You just need to freshen your mind and lumayo sa mga taong itinuring mo'ng kaibigan. Manila will welcome you, nandon sina Mom and Dad at ang Daddy mo. Baka-sakaling gumising na siya kapag ikaw mismo ang dumalaw sa kanya." Parang natulala ako sa sinabi ni Hanz, naalala ko ang kwento ni Agatha na lagi niyang dinadalaw ang ama ni Brie kasi comatose ito. At baka kapag si Brie ang dumalaw sa kanya ay gigising siya. Why did I even forgot na may ama pa rin si Brie? Maybe I will have some of my memories kung kasama ko ang mga tao sa buhay ni Brie.

"All right, just promise me Hanz, promise me that Madam Hilda will be behind bars."

Hanz kissed my forehead as he said, "I will destroy them for you, I promise"

Komento sa Aklat (59)

  • avatar
    Dandrei Espiritu

    maganda

    03/10/2025

      0
  • avatar
    Adelino Matalubos Guion

    magandang kwento

    13/04/2025

      0
  • avatar
    Sanchez corralMaryjoy

    the story releted

    29/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata