"Ayaw mo?" Turo nito sa inihiwalay ko'ng butter shrimp. "Gusto ko yung itsura, nakakatamam, pero allergy kasi ako sa hipon." "Uy kain na." Mahina ko'ng binangga ng balikat ko ang balikat niya para bumalik siya sa sarili. "Sorry, may naalala lang." For sure si Brie ang naalala niya. Siya lang naman lagi ang naalala nila sa mga action ko. Siguro ay ayaw niya na rin pahabain pa ang usapan kaya hindi na siya nagsalita pa ulit. "Ayy." Napatayo ako sa gulat ng may bumuhos na tubig sa katabi ko'ng participants. Masyadong marami at malakas ang impact noon kaya nabasa rin ako pero mas basa yung katabi ko, nagmukha na siyang naligo. "Sorry po! Sorry po" Mukhang nataranta naman si Ate na server kasi hindi niya alam kung ano ang gagawin. Pupunasan niya sana yung katabi ko pero bigla rin siyang yumuko para limutin ang mga nabasag. Nalito na siya sa mga uunahin. "It's okay, medyo madulas ang sahig dito kaya I understand." Sagot ni Leonard, nabasa ko lang sa name plate niya. Lahat kasi kami ay may name plate at under nito ang region namin at syempre candidate number. "Can you accommodate them sa restroom and kwarto na naka-assign sa kanila para makapagpalit si Mr. Castro." Narinig ko namang sabi ni Mrs. Crawford sa katabi niyang assistant rin ata, ang daming staff ng Academy na ito. Nang malinis na ang pwesto namin ay bumalik na ang lahat sa pagkain pero hindi pa rin ako komportableng gumalaw kasi basa yung palda ko. Nahihiya naman ako'ng abalahin sila habang kumakain. "Are you okay?" "Hindi eh, basa yung palda ko." Tiningnan naman niya yung suot ko'ng palda tapos bigla siyang nag excuse. "Yes, Ms. De Guzman?" Napatingin na rin sa kanya pati ang mga head ng Academy at Dean from other region. "Can I excuse Ms. Soriano here? Kailangan niya rin kasi magpalit." Agad namang lumipat sa akin ang tingin ng mga head pati na rin ni Mrs. Crawford. "Ms. Soriano?" Alangan pa nitong tanong na para bang ayaw rin maniwala. "Yes po, nabasa po kasi ako kanina nang matapon ang tubig kay Mr. Castro." Hindi pa rin ito makapagsalita at nakatingin lang sa akin habang nakakunot ang noo. "You remind me of someo—okay, you may go. Alam na naman ni Ms. De Guzman ang room niyo dito." May sasabihin pa sana si Mrs. Crawford pero nginitian na lamang kami nito at pinayagan lumabas. Nagpaalam muna ako kay Dean bago umalis. Mayroon pa naman kaming 3 hours to prepare kasi 8:00 a.m pa lang naman. Around 3:00 a.m rin kami umalis sa Sta. Ana kasi matagal yung oras para sa byahe, medyo kulang pa rin ako sa tulog kaya kailangan ko rin siguro ng at least 1 hour rest. "Dito ang room natin at ito'ng katabing kwarto naman ang kay Dean at sa dalawang professors pa natin na kasama." Inilibot ko agad ang paningin ko sa kwarto, malaki siya at kumpleto ang gamit. Para na rin ito'ng hotel kasi ang gaganda ng mga gamit at provided rin nila kahit sabon at shampoo para sa mga participants. "Dito ka na magpalit." Sinilip ko naman ang itinuro nito sa akin at halos hindi ko matapakan ang sinasabi niyang C.R. Malaki pa ito sa bahay namin at mas kumpleto rin yung mga kagamitan dito. Hindi ko na nga halos alam ang tawag sa iba't ibang mukhang faucet na nakasabit. Pagpasok ko ay nagpalit na rin ako agad, magpapaalam ako kay Agatha kung pwede ako'ng matulog kahit isang oras lang. Lumabas na ako'ng suot ang casual clothes ko, magpapalit na lang ulit ako ng uniform kapag lalabas na ako. "Nasa kabilang kwarto na ang mga prof, lalabas lang ako saglit para tingnan ang area for competition. Pwede kang magpahinga muna since we still have hours para mag rest." Buti naman at hindi ko na kailangan pa'ng magtanong. "If you need anything lalo na at related sa event, don't hesitate to call Dean or the other professors." Tumango na lamang ako sa mga paalala ni Agatha kahit halos wala na ako'ng maintindihan sa sobrang antok. "Mukhang pagod na pagod ka nga. Matulog ka na at ako na ang bahalang mag alarm ng 1 and a half hour for you." ••• Hindi ko alam kung saan naman ang punta namin ngayon. Nang magising kasi ako ay niyaya na ako ni Agatha bumaba. Dumaan kami sa pagitan ng field at isang college building. Maliit na daan lang siya pero nang makarating kami sa likuran ay malalawak na building pa ang nandoon. "Ito ang stadium ng Academy, dito gaganapin ang competition niyo. Dala mo na ba lahat ng kailangan?" Tumango lang ako dito at inilibot pa ang tingin sa paligid. "Good. Once we are inside, hindi na tayo pwedeng mag excuse kahit pa naiihi ka na. If feeling mo kailangan mo mag c.r, gawin mo na ngayon." "Okay na po ako, we can already go inside para mas ma-familiarize ako sa mga kasamahan at kailangang gawin sa loob." Sagot ko na lamang kay Agatha. Wala naman ako'ng nararamdaman na kakaiba or nananakit sa katawan ko kaya alam ko'ng pwede na ako pumasok sa loob. Medyo nakakakaba pero mas lamang na yung excitement na nararamdaman ko ngayon. Pagpasok namin ay mukhang maliligaw pa ata ako sa sobrang lawak. Kung hindi ko kasama si Agatha ay siguradong hindi ko alam kung paano lalakad sa gitna ng stadium mag isa. May mga pagitan na banner ang bawat region sa kanilang mga area at may 3 sets of chair kada pagitan, and every set ay may tatlong upuan rin. Sa gitna naman ay may 20 barriers na naka-circular and may nakalagay rin na white board with marker. Malayo ang bawat pagitan kaya imposibleng may mag gayahan. "Goodluck Region IV-B." Narinig ko'ng bati sa akin ng katabing Region, binati ko naman ito pabalik at nginitian. At least, welcoming yung ambiance ng mga kasali. "Umupo ka muna Ms. Soriano. May kalahating oras pa tayo para mag focus sa competition." "Yes po Ma'am, kaya ko po ito." Para kasing mas kinakabahan pa sa akin si Dean, medyo nakakaawa yung alanganin niyang mukha. "Hindi talaga kami nagkamali na piliin ka. You have a great confidence and alam rin namin na easy lang sa'yo ang competition na ito." "Syempre po, si Elisa pa ba. Everytime tutulungan ko siya mag review sa library ay parang mas magaling pa talaga siya sa akin. Natural na yung pagiging magaling niya." Bigla namang sumingit si Agatha sa usapan. Ayaw ko magyabang pero I'm always proud of myself kapag palagi ako'ng nakakarinig ng praises and kapag on top ako sa klase. Para kasing normal na sa akin yung ganoong experience kaya kapag bumaba ang grades ko, feeling ko I lost something important. I will strive hard again para bawiin yung bumaba ko'ng score sa quizzes and even it was not recorded ay hindi pa rin ako mapakali. I hate that I love this attitude I have. "20 minutes before we start." Malakas na sabi galing sa speaker, tingin ko ay si Mrs. Crawford iyon kasi kaboses niya. Malapit na mag start kaya umupo na ako sa pwesto ko at huminga ng malalim bago pumikit. 'Focus, Elisa' pagkausap ko sa aking sarili. Ilang minuto rin ako'ng nasa ganoong posisyon nang malakas ulit umugong ang speaker. "10 minutes." Maikling sabi nito na mukhang naging hudyat na para mas kabahan ang iba'ng participants. Ang ilan kasi ay dali-dali nang naglabas ng mg notes nila, siguro ay learning strategy. Para sa akin ay mas makaka-focus ako sa pagsagot at mas madaling maiisip kung ano ang isasagot kapag hindi na ako nag review ilang oras bago ang test. I just need to relax my mind. Halos lahat ay sabay-sabay tumingin sa sa upper right ng stadium nang may magsalita ulit na last 3 minutes na lang. Makikita doon ang black electronic board kung saan nagsisimula ang 3 minutes count down. Mahigpit na hinawakan ni Dean at Agatha ang aking kamay, siguro ay para mas palakasin pa ang loob ko. "Good day, participants from the 20 areas, and to your respective mentor. The Deltran Academy is delighted to host another competition and participants from your University who are undoubtedly outstanding. This is not the first time that the tournament has been conducted at our Academy, but it is the first time that we have representatives from 20 different areas. We barely had 15-17 representatives in the last tournament. This year, one region will reign, three regions will also have titles, but all of you were already intelligence title holders." Lahat ay malakas na pumalakpak para sa masiglang pagbati ng lalaking naka-tuxedo. Hindi pa siya nagpapakilala pero I know na mataas rin yung posisyon niya sa paaralan na ito. "I'd want to introduce myself so as not to prolong the introduction and pleasant greetings. My name is Mr. Haxon Cruz, and I am the President of this University." Muling nagpalakpakan ang lahat at natahimik nang magsalita ito muli. "Everyone in the region can now stand in your respective area." Hinawakan pa muli nang mahigpit ni Agatha ang aking kamay bago ako tumayo at pumunta sa respective barrier ko. I will win this, that's a promise.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
maganda
03/10/2025
0magandang kwento
13/04/2025
0the story releted
29/11/2024
0Tingnan Lahat