I don't want to back out pero pakiramdam ko ay naiihi na ako sa kaba. Sabi ni Dean ay hintayin lang muna namin nang konting oras ang bus na sasakyan papunta sa Manila but I'm thankful na sobrang tagal nito. Ilang Linggo namin pinaghadaan ang competition and then nang nasa mismong araw na ay saka pa ata mawawala ang confidence ko. "Relax Elisa, we are well prepared." Pagpapagaan ng loob sa akin ni Ms. De Guzman. She's right, we are prepared for this competition kaya wala ako'ng dapat ikabahala. "Yes po, medyo kinakabahan lang since malaki po'ng competition ito." Iyon nga lang ba ang dahilan? Tama na ang pagiging gaga Elisa. Malawak ang Manila para magkita kami at isa pa ay sa school ang punta ko hindi gagala. Saway ko sa isip ko. "Alam ko namang mananalo ka, over 20 regions na kasali ay paniguradong champion ka." Na-boost naman ang confidence ko sa sinabi niya and at the same time mas na-pressure. They are expecting more from me kaya ibibigay ko ang most, greater that what they expected. Kailangan ko'ng mag focus at i-clear lang ang isip ko, hindi na dapat ako maghawak pa ng notes para hindi ako mas mapressure pa. "Aja." Nag act pa ako ng aja or 'fighting'. Ilang minuto lang rin at dumating na ang bus na sasakyan namin. Nasa loob na ang ilang professor habang ang kasama ko naman na papasok pa lang ay si Dean at Ms. De Guzman. Sa may bintana ako umupo para makita ko ang magagandang tanawin ng Sta. Ana. Kilala rin kasi dito ang mahabang palayan na nagsusupply sa iba't ibang lalawigan sa Pilipinas. Ilang oras na lang at competition na, gagawin ko'ng inspirasyon si Nanay at ang mga itinuring ko'ng kaibigan. Pati na rin ang Unibersidad at ang mga professor na tumulong sa akin. Malaking opportunity sa akin ang pagsali sa mga competition in the near future at mas malaking opportunity kung makakapag uwi ako ng karangalan. Hindi ko na namalayan na nakatulugan ko na ang pag iisip at panonood sa mga dinaraanan namin. Nagising lamang ako nang tapikin ni Ms. De Guzman ang balikat ko at sinabing nakarating na kami. Hinintay lang namin i-park ang bus sa parking area ng mga kasamahan namin. Pagbaba ko ay hindi ko mapigilan na humanga sa ganda ng school na ito, para siyang castle at hindi paaralan. "Welcome to Deltran Academy, participants." Pagbati sa amin ng isang lalaking naka-tux. Ang sosyal naman ng assistant, ang ganda rin ng suot. Sobrang pamilyar ng 'Deltran Academy', parang bawat area na tingnan ko ay may memories ako pero hindi ko na naman maalala. May apat na floor sa aming harapan na naka-curve, sa kabila naman ay malawak na field para sa mga player. May mga daan rin sa bawat pagitan na siguro ay para sa iba't ibang area pa ng Academy na ito. Hindi ko pa rin alam kung saan gaganapin ang competition. "Sobrang ganda." Hindi ko na napigilan pang sabihin, sobrang ganda naman kasi talaga. Narinig ko ang mahinang tawa ni Ms. De Guzman. Nakakahiya at nagmukha pa ata ako'ng probinsyana na ngayon lang nakapunta sa City. "This is our alma mater and everytime I'm here, I will have the same reaction with yours. Maganda talaga ang Academy na ito at maraming pwedeng tambayan, but I don't know what's with Brie kasi library lang ata ang alam niyang lugar dito kahit pa dito na kami nag aaral since kinder." Natawa na lang rin ako sa sinabi niya. Don't we have differences? Library lang rin kasi ang favorite ko'ng tambayan. "Sigurado rin po ako na kung ano ang iginanda nito ay siya namang iminahal ng tuition." "I don't want to talk about that." Tawang-tawa kami sa sagot niya. Baka kulang pa ang sampung taon na sweldo ko sa cafe para makapagtapos ako dito kahit 2 years lang. "At saka huwag ka na ngang mag 'po', matatapos na rin naman ang pagiging mentor ko sa'yo and for sure magkalapit lang rin ang age natin. We can act casual or as a friend. You can call me Agatha then I'll call you Elisa." Ang bait niya, may mga genuine rin talagang mayayaman. Hindi katulad nang parents ng fiance ni Ella, maganda lang ang buhay ay napaka-matapobre na. "Sige ba, Agatha." She hugs me kaya niyakap ko rin siya pabalik, parang yakap ng isang kapatid. "Ms. Soriano, 11:00 a.m pa ang simula ng first round for competition, sa cafeteria muna tayo ng Academy kasi may inihanda raw silang sabay-sabay na breakfast para sa lahat." May biglang dumating na shuttle at nakita ko'ng sumakay ang mga professors. Doon ba kami sasakay papunta sa cafeteria? "Sakay na Elisa, ilang minuto ang layo ng cafeteria sa pwesto natin kaya may sumundong shuttle." Seriously? Hindi na ako magtataka kung ito ang pinakamayamang school sa buong Pilipinas. "Starstruck ka ha." Pagbibiro sa akin ni Agatha. "Sobra. Parang bawal ata ang mahirap dito, at kung makakapasok man ang mahirap ay kailangan maganda man lang o matalino." Exaggerated ko'ng sagot dito. Walang kapintasan ang school ng Deltran at halos wala pa ata sa 1/4 ng laki nito ang University of Sta. Ana. Pagpasok namin sa cafeteria ay gusto ko na agad lumabas, ang daming tao. Para ito'ng mall pero walang escalator —elevator meron. Hindi na kailangan pa'ng lumabas kasi sa mga stall pa lang dito ay kumpleto na. Dalawang floor ang meron at yung taas niya ay may nakalagay na malaking tarpaulin, 'Write your bright future', which is obviously stall ng mga school supplies. Kung dito ako pumapasok, for sure hindi na lang library ang tatambayan ko. "Galaw Elisa, nandoon na sila sa upuan." Medyo napahiya pa ako nang mapansin na ako na lang pala ang nakatayo at lahat ay may kanya-kanyang upuan. Nakakahiya ang pagiging mangmang ko sa magagandang bagay. " —ful that everyone arrived here safe." Hindi ko na nasimulan ang sinasabi ng may edad na babae kasi matagal nga ako'ng nakatayo kanina. "We are already grateful and congratulating the over 20 areas and 20 students who qualified to be one of our participants for your early achievement. Regardless of the various difficulties and obstacles, I believe everyone is hungry to win and will give it their all for this competition. Nonetheless, I know that whether you win the award or not, you are the best at the end of this." Nagpalakpakan naman kaming lahat sa kanyang sinabi. Tama siya, manalo man o matalo ay kami pa rin ang best para sa lahat. Nakasali kami dito kasi we are ranking on top sa program ng University na pinanggalingan namin. But still, I will do my best para may maiuwing title. "Siya ang head master ng Academy, si Mrs. Crawford." Narinig ko'ng bulong ni Agatha. Ang taray naman talaga ng school na ito at may head master. Ibig-sabihin ay bukod pa kay Mrs. Crawford ay mayroon rin President at owner ng Deltran Academy. "We can now begin eating, and you can have anything you want since you deserve it for all of your hard work." Nakaka-touch ang nga words ni Mrs. Crawford, obvious na gusto niyang mas palakasin lang loob namin para sa gaganapin mamaya. Nagsimula na kaming buksan ang mga naka-serve sa tapat namin at bukod pa dito ay may mga nakahain rin sa table. I have here an almost 2 cups of rice, soup, and butter shrimp? Hindi ko alam kung soup ba ito pero mukha siyang soup. Buti na lang at nasa side yung shrimp kaya madali ko'ng maaalis sa plato ko, kinuha ko na lang ang pork na nasa isang bowl. Napansin ko ang kakaibang tingin sa akin ni Agatha. Ano'ng problema niya?
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
maganda
03/10/2025
0magandang kwento
13/04/2025
0the story releted
29/11/2024
0Tingnan Lahat