Chapter 23

"Nay, saan po ito galing?" Tanong ko kay Nanay dahil inabutan niya ako bigla ng sampung-libo. Masyado ito'ng malaki lalo pa at alam ko na walang trabaho si Nanay. Ayaw ko siyang pagdudahan pero nagtataka na talaga ako dahil bigla niya ako'ng binibigyan ng pera para sa kuryente at pagkain.
"Istupida” Mahina ako’ng dumaing nang hampasin niya ang aking braso. Huwag sanang magpasa ito, pero siguradong mapula na iyon dahil ang sakit. "Bakit mo ba kailangan pa'ng kwestyunin ang pagbibigay ko? Hindi porket nagtatrabaho at nag aaral ka ay may karapatan ka’ng magtanong nang magtanong sa mga ginagawa ko."
"Hindi naman po sa ganoon, Nay."
"Tumahimik ka nga Elisa, kaya ko'ng magbayad dito sa kuryente natin. Kung nagrereklamo ka dahil kailangan mo pa na magtrabaho at umuwi nang ganitong oras, edi tumigil ka na." Kitang-kita ko na naman ang galit niyang mukha, sana pala ay hindi na lang ako nagtanong. Nagtataka lang kasi talaga ako kaya hindi ko na napigilan. Nakalimutan ko rin na mainit ang dugo niya sa akin.
"Hindi po. Kumain na po kayo, matutulog na ako." Pagtatapos ko sa usapan namin para hindi na humaba pa. Sa pagtagal nang usapan ay sa pagtindi ng inis niya sa akin panigurado.
Sinubukan ako'ng kausapin ni Hanz kanina pero umiwas ako. Ayaw ko nang magkaroon pa nang ugnayan sa kaniya, hindi ko alam kung ano talaga ang motibo niya pero sigurado ako'ng hindi ko ikakagaling iyon. Ruth may have him if that's what they want; I admire him but have no plans to pursue him further.
Kinabukasan ay around 10:00 a.m na ako dumating sa University, 1 hour class lang kasi ang meron ako. After that, I have 2 hours review with Ms. De Guzman. Dali-dali pa ako'ng umakyat sa 3rd floor kasi 10:00 a m mismo ang simula ng klase tapos 10:00 a.m na nasa gate pa lang ako.
"Hi Elisa!" Bati sa akin ng isang junior. Binati ko lang ito pabalik bago nagpatuloy sa pag akyat. Kilala niya siguro ako dahil sa pagsali ko sa mga contest, I don't want to brag pero kilala na ako ng ilan dito sa University dahil ako madalas ang panlaban ng program sa mga competition. Nang makarating sa tapat ng pinto ay huminga muna ako nang malalim dahil hinihingal pa ako. After some seconds ay kumatok na ako ng three times, which is a must.
"Good morning, Ma'am. Sorry po if I am late." Gusto ko'ng mapapadyak dahil hindi ko naisip na si Ruth ang professor namin ngayon, kung minamalas nga naman. Tinaasan ako ng kilay nito at ngumiti nang mapang-uyam.
"I thought you're 'Almighty Elisa', marunong ka rin palang ma-late?"
"Nahirapan po kasi ako'ng sumakay ng bangka kaya na-late ako." Walang mga bangka kanina sa pier. Akala ko pa ay walang babyahe dahil kahit isa ay walang nakapila.
"Is that my fault?"
"No, Ma'am. It was no one fault."
"Not even yours?" Papapasukin niya ba ako o magtatanungan lang kami dito?
"Not even mine, Ma'am." Diretso ko'ng sagot dito. Gusto niya atang sisihin ko ang sarili ko, bagay nga sila ni Hanz. Somehow it's my responsibility kaya ako na-late, but I already explained my reason kaya hindi ko ma-gets ang point niya. If that was unacceptable for her, edi okay.
"For a student, you have a sharp tongue towards your professor Ms. Soriano."
"I'm sorry if you felt that way, but it was not my intention. I apologized for being late and explained why, so I guess that's valid. If it is not for you, you may absent me from your class for the day. I'll take it; you don't need to raise issues, Ma'am." Magalang na sabi ko dito at biglang nagpalakpakan ang mga kaklase ko. Mga gago talaga, natawa na lang ako sa isip ko.
"That's our great Elisa." Sigaw pa ng iba. Nakita ko namang mas nanlisik ang mata ni Ruth, buti nga sa kanya, balak pa ata ako ipahiya sa klase.
"You can get in." Pagpasok ko ay nag-apir pa sa akin ang iba ko'ng kaklase.
"All of you, shut up!" Nawala na ata ang poise ni Ruth dahil sa nangyari. Nag thank you naman ako kanina bago pumasok para di niya isipin na wala ako’ng manners. Tumahimik naman ang mga kaklase ko at nagpatuloy na si Ma'am sa pagtuturo, pero bago iyon ay tiningnan niya muna ako ng masama. After ng klase niya ay diretso nang umalis ang mga kaklase ko. Halos lahat kasi kami ay wala ng next class habang ang iba naman ay may klase pa sa 4th floor.
"You're maybe the class choice but never been Hanz."
"Ikaw lang naman ang may gusto ng atensyon ni Hanz, masyado kang namamalimos." Wala nang klase kaya hindi niya ako matatarayan. Akala niya ata ay porke’t nasa University kami ay hindi ko papatulan ang mga sinasabi niya.
"Bwisit ka talaga. At least, akin siya."
"Sa'yo na, ikaw lang naman ata ang may gusto tapos nakikipagtalo ka pa." Hindi ko na siya hinayaan pa'ng sumagot at umalis na ako. Rinig ko pa ang pagpadyak ni Ruth, napaka-immature.
Nang makarating ako sa library ay wala pa si Ms. De Guzman kaya naman naglabas na lang ulit ako ng notes at nag aral muna. Next week na ang quiz at kailangan ko'ng makapag-aral nang maayos, I can't disappoint the professors lalo na si Dean. Kung hindi man ako ang mag-champion, at least I need to be in the 1st, 2nd or 3rd runner-up. Yung achievements ko ang isa sa motivation ko para magpatuloy sa pag-aaral. I can use that as an ace para makakuha nang mas maganda at mataas na posisyon sa trabaho. I am studying hard para matulungan si Nanay at makabawi sa paghihirap nila sa akin ni Tatay. She is maybe hard on me pero ayos lang iyon dahil binuhay pa rin nila ako kahit hindi naman nila ako totoong anak.
Natanaw ko nang papasok si Ms. De Guzman kaya nginitian ko ito agad nang mapatingin sa pwesto ko. "Kanina ka pa ba?" Tanong nito sa akin nang makalapit, agad naman niyang inilabas ang libro at umupo.
"Hindi po, halos ilang minuto lang rin bago kayo dumating."
"You look so sad. Iba ang itsura ng mga mata mo." Obvious ba or she's a psychometrician kaya madali sa kanyang i-analyze ang basic emotions ng tao? "Pasensya ka na ha, napansin ko lang but you don't need to answer that." Sabi pa nito ulit nang hindi ako sumagot.
"Okay lang po, you are really devoted po sa pinili niyong profession." Ngumiti lang ito at nagsimula na kaming mag review.
"You must focus also sa mga neurotransmitters like dopamine, oxytocin and so on." Nakikinig lang ako sa mga advices niya then tine-take note ko rin. She experienced this quiz bee kaya kailangan ko'ng magtiwala sa kanya. "Si Sigmund Freud and Karl Rogers ay palaging kasali, also some philosophers like Plato, Aristotle, and Socrates." They are included sa minor subject ko when I was in 1st year, sa Understanding the Self. Buti na lang at may book pa ako non, I will also browse in the internet.
"Noted for that po. Pwede ko rin po bang hiramin yung mga quizzes na tinake ko para gawing reviewer?" Tapos ko na kasi sagutan yung mga ginawa niyang quizzes and thankful naman ako na 5 mistakes lang over almost 500 questions. I'm giving all of my efforts here, hopefully talaga ay may achievement ako'ng maiuwi.
"Of course, pero baka by next day ko maibigay kasi naiwan ko sa Manila nang umuwi kami ni Hanz." Nasa Manila si Hanz? Napansin niya ata ang pagkunot ng noo ko kaya nagsalita ulit siya. "Hindi mo alam na umuwi na si Hanz?" Umiling lang ako kasi hindi ko naman talaga alam.
"Akala ko ay nagpaalam siya nang maayos sa'yo kasi sabi ko ay baka isipin mo na after niyang malaman ang results ay bigla na lang siyang mawawala kung hindi man lang siya magpapaalam." At alam na rin nila ang result? Mas lalong kumunot ang noo ko at itinikom ko pa ang aking kamay, naiinis ako.
"Wait, so hindi niya rin sinabi sa'yo ang result? He's the worse, kaya siya iniiwan kasi selfish talaga siya. The result came out before yesterday and it was negative. Hindi rin ako makapaniwala noong una but it was the result of science. Kahit sina Tito at Tita ay ayaw rin maniwala kasi sobrang gaan ng loob nila sa'yo and there are similarities, walang differences." Kaya pala hindi niya na ako sinundo para gawing date sa party kasi same day rin dumating ang result, and it was negative. Sana sinabi niya man lang para hindi ako nag expect. He can't just dumped me nang malaman niyang hindi pala ako ang hinahanap niya.

Komento sa Aklat (59)

  • avatar
    Dandrei Espiritu

    maganda

    03/10/2025

      0
  • avatar
    Adelino Matalubos Guion

    magandang kwento

    13/04/2025

      0
  • avatar
    Sanchez corralMaryjoy

    the story releted

    29/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata